c h a p t e r 04

Kinabukasan, kasabay kong kumain ng breakfast si Mama at Papa. Nandito na ulit si Manang tulad ng inaasahan ko. Kinailangan niya lang talagang i-advance ang day-off niya dahil sa asawa niyang nagkaproblema sa bukid.
Pagkaupong-pagkaupo ko pa lang ay nagsalita na si Papa, habang nakatingin sa akin ng seryoso. "Aren't you going to greet us, Vanessa?"
Oo nga pala, ayaw nila nang hindi sila binabati sa umaga. Eh kasi naman! Hindi naman ako masiyadong sanay na kompleto kami!
"Uh . . . g-good morning po."
"Good morning," bati ni Papa pabalik. "Balita ko, you're involved again in another trouble, huh?"
Magsisimula na sana akong kumuha ng pagkain pero para akong nawalan ng lakas at gana sa itinanong sa akin ni Papa. Parang naging mabigat ang mga kamay ko para iangat. Siguro ay napansin 'yon ni Mama kaya siya na ang naglagay ng pagkain sa plato ko.
Umiling si Papa habang nginunguya ang pagkain. Nanatili ang paningin niya sa plato niya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yo. We gave everything you want. Isang sabi mo lang ay binibili namin ang gusto mo, pero bakit hindi mo kayang gawin ang part mo bilang isang anak?"
Tumingin siya sa akin gamit ang mga matang ayokong tingnan kapag ganito ang emosyon niya. "When will you become a responsible daughter for us? Until when will you do that, huh?"
Mabilis na tumulo ang mga luha ko sa sinabi ni Papa dahil alam kong ang ibig sabihin ng huling sinabi niya ay, until when will you disappoint us? Napatunayan ko lang sa mundo na hindi sapat na matalino ka, kailangan perpekto ka.
"I'm sorry, Papa. I'm sorry, Mama. I promise I will never do that again."
Inihatid kami ni Papa sa school, dahil nga kailangang kausapin ni Mama si Mrs. Wendy. Ang sabi ni Papa ay hihintayin na lang niya sa parking lot si Mama para ihatid sa restaurant namin. Pagpasok namin sa classroom ni Mrs. Wendy ay umandar ang kaba ko. Hindi ko pa naman kasama si Austin ngayon para pawalain ang kabang nararamdaman ko.
"Hello, I am Divina Madison. Vanessa Anne's mom."
Naglahad ng kamay si Mama kay Mrs. Wendy na mabilis naman nitong tinanggap. Nagpakilala rin ito sa kan'ya, tapos ay nagbitaw na. Pinaupo niya kaming dalawa.
"So, I heard po na gusto n'yo raw akong makausap?"
Tumango si Mrs. Wendy. "Yes. And I am sorry to bother you, I know that you are a busy person. I just can't tolerate the bad doings of your daughter in my class. I caught her sleeping in the middle of my class for the third time. Sleeping in the middle of my class is highly prohibited inside my classroom because it feels like she's not respecting me and my subject."
Napayuko ako nang tumingin sa akin si Mrs. Wendy, pero mabilis namang ibinalik ang tingin kay Mama at ngumiti.
"As you can see, outside this classroom, there is a sign board saying "strictly no sleeping in my class" with all its uppercase letters. I assume, Ms. Madison has good eyesight so she can read it clearly, right?"
Tumango si Mama. "Yes, she has perfect eyesight. I highly apologize for the trouble that my daughter caused you. I had a talk with her yesterday and she promised me that she'll never do that again."
Ngumiti si Mrs. Wendy at tumango. "Your daughter is pretty smart but I can't tolerate her—sleeping in my class. That's what I hate the most. I like her for being smart; she's one of the students who always got the highest scores in quizzes and exams. But please, tell her to respect my subject if she wants to graduate. Is that alright, Mrs. Madison?"
Tumawa nang mahina si Mama. "Of course. I gave her the most severe punishment she could ever have, so I think she'll learn her lessons well. And you can punish her too, if you ever saw her doing something wrong once again."
Tumayo si Ma'am Wendy at naglahad ng kamay kay Mama. "That's all, Mrs. Madison. Thank you for your time. And I am sorry for bothering you."
"Oh, no. It's alright, ma'am. After all, she's my daughter."
Matapos nilang mag-usap ay lumabas na kami ng classroom. Hinatid ko siya sa parking lot at nagpaalam.
"Oh, you should learn your lessons na. I hope this will be the last time that your teacher will call me because you caused trouble again," sabi ni Mama noong nasa harap na kami ng gate.
"Yes, Mama. Promise po. Ingat po kayo ni Papa."
Ngumiti na lang si Mama at nagpunta sa sasakyan ni Papa.
Tumalikod ako at napabuntonghininga nang--sa wakas--naayos na ang kaguluhang ginawa ko. Hanggang kailan hihingi ng tawad ang mga magulang ko sa mga kalokohang ginagawa ko? Hanggang kailan ko kaya sila idi-disappoint? Muli ay napabuntonghininga na naman ako.
Habang papunta ako sa classroom ng first period namin dahil maaga pa naman, may nakita akong lalaking medyo pamilyar sa akin. Siguro dahil batchmate ko ito pero taga-ibang strand, kaya medyo pamilyar sa akin.
May katapat siyang babae na umiiyak. Hindi ko makita ang mga mukha niya dahil nakatakip ang dalawang kamay niya sa mukha, pero makikita mo ang matinding pag-iyak dahil sa paggalaw ng mga balikat niya.
Nakakunot ang noo ko habang pinapanood sila. Bakit kaya umiiyak ang babae? Boyfriend niya kaya 'yung lalaki at nakikipag-break ito sa kan'ya? Lumapit ako nang kaunti para marinig ko kahit na papaano ang sinasabi ng lalaki.
"—hindi ko na kayang ipagpatuloy pa. Noong una pa lang naman sinabi ko na kaagad sa 'yo na hindi ako 'yung tipo ng lalaking tumatagal sa isang relasyon, hindi ba? Akala ko kasi nagkaintindihan na tayo. Sorry pero hanggang dito na lang talaga tayo."
Isang malaking asshole naman pala ang lalaking ito! Sayang at gwapo pa naman!
"Ang akala ko kasi, mababago kita, e. You can't just leave me, Raf. I-Ibinigay ko na ang lahat ko sa 'yo."
"You know that will never happen, Yna."
Naputol ang pakikinig ko sa kanilang dalawa noong may biglang umakbay sa akin. Pagtingin ko ay nakita ko si Austin na nakangiti.
"Nandito ka na pala. Sinundo kita sa inyo pero sabi ni Manang, maaga raw kayong umalis. Ano palang ginagawa mo dito?" tanong niya. Umiling ako at tiningnan ulit ang dalawang mag-boyfriend na ngayon ay naghihiwalay na. "Sus, tsk. Wala 'yan. Gago talaga 'yang si Raf. Sex lang ang habol sa mga nagiging babae."
"Talaga?"
So 'yun pala ang ibig sabihin nung babae noong sinabi niyang ibinigay na niya ang lahat. Hinila na niya ako paalis sa lugar na 'yon habang nakaakbay sa akin.
"Oo. Kaya ikaw, alam kong matalino ka. Pero sasabihin ko pa rin sa 'yo. Huwag kang lalapit sa lalaking 'yon dahil ipapahamak ka lang noon. Kung gusto mo ng maayos na buhay habang nag-aaral ka pa, 'wag na 'wag kang lalapit doon dahil walang puso ang hayop na 'yon."
Nakita kong umigting ang panga niya. "He's Dino Rafael Gonzales. He breaks every girl's heart like it's just some kind of a toy. He breaks their heart as if those girls have no feelings. Ayaw kong mangyari sa 'yo 'yon, kaya sinasabi ko sa 'yo lahat. I'm just warning you."
Dino Rafael Gonzales—a damn ruthless heartbreaker.
Well, Austin doesn't have to give me a warning dahil hindi naman ako interesado sa kan'ya. And I know, he's not interested in me too, dahil isa lang naman akong simpleng estudyante na feeling maganda na mahilig sa KDrama at hinding-hindi ko maibibigay ang tanging gusto niya sakaling magka-interes siya sa akin, dahil hindi naman ako desperada tulad ng ibang mga naging babae niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top