Ma'am

"Hold your hips and look at the sky above with your most fierce aura," I instructed as my hands gripped the camera tighter. Mukha na ngang magigiba ang ibang parte nito sa higpit ng aking pagkakahawak.

"Fiercer!"

Click, shot, click, shot.

A smile escaped from my lips. The photoshoot is finally done. It's getting hotter in the location where we are currently staying, the reason why I'm trying to suppress my irritation by holding the camera tight. Just want to say sorry to the poor camera now.

Isa na ring dahilan ang babaeng nakakuha ng aking atensyon. Sa halos lahat ng kuha ko ay sa kaniya lang nakasentro ang aking mga mata. She's pretty, really pretty for me. I don't know how, but I didn't felt this kind of 'thing' toward guys that I have dated before. This one is different. I'm already old enough to determine what's this kind of feeling.

Love at first sight.

Cringe, I know. Hindi ko alam kung bakit ko ba ito nasabi. Basta ang alam ko lang, iyon na. Pakiramdam ko nga ay parang nagkita na kami dati. Pakiramdam ko ay minahal ko na siya dati na siyang posibleng dahilan para madama ko 'ulit' ang bagay na ito. Hindi ko alam. Pati pala ang pag-ibig ay nakababaliw. Funny.

Nilagay ko ang camera sa lamesa na nasa ilalim ng tent at umupo sa upuan na para sa 'kin. Far from here, I can still see her mesmerizing beauty. Ginto ang kaniyang natural na mga buhok, kagayang kagaya sa buhok kong nandito sa may bandang batok. Kung paano siya ngumiti at kung paano niya pinalaho ang emosyon sa kaniyang mukha, hindi naaalis ang titig ko sa kaniya kapag iyon ay kaniyang ginagawa. Her luscious lips that was paired with her proud and cute nose makes me want to touch it. And the way her crystal eyes produced different emotions, it captivates me.

Damn this girl. Sigurado akong ngayon ko lang siya nakita. Bakit ganito?

Hindi ko na napigilan ang sarili. Agad na akong tumayo at inayos ang sarili. Nakasuot lamang ako ng isang kulay gintong maxi dress at flat sandals habang nakalugay na naman ang hanggang balakang kong buhok. I am also wearing sunglasses. Binaba ko na sa mismong mga mata ko ang suot-suot na sunglasses at lumakad na papunta sa kaniya.

Nalapitan ko siya sa batong nakausli sa gilid ng set namin. Nag-iisa at tinatanaw ang ganda ng tanawin. Bagay na bagay sa kaniya ang suot na two-piece swimsuit na kulay lila habang mayroong dilaw na telang pantakip sa bandang ibaba.

"Hi."

Her head moved towards my direction then she smiled. "Hello, Ms. Photographer."

The way she talks makes my heart beat in a rapid speed. Ngayong nasa malapitan ko na siya, hindi ko na talaga mapipigilan ang sariling kausapin siya. Tinagurian pa naman akong henyong doktor, pero hindi ko masabi kung anong klaseng sakit ang mayroon ako ngayon.

"Too formal. Vanessa Kaye Ricablanca, but you can just call me Esang, and you are?" I offered my hand for a shake, and she gladly accepted it. As much as I want to sound not so excited in talking with her, it still appears helplessly.

"Vivien." And then, she smiled again.

Tinali ko ang aking buhok at pinalandas ito sa kanang bahagi ng aking balikat. "Hindi na ako magtatagal dito, e, kaya hindi ako sigurado kung makakasama pa ba kita ng matagal. Pero habang maaga pa, can I take you into a 'friendly' date?" walang paligoy-ligoy kong tanong. Diniinan ko talaga ang salitang 'friendly' para naman hindi siya masyadong magulat.

Naalala ko tuloy iyong matanda na kumausap sa akin noong nakaraang linggo. Sinabi ko sa kaniyang hindi ako mag-aasawa hangga't hindi pinapayagang magpakasal ang magkaparehong kasarian. Well, mukhang tama nga iyon.

Bakit ba kasing walang lalaking gaya ng ibang mga babae?

Nakita ko ang gulat niyang mga mata kaya mukha akong tangang nataranta ng kaunti. Namula ang aking tainga at napakagat sa ibabang parte ng aking labi. I'm clenching my dress at the back, my mannerism when something embarrassing is happening. I just can't help it.

"I-If you don't want—"

"No, I'll take it," she suddenly said that made my cheeks flushed and look away from her. Vivien, then, chuckled heartily as though someone just tickled her. "You're cute. Why act like that? Mhm, Ms. Photographer?"

"H-Huh?" nauutal pa rin ako. Mukha akong bumalik sa pagiging teenager na nakaharap ang crush niya. I'm already 29, for Pete's sake!

"Oh, come on. Don't be shy!" Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa malaking bato at pinantayan ako ng tingin.

Nakita kong napalingon siya sa lugar kung saan kami nandoon kanina kaya nagawa ko rin iyon. I saw Jurize far away from us, grinning like a crazy woman. Her mouth mouthed 'good luck' and just like that, she walked away. Napairap ako sa hangin at muling hinarap si Vivien na nakaharap na pala sa akin nang hindi ko namamalayan kaya ako napakurap nang paulit-ulit.

"S-Sorry," I stuttered again, but seconds later, I managed to clear my throat and give her a smile. "Let's go, ma'am?"

"Ma'am?" nagtatakang tanong niya at tumawa na naman. She looks like an angel. Period.

Napunta kami sa isang restobar sa likod na parte ng hotel na tinutuluyan niya. Siya na ang nag-order ng low alcoholic beverages at foods na puwede naming kainin habang nag-uusap. We sat to the table that's far away from the counter and is near the windows, fresh wind reaching our place that's perfect for the ambiance, while waiting for our orders to come.

I thought we will be in silence while waiting, but never have I ever thought that she'll initiate the talk. "You're so stiff earlier, so I'm really shocked when you said you want us to have a date," she spat while smiling.

"O-Oh, sorry," nahihiya akong tumawa. "I'm not really a photographer, y'know. Jurize, your manager and my best friend, just need my help. Kawawa naman kung tatanggihan ko, t'saka isa pa, miss ko na ang babaeng iyon."

"Really? But you act and shoot like one!" her eyes gleamed excitement for the reason that I don't know.

Tumango ako at ngumiti.

Siya na ba iyong taong hinihintay ko? Siya na ba ang makapagpalaya sa akin?

- eggarru -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top