c h a p t e r 05

Simula noong araw na 'yon, hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Nag-aral ako nang mabuti at sa tuwing may exams at quizzes ay talagang nire-review ko rin nang mabuti. Ayokong maramdaman ng mga magulang ko na ipinapahiya ko sila at ang pamilya namin.
Hindi naman ako nabigo dahil madalas ay nagi-gets ko na kaagad ang lessons sa Math at Physics kahit na noon ay nahihirapan ako nang sobra. Noon ko lang napatunayan na talagang nasa estudyante talaga ang problema dahil kung talagang binibigay niya ang buong atensiyon niya sa lesson na itinuturo ng teacher, kahit gaano ito kahirap ay maiintindihan niya.
O baka sadyang matalino lang ako?
"Sayang, one point lang lamang mo sa akin, Austin!" panghihimutok ko nang makita ang result of grades namin sa Math.
Ipinakita na sa amin ni Mrs. Wendy ang grades namin sa Math for third quarter at nakitang 94 ako. Ang second quarter ko ay 87 lang. Sobrang laki ng itinaas. Nag-tie kasi kami ni Austin sa exam, parehong dalawa lang ang mali namin pero sa magkaibang number.
"Kung hindi ka ba naman kasi natutulog habang nagkaklase, baka nga nataasan mo pa ako, e."
"Hoy, hindi na kaya ako natutulog sa klase simula noong pinapunta si Mama! Second quarter pa 'yon, 'no!"
"Tsk. Mas mataas kasi dalawa kong quiz sa 'yo," sagot niya.
Sobrang saya ko nang makita ang overall top ng section namin. Pangalawa kasi ako. Last quarter ay pang-anim lang ako, tapos ang lamang lang sa akin ng top one na si Austin ay 0.76 pero okay lang naman dahil wala namang paligsahang nagaganap sa aming dalawa. We're best friends and we will support each other sa kahit na saan.
"Congrats, Pusit!" Sinamaan ako ng tingin ni Austin nang tinawag ko siya n'on. "Talagang na-maintain mo ang pagiging top one mo, huh? Sobrang congrats! Masaya ako para sa 'yo. Subukan mo lang na mawala sa pagiging top one, naku, hindi talaga kita kakausapin!!!"
"Sus, no biggie, Hotdog!" Ako naman ngayon ang masama ang tingin sa kan'ya. "Chicken na chicken kaya ang mga lessons. No sweat." Nagpunas pa siya ng noo tapos pinakita ang palad na walang pawis. Ang yabang!!!
"Yabang mo! Basta i-maintain mo na 'yan, ha? Seryoso ako, hindi kita kakausapin kapag nawala ka sa top one."
Ngumiti siya. "Yes, Commander!" Nag-salute pa. Baliw talaga.
Pagpasok namin sa English class, c-in-ongrats kaming mga kasama sa top ten ng overall. Naka-post kasi sa labas ng classroom 'yon kaya makikita kaagad namin. Siya rin kasi ang adviser namin kaya siya ang nagko-compute ng general weighted average namin sa bawat quarter. Sinabi niyang masaya siya para sa amin, lalong-lalo na daw sa mga tumaas ang rank at ang nanatiling rank one.
Matapos 'yon, ipinaliwanag na niya ang JS Promenade na gaganapin sa susunod na buwan.
"So, as I was saying, you are all required to attend the party just like the last time. Hindi required na may date ka, but you are all required to wear formal attire. It will be held on February 21, 7:00 p.m. at the auditorium. So, I am expecting you to be the best you and I am expecting too that you will be wearing your most glamorous attire so that we will get the crown for Mr. and Ms. JS Promenade."
Marami pang sinabi si Mrs. Dianne tungkol sa magaganap na JS Promenade, at halos lahat ng mga kaklase ko ay excited. Ako lang yata ang hindi excited dahil para sa akin ay boring ang JS Prom.
Wala naman kasi akong crush na aasahang isayaw ako. Tanging si Austin lang ang nagsasayaw sa akin dahil bago pa man makalapit ang mga gustong magsayaw sa akin, binibigay na nito ang pinakamasama niyang tingin sa sino mang magtangkang magsayaw sa akin.
So . . . how can I be excited, right? At isa pa, I don't see any special about the prom. It's just a simple celebration for me. Ako lang ba ang nakakaramdam no'n?
"Ako date mo."
Hindi ako tinanong ni Austin noong sinabi niya 'yan, kundi, sinabi niya in a matter of fact tone.
"Whatever, Johnson."
Nginisihan niya lang ako bilang tugon.
Sa mga sumunod na araw ay parang naging mabilis na lang para sa akin. Siguro, sa sobrang busy sa school ay 'di ko na napapansin ang oras. Sobrang dami lang kasing inaasikaso sa org namin lalo na ngayong ang org namin ang OIC na pinakakailangang mag-asikaso sa darating na prom.
President ako ng English club, habang si Austin naman ay sa Physics. Kaming mga nasa English club ang in-charge para sa event, sa invitations na ipapamigay sa lahat ng junior and senior students, at sa pagde-design ng hall ay kami rin ang in charge.
"'Wag mo na akong hintayin, mamaya pa kami matatapos," sabi ko kay Austin na nakaupo sa isang gilid ng hall at naghihintay sa amin.
Nagpipintura kasi kami ngayon dahil in less than two weeks, JS Prom na. We need to rush. Buti na lang natapos na kami sa design ng invitations.
"No, Vani," sabi niya saka humiga sa gilid.
Wtf? Pumikit siya at ginawa niyang higaan ang dalawang braso.
"Ang kulit mo talagang pusit ka! Bahala ka nga."
Nilayasan ko na lang siya dahil wala na akong pag-asang manalo sa kan'ya. Ilang beses ko na siyang sinabihan na huwag na akong hintayin, pero paulit-ulit na "No, Vani" lang ang isinasagot niya sa akin. Hay, nako!
"Ang sweet talaga sa 'yo ni Austin. Are you sure na friends lang kayo?" tanong ni Bea na kasama kong nagpipintura ng mga materials.
"Of course. We're just best friends. Ilang beses ko nang sinasagot ang tanong na 'yan," natatawa kong sabi.
"Hindi ko kasi kayang maniwala na friends lang talaga kayo. I don't think there are guy friends na pupuntahan ka pa sa bahay n'yo para sabay kayong pumasok sa umaga, hihintayin kang matapos sa lahat ng ginagawa mo para sabay kayong uuwi, 'yung kasabay mong kakain ng lunch, 'yung itu-tutor ka sa mga lessons na hindi mo gets. Girl, walang kaibigan gano'n!" mahabang kwento ni Bea na parang kinikilig.
"True! Wala talagang ganoon! Hindi rin ako naniniwala na friends lang kayo. Walang ganoon talaga, e. Hindi sa bitter, ah?" sabi naman ng orgmate namin na si Jewel.
Humagalpak ako ng tawa. "Anong akala mo kay Austin? Forever na isang malaking joke kasi walang gano'n?"
Humagalpak ulit ako ng tawa dahil sa mga sinabi nila.
Pabirong inirapan ako ni Jewel. "Hay, nako. Ewan ko sa 'yo, girl. Hindi na ako magugulat kung mabalitaan kong ikakasal na kayo in the near future."
"Tama!"
Bandang 7:00 p.m. nang matapos kami sa ginagawa namin. 7:30 p.m. kasi nagsasarado ang school namin. Buti na lang at natapos ng mas maaga. Nakikita ko na nga na maganda na ang stage, kasi naman, 'yung isang orgmate namin na junior high pa lang, sobrang galing niyang magpinta, as in! Ang ganda tuloy ng stage. Siya rin ang nag-design. Bale, kami ay parang mga assistant niya lang.
'Yung iba ay nag-contact na ng catering services at ang restaurant namin ang napili nilang mag-cater sa amin. Hindi kasi mahal mag-bill si Mama. Isa naman ako sa punong-abala para sa invitations at sa music.
Inihatid ako ni Austin sa bahay bago siya umuwi sa bahay nila. Sinabihan niya pa ako na i-review ko ang last topic ng Social Studies dahil may quiz daw kami doon kinabukasan.
Hindi na kasi kami nakapasok doon dahil in-excuse na kami para daw maipagpatuloy na ang mga trabaho sa hall. Pito kaming magkakaklase ang hindi na pinapasok pa doon dahil member kami ng English club.
Pagkauwi ko ay nakita ko si Mama at Papa na may ginagawa sa sala. Pareho silang nakaharap sa laptop at parang hindi nila napansin ang presensiya ko. Hindi ko ugaling magreklamo sa kanila, pero sa sobrang busy nila sa trabaho nila, hindi na nila ako nabibigyan ng oras nila.
Naiintindihan ko naman na para sa kinabukasan namin 'yon pero paano naman 'yung ngayon, hindi ba? Mas nararamdaman ko ang pagiging magulang nila kapag gumagawa ako ng pagkakamali, kaya minsan, instead of being sad because they scolded me, nakakaramdam ako ng saya dahil sa mga ganoong pagkakataon ay nararamdaman kong may pakialam sila sa akin.
Nagbuntonghininga ako bago lumapit sa kanila. "'Ma, 'Pa, I'm home."
Hindi man lang nila ako tiningnan nang magsalita ako.
"Kumain ka na, we already ate our dinner. Nasa kwarto mo na rin ang gown na gagamitin mo sa JS Prom n'yo," sabi ni Mama habang nakatingin sa laptop.
Si Papa naman ay sinagot ang tawag sa kan'yang cellphone at doon na ulit natuon ang pansin.
Hindi na lang ako nagsalita. Pumunta na lang ako sa kwarto ko para magbihis at i-check ang gown na ipinagawa ni Mama para sa akin. Nakalagay ito sa isang malaking rectangular box, at nang binuksan ko ito ay nakita ko sa ibabaw nito ang silver stilettos at sa ilalim nito ay ang kulay pulang tube na gown. Halos kuminang ito sa mga nakalagay na design nito at hindi ko naman maipagkakaila na Mama has the best taste for this kind of dresses. Sobrang ganda.
I've already seen this dress noong nagkaroon ako ng final fitting but right now . . . it's really stunning! It's too beautiful! I suddenly feel excited for the upcoming promenade.
Ibinalik ko ulit ang takip ng rectangular box na pinaglagyan at inilagay sa ilalim ng higaan ko. Pagkatapos ay nagbihis na ako at kumain, saka nag-review para sa quiz namin sa Social Studies.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top