c h a p t e r 14

     

Nang magbandang 9:00 p.m., nakikita kong lasing na ang ilan sa mga bisita ni Kyle. Nagsasayawan na ang mga ito at ang mga kasama namin kaninang high school friends ni Kyle ay nandoon na rin at isinasayaw ang mga babaeng dala nila. I even saw Sid kissing his girl passionately. Wow! Wala rin palang pinagkaiba sa bar itong naging birthday setup ni Kyle! Siguro ay madalas sila doon.

Nakita ko si Austin na medyo namumula na dahil sa alak na nainom niya, pero alam kong hindi pa siya lasing. Namumula lang siya dahil maputi siya. Pero sobrang sober pa 'yan.

Ilang saglit pa ay umupo sa table namin si Kyle at Ate Aniya. "Kayo na lang ang natira sa table na 'to. Nasaan na mga kasama n'yo?" tanong ni Ate Aniya sa amin.

Nginuso ko sila Kenneth. "Ayon, wild na."

Humagalpak ng tawa si Kyle kaya naman napatingin kaming dalawa ni Ate Aniya doon. "Totoo ba? Wow, ha! Hanga rin naman ako sa katigasan ng mukha ng lalaking 'yon," sabi ni Kyle, parang may pinag-uusapan sila ni Austin. Kita ko namang badtrip na si Austin. "Ikaw, kailan kaya titigas ang mukha mo? Mauunahan ka na, gago!"

"Shut the fuck up, dude!" bulyaw ni Austin. Napapailing na lang talaga ako sa dalawang 'to.

"Wait lang. I'll get you two some drinks, nang maenjoy n'yo naman ang gabing ito. Mamaya, knockout na 'yan."

Tumingin ako kay Austin at nakitang nakatitig siya sa akin. Kumunot naman ang noo ko. "What?"

Ngumisi siya. "What what?"

"Why are you staring at me?"

Umiling siya. "Bakit? Masama bang titigan ang best friend ko?" he said, emphasizing the two words.

"Are you drunk already?"

"What?" he chuckled. "Of course not! I'm perfectly sober! Kapag si Rafael ang tumititig sa 'yo, okay lang, kapag ako, hindi?" Umiling pa siya na parang 'di makapaniwala habang nakangisi.

"Stop saying his name. Naiirita ako."

Narinig kong tumikhim si Ate Aniya at nakita kong nakapangalumbaba siya habang nakangiting nakatingin sa aming dalawa. "Nakakaistorbo ba ako sa inyong dalawa?" nakangisi niyang tanong.

Nanlaki ang mga mata ko. "What? No way, Ate Aniya. Ano bang sinasabi mo?"

"Ang sweet n'yo kasi ng kapatid ko, e."

What the hell?! Anong sweet don? Psh!

Ilang saglit pa, bumalik si Kyle at may dalang bote ng alak at apat na shot glass. "We'll drink this night! Wait, Vani. Can you drink alcohol?"

"Yes. Nakainom na ako noong sinama ako ng roommate ko sa TJC57," I said.

Tumingin nang masama si Austin sa kan'ya. "Kyle, 'wag mo ngang papainumin 'yan! Akala niya lang na kaya niya dahil natikman niya, pero hindi pa niya kaya 'yan."

"Man! 'Wag kang KJ! Birthday ko naman, e. Psh."

Hindi na siya pinansin ulit ni Austin dahil tama naman siya. Birthday niya kaya 'wag muna siyang magpaka-KJ. Sinalinan niya ang apat na shot glass na dala niya tapos itinaas niya ang isa.

"Cheers for my 22nd birthday!" sabi ni Kyle.

Iniangat din namin ang mga baso namin at pinag-cheers ang mga ito.

"Cheers!" sabay-sabay na sabi naming apat bago uminom.

Nang masimulan ang inumang 'yon, 'di na namin tinigilan. Habang nag-iinuman kaming apat, nagkukwentuhan din kami. Na-miss din namin ang ganito dahil silang dalawa ay busy ni Ate Aniya sa trabaho nila, habang kaming dalawa naman ni Austin ay busy sa school.

Hanggang sa maubos ang isang bote, nagbukas na ulit siya ng panibago. Ramdam na ramdam ko na ang pagkahilo ko dahil sa tama ng alak. Marami na rin akong naiinom at sa nakikita ko, sober pa rin ang dalawa. Nagiging sobrang madaldal na rin si Austin, sign na lasing na rin siya.

"Ang dami, 'tol!" humagalpak ng tawa si Austin. "'Tang ina, ang daming babae ang nanliligaw sa akin doon! Sabi ni Grey, marami raw nag-iiwan ng mga regalo para sa akin doon sa dorm namin. Pare, ang gaganda ng mga babaeng 'yon!"

"Bakit hindi mo patulan?"

Naiinis ako sa mga naririnig ko sa kanila.

"'Tang ina . . ." Tumawa siya nang mahina. "Isang babae lang naman ang gusto ko. Kahit harapan ako ng sobrang daming hubad na babae . . . isang . . . isang babae lang naman ang gusto ko."

"Kunwari ka pa!" bulyaw ko sa kan'ya. "If I know, gusto mo rin naman sila kasi mga sexy sila!" Humagalpak ako ng tawa kahit na naiinis ako.

"Gusto ko nga, e. Kaso iniisip kita."

"Whoaaa," mahinang reaksiyon ng dalawang nasa harap namin na hindi man lang nalasing sa dami ng ininom namin.

Feeling ko tuloy dalawa lang kami ni Austin ang umiinom.

"Wag mo na kasi akong isipin! Gawin mo lahat ng gusto mo, I don't care!!!" sigaw ko bago ininom ang bagong shot na nasa harap ko.

"How can I not think of you? You were permanently tattooed on my mind!" Ininom niya ulit ang shot na inilagay sa kan'ya ni Kyle. "Sana nga ganoon kadaling gawin, e!"

"Why do you keep on thinking about me kasi?! As I've said before, do whatever you want and I don't care!"

I'm so drunk! Fuck!

"Gawin ko lahat ng gusto ko? Are you sure about that?" sabi ni Austin nang may bahid ng panghahamon sa akin.

"Yes!"

"Kahit na ang ibig sabihin non ay gagawin ko ang gusto ko nang ikaw ang kasama ko?"

"Why am I involved?!" bulyaw ko.

Gosh! I want to cry! Bakit ba binibigyan ko siya ng rights to do whatever he wants kung ganito naman magiging epekto sa akin?! Why does it hurt me? Can I cry?

"Dahil ikaw lang naman ang gusto kong kasama sa lahat ng gusto kong gawin sa buhay ko!"

Nang maubos namin ang ikalawang bote habang nagsisigawan, iniwan na kaming dalawa sa table at sinabing mag-usap. Pero tumayo si Austin at hinila ako.

"Saan ba tayo pupunta?" sabi ko gamit ang lasing na tono. I can't even walk properly. Feeling ko, zigzag ang daan.

"We'll dance . . ." he said when we arrived in the middle of the dancing drunk people. He danced in front of me, so I danced too.

"It's fun!" masayang sabi ko.

Hinawakan niya ako sa baywang habang nagsasayaw kami. Kahit gaanong tao ang kasama naming nagsasayaw, pakiramdam ko, kaming dalawa lang ang nagsasayaw. Hindi na namin sila pinansin dahil pakiramdam namin, may sarili kaming mundo and I don't think pinapansin din kami ng ibang nandito dahil may kani-kaniya rin silang mundo.

"We'll dance . . ." he said again, before he leaned forward to whisper something. "Then kiss."

After he said that in a drunken tone, he claimed my lips . . . and I don't know what to do. All I did was kiss him back, and it felt so . . . so perfect. Like it's the best thing that I did in my entire life.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top