c h a p t e r 09
Sa mga sumunod na linggo ay naging maayos naman ang buhay ko bilang college student. Sabay kaming lumipat ni Austin sa dorm, pero syempre, magkalayo kami. Nasa boy's dormitory siya habang ako naman ay nasa girl's dormitory. P'wede naman daw kaming dumalaw sa boy's dormitory at p'wede rin daw dumalaw ang boys sa girl's dormitory, pero hindi p'wedeng abutan ng gabi. Hanggang 8:00 p.m. lang daw.
Hindi ko kilala ang naging roommate ko, pero mabait naman siya. Accountancy ang course niya at second year na siya. Ngayon lang din siya lumipat dahil nga nahirapan daw siyang bumyahe.
Ayaw daw siyang payagan ng parents niya noon, pero ngayon ay nakumbinsi na niya. Sobrang daldal niya dahil ang dami na niyang naikwento sa akin and I find it very cool of her.
I like talkative girls! Hindi boring kasama.
Two months na ako sa college at ramdam ko na ang hirap at bigat ng units ng subject. Kailangan, laging on time ang pagpapasa ng requirements at dapat ay hindi ka nali-late.
Mas mahirap pa dahil nga Culinary Arts ang course ko kaya nakakatakot na baka magkamali ka sa tuwing nagluluto, na baka masunog o masira 'yong mga kagamitan. Kaunting lakas mo lang sa apoy, p'wede nang masira ang niluluto mo at hindi magawa ang required na lasa o itsura. Nakaka-tense.
Nang matapos ang midterm exam, nakahinga ako nang maluwag dahil alam kong pasado ako sa lahat. Friday ngayon, kaya ibig sabihin ay walang curfew hours sa dorm. 'Yung iba kasi, umuuwi sa kani-kanilang bahay kapag Friday.
"Vani . . ." pagtawag sa akin ng roommate kong si Louella.
"Hmm?" sagot ko habang nakahiga at nakapikit ang mga mata.
"Birthday ng boyfriend ko. And he's celebrating tonight at TJC57. Do you want to come with us?"
Dumilat ako at bumangon. "TJC57? Saan 'yon?"
"Bar 'yon." She explained to me kung paano makakapunta doon. "Medyo malayo but they will fetch us naman. Tara?"
Ngumiti ako at umiling sa kan'ya. "Hindi ako papayagan ng best friend ko. At saka hindi ako umiinom kaya hindi rin ako mag-eenjoy."
"'Yung si Austin ba? Naku, okay lang 'yan! Hindi lang naman inom ang gagawin mo. You can dance your heart out there. Masaya do'n. I bet it's your first time to enter a bar? Kaya tara na! You can meet new friends there. I assure you mag-e-enjoy ka doon."
Naiisip ko pa lang na magpapaalam ako kay Austin, alam akong didiwaraan na niya ako. Gusto kong sumama because it's tempting. We need a break too, dahil tapos na ang midterm. Naku-ccurious din ako sa mga club at bar na 'yon, pero alam kong hindi ako papayagan ni Austin.
Napabuntonghininga ako. "Okay, I'll go with you. Hindi na lang ako magpapaalam kay Austin dahil hindi ako papayagan non." Tumawa ako nang mahina habang umiiling.
Pumalakpak naman si Louella at pumunta sa closet ko. "I'll choose the best dress for you!"
Halos nailabas at nakita na niya ang mga dress na dinala ko, pero wala siyang nahanap na p'wede kong isuot para sa pupuntahan namin mamaya.
"Wala ka bang dalang iba? Puro ito na lang?" tanong niya habang nakatingin sa mga dress ko. Tumango naman ako habang siya ay napapabuntonghininga na lang. "Okay, pahihiramin na lang kita."
Pumunta siya sa closet niya at may kinuhang damit doon. Fitted black na skirt at white na tube. Noong isinuot ko 'yon ay saktong-sakto lang at bagay sa akin pero kitang-kita naman ang cleavage ko. Napangiwi ako dahil hindi ako sanay magsuot nito sa harap ng maraming tao.
"Talaga bang ganito 'to?" nakangiwi kong tanong noong lumabas ako ng CR.
Pumalakpak ulit siya. "Ayan! Perfect! Bagay na bagay sa 'yo. Vani!!! Halika at aayusan na kita!"
Pinaupo niya ako sa harap ng vanity mirror niya at nilagyan ako ng makeup. Light lang ang makeup na inilagay niya pero kulay supreme red ang lipstick. Sobrang pula talaga! Inayos niya rin ang buhok ko. Pinaikot niya ito into bun at nilagyan ng ipit na parang may mga batong kumikinang sa ibabaw. Ngayon ay kwintas ko na lang ang natitira sa dibdib ko.
"Ang ganda mo, Vani!" nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa reflection ko sa salamin.
Oo nga! Kung noon, gandang-ganda na ako sa sarili ko, lalong-lalo na ngayon! Feeling ko tuloy, nanalo ako ng Ms. Universe kasi parang ako na ang pinakamaganda! Ha!
"Thank you, Lou . . ."
Nagpalit na rin siya ng damit. Pure black ito na nakayakap sa katawan niya. Sobrang fit and sexy. Bagay lang din sa kan'ya. Siguro, sanay na siya sa mga ganitong okasyon na pupunta sa bar or club. Mag-e-enjoy kaya ako doon? Masyado kasi akong palaaral noon at sapat na ako sa panonood ng KDrama kaya hindi ko alam 'yung mga ganitong mga club at bar, e. Tsk.
Habang naglalagay siya ng lipstick. may tumawag sa cellphone niya na mabilis naman niyang sinagot. "Hello, babe. Yes, babe. Kasama ko nga pala 'yung roommate ko. Oo, sige. Palabas na rin kami. Saglit na lang 'to. Okay, babe. I love you."
Nang matapos siya sa paglalagay ng lipstick, pinagsuot niya muna ako ng coat dahil baka mabatas kami kapag lumabas kami sa dormitory ng school nang ganito lang ang suot. Nasa labas na rin daw ang boyfriend niya at naghihintay sa amin.
Pagkalabas namin, sumakay kami sa kulay itim na kotse na naka-park sa labas. Pinapasok ako ng boyfriend niya sa backseat habang si Louella naman ay hinalikan muna ang boyfriend nang matagal sa labi bago pumasok sa front seat. Napaiwas ako ng tingin do'n kasabay ng pag-init ng mukha ko. Ganito pala makakita ng kissing scene sa personal!
Hmmm . . . I wonder what it feels like to kiss someone that way?
Mabilis na nag-drive ang boyfriend niya papunta sa TJC57. Habang nagdi-drive ito, ipinakilala niya sa akin ang boyfriend niya.
"Siya nga pala, Vani. Ito ang boyfriend kong si James. And babe, she is Vanessa."
Tumango at ngumiti ako kay James dahil nakita kong tumingin ito sa akin mula sa rearview mirror nang ipinakilala kami sa isa't-isa.
After an hour, nakarating kami sa TJC57. Nasa labas pa lang kami, rinig ko na ang ingay mula sa loob ng bar. Pumasok kami doon at naamoy ko ang sari-saring amoy ng alak, sigarilyo at ang artificial na usok. May iba't-ibang kulay naman ng ilaw ang nagmumula sa itaas. Sa bawat taong nalalampasan namin sa loob ng bar, binabati nila si James ng happy birthday.
Hindi ko pa pala siya nababati! I totally forgot that it was his birthday!
Naupo kami sa isang pabilog na sofa kung saan nandoon ang mga kaibigan nila. Malugod naman nila akong tinanggap. Nagpakilala sila sa akin at nakipagkwentuhan. Nagtanong din sila ng mga tungkol sa akin.
"So . . . wala kang boyfriend?" tanong ni Ivan. Ngumiti ako at umiling. Umawang ang bibig niya at bahagyang tumawa. "Seriously?"
Tumawa naman ang nasa tabi kong si Louella. "Wala talaga. Bantay-sarado 'yan ng best friend niya."
"It's impossible for her to be single! Well, Vanessa is so beautiful and hot!"
"And I'm sorry because she's not available."
Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Rafael. Nanlaki ang mga mata ko dahil matagal ko na siyang hindi nakikita! Ngayon na lang ulit! At ngayon pa lang, masasabi kong malaki na ang pinagbago niya. Mas naging gwapo siya at mas lumaki ang katawan niya.
Teka, anong sinasabi ko?!
"Dino Rafael! Fuck, dude! Bakit ngayon ka lang?" masayang sabi ni James nang makita ito.
Ngumiti at nagkibit-balikat si Rafael. "May duty, e."
Humagalpak ng tawa ang lahat ng mga lalaking nakaupong kasama namin. "Tang ina! Fuck boy ka talaga!"
Umiling na lang si Rafael sa kanila bago naupo sa tabi ko. "Hi, Vanessa," bati niya sa akin.
"Magkakilala kayo?" tanong ng isang lalaki na si Val.
"Yes. She's my high school crush."
Humagalpak ng tawa si Ivan. "Man, hindi applicable sa 'yo ang word na crush. Gago!"
Nakaramdam ako ng pagiging OP and awkwardness sa kanila. I didn't expect that the world is this small para magkita kaming dalawa ni Rafael dito.
"So . . . magkakilala pala kayo ni James?" tanong sa akin ni Rafael nang uminom ng una niyang shot.
I smiled politely. "No. Louella's my roommate sa dorm ng school. She invited me here, so . . ." Nagkibit-balikat ako bilang pagtatapos ng sagot sa kan'ya.
"Saan ka nag-aaral?"
"Henderson International University."
It is an international school kaya hindi na rin ako nagtaka noong p'wedeng dumalaw ang boys sa girls' dormitory and vice versa. Maraming nag-aaral na foreigners dito and some of them really can't live with the limitations that the school will impose, gaano man ka-conservative ang ilang Pilipino na nag-aaral dito.
Good thing is you can choose your roommate. In my case, I didn't choose anyone to be my roommate since it was only a few weeks when I moved into the dorm. I had no friends back then aside from Austin.
Nanlaki naman ang mata niya. "Really? Bakit hindi kita nakikita doon?"
Napakunot-noo ako. "What?"
"Doon din ako nag-aaral. Political Science ang course na kinuha ko para sa pre-law ko."
Umawang ang bibig ko. "R-Really?"
Bakit ba pakiramdam ko ay hindi magandang idea na mas lumiliit ang mundo sa aming dalawa ni Rafael? It's so not comfortable to be with him.
"Yes. Mukhang pinaglalapit yata tayong dalawa ng tadhana, ah?"
Tinawanan ko na lang siya. Ilang sandali pa, inabutan niya ako ng isang shot pero tinanggihan ko ito.
"Come on! Minsan lang naman, e."
"I don't drink."
He moved the shot glass closer to me. "You should. It's part of our teenage years. Besides, you're almost 18, right? Try it. You'll surely enjoy it."
Kahit na ayaw ko, tinanggap ko na rin dahil nakakahiya naman. Their friends are looking at us. Kailangan kong makisama sa kanila since I'm just a newbie here. Baka sabihan pa nila akong KJ dahil lang sa isang shot, e.
Nang ininom ko ito, muntik na akong masuka sa sama ng lasa!
Grabe! Ano ba ang nagustuhan nila dito? Bakit ba ganito ang lasa ng inumin na ito?! Nang nilunok ko na, pakiramdam ko may kuryenteng gumuhit sa lalamunan ko.
"What the fuck is this drink?" hindi makapaniwala kong tanong sa kan'ya nang matikman ko na ito. "The taste is so disgusting! Ano bang nagustuhan n'yo dito?"
Humalakhak si Rafael. "You need to sip this lemon, Vanessa Anne. We love the effect of it because it makes us enjoy the night. Go, drink. Para naman ma-enjoy mo ang bar. Is it your first time here?" Tumango ako. "Then, I should be honoured to be with you tonight because this is your first time."
So, inubos ko na ang natirang alak sa shot glass na ibinigay niya sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top