c h a p t e r 26
At 'yon nga ang ginawa ko. Nagsuot ako ng damit na hindi masyadong revealing nang sa ganoon ay hindi maulit sa dati ang nangyari. Nagsuot ako ng pulang dress na halos tube pero may see-though lace sa itaas na umaabot hanggang sa kalagitnaan ng cleavage. Ang haba naman ng dress ay three-inches above the knee at nagsuot ako ng black na heels.
This time, alam ko nang hindi revealing ito dahil natatakpan naman ng see-through na tela ang cleavage ko. Nag-apply rin ako ng light na makeup at red lips na bumagay sa damit na suot ko at nilagyan ng isang kumikinang na clip ang buhok kong kinulot sa dulo.
Bumaba ako nang kinatok ako ni Mama dahil sinabing nasa baba na raw si Rafael. Pagkababa ko ay nakita ko siyang naka-navy blue long sleeve polo and pants. Tumayo siya mula sa couch nang makita niyang pababa na ako ng hagdan. Ngumiti ako nang makita ko ang nanlalaki niyang mga mata.
"You're so gorgeous, daughter," nakangiting bati sa akin ni Mama. "Hindi mo ba kasama si Austin?"
Umiling ako. "Hindi ko na po ipinaalam sa kan'ya dahil KJ 'yon. Sinabi ko na lang na may pupuntahan akong birthday ng classmate ko."
Tumango at ngumiti si Mama sa akin. "Enjoy the night, dear. Drink moderately, okay? As much as possible, umuwi nang maaga."
Tumango ako. "Yes, Ma. Thank you!"
Lumapit ako kay Rafael at humawak sa braso niya. "You are damn gorgeous, Vani."
Ngumiti ako. "Thank you."
Nagpaalam na kami kay Mama at Papa bago lumabas ng bahay. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat at pinasakay bago siya pumasok sa driver's seat para mag-drive.
"Saan bang bar?" tanong ko.
"The same bar we first saw each other again. TJC57."
Ngumuso ako. "Ang layo. 'Di ba p'wedeng sa Pluto69 na lang? Mas malapit pa."
Umiling siya. "TJC57 is one of the prestigious bar here. 'Yon ang favourite bar niya. Para sa kan'ya, doon lang siya magiging masaya kapag nagba-bar. Ewan ko ba sa babaeng 'yon."
"Bakit naman kasi kailangan mong iwan ngayon 'yong babaeng 'yon at bakit kailangang idamay mo pa ako?"
Ngumisi siya. "It's my fourth attempt on breaking up with her. The first three attempts were failed. Ayaw niya akong bitiwan dahil wala siyang ibang nakikitang dahilan para bitawan ko siya."
"Ano ba kasi ang sinasabi mong dahilan?"
"The same reason na narinig mo noong nakikipag-break ako sa girlfriend ko noong high school. Well, yes. I am a jerk for making her believe that I really like her. That's why I courted her before. I always told her how much I love her when in fact, another girl was on my mind while saying that."
Napailing na lang ako. "Bakit hindi mo na lang sabihin na may iba ka nang mahal para naman hindi siya masyadong masira? Be gentleman, at least. Break it to her gently, hindi 'yong wasak na nga siya na iiwan mo na siya, mas wawasakin mo pa siya dahil sa dahilan mo." Pumalatak ako bilang sign na disappointed ako sa kan'ya.
"What do you want me to do, then? Tell her lies? And for your information, Vanessa, I already told her that. That's why I am bringing you with me."
Napairap ako. "Tss! Bakit ba kasi ako pa? Ang dami-dami mo namang friends na babaeng kayang sakyan 'yang kalokohan mo."
Ngumisi siya ulit habang nagdi-drive. "Because I want to."
"And what if I get in trouble because of that girl?!"
He looked at me. "Don't worry. I won't let anyone hurt you. You'll be protected 24/7 after this. Trust me on this one," he said then he winked at me.
After almost one hour, nakarating kami sa TJC57. Mabilis kaming pinapasok nang makita ng bouncer si Rafael. Nag-salute ito sa kan'ya na tinanguan naman ni Rafael. Habang papasok kami doon, sinabi niya na huwag kong tatanggalin ang pagkapit ko sa braso niya para malaman ng lahat ng nakakakilala sa girlfriend niyang si Xyra na totoong girlfriend niya ako . . . na hindi lang palabas ang lahat ng ito.
Huminto kami sa isang couch na pabilog at nakita ang mga pamilyar na lalaking nakaupo roon but this time, hindi nila kasama sila James at Louella. I wonder why.
Wait, bakit ba ako nagtataka? Sigurado namang nagpapakasaya sila ngayon sa sarili nilang mundo. I almost chuckled at that thought.
And as usual, may mga kasama ulit silang babae. Lahat sila, tig-iisa. Nagbigay sila ng espasyo para sa aming dalawa ni Rafael. In-offer-an ulit agad ako ni Ivan ng isang shot ng Jack Danie'ls na malugod ko namang tinanggap.
"So . . . are you two, now . . . officially dating?" nag-aalangang tanong ni Ivan matapos kong inumin ang ibinigay niya.
Sasagot na sana ako ng hindi dahil sa pagkakaalam ko ay sa kaibigan lang ni Xyra kami aarte, pero bigla niya akong inakbayan at inilapit sa kan'ya. "Yes, we are. Finally."
He kissed my cheek. Pinandilatan ko siya ng mata.
"What? Paano si Xyra? 'Di ba kayo pa?" tanong ni RJ.
He sighed as he rolled his eyes.
"Dude, alam mo namang noon pa ako nakikipaghiwalay doon. And she will never be enough reason for me to stop from dating this lovely girl."
Val laughed. "I'm so excited to finally see the reaction of that desperate woman." He drinks his shot of Whiskey. "I mean, she's pretty, hot and all, she can absolutely find another man after you. Why still chase kung ayaw na sa kan'ya ng lalaki, hindi ba?" Umiling siya.
"That's why I can't like her even a bit. Damn that girl, she embarrassed the hell out of me."
Nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan tungkol kay Xyra habang ako ay tahimik na nakikinig sa kanila at paminsan-minsang sumasagot kapag tinatanong nila. Nakakatatlong shot pa lang ako nang hilahin na ako patayo ni Rafael dahil nakita na raw niya si Xyra.
Pumunta kami sa gitna ng dance floor at nakita ko ang babaeng kamukha ng babaeng nasa picture na ipinakita sa akin ni Rafael. She's dancing wildly–this must be really her. Nang makita niya si Rafael ay tumigil siya sa pagsayaw at ngumiti rito. Pero nawala ang ngiti niya nang makitang kasama ako nito.
"Rafael . . . I-I'm glad to see you again but . . ." Tumingin siya sa akin. "Who is she?"
"She's my girlfriend."
Mabilis na nangilid ang luha niya at lumapit sa akin. "How dare you steal him away from me?" Sinampal niya ako nang malakas na nagpagulat sa akin pero hindi ko ipinahalata. Mabilis akong inilagay ni Rafael sa likod niya. "Malandi ka!"
Ang ibang nasa dance floor ay nanonood sa amin habang ang iba naman ay patuloy sa pagsayaw.
"Don't you dare fucking touch her ever again, Xyra!" maawtoridad na sabi ni Rafael na siyang nakapagpatigil dito.
She sobbed. "B-But—"
"I told you before that we're fucking over, why can't you understand that?! I'm so tired of you so will you please, leave us alone?"
Gusto kong matuwa sa pagtatanggol sa akin ni Rafael pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang ginawang pagsampal sa akin ng babaeng 'yon. This is the first time someone dared to hurt me. Dati kasi, walang nagtatangka dahil takot sila kay Austin. Pero ngayon, nangyari na.
I mean, I get that she hated me because of what Rafael did. Pero hindi ko naman p'wedeng sabihin na ginamit lang din ako dito!
Hindi ko na masiyadong naintindihan ang mga sinasabi nila dahil sa ingay ng lugar, pero nakita ko na lang na umiiyak si Xyra bago tuluyang nag-walkout.
Lumingon sa akin si Rafael at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Are you alright?"
Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakayuko . . . ngunit nagulat ako nang niyakap niya ako.
"I'm really sorry. I didn't know that she'll do that to you quickly. I wasn't able to stop her. I'm so sorry."
I nodded slightly. "I . . . I'm fine."
Kumalas siya sa yakap at sinabing bumalik muna kami sa table namin. We have lots of time to enjoy the night and we shouldn't let Xyra ruined it. Kakalimutan ko na lang since alam kong nasaktan siya kaya nagawa niya 'yon.
Nagkukwentuhan kami ni Rafael habang umiinom. Kaming dalawa na lang kasi ulit ang natira dito dahil umalis na ulit ang mga kasama namin. I don't know why this night, I became more comfortable with Rafael. He really seems nice. I don't see him as the bad guy that much anymore. Maybe we really reacted exaggeratedly before. Baka nga normal na lang ang mga tulad niya sa panahon ngayon.
Naramdaman ko nang tinamaan na talaga ako ng alak nang nagiging sobrang madaldal na ako at tawa ako nang tawa sa mga sinasabi niya kahit na 'di ko naman maintindihan kung ano ang nakakatawa sa mga sinasabi niya.
"What? I'm telling the truth, Vani. Don't laugh at me."
"You really are attracted to me to go that far, huh? Stalking me? Really, Raf?" I laughed again.
"I fucking really am. And you don't know how attracted I am even more with you tonight. I told you, don't be too gorgeous."
Uminom ako ng isang shot ng alak na nadampot ko sa table at pagkatapos ay sinagot ko ang huling sinabi niya.
"I am born this way, Raf. I can't be any less gorgeous just because you want me to. I am naturally gorgeous." I winked.
I don't know if it's because of the party lights or I really did see his ears turn red. I suddenly feel his hands on my legs. I looked at it and felt that he's pressing it lightly. Huh? This guy is really hitting on me.
Hindi ko na lang 'yon pinansin at tiningnan siya at saka nginitian. "Let's dance!"
Tumayo ako at hinila siya papunta sa gitna ng dance floor. I danced to the beat of music while the smoke filled the whole area. I am enjoying this night. I really learned to love partying!
Mas naging gusto ko pa sa bar when I turned 18 last July because my Mama and Papa no longer gave me their curfew hour. They said that it's time for me to enjoy my own life without restrictions. Maybe it's the right time for me to go on my own journey, they said.
Later on, while dancing, I felt Raf's hands on my waist. I looked at him and laughed for the reason that I don't even know. I put my hands on his nape then we danced together.
"Am I just drunk or you really are becoming more and more attractive to my eyes?" I said.
Ngumiti siya. "I'm not really sure about that, though." He chuckled, then became serious again. "But you know what I am really sure of?" I did not answer. My smile just remained on my lips. "I am damn attracted to you, and it makes me like you more and more."
Ngumisi ako sa sinabi niya. "Why? Do you find me beautiful?"
"You are way better than that."
I chuckled. "I'm hot, then."
"Yes. You are." Tumawa na lang ako sa sinabi niya dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko. And it feels like my whole world is spinning! "Are you flirting with me, Vanessa?" may paghahamon sa tono ng sabi niya.
"I'm not really sure though, but . . ." Nakita kong napatigil siya sa sinabi ko at parang hinintay ang susunod kong sasabihin. "What if I am?"
Ngumisi siya. "You won't like it if you saw my real way of flirting with you."
I smirked back at him. "Try me, then."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top