c h a p t e r 17

Since that day, ramdam ko ang pag-iwas sa akin ni Austin. Kahit na madalas, sinusundo niya ako sa classroom para ihatid sa dorm ko sa tuwing matatapos ang klase ko, sa tuwing sabay kaming kumakain ng lunch, ramdam na ramdam ko ang pag-iwas niya.
Hindi ko naman siya masisisi dahil kahit naman ako ay na-o-awkward kapag nakikita ko siya. Naaalala ko kasi 'yong nangyari sa aming dalawa.
"Hi, pretty!" nakangiting bati sa akin ni Rafael pagkalabas ko sa sa building ng dormitory namin. Hindi kasi ako sinundo ni Austin para ihatid. "Good morning!"
"Good morning din," walang ganang bati ko sa kan'ya.
Naglakad na ako papunta sa first class ko; sumabay naman siya sa akin. "Alam mo, ako lang ba ang nakakahalata or nag-i-imagine lang ako?" Hindi ako sumagot sa tanong niya dahil wala talaga akong ganang makipag-usap sa kan'ya kahit na araw-araw niya akong binubulabog. "It's been more than a month. Nag-iiwasan ba kayo ng best friend mo?"
Nagbuntonghininga ako bago humarap sa kan'ya. "Will you please don't say anything about that issue, Rafael?"
Ngumisi siya. "I don't know if it's just me, but I find it really sexy every time you call me by my name."
Napailing na lang ako bago itinuloy ang paglalakad. Muli ay sinabayan niya ulit ako. "Did he say that he loves you and you rejected him?"
"Shut up."
"Sabi ko na nga ba, e!" He laughed. "So, what are your—"
"Tigilan mo siya, Gonzales."
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang walang emosyon ng boses ni Austin. Lumingon ako sa likod ko at nakita kong nakatingin siya ng masama kay Rafael. Mahigpit rin ang pagkakakuyom ng mga kamao niya.
"Austin . . ."
I almost cried when I saw him now. Why does it feel like it's been so long since I saw him even though we see each other everyday? Parang ang layo-layo niya sa akin.
Mabilis siyang lumapit sa akin at hinila ako sa palapulsuhan ko papunta sa likod niya.
Rafael laughed in disbelief. "What the fuck is your problem, dude? I'm just talking to her."
Austin's jaw clenched. "You're not just talking to her, Rafael. You are trying to get her."
Sumilay ang nakakainis na ngisi sa labi ni Rafael. "And what's your problem with that, Johnson? Don't act like you're the boyfriend."
Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya napadaing ako sa sakit. "A-Austin . . ."
"Layuan mo siya, Rafael. Hindi ako makakapayag na makuha mo siya sa akin. She's mine."
Humagalpak ng tawa si Rafael na parang ang sinabi ni Austin ang pinakanakakatawang joke na narinig niya sa buong buhay niya.
"She's . . . she's what? Are you even sane, Austin?" Muli ay humagalpak siya ng tawa. "She's never yours, Austin. At kahit kailan, hinding-hindi siya magiging sa 'yo!"
Nakita ko ang pekeng ngisi na sumilay sa labi ni Austin. "From the moment I laid my eyes on her, I marked her as mine, Rafael. And I swear she will be totally mine when the time comes."
Sumeryoso ang mukha ni Rafael kasabay ng pag-igting ng panga, ngunit maya-maya lang ay ngumising muli. "She was once yours the night that you laid her in bed, but it doesn't mean that she will be yours forever."
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang sabihin 'yon ni Rafael. Paano niya nalaman ang tungkol doon? Shit!
"You were surprised because I knew about that, right? I have my ways, Austin. I have my ways," he said in his most irritating voice.
Binitiwan ako ni Austin at mabilis siyang lumapit kay Rafael para suntukin. Napasinghap ako sa nakitang nangyari. Maging ang ibang estudyanteng nagdadaan dito ay nagulat sa biglaang pagsuntok ni Austin kay Rafael. Akala ko hanggang doon na lang pero bigla ring sinuntok ni Rafael si Austin, dahilan para mapasigaw ako.
"Austin!" Mabilis akong tumakbo doon para awatin sila. Susuntukin sana ulit ni Austin si Rafael pero mabilis ko siyang pinigilan. "Tama na, Austin! Tara na!"
Hinila ko na siya palayo sa lugar na 'yon dahil marami na ang nakakakita sa nangyari. Pero hindi pa man din kami nakakalayo doon, sumigaw na si Rafael.
"Austin, remember this! I will get her, I promise!"
Humalakhak pa siya matapos sabihin 'yon. Naramdaman ko na kumuyom muli ang mga kamao niya, pero pinigilan ko lang.
"Tama na, Austin!"
Nagbuntonghininga na lang siya bago muling nagpatianod sa akin.
Nang tuluyan na kaming nakalayo doon, huminto na ako sa paglalakad. Nakita kong dumugo ang gilid ng labi niya dahil sa suntok ni Rafael. Mabilis ko itong pinunasan gamit ang panyo ko. Tumulo ang mga luha ko nang mapagtantong kasalanan ko ang lahat ng 'to.
"Stop," he said.
I shook my head. "Y-You're bleeding."
"I'm fine."
Umiling ulit ako at ipinagpatuloy ang pagpunas ng dugo sa gilid ng labi niya. Kasalanan ko ang lahat ng 'to, e. Pinagpatuloy ko pa rin ang pagpunas sa gilid ng labi niya, pero hinawakan niya ang kamay ko para pigilan.
"I said stop. I'm fine, Vani. And stop crying."
Tiningnan ko siya nang masama. "Nasasaktan ka nang dahil sa akin. You always get in trouble because of me. Do you think it's fine?" Umiling ako. "It's not, Austin. Dahil sa tuwing nasasaktan ka nang ganito, palagi kong naalala ang nangyari noong high school tayo."
Austin looked away at the mention of that.
"Muntik ka nilang mapatay dahil sa pagkakabugbog and you can't blame me if I reacted this way with that small wound at the side of your lip! You can't blame me because I'm scared and worried that it might happen again! You can't blame me for blaming myself because I know that it's all my fault!"
He pulled me into a hug after I said those words. I was shocked but then, seconds later, I found myself feeling the comfort I didn't felt the past four weeks.
"Stop it. Stop saying those words, I am tired of it. I don't want to hear you--blaming yourself--for what happened before. When I told you that I was born to protect you, it means protecting you by all means, and I didn't regret everything I did even up to this day. Stop blaming yourself because I am entitled to protect you when you get into trouble. Stop, okay?"
Mas lalo akong naiyak sa mga sinabi niya. How can he say those words to me when all I could do was to involve him in trouble? How can he be this sweet friend, when all I could do was to hurt him?
"I'm sorry if I'm always making you worry. But I assure you, I'm fine. I am always fine, seeing you fine. I will always be fine if you always stay by my side." Kumalas siya sa yakap at pinunasan ang mga luha ko. "Are you alright? Nasaktan ka ba kanina?" he said in a worried tone.
I nodded. "I am perfectly fine. I was not the one who was punched, Austin so stop asking me that. I should be that one asking you if you're alright."
He laughed before hugging me again. "I am sorry for keeping my distance from you, Vanessa. I promise I will never keep you away from me ever again. I promise to stay beside you always. Okay?"
I nodded in response.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top