Photographer
Nagising ako dahil sa sakit na nararamdaman sa may bandang dibdib ko. It stings like someone smashed my chest hard. Immediately, I slumped my back to the headboard of my bed. Nahihilo ako sa hindi ko malamang dahilan.
But then, I suddenly remembered my dream. Gold, red, ancient, words, massive bedroom, and a woman. Ano, sino, at para saan ang mga iyon? Hindi ko naiintindihan. Pero baka naman isa lang iyon sa mga strange dreams ko palagi sa aking pagtulog. Well, siguro nga. I shouldn't think deeply of this and will just focus on my life, right?
Nagising ako sa pagkatulala nang biglang tumunog ang cellphone ko sa bedside table. I fetched and answered the call without viewing who the caller is. "Hello?"
"Vanessa-girl! I miss you!" tili ng boses sa kabilang linya. Napapikit ako at napakamot sa may batok. "I know you are busy with your life, helping other's life, but we can't find any other person whom we can help us. So, please, tulungan mo kami..."
Yawning, I watched the sun on the horizon that's slowly setting. I can see it through the small space that's peeping on the curtains from the ceiling-to-floor window glass of this room. It looks majestic that I almost forgot that there's someone crying for help on the other line.
"Van? Nandyan ka pa ba?"
I replied a soft giggle. "Sorry, was just enjoying the big orange ball setting. What is it again?"
"Vanessa naman, e!" maktol nito, "I said I need help."
"Para saan?" It intrigues me.
"We need a photographer in the photoshoot here in Palawan Resort. Nag-day off ang photographer namin at hindi ma-contact ang ibang photographer na kakilala—"
"And? Why did you call me? Am I a photographer?"
"Uh . . ." alanganin ang boses nito. "Hehe, hindi. Pero puwede ka namang maging isa 'di ba? I know you can with your skills! Isa pa, puwede ka ring kumuha ng mga pictures dito at gawing inspirasyon sa mga gawa mo. Just pleaseeeee, help me!"
Nagmamakaawa na talaga siya kaya natawa na naman ako. "Fine, fine. I'll just tell my subordinates about this, Jurize. Ite-text nalang kita mamaya kapag lilipad na ako papunta r'yan. Drop the address later, okay?"
"Yessss! Thank you, Vanny-girl! Mwa, love you!"
The call ended.
Niligpit ko na lahat ng gamit ko pagkatapos kong ipaalam sa mga kasama ko sa field na hindi muna ako makasasama sa mga program nila dahil tutulungan ko ang aking kaibigan. It's a good thing that they've agreed, or else, my bestie would be its great demise. Sinabi niya kasing para sa International Modeling Agency ang ite-take na mga pictures ng model niya. Ayan, kung bakit kasi naging manager ang bruhang iyon. Kung sana'y naging model na lang siya, bagay naman sa kaniya e.
Kasalukuyan akong nagmamaneho papuntang NAIA. Ang layo pa nang minamaneho ko kasi malayo ang agwat ng airport na iyon sa kasalukuyan kong tinutuluyang hotel. Walang traffic kasi malapit nang mag-hatingggabi. Subalit sa payapa kong pagmamaniobra ng sasakyan, isang babaeng nakasuot ng napakaragang gown ang humarang sa daan. Bigla akong napapreno at napatigil. Nasa gitna naman kasi ang babae!
"Damn goodness!" napamura ako. Bumilis ang tibok ng aking puso at halos atakihin na ako kung hindi ko lamang ito napakalma ng mabilisan. Muntik na akong makasagasa... sino ba naman kasi ang tangang nakasuot ng gown ang pupunta sa gitna ng kalsada sa dis-oras ng gabi? Ang babaeng 'yan lang!
Dali-dali akong lumabas mula sa kotse at nilapitan ang babae. Pero maling desisyon ata iyon sapagkat nang lumingon ito sa 'kin, halos matulos ako sa aking kinatatayuan nang mahinto ako sa paglapit.
B-Bakit . . . hindi . . . p-paano?
Napaigtad ako. Bigla kasing tumunog ang cellphone sa aking kiliran. Napatitig ako roon, my mind's too messy to comprehend things that's happening. I look around myself and realized I am just inside my car—at the side of the road where long grasses were grown and flickering lights of a post was the only light I can see.
Nananaginip ba ako ng gising? But, I swear! Pakiramdam ko'y totoo ang nangyari kamakailan lang! May babaeng naka-gown ang huminto sa gitna ng daan at noong nilapitan ko na, mukha ko ang aking nakita. Damn. Panaginip lang ba iyon?
Napasabunot ako sa aking buhok. Nababaliw na siguro ako. Tama lang siguro ang desisyon kong pumaroon sa aking kaibigan. Baka kailangan ko lang mag-unwind. Tama, 'yan nga.
I maneuver the car again and when the clock ticks at 12 midnight, it is the exact time that I have arrived in NAIA. Inasikaso ko kaagad ang flight ko at bandang ala-una na akong nakasakay ng eroplano.
Habang nasa byahe, tulala lang ako. Hindi pa rin ako makapaniwalang nangyari iyon sa 'kin. May pangitain bang ganoon? Don't tell me, nasa isang horror life na ako? Gosh, ayaw ko no'n. Kahit doktor ako, ayaw ko pa ring makakita ng multo o kahit anong maligno sa kanto. Ayaw ko sa pangit, huhu!
***
Malapit nang mag-tanghali nang marating ko mismo ang resort na sinasabi ni Jurize, bestfriend ko. Nag-book muna ako ng hotel sa resort at inayos ang aking mga gamit bago ko pinaalam sa kaibigan na nasa harap na ako ng tinutuluyan niya at ng mga model.
"I'm outside." Pinatay ko kaagad ang tawag.
The serenity of surroundings can't be stolen by anybody. Waves of cerulean blue sea catched my attention as the sun above made it more shines. I can't help but to admire the beauty of nature. It's a good thing that the people here takes good care of this place. Hindi nga ako nagkakamaling pumunta rito. It helped me ease and clear my mind from haze.
Naramdaman kong may kamay na biglang umakap sa aking likuran. It's her, my bestie. Humarap ako sa kaniya at gumanti sa mahigpit niyang mga yapos. "Damn girl, I miss you so much."
Naghiwalay kami sa pagkakaakap sa isa't isa pagkatapos ay ngumiti. "Miss na rin kita, beshie! How have you been?"
"Doing fine, I guess," sagot ko kahit hindi ako sigurado. Sino bang magiging okay sa mga nangyari sa akin sa nakaraang mga oras?
Nagpatuloy kami sa pag-uusap habang inuutusan niya rin ang kaniyang team na ayusin ang setup ng kanilang photoshoot area. Inaayos na rin ng assistant niya ang mga kakailanganing makeup ng kaniyang mga model.
"Everything well?" tanong ko.
Tumango siya at biglang lumabas si Mark, the guy she oath to love for the rest of her life. Kasal na sila two years ago and I can't do anything but just to be happy for them. Wala pa silang anak pero magkasama naman sila sa industriyang pinapasukan nila pareho.
"Hey, Van," Mark greeted.
I can only give him my smile before proceeding to the setting and sat to the vacant chair I saw.
Napapaisip ako kung ilang araw o buwan ba akong magtatagal dito. Pumasok din sa aking isipan ang mukha noong babae—though hindi ko talaga alam kung totoo ba iyon, panaginip, o isa lang imahinasyon—and what it looks like. Pareho talaga, e. Ang pinagkaiba lamang ay ang ginintuan nitong buhok na kapareha sa kulay ng akin sa ilalim ng buhok ko. Walang makeup ang mukha nito pero napakaliwanag na parang anghel. Ang kaniyang suot ay gintong magarang damit na may pulang balabal.
Saan ba nanggaling ang babaeng iyon? Baka hanggang dito, sinusundan ako, e. Mapagkamalan pa akong baliw rito. Sayang ang ganda ko, naku naman!
- eggarru -
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top