c h a p t e r 16
Bandang 5:00 a.m. nang magising akong masakit ang ulo, pati na ang buong katawan ko. And the middle of my legs is sore. Ang sakit.
Napatingin ako sa katabi ko at nakita ko si Austin na mahigpit na nakayakap sa akin. Bigla kong naalala ang lahat ng nangyari kagabi. Mabilis na tumulo nang sunod-sunod ang mga luha ko.
Mali 'yon! Mali ang ginawa namin kagabi! We're too young to do that, at mag-best friend kami! Best friends do not fuck each other and I feel like shit because we already did it. For fuck's sake, I just turned 18 last month!
Sana mas pinag-isipan ko. Sana mas pinag-isipan namin. I know that we are both very drunk last night pero hindi pa rin namin dapat ginawa 'yon! Sobrang mali lang talaga. Ngayon, hindi ko na alam kung paano haharap sa kan'ya dahil alam ko sa sarili ko mismo na nagbigay rin ako ng motibong gusto ko.
Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko bago dahan-dahang tinanggal ang mga braso niyang mahigpit na nakayakap sa akin. He seemed very tired kaya alam kong hindi siya basta-basta magigising.
Nang makatayo ako ay nakita ko ang buong hubad na katawan ko. Mabilis kong hinanap ang mga damit ko at nakitang punit ang see-though kong damit. Now, paano ako makakauwi?
Naghanap ako ng extrang damit sa closet ng guest room at nang makakita ng isang t-shirt na sakto lang sa akin ito, kinuha ko kaagad 'yon. Isinuot ko ang mga underwear ko pati ang suot ko kagabing maikling maong shorts, tapos ay sinuot ko ang puting t-shirt na nakuha ko sa closet. Umalis ako ng bahay at nagmadaling umuwi sa bahay namin. Mabilis akong pumasok sa kwarto ko at pumunta sa CR para maligo.
Babalik ako ng maaga sa dorm. Austin and I shouldn't see each other today. I need to think about everything that happened last night. We need to think about everything.
Habang naliligo, hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari sa amin ni Austin kagabi. Ginusto ko 'yon, alam ko, kaya wala akong karapatang magalit sa kan'ya. Nagagalit ako sa sarili ko dahil bakit hindi ko napigilan? Bakit hindi ako nag-isip nang maigi? Isang malaking desisyon ang ginawa namin kagabi!
Paano kung mabuntis ako? Anong mangyayari sa akin? Sigurado akong magagalit sa akin ang mga magulang ko, or worst, itakwil nila ako!
But there's still part in my heart that I don't regret what we did last night. Doon ko napatunayan kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa kan'ya. Akala ko, best friend lang ang tingin ko sa kan'ya, pero hindi . . . hindi pala.
Mahal ko siya. Mahal ko si Austin higit pa sa pagkakaibigang mayroon kaming dalawa. Ngayon ko lang napagtanto ang lahat kung bakit kahit kailan, hindi ako na-attract sa iba.
Hindi ko man lang nalaman kaagad. Hindi ko rin nasabi kahit na ilang beses niyang sinabi sa akin kagabi na mahal niya ako.
Wala akong nasabi ang tungkol do'n . . . at wala nang dahilan para sabihin ko pa sa kan'ya itong nararamdaman ko.
Nang matapos akong maligo, nagbihis na ako ng pants at t-shirt saka kumuha ng damit na dadalhin ko sa dorm. Iniwan ko na rin ang mga damit kong marumi na dapat ay palalabhan ko ngayon.
Bandang 6:00 a.m. ay nagpahatid na ako sa school para makauwi na sa dorm. Tinanong pa ng driver namin kung 'di ko ba kasabay si Austin, pero sinabi kong hindi na dahil kailangan kong umuwi doon nang maaga.
Pagkarating ko sa dorm namin ni Louella, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko silang dalawa ni James na magkatabing nakahiga sa kama niya, parehong nakahubad. Napabalikwas sila mula sa pagkakahiga dahil sa biglaang pagbukas ko ng pintuan. Pawis na pawis pa rin sila at halata mong pagod sila habang nakatingin sila pareho sa akin. Parang sumabak sa gyera kagabi. Kumot lang ang nakatakip sa katawan nilang dalawa.
"Ang aga mo naman!" nagpa-panic na sabi ni Louella. "Akala ko kung sino na. Kinabahan ako!"
Mabilis na nagpunta sa CR si James para siguro maligo at magbihis. Hindi pa rin ako makapagsalita sa nakita dahil bigla ko na namang naalala ang nangyari kagabi.
"Sorry . . . n-nakita mo pa tuloy," sabi niya habang nagbibihis sa harap ko. "Ang aga mo naman kasing umuwi, 'di ko expected." Tumawa siya nang peke.
Ngumiti ako at ibinaba ang mga gamit ko sa kama. "Okay lang. Kwarto mo rin naman 'to kaya p'wede mong gawin kahit ano."
After few minutes, lumabas na ng CR si James at nagpaalam sa aming dalawa. "Babe, alis na ako, ha? Vanessa." Tinanguan niya lang ako at ganoon rin ang ginawa ko. He kissed Louella before he left.
"So . . ." panimula niya.
"Hmm?"
"Okay lang sa 'yo na nakita mo kaming . . . ganoon?"
Bakas na bakas sa boses niya ang awkwardness, at hindi ko mapigilang matawa. First time ko makita ang side na ganito ni Louella na nahihiya.
"Oo naman! I'm not a saint, okay?"
Napabuntonghininga siya na parang nakahinga nang maluwag. "Akala ko magagalit ka. Baka kasi isipin mong binababoy namin 'yong dorm natin. Wag kang mag-alala, 'di naman kami gumagawa sa kama mo. Dito lang talaga kami sa kama ko."
"So . . . lagi n'yong ginagawa 'yan dito?" nakangisi kong tanong na parang inaasar siya.
Nakita ko na namula siya. "H-Hindi naman."
Nag-iwas siya ng tingin, and that's when I knew that she was lying.
"Sus, it's okay!" I chuckled. "Magpapahinga lang ako sandali, ah?"
Tumango siya bago nagpaalam na maliligo.
Nahiga ako sa kama ko para sana umidlip pero thirtyminutes pa lang yata ang nakakaraan, narinig ko nang may kumakatok sa pinto ng room namin. Akala ko kung sino lang kaya 'di ko na sana papansinin, pero nang pinagbuksan siya ng pintuan ni Louella, narinig ko ang boses ng taong pinakaiiwasan ko.
"Nand'yan na ba si Vanessa?"
Mabilis na kumabog ang dibdib ko sa napakaseryosong boses niya, lalo na no'ng tinawag niya ang pangalan ko.
"Oh? Ikaw pala, Austin! Oo, nandito siya. Pasok ka!"
Napapikit ako nang mariin nang marinig ang sinabi ni Louella.
Shit! Sana pala nasabihan ko siya!
Ilang sandali pa, naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama ko habang ako naman ay ipinagpatuloy ang pagpapanggap na tulog.
"Vanessa . . ." he said. "Alam kong gising ka."
Nagbuntonghininga ako pero nanatili akong nakapikit. "I'm tired, Austin. Next time na lang tayo mag-usap."
I heard him take a deep sigh. "Vanessa, hindi natin p'wedeng ipagpaliban 'to. It's about last night—"
Bumangon ako para harapin siya. "Kalimutan na natin 'yon. What happened last night shall be forgotten. Mali ang ginawa nating 'yon."
Tiningnan niya ako na parang 'di makapaniwala sa sinabi ko. "What? Y-You just gave me your virginity, and all you asked from me is to forget what happened last night?"
Napatingin ako kay Louella na ngayon ay nanlalaki na ang mga mata sa narinig. Tinakpan niya ang bibig na ngayon ay nakanganga na bago pumunta sa CR.
"Will you please, shut up? Baka may ibang makarinig, kung ano na kaagad ang isipin!"
"I won't shut up unless you talked to me properly! Vanessa, hindi ko kayang kalimutan ang nangyari kagabi! We had—"
"Oo na, stop reminding me! But we're best friends, and best friends don't fuck each other, Austin! 'Yung nangyari kagabi, wala 'yon. Kalimutan na natin 'yon."
Hihiga na sana ako ulit, pero hinawakan niya ako sa dalawang balikat at iniharap sa kan'ya. "Ilang beses kong sinabi sa 'yong mahal kita kagabi? Madami! Anong akala mo, hindi totoo lahat ng sinabi ko? Mahal kita, Vanessa! At hindi mangyayari ang nangyari sa atin kagabi kung hindi mo rin ako mahal!"
Nag-iwas ako ng tingin. "Nadala lang tayo ng alak, Austin. Walang ibig sabihin ang nangyari kagabi. Kalimutan na natin 'yon."
"No!" halos pasigaw na sabi niya sa akin. "Yes, we're drunk, pero alam ko kung anong nangyayari kagabi! You gave in because I can see in your eyes that you love me too. Hanggang kailan mo ba balak itanggi 'yan?!"
Umiling ako. "Hindi, Austin! We're just best friends at hanggang doon lang 'yon." I gulped. "What happened last night, let's forget about that. Wala 'yon sa akin. Kalimutan na natin 'yon. Wala kang obligasyon sa akin. Let's just stay like what we used to be. Let's act like nothing happened between us."
He sighed in frustration. "Vanessa—"
"And please, stop saying that you love me because I know you don't. It just feels so wrong. Go to your room. I'm going to rest."
I gave him a reassuring smile before lying on the bed and closing my eyes.
Naramdaman ko ang pagtayo niya at narinig kong lumabas siya ng dorm namin.Pagkaalis niya, sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. What happened last night was a mistake, and we need to forget about that.
Ilang saglit ay narinig kong lumabas ng CR si Louella.
"Girl . . ." Naramdaman kong umupo siya sa bed ko kaya naman mabilis akong bumangon at yumakap sa kan'ya. "Totoo ba lahat ng narinig ko?"
"Mali 'yon. We're both drunk, hindi dapat namin ginawa 'yon!" sabi ko habang umiiyak.
She sighed as she tapped my back slightly. "Feeling ko rin naman . . . hindi mangyayari 'yon kung hindi mo ginusto, e. He's your best friend and he will not force you to do that thing kung ayaw mo. Did you regret what happened last night?" she said as she rubbed my back to calm me down.
I shook my head. "I didn't. I didn't regret it, pero there's a part in me na nagagalit sa sarili ko dahil . . . d-dahil alam kong magkakaroon ng malaking pagbabago sa aming dalawa. We should've think twice."
Kumalas siya sa yakap at pinunasan ang mga luha ko. "What are your plans now?"
I sobbed. "We should stay best friends, tulad ng dati. Kakalimutan ko na lang ang n-nangyari because I know it's for the better. It's for the both of us. I don't want to lose my best friend just because of what happened last night."
Louella sighed as she watched me continue crying my heart out in front of her.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top