c h a p t e r 25

    

When weekend came, maghapon lang akong nagkulong sa kwarto. I suddenly missed my life before, noong high school pa lang ako. Noong mga panahong KDrama is my life pa ako, ang dali lang ng buhay ko. Simple lang . . . hindi ganito.

Nakakawalong episode na ako ng Descendants of the Sun nang may biglaang pumasok sa kwarto ko. Tiningnan ko lang siya sandali bago ibinalik ang tingin ko sa laptop ko.

"Ano na naman 'yang pinapanood mo?" tanong ni Austin bago humiga sa tabi ko. Tiningnan niya rin ang laptop na nasa ibabaw ng tiyan ko. "So . . . you're back, huh?" nakangisi niyang sabi.

Bahagya akong tumawa. "Na-miss ko 'yung ganito, e."

"Ako rin naman, na-miss ko 'yung Vanessa na maraming kalokohan at adik sa Korean Drama. Buti naman at nagbalik ka na."

Nagkibit ako ng balikat. "I need a break with my awesome life. Masyado na akong stressed out." I heaved a sigh.

"I am, too."

Tumingin ako sa kan'ya at nakitang seryoso siya. "Why?"

Nagkibit din siya ng balikat pero nanatiling nakatuon ang atensiyon sa laptop ko. "Stressed sa acads, sa buhay . . . sa buhay pag-ibig...buhay—"

"Okay! Okay, stop na! Hanggang d'yan ka na lang."

Kumunot ang noo niya. "Bakit? May nasabi ba akong—" Tumawa siya nang malakas nang ma-realize kung ano ang sinabi ko. "Hindi 'yon, okay?" Muli siyang humagalpak ng tawa. "It's been more than two weeks since I stopped that." Namula siya sa katatawa habang umiiling.

"Ewan ko sa 'yo."

"Pero seryoso, ayoko na munang kumuha ng fuck buddy. Kahit kasi paanong iwas ko na hindi sila ma-fall sa akin, wala, e. Ganoon pa rin. They always end up getting hurt when I asked them to stop what's going on between us."

"It's because women are more sensitive than men."

"Yes. And one more reason . . ." Nagtaas ako ng kilay na nagtatanong sa sinasabi niya. "Ang gwapo ko." Sinampal ko siya sa kakapalan ng mukha niya pero tinawanan niya naman ako. "Ano? Totoo naman, e!"

"Tigas ng mukha mo! Lumayas ka na nga dito, 'di ko na naintindihan ang pinapanood ko!"

Tiningnan niya ako nang masama habang pumapalatak. "Tsk, tsk, tsk. Pinagpapalit mo na ako sa mga oppa mo, ah?"

"Aba, talaga!" Pinisil niya ang ilong ko at muli kaming bumalik sa pagiging seryoso habang nanonood ng DOTS. "Pero alam mo kung anong lesson ang makukuha mo dito sa KDrama na 'to?"

"What?"

"Love means looking for time to be with the person you love. Kahit gaano ka-busy, kahit gaano karami ang ginagawa nila because being a soldier and a doctor was never easy, maghahanap ka pa rin ng oras para makasama mo ang taong mahal mo. Kahit na madaming hindrances because of the tight schedules and unexpected duties, maghahanap ka pa rin ng oras para makasama mo siya."

Muli akong tumingin sa kan'ya at nakitang nakatingin lang siya sa akin habang nagpapaliwanag ako. Mabilis niyang ibinalik ang paningin niya sa laptop ko nang makitang nakatingin ako sa kan'ya.

"Pero . . . 'di ba, sa pagiging kaunti ng oras, madalas, hindi tayo nakokontento? Kasi siyempre, kung ako ang lalaki at ikaw ang babae, I want to always see you . . . at least 24 hours every day." Natawa kaming pareho sa sinabi niya. "And for me, just an hour with you was never enough. I want to always be at your side." Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya gamit ang seryosong tono. Bigla ay ngumiti siya. "Kung ikaw ang babae at ako ang lalaki."

Nag-iwas ako ng tingin at ngumiti. "Ano ba ang gusto mo? Makita at makasama siya sandali o hindi na lang since hindi ka naman kontento sa oras na maipagkakaloob sa inyong dalawa?"

Hindi siya sumagot. Napabuntonghininga ako saka ngumiti.

"Ako, siguro, makokontento na muna ako sa ngayon. Kasi alam ko naman na darating 'yung time na magiging sapat na 'yung oras para sa aming dalawa. Na . . . siguro, sa ngayon, busy pa. Pero kapag lumipas na ang mga panahon, magiging okay na rin. I can't explain everything I am feeling inside but you know? I'm just going to wait for the time that we will be together with no limited hours."

Ngumiti siya sa akin. "I would love that, too."

***

Few weeks have passed and every weekend, kapag wala akong gawain na kailangan sa school ay puro KDrama lang ang inaatupag ko. It's good to be back. Ang sarap lang sa pakiramdam na kahit papaano, nawawala sa isip ko ang mga dapat kong isipin ngayon.

Way back, my life revolves around school and watching KDrama, pero ngayon, may mga problema na akong hindi ko naman p'wedeng i-share basta. This problem needs my own ways for it to be solved.

Bakit naman kasi kailangang makompirma ko pa ang totoong nararamdaman ko para kay Austin, eh 'di sana maayos pa rin ang pamumuhay ko ngayon.

"What's keeping you so busy, Vani?" tanong ni Rafael ngayong magkasama na naman kami sa library.

I wonder, does the Political Science students aren't that busy para samahan ako niya palagi? He should be doing some of his school work at times like this.

Nagkibit-balikat ako. "Nothing? I'm just watching KDramas. That's all."

"That's why I can't contact you?"

Hiningi niya kasi number ko noong minsan para daw kapag gusto niya ng kasama sa mga pupuntahan niya, matatawagan niya ako, at kapag kailangan ko naman daw ng tulong isang tawag ko lang sa kan'ya ay nandoon na siya.

"So . . . pinagpapalit mo na ako sa mga pinapanood mo?" malungkot ang tono na sabi niya.

I laughed. "Of course! I love my oppas."

Kumunot ang noo niya. "What the heck is oppa?"

Hindi ko na napigilan ang matawa ulit sa tanong niya. "Oppa ang tawag sa mga kuya ng babae. 'Yun din ang kadalasang tawag sa mga gwapong artista sa Korea."

Ngumiti siya at pumangalumbaba habang nakatingin ng diretso sa akin. "Can I be your oppa, then?"

Humagalpak ulit ako ng tawa, dahilan para sawayin kami ng librarian. "No, way. Kuya, p'wede."

"Tss. Anyway, are you free this weekend?" tanong niya. "Or Friday night, at least?"

Pumangalumbaba ako at nag-isip. Ano ba mga gagawin ko sa weekends? "Hmmm . . ." Ahh! "Wala akong pasok every Friday. And, busy ako sa mga oppa ko every weekend." I laughed.

"You're free, then. Your oppas can wait. I'll call you on Saturday night, okay lang? And I'll fetch you. Just tell me your exact address."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Saan naman tayo pupunta?"

"Bar." He winked.

"What? Ayoko, sawa na ako."

"I won't take no for an answer, Madison. Just . . . wear something not revealing so . . . I can control myself."

Umiling ako. "Ayoko nga, nagsasawa na ako. At ano ba ang gagawin natin doon, Rafael?"

Buntonghininga siya. "I'll be dumping my girlfriend. She's a toxic to me."

Tumawa ako na para bang hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi niya. "And you'll use me?"

"Yes, because I know soon that you will use me, too."

Hindi rin naman ako makapaniwala talaga sa lalaking ito.

"I am not that kind of person, Rafael. I'm not a user."

Nagbuntonghininga siya. "You can say that for now but we can't say what will happen in the future. May mga pagkakataon kasing kailangan mong gawin ang mga bagay na hindi naman dapat gawin. That's exactly what happened between my parents. I am not sure what will happen to you in the near future but I know that you'll need me soon, as much as I need you now."

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kinabahan ako sa sinabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko . . . kinakabahan nga ba ako? For what? And why? There's nothing to be nervous about.

Nagbuntonghininga ako bilang pagsuko. Maybe he's right. Papayag na lang ako ngayon, tutal, ngayon lang naman.

"Okay, but . . . why bar, anyway?"

"That's our meeting place. Always."

"And what do you want me to do?"

Ngumisi siya sa tanong ko. "Just act sweet . . . and pretend that you love me, too."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top