What are you?

Life's never been fair. If you think you are in a stable state, then think again. Kahit ang mga mayayaman ay niragasa muna ng bagyo bago naabot ang rurok ng evacuation center na nakapagpaginhawa sa kanila. At ang mga mahihirap ay minsan lamang nakararanas ng maginhawang araw. Minsan ay iniisip ko na sana lahat ng tao ay maging patas sa isa't isa—para man lang maranasan ng buong sangkatauhan ang kaginhawaan ng buhay. Pero wala, eh. Mas matigas pa sa Great Wall of China ang ulo ng mga tao, partikular sa mga Pilipino.

Ranting for a better life but they can't make their own attitudes better than anything else. Tsk.

I released a smile to the old woman in my front as I handed her the bag of rice and foods. Nandito ako sa isang baranggay sa Nueva Ecija, tumutulong sa mga nasalanta ng bagyong kaaalis lang kahapon. As an artist, I aim to help the people and observe their emotions for me to make it as my subject of my arts.

Napaginhawa ako nang maluwag at umupo sa katabing upuan. Iyon na ang huling receiver ng relief goods at sa wakas ay makapagpahinga na ako. Kinuha ko ang dala-dalang sketch pad at lapis na nasa loob ng aking bag. I started playing the pencil while keen observing the surroundings. Happy faces, medical assistants to which they are assisting the ones who's injured, and my team. I captured them in my mind and started to draw the lines that suits the art.

Half an hour had passed and finally, my work is done. Nag-sketch lamang ako ng mga nakita ko kamakailanlang. The smile on their faces makes my day. Kahit wala na akong pamilya sa aking tabi, ang mga taong araw-araw kong natutulungan ang nagsisilbing pamilyang bumubuo sa akin. To be part of the team which people are aiming to help the humans who needs help is a great opportunity. Dito ko na inilaan ang aking oras simula noong nagtapos ako sa pag-aaral. Ang mga taong kailangan ang tulong ko—namin, ang dahilan para mabuhay pa ako nang tuloy-tuloy.

"Ilang taon ka na ba, 'neng?"

Tinapos ko muna ang pagliligpit ng mga gamit ko at sa team bago ako lumingon sa nagtanong. Ito ang huling binigyan ko ng relief goods. "Uhm . . . 29, po," maikling tugon ko. Nakita kong mas umaliwalas pa ang kaniyang ngiti biglang kinuha ang aking kamay na siyang ikinagulat ko. "B-Bakit, po?" nautal ako.

"Gusto kitang suriin. Napakaganda mong bata. Hindi halatang isa kang Pilipino. Mayroon ka bang lahi?" tanong niya at hindi na ako nagulat pa roon.

Madalas naman kasi itong tinatanong ng mga tao sa 'kin. Hindi ko alam kung ano'ng meron sa puti kong buhok na may kakaibang pagka-ginto sa ilalim—hindi nila ito nakikita—at palagi na lamang akong napagkakamalang may lahi. Umiling ako bilang sagot habang nakatitig sa kaniya. Hindi niya ata napansin ang pag-iling ko nang tumatango-tango siya't bigla akong tinitigan sa mata.

"Bakit hindi ko makita ang iyong hinaharap? Bumabalik at bumabalik ako sa nakaraan . . . ano ikaw?"

Bigla kong nabawi ang aking kamay sa uri ng kaniyang pagtingin at sa mga salitang lumabas sa kaniyang bibig. "P-Po? Hindi kita maintindihan," sabi ko na lamang sa kabila ng aking panginginig dahil sa kaba.

"Huwag mo na lamang pansinin iyon," saad niya, "Pasensya na. Nga pala, kailan ka mag-aasawa? Sinabi ni Doc. Cath na wala ka pa raw'ng asawa, haha!"

Napaiwas ako ng tingin. "Wala po akong plano . . . " pahina nang pahina ang boses ko. I actually didn't fell in love with guys before. I mean, I am attracted to guys but the weighing scale said that I am better for girls. ". . . kung bawal pa rin ang pagpapakasal ng parehong kasarian dito sa Pilipinas." Hindi ko alam kung bakit iyon lumabas sa 'king bibig. Siguro dahil napagod na. Hindi ko na natingnan ang reaksyon ng matanda dahil niyaya na akong umalis ng mga kasamahan ko. Nagpaalam ako sa kanilang lahat bago sumakay sa sariling sasakyan.

Sa byahe, lutang ako pero nakakapag-maneho pa rin naman ng tama at nasa lugar. Hindi lang talaga naaalis sa aking isipan ang mga sinabi ng matanda kanina. I can't understand her even how hard I tried to understand it. Sadyang magulo lang ba, o talagang ganoon makapagsalita ang mga matatandang biniyayaan ng kakayahang makatingin ng hinaharap ng isang tao?

Pakiramdam ko ay kakaiba ako sa kanila. Sa loob ng dalawampu't siyam kong naninirahan sa mundo, ngayon lamang iyan sumagi sa aking isipan. Kakaiba ang kulay ng aking buhok, and the way I move, it speaks authority and gracefulness. Minsan din ay pakiramdam ko hindi ako nararapat dito.

E kung gano'n, saan ako lulugar? P'wede bang sa Mars na lang? Huhu, tara lipad.

Ano nga ba ako . . . ?

- eggarru -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top