c h a p t e r 07
Tinawanan ko naman siya sa sinabi niya.
Anong connect ng pagiging ready ko o hindi? As if naman na ako ang babaeng gusto niya. Gusto ko na ngang malaman kung may nagugustuhan na ba siya, e.
"Bakit naman ako hindi magiging ready? Austin, ang tagal ko na kayang hinihintay na magkaroon ka ng girlfriend! Akala ko tuloy, bakla ka. Thank God, hindi naman pala." Natawa ako sa sinabi ko.
"Tanga mo talaga," natatawa niyang sabi bago pinitik ang noo ko.
"Aray!" nakasimangot kong reklamo habang hawak ang noo kong pinitik niya.
Ilang segundo lang ay ibinalik ko na ang kamay ko sa batok niya.
"Pero Austin . . . paano kung hindi ka magustuhan ng babaeng gusto mo?"
Muntik ko nang bawiin ang sinabi ko dahil napagtanto kong imposibleng hindi siya magugustuhan ng babaeng gusto niya! Matalino, gwapo, mayaman, thoughtful, sweet, mabait, lahat na! Kaso nga lang . . . manyak at mahilig mang-asar. Psh!
"I'll do whatever it takes for her to love me back."
"Even if you need to beg?"
"Even if I need to beg."
Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam sa akin.
"T-Talaga? Mabuti kung ganoon."
Ngumiti siya. "Gagawin ko naman talaga ang lahat para sa kan'ya. Noon ko pa ginagawa 'yon at hindi ako magdadalawang-isip gawin 'yon kapag dumating na ang panahong handa na siya para sa aming dalawa."
Ngumiti ako bilang tugon. Hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng inis o lungkot sa sinabi niya. Sabi niya kasi dati, gagawin niya ang lahat para sa akin. Ngayon, na-realize ko na ginagawa niya rin pala ang lahat para sa babaeng gusto niya. Sabagay, I'm just his best friend.
"Ang swerte naman ng babaeng gusto mo."
"Sobra." Ngumiti siya na puno ng saya. "Sobrang swerte ko rin sa kan'ya. I am the happiest man when I am with her."
Ngumiti ulit ako sa kan'ya.
Hindi pa man din natatapos ang isang kanta ay may lumapit sa aming dalawa, dahilan para mapatigil kami sa pagsayaw. Pagtingin ko ay nakita kong pamilyar ang lalaking ito. Nakalimutan ko kung saan ko nakita ang lalaking ito pero pamilyar talaga siya.
"'Tol, p'wede ko ba siyang maisayaw?"
Naaninag ko ang mga mata niya habang nakangiting nagtatanong kay Austin. Nakita ko naman kung paano niya tingnan ng masama ito habang gumagalaw ang mga panga.
"Kung balak mong isama siya sa listahan ng mga babae mo, alam mong hindi kita papayagan."
Nanatili ang mga kamay niyang nakahawak sa baywang ko, na para bang sinasabi niya sa kausap niyang pag-aari niya ako.
Ngumisi ito na parang nakuha ni Austin ang interes ng lalaking kausap niya. "Chill, pare. Isasayaw ko lang naman siya."
Inilagay niya ako sa likod niya na parang pinoprotektahan ako sa kaharap niya. Nakita ko kung paano kumuyom nang mahigpit ang kamao niya, dahilan para manlaki ang mga mata ko sa gulat.
No. Hindi niya na ulit gagawin 'yon.
"Rafael, hindi ako tanga para isiping isasayaw mo lang siya. Tigilan mo si Vanessa dahil sinasabi ko sa 'yo, ako ang makakalaban mo."
"Austin, ano bang—"
Mabilis akong pumagitna sa kanilang dalawa para mapigilan ang namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa.
"Tama na, tama na!" Tumingin ako kay Austin. "Tama na, Austin. Isang beses lang naman. Don't worry. I promise, hanggang sayaw lang 'yon. And it will be our last encounter. Go." I gave him a reassuring smile.
Noong una ay kita ko ang pagiging hesitant niya pero in the end, sumuko na siya at umalis doon. Bumaling ako kay Rafael, at ngayon ay naalala ko na kung saan ko siya nakita.
Siya 'yung lalaking may pinaiyak na babae. Siya 'yung lalaking sinabi sa akin ni Austin na sex lang ang habol sa babae. And now, I promise I will never be one of his girls.
Hinawakan niya ako sa baywang ko at ako naman ay inilagay ang mga kamay ko sa batok niya. Nagsimula na kaming magsayaw habang tumutugtog ang kantang Chasing Cars.
"Sobrang ganda mo pala talaga sa malapitan," nakangiti niyang sabi sa akin.
Kumunot ang noo ko. "Kilala mo ba ako?"
"Oo naman. You are one of the most beautiful and most intelligent in our batch. Sino ang hindi makakakilala sa 'yo?"
Hindi ko napigilan ang pamumula ng pisngi ko sa sinabi niya. "I . . . saw you breaking up with a girl. Ganyan ka ba talaga?"
"I saw you too, watching us. And oo, ganoon nga ako. Not until someone can change me. We have reasons kung bakit tayo nagkakagano'n and I have my reasons."
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng awa sa kan'ya. Baka nga may pinagdadaanan siya kaya ganoon? Baka nga may malalim na dahilan kung bakit sex lang ang habol niya sa babae? Maybe he lost the girl he loved the most so he's taking revenge to every girls he met. Pero mali naman siya para idamay ang mga inosenteng babae na wala namang ibang ginawa kung hindi ang mahalin siya.
"So . . . anong kailangan mo sa akin? Bakit mo ako nilapitan ngayon?"
Tumawa siya nang mahina at mas lalo kong naramdaman ang paghigpit ng hawak niya sa baywang ko . . . na para bang lalo niya akong inilalapit sa kan'ya.
"Chill. I just want to be friends with you. Mukhang may nasabi na sa 'yo tungkol sa akin 'yong si Johnson, ah?" bakas pa rin ang ngisi sa mga labi niya.
"All you want is just plain sex for every girl you met, 'di ba? I'm sorry but I don't belong to those girls who are head over heels with you. You can never get what you want from me."
He smirked. "If that's what you think about me, then go. Think of all those bad things about me. Tutal, lahat naman halos ay ganyan ang iniisip sa akin." Tumawa siya nang mahina. "Sabagay, hindi ko naman kayo masisisi. Feeling ko nga ay ganoon rin ako. But let me tell you this, sweetheart. I just really want to be friends with you. That's all."
Matapos niyang sabihin 'yon, hindi na ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi niya o iisiping binobola niya lang ako talaga. Kahit na mukhang seryoso siya sa mga sinasabi niya, hindi pa rin maalis sa isip ko lahat ng sinasabi ni Austin sa akin tungkol sa kan'ya. I believed Austin the most because I know that he will never lie to me.
After the song's over, hinatid na niya ako sa table namin nila Austin. "Thank you for the dance, Vanessa Anne Madison."
Then he winked at me before leaving.
Mabilis akong nilapitan ni Austin nang umalis na si Rafael. Hinawakan niya ako sa balikat ko, at tiningnan nang maigi sa mga mata. "What did he tell you?"
"He said that he just really wants to be friends with me."
Nakita ko na napatigil siya at tumawa na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "And you believed that?" Hindi ako sumagot, kaya mas lalo kong nakita ang galit sa mukha niya. "God, Vanessa. Hindi ikaw ang unang babaeng sinabihan niya niyan!"
Is it possible na mas maniwala sa taong ngayon ko lang nakilala, kaysa sa taong alam kong hindi naman nagsinungaling sa akin kahit kailan?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top