c h a p t e r 12

     

Bumalik ako sa room namin sa dorm at nakitang nagbibihis si Louella. Ngumiti siya sa akin.

"Oh, nandito ka na pala! Dumating kanina si Austin, mukhang badtrip. Iniwan lang 'yong gamit mo tapos umalis na."

Nang matapos na siyang magbihis sa harap ko, naupo siya sa tabi ko sa kama. "Ikaw, ha! 'Di mo sinasabing magkakilala pala kayo ni Rafael. Alam mo bang crush ko 'yon before ko makilala si James? Sobrang gwapo niya!"

Ngumiti ako sa kan'ya. "He's handsome but he's no good man."

Kumunot naman ang noo niya. "Mabait 'yon, ano ka ba! Bakit mo naman naisip na masamang tao si Rafael? Mabait 'yon! Galante pa. Kilala ko na siya noon pa dahil magkaklase kami noong elementary tapos noong nagkakilala kami ni James noong high school, nalaman ko na mag-best friend pala sila."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Magkaklase kayo dati? Pero magka-batch kami at second year ka na. Paano nangyari 'yon?"

Napanguso siya sa tanong ko. "Noong grade five kasi kami, bigla na lang siyang hindi pumasok. Sabi ng teacher namin, nagkaproblema daw sa family kaya parang nawalan daw ng focus mag-aral. Sabi raw ng Mama ni Rafael sa teacher namin na hindi na muna mag-aaral si Rafael dahil nawalan daw ng motivation dahil sa family problem. Noong grade six ako, nalaman ko na lang na lumipat na rin siya ng school."

Tumatango-tango ako habang bahagyang nakaawang ang bibig sa mga nalaman.

"Ahh . . . so, nagkaroon ng malaking problema sa pamilya nila dati?"

Tumango siya. "By the way, ano na nga 'yong sinasabi mo na 'he's no good man' kanina? I mean, paano mo nasabi?"

Nagkibit-balikat ako. "Sabi ni Austin noong high school kami, sex lang daw ang habol niya sa mga babaeng nililigawan niya."

Ngumuso ulit siya na parang nag-isip. "Hmm, hindi naman siguro! Hindi ganoon si Rafael. Yes, it's true na hindi nagtatagal ang isang babae sa kan'ya, and I agreed na wala siyang naging girlfriend na hindi nai-sex, pero . . . mutual agreement naman ang sex. Consensual ang mga nagiging sex niya sa mga babae. Alam kong mabuting tao 'yong si Rafael."

Napabuntonghininga ako. "What do you think are his reasons? Bakit siya gano'n? Is it just his love language or stress-reliever? I don't really know since I haven't really done that."

Ngumuso siya at nag-isip ng ilang saglit, hanggang sa magsalita na siya.

"Paano kung naghahanap lang siya ng babaeng magmamahal sa kan'ya? Feeling ko, naghahanap lang siya ng babaeng mamahalin ang lahat sa kan'ya, e. You know, nagkaproblema sa pamilya. Baka simula noon, may naramdaman siyang kulang sa kan'ya and he thinks that if he found someone who can love him and all his flaws, it may feel the void."

As much as I want to believe Louella from everything she said, hindi ko magawa dahil hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na may anger talaga sa side ni Rafael. Austin too but his is very understandable since he wanted to protect me but . . . what about Rafael? Anong galit ang mayroon siya? Anong nagawa ni Austin sa kan'ya?

Umiling ako. "No. Base sa pananalita niya kanina, there is something more, Louella. Hindi ko alam kung ano but I know there is something more . . . evil."

She sighed. "Sabagay. Hindi rin naman kita masisisi. At isa pa, hindi ko rin naman siya gaanong kilala. Sinabi ko lang sa 'yo ang nakikita ko sa kan'ya. Hindi rin ako sigurado sa ibang side niya. Maybe you're right. Baka nga may iba pa siyang reason. Pero 'wag na nating problemahin 'yan. Kung feeling mo talagang masama siyang tao, iwasan mo na lang."

Tumango ako sa kan'ya bilang tugon.

"And isa pa, ngayong college ka na rin tulad ko, marami ka na rin makikilalang mga katulad ni Rafael. Maraming fuck boys d'yan na mas malala pa sa kan'ya at normal na 'yon dito kaya 'wag mo nang isiping masamang tao si Rafael. Kung masamang tao si Rafael dahil ganoon siya, then, three-fourths sa populations ng mga lalaki dito sa HIU ay masamang tao na rin." She chuckled.

▬▬▬▬▬▬▬▬▬

Kinabukasan ng umaaga, nakita ko sa labas ng building ng dorm namin si Austin. Hindi ko siya nakausap kahapon mula noong iniwan niya ako dahil hindi rin naman niya ako kino-contact. Ayoko rin naman siyang contact-in dahil baka may marinig na naman akong hindi tama para sa aming dalawa. Tama na 'yung mga sinabi niya kahapon. Tama na 'yong mga pagkakamaling 'yon.

"Good morning," bati niya nang makita ako.

"Good morning," bati ko pabalik. "Bakit ang aga mo? Mamaya pa ang klase mo, 'di ba?"

He smiled. "I want to eat breakfast with you. Okay lang ba?"

I chuckled. "Oo naman. Libre mo ba?"

"Ang kuripot mo talaga! Oo na. Psh."

Nagpunta kami sa café para kumain ng breakfast. Habang kumakain kami, nagsalita siya.

"Knock, knock!"

Napakunot ako ng noo. "Who's there?"

"Saging Mangga."

"Saging Mangga, who?"

Ngumiti siya at tumikhim. "Tumingin...saging mangga. Magtapat ng nadarama."

Natawa ako, hindi dahil nakakatawa ang joke niya, kundi dahil nakakatawa ang itsura niya habang kinakanta 'yon.

"Ang corny mo!!!" sabi ko at saka humagalpak ng tawa.

Ngumiti siya habang nakatingin sa akin. "Akala ko 'di na ulit kita mapapatawa ng ganyan. Sorry sa kahapon, 'di ko sinasadyang iwanan ka na lang basta doon."

Akala ko magso-sorry siya dahil sa nasabi niya. "Wala 'yon, ano ka ba. Maliit na bagay lang naman."

Nang matapos kaming kumain ng breakfast, inihatid na niya ako sa first class ko. Siya naman ay sinabing pupunta muna sa library para magpalipas ng oras dahil 9:00 AM pa ang klase niya, pero 6:45 a.m. pa lang kanina, nasa tapat na siya ng dormitory namin.

Hindi ko na siya pinaakyat dahil sa third floor pa ang first class ko noong makarating kami do'n. Sinabi kong dumiretso na lang siya sa library para 'di na siya mapagod. Tutal, in fifteen minutes, magsisimula na ang klase ko.

Pero napatigil ako sa pag-akyat nang makita ko sa dulo ng hagdanan na nandoon si Rafael. Biglang nawala ang magandang mood ko ngayong umaga.

"Hi, Vanessa. Good morning," nakangiting bati niya sa akin.

Bakas pa rin ang sugat sa gilid ng labi niya na sanhi ng mga suntok ni Austin. Gusto kong ma-guilty but for some reasons, I always think that he deserves it.

"Anong ginagawa mo dito?"

Nakikita ko ang ibang estudyanteng dumaraan na napapatingin sa amin. Ang iba nga ngumingiti pa dahil kay Rafael! Kung alam lang nila kung anong klaseng tao talaga 'to, hindi na talaga sila kikiligin--ever!

He laughed. "Ang sungit naman. Didn't I tell you before that I want to be friends with you? I remember that day, that's our JS Prom, right?" He smiled again.

"And you never come near me again after that, right? So how could you expect me to believe your words again?"

Sumilay ang mas magandang ngiti sa labi niya.

"So . . . you're disappointed because I never talked to you again after that?" nakangisi niyang tanong. Magsasalita na sana ako pero dinugtungan niya ang sinabi kanina. "Well, I just don't want you to think that I am being fast. You're my greatest crush before and I don't know how to control myself. Ayokong isipin mong nagti-take advantage ako sa 'yo."

Hindi ko na pinansin ang paliwanag niya. "What do you need again? Why are you here?"

"I just want to see you."

"Then you can leave now. You already saw me."

Lalampasan ko na sana siya nang hinawakan niya ako sa palapulsuhan para pigilan. "Wait, Vanessa!"

"What, Rafael? May klase pa ako."

"Galit ka pa rin ba tungkol sa nangyari noong Friday? I already said sorry. Isn't it enough?"

"And I said it's already okay. Just don't come near me ever again, right?"

Kita ko na nagulat siya sa sinabi ko. "Ano ba ang sinabi sa 'yo ng Johnson na 'yan para magalit ka ng ganito sa akin?"

I sighed. "Walang kinalaman si Austin dito. I am the one who's talking about you and he's no longer involved here anymore."

"Kahit na paanong pagtatakip pa ang gawin mo sa kan'ya, alam kong marami na siyang nasabi sa 'yo tungkol sa akin. Ano? Sinabi na ba niya sa 'yo na—"

"Oo! Okay na?"

"And you believed him?"

"Of course! He is my best friend and he never lied to me."

He smirked. "Someday, you will need my help, Vanessa Anne Madison. And if that happens, you know that I am always available."

Bago siya umalis, hinila niya ako at binulungan. "Wala akong gusto na hindi ko nakukuha, Vanessa. And I will get you no matter what happens."

After he said that, he kissed me on my lips before leaving me dumbfounded.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top