c h a p t e r 06
Dumating ang JS Prom Day namin at nakikita ko naman na successful ang naging trabaho naming mga nasa English Club. Sobrang ganda ng event place! Wala akong masabi kung hindi ang isang malupit na "good job" para sa aming lahat dahil sobrang galing namin!
Hindi si Mama ang nag-ayos sa akin para sa Prom--tulad ng dati. Nagpadala lang siya ng makeup artist at sinunod ang mga sinabi ni Mama. Hindi ako magaling mag-explain pagdating sa mga ganitong bagay, pero ginawang messy bun ang buhok ko at may mga ilang hibla ng buhok na nakalaglag sa gilid ng tainga ko.
Ang lipstick ko ay sobrang pula ang ginamit, at ang eyeshadow ko ay magkapatong na pula at itim. Nilagyan rin ako ni Becka ng kwintas ni Mama na malaki at kulay silver. May malalaking bilog na pendant ito na talaga namang bumagay sa damit ko. Marami pang mga design ang kwintas na ito na 'di ko naman kayang ipaliwanag.
Pagbaba ko ng bahay namin, akala ko, hindi na talaga sila darating. Magpapahatid na sana ako sa driver namin, pero biglang bumukas ang double door ng bahay namin at nakita ko ang nagmamadaling si Mama at Papa. Ngumiti silang dalawa bago tumakbo palapit sa akin si Mama at saka ako niyakap.
"Sorry, I am almost late. Akala ko hindi na kita maaabutan." Kumalas siya sa yakap saka ngumiti. "You are so gorgeous, my daughter." She kissed my cheeks.
"It's alright. I understand. Thank you, Mama."
Matapos n'on ay si Papa naman ang lumapit sa akin. "I hope you liked the shoes I bought for you." Inilabas ko mula sa ilalim ng gown ko ang sapatos na binili niya para sa akin at humagikgik. "You are so beautiful." Niyakap niya ako at ganoon rin ang ginawa ko. "Enjoy your last prom, Vani. Next school year, college ka na."
Tumango ako at nagpasalamat sa kanilang dalawa. P-in-icture-an kaming buong pamilya ni Becka, pagkatapos ay isinama namin si Manang. Ang mga sumunod ay ako kasama si Mama, ako kasama si Papa, at syempre hindi ako pumayag na wala kaming picture ni Manang! Sa huli ay mga solo pictures ko na. Para akong nagkaroon ng photoshoot sa bahay namin!
Sa sobrang daming picture ang kinuha nila sa akin, muntik na akong ma-late! Dumating pa nga doon si Austin para sabay na kaming pumunta sa event. Nawala sa loob ko na date ko nga pala siya ngayong gabi. Psh! P-in-icture-an din ni Mama kaming dalawa. Sabi pa nga ni Becka ay bagay daw kami. Sus, yuck!
Pagkatapos n'on, umalis na kami at nagmadali nang pumunta sa event. Marami nang tao ang nandoon at lahat sila ay nakasuot ng magagandang gown at formal na formal na suit para sa mga lalaki. Austin and I headed to the spot where our classmates were sitting.
Nang magsimula ang mga speech ng guest speakers, pati na ang mga nakatataas ng eskwelahang ito, nagsimula na rin akong mainip. Sana pala sumali na lang ako sa cotillion para naman hindi ako matagal na naiinip.
Pero naisip ko rin na sa sobrang dami ng ginagawa ko, paniguradong hindi ko na rin maaasikaso 'yon. Naiinggit tuloy ako sa mga babae at lalaking nasa backstage ngayon. Nakita ko kasi kanina 'yong dress na susuotin nila para sa cotillion. Super cute and shiny. Ang ganda-ganda!
Pinasalamatan kaming mga English Club members ng principal para sa magandang event place para sa JS Prom. Sobrang ganda nga raw ng hall ngayon, parang nasa fairytale. Siyempre, ako ba naman ang president ng org na 'to, hindi ko papabayaang maging cheap lang ang itsura at magiging trabaho ko!
Hindi man ako ang naging pinakaabala (dahil inako ng isang junior ang kalahati ng gawain dahil sa galing niya sa pagpipinta at pagde-design), alam ko naman na naging mabuting leader ako! Ang sabi nga nila ay mas magaling akong leader kaysa sa leaders namin noong mga nakaraang taon.
Nang magsimula nang magsayaw ang mga kasali sa cotillion, nakita ko ang mga magagandang ngiti ni Austin na nakaupo sa tabi ko. Nakatingin sa legs noong mga babae! Ang manyak, grabe! Sobrang ikli kasi ng dress na suot ng mga magko-cotillion, pero maganda!
"Ang manyak mo!" mariing bulong ko sa kan'ya habang tumatawa.
"Pucha, ang laki ng mga legs nila e," Tumatawang sabi niya habang nakatingin sa mga sumasayaw.
"Ang manyak! Kung nakakabuntis lang ang tingin, baka lahat ng babaeng 'yan, nabuntis mo na!" Humagalpak ako ng tawa.
Tumingin naman siya sa akin nang may nanlilisik na mga mata. "Kung nakakabuntis lang ang tingin, ikaw na ang una kong nabuntis."
Naputol ang pagtawa ko sa sinabi niya. Kahit kailan talaga mag-joke 'to, hindi nakakatawa!
"Ewan ko sa 'yo! Manyak mo, Austin Emmanuel Johnson! Yuck, yuck!"
Tumawa ulit ako nang tumawa.
Ibinalik niya ulit ang tingin niya sa mga nagsasayaw habang tumatawa nang bahagya. "Isa lang naman ang gusto kong manyakin pero hindi ko magawa."
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, uminit ang pisngi ko kahit na hindi naman niya sinasabi sa akin kung sino ang ibig sabihin niya. Ewan ko ba, ang weird!
Nang matapos ang cotillion, in-announce na ng MC na open na ang dancefloor. Nagkagulo ang lahat dahil kanina pa nila inaantay 'yon! Samantala kami ni Austin ay mas piniling kumain na lang muna nang kumain dahil kanina pa kami nagugutom.
At isa pa, mahaba naman ang oras para sa pagsasayaw kaya mas mabuting maupo muna kami at kumain, tapos ay manood muna sa kanila na magsaya.
Nang matapos kaming kumain ay may mga nag-aaya sa aking sumayaw, pero lahat 'yon ay tinanggihan—ni Austin.
"Hi, Ms. President. Can I dance with you?" tanong ng orgmate kong si Chris.
"Sorry, hindi siya p'wede," sagot ni Austin.
Tiningnan ko siya nang masama bago ibinalik ang tingin kay Chris. "Mamayang konti, balikan mo ako. I'll dance with you."
Tumango naman ito at ngumiti bago umalis. Pagtingin ko kay Austin ay masama ang tingin sa akin.
"You really think I would allow you to dance with someone else?" sarcastic na pagkakasabi niya.
"Anong gusto mong gawin ko? Umupo sa tabi mo while everybody's enjoying the music?!"
"If you want to dance the whole damn time, then we'll dance together!"
Pagkasabi niya noon ay hinawakan niya ako sa kamay at hinila papunta sa gitna ng dancefloor. Sobrang hot-tempered talaga. Pikon!
Inilagay niya ang mga kamay ko sa batok niya habang ang mga kamay niya naman ay nasa baywang ko. Mahinahon kaming sumayaw habang pinapatugtog ang magandang kantang If I'm Not In Love With You.
"Are you really serious about this, Austin?" natatawa kong tanong.
"About?"
"Dancing the whole time! Maawa ka naman, Austin. Nakakaasar 'to!" reklamo ko.
Tumawa naman siya at mas hinigpitan ang hawak sa baywang ko na para bang bahagya akong niyayakap. "I just don't want to see you dancing with someone else."
I chuckled. "Clingy ka, you know?"
"That's how I protect my territory."
Umiling ako. "You're hopeless." I laughed. "Boyfriend material ka pala, e. Gan'yan gusto ng ibang babae--territorial. Bakit hindi ka maghanap ng girlfriend?"
Ngumuso siya na parang nag-isip. "I don't think this is the right time for her to know, and for her to be my girlfriend."
Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagkabilog ng bibig ko. "Oh? So you really did have a special someone?!" masaya kong sabi.
Tumango siya. "Yes. Matagal na."
Sinuntok ko siya kunwari sa dibdib niya. "Bakit naman hindi mo agad sinabi sa akin?" Ngumuso ako, kunwaring nagtatampo.
"Because you're not ready."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top