Together
A bottle of Soju was dropped at the floor. Napailing nalang ako at tinawag ang waiter para kunin iyon. "Dahan-dahan, Ma'am. Halatang hindi mataas ang tolerance mo sa alak," tukso ko.
Tumawa lang siya ng mahina at pumahalumbaba habang nakaharap sa akin. Mapupungay ang kaniyang mga mata at parang kahit anong oras ay mahuhulog na ito't makakatulog. Kanina pa nga niya hinubad dala niyang jacket dahil naiinitan daw siya. Ang ending, naka-swimsuit nalang siya ngayon pero nandoon pa rin ang telang nakatakip sa kaniyang ibabang parte.
"Iuwi na kaya kita?"
"No... just let me," her voice is groggy. Lasing na talaga siya. Nakalalasing pala ang ika-sampung bote ng Soju? "By the way, let's do a storytelling. Kanina pa tayo—" napasinok siya, "nag-uusap ng mga gusto at ano tayo, e."
I partnered her stares as I make my head lowered in the table. "Hmm? What story? Go on."
"Alam mo ba kung bakit ako naglalasing ngayon? I'm still sober pa naman, can still talk straight. Don't worry!" biglang liko ng pinagsasabi niya t'saka siya nagpatuloy. "Nabuntis ng ex ko ang kaibigan ko... I mean, I'm not sad because my ex-boyfriend impregnated my friend, and that's the reason why we've break up. Pero kasi . . . matalik na kaibigan ko 'yon! Si Mama na ang halos nagpalaki sa kaniya, tapos... tapos—" hindi siya matapos-tapos dahil sa sunod-sunod ang mga luhang tumutulo mula sa kaniyang mga mata at tuloy-tuloy niyang singhot.
Lumungkot ang aking mga mata at parang bigla ay gusto kong gawan ng nobela ang taong nagpaiyak sa kaniya ng ganito. Nobelang makikita kung saan nahihirapan ang ex niya hanggang sa ito ay sumuko na ng tuluyan. Gosh, nagiging bad na naman ako. Am I really a successful person? Nakapagdududa na.
"Hush," pag-aalo ko.
She sniffed and wiped her tears. "Tapos nagpabuntis siya sa lalaking nagloko sa akin? Alam naman niyang niloko ako no'n, e! Matagal na, pero bakit niya sinalo ang sinuka ko na?" saka siya humagulgol ng todo.
Napabuntong-hininga ako at tumayo. Nilapitan ko siya sabay hawak sa kaniyang hubad na mga balikat at inalo sa lahat ng aking makakaya. Habang nakatitig ako sa kaniya at nagsasabi ng mga salitang alam
kong makapagpagaan sa kaniyang kalooban, may mga imaheng pumasok sa aking isipan. At gaya noong nasa sasakyan ako, parang pumasok na naman ako sa isang eksena.
Ang babaeng nakita ko na noon sa isang panaginip ay nandoon. May kasama siyang bagong babae na ngayon ko lamang nakita. Kulay lila ang suot nitong magarbong damit, nakayapos sa kaniya at parang yumuyugyog ang mga balikat; parang umiiyak sa bisig ng babaeng ginto. Mayroon silang pinag-uusapan pero hindi iyon klaro sa aking pandinig. Ang mukha ng babae, na nakaiilang dahil parang mukha ko rin, ay may mababasang poot at awa habang hinihimas ang balikat ng babaeng lila.
Ang ganda nilang pagmasdan. Nagising na lamang ako mula sa imaheng biglaang pumasok sa aking isipan nang may biglang nagyugyog sa akin. "Hey, hey! Are you fine? Para kang papatay, ah."
"Sorry." Napatingin ako kay Vivien. "Are you okay now? Or do you want us to talk to it more?"
"Nah, but thanks. I need to go back in my suite. Baka hinahanap na ako ng kasama ko sa kuwarto. Anong oras na rin, e."
"Samahan na kita," I offered.
Hindi na siya tumanggi pa at hinayaang sumama sa kaniya. Narating na naman ang hotel dahil nasa harapan lang naman iyon. Kahit alam kong sobrang bilis ng pangyayari, nagawa ko pa ring siyang hagkan upang gumaan ang kaniyang pakiramdam. Tumatama ang kaniyang mainit na hininga sa aking balikat na siyang nakapagpakikiliti sa akin ng kaunti.
"Don't feel so upset, Mi Cara. It's their decision, not yours. It's not your fault that your friend didn't took your warnings seriously. You are a precious gem that I want to protect, but how can I if you can't even do that to yourself? Stop crying now, please..." tuloy-tuloy kong saad—na parang takot na makalimot sa mga salitang gustong sabihin. Hindi ko na nga alam kung paanong naging konektado ang pinagsasabi ko sa kalagayan niya ngayon.
Gusto kitang sakalin, Vanessa.
***
Umabot ng isang linggo ang pamamalagi ko sa Palawan. Nilibang ko na rin ang sarili ko at nag-unwind dahil pakiramdam ko ay stress na ang ganda ko sa mga laman ng aking isipan. At sa isang linggo na 'yan, naging mas malapit kami ni Vivien sa isa't isa. Napapalagay na rin ang aming mga loob sa mga bagay-bagay.
Kahit nga isang linggo pa lamang kaming magkasama, pakiramdam ko ay ilang taon na iyon dahil sa mga nalaman kong mga bagay bagay sa kaniya. Hindi ko nga inakalang nararanasan niya rin ang nararanasan ko kamakailan lang. Ang kakaibang panaginip ko at ang iba't ibang imahe na pumapasok sa aking utak na buhay na buhay.
Ngayon ay uuwi na ako. Hindi ko na makakasama si Jurize at Mark dahil may mga trabaho pa raw sila. Hay naku, buhay mag-asawa nga naman. Hindi ba sila nauumay sa company ng isa't isa? Palagi silang magkasama sa trabaho at maging sa bahay nila, e. Pero sabagay, kung mahal mo ang isang tao, hindi ka naman talaga mauumay kahit pa kada segundo kayong magkasama.
I'm currently holding my phone while sitting on one of the chairs here in Ninoy Aquina International Airport. Naghihintay ako ng text mula sa kaniya. Kanina pa kasi ang lipad niya papuntang Laguna since doon ang main address niya.
Nakaka-sana all lang na may main address. Patayo na kaya ako ng bahay para sa aming dalawa? Landi mo talaga, Vanessa.
Mabilis lang dumaan ang oras. Nasa isang hotel na naman ako somewhere in Laguna. Sinundan ko siya pero ang problema, hindi ko alam saan siy nakatira. Kaya ang ending, sa hotel na naman ako bumagsak.
Ano ba 'yan!
- eggarru -
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top