Death Wish

Napahikab ako habang nakatutok pa rin sa cellphone. Hinihintay kong mag-reply siya, dalawampung minuto na ang nakalilipas simula noong nilapag niya ang huling mensahe. Baka nakatulog na ito. Siguro matulog na rin ako. Anong oras na rin, may pupuntahan pa akong libreng medical checkup bukas sa Caloocan.

Humikab na naman ako bago bumagsak sa higaan. Papungay-pungay na ang mga mata ko nang biglang tumunog ang ringtone ng cellphone. Sa kadahilanang naiisip ko na baka si Vivien iyon, dali-dali ko iyong sinagot at excited na nagsabi ng "Hello!" Pero kabaliktaran ang inaasahan kong sagot ang bumungad sa akin.

Sino ba ito?

Eyebrows were furrowed, I looked at the screen on my phone. It's an unregistered number.

"Are you somewhat familiar of Vivien Piojo?" bungad nito.

Mas lalong nagsalubong ang aking mga kilay at kumunot na ang noo ko. "Yes, who's this?" masungit kong ani. Panlalaki kasi ang boses, baka kung sino pa 'to, e.

"Your name is the one she keeps on saying before darkness engulfed her. And, I came to open her phone and saw your name in the contact list and in recent messages. She's here in the known hospital of Laguna," saad ng nasa kabilang linya at agad namatay ang tawag.

Hindi agad ako nakagalaw dahil hindi agad nagproseso sa akin ang sinabi ng lalaki. Nagising na lamang ako mula sa pagkatulala nang mahulog ng kusa sa aking mga daliri ang cellphone na kanina ko pa hawak. Gripping my hands tightly, I immediately wore my slippers and head to my car that's on the parking lot of the hotel I'm staying.

Mabilis ang aking pagmamaneho dahil na rin sa kaba at sa kung anu-anong bagay na pumapasok sa aking utak. Bakit ba siya nawalan ng malay-tao at napunta sa hospital? Anong nangyari sa kaniya? Damn!

Pagkarating ko sa hospital, nagtaka ang mga on-duty dahil kilala nila ako. Agad lumapit sa 'kin ang isang nurse at sinuyod ang aking kabuuan. "Doc. Ricablanca, ano pong ginagawa n'yo rito na ganiyan ang suot?"

"Give me the room number of Vivien Piojo," deretsa kong sabi at hindi na siya sinagot pa.

"W-Wala pa po siya sa isang private room. Patient 309 is still in an operating room, Doc."

Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. "W-What? What's her case? Bakit siya napunta rito? Maayos ko naman siyang nakausap kanina, ah!"

"A-Ayon po sa findings, nagka-heart attack po ang pasyente. The assigned doctor said that supposedly, she had been operated last week but the patient didn't follow her said schedule. So now, she's suffering her consequences."

Napasabunot ako sa aking buhok. Last week? Iyan 'yong unang punta ko sa Palawan para sa photoshoot nila. So, meaning, nagsa-suffer na siya noon pa man? And I've had even let her get drunk that night! Fuck it. Why am I so fool? Hindi ko na namalayang sunod-sunod nang tumulo ang luha ko. Dumadausdos ito pababa sa aking mga pisngi at kasabay nito ang pagsikip ng aking dibdib na naging dahilan upang lumabas ang tunog ng sinisinok sa aking sistema. I'm wiping my tears and gripped my shirt hardly.

Nakita ko pang nagulat ang mga nurse na nakakita sa akin doon. Wala na akong pake sa kung anuman ang maging tingin nila sa akin ngayon. As much as I want to barge in the operating room, I can't. Maaaring masisira ang inaasahang kinalabasan ng operasyon.

Lumakad na lamang ako sa waiting area. May nakita akong isang lalaking matipuno na nakatayo at nakayuko sa harap ng pintuan ng OR. My brows knitted in confusion. Mukhang ito ang tumawag sa akin kanina dahil hawak pa rin niya ang cellphone ni Vivien. Who's this guy? Kaano-ano ba ito ni Vivien?

"Hey," pagtawag ko rito.

Napalingon ito sa direksyon ko at agad akong sinuri. "So, you're Vanessa?" sa tono ng kaniyang pananalita, mukha siyang mayabang. Pero hindi ko na lamang iyon pinansin dahil wala ng oras.

"Yeah. Who are you?"

"I'm Vivien's ex-boyfriend, Loki. I believe you're her new. Why didn't you took care of her? I assume you already knew about her condi—"

"I don't," pagputol ko sa sasabihin niya sana. "I don't know about her condition. She's fucking secretive, I can't even see symptoms from her that I can distinguish as a doctor. You're her ex? Fuck off now. I'm already here. Thank you for bringing her here—" naputol ko ang sariling sinasabi nang may ma-realize ako.

Tumingala ako sa kaniya dahil sa matangkad siya. Tumaas ang kaniyang kanang kilay at nangungutyang tumingin sa akin. "What?"

Instead of asking what's circling around my mind, I just scoffed and rolled my eyes. "Never mind. You can go now, thank you."

Umalis na nga siya nang walang paligoy-ligoy nang mailagay niya ang cellphone ni Vivien sa upuan na nasa gilid namin. Napatitig ako sa kaniyang malaking likuran. Bakit siya nandoon sa bahay ni Vivien? Kung ano man ang rason, labas na siguro ako ro'n. Wala naman talaga akong karapatan.

Napaupo ako at hawak-hawak ang cellphone ko ng sobrang higpit. Muntik ko na namang mabitawan ito nang biglang tumunog. It's a notification from Gmail, a mail that was scheduled at this moment for me. Dali-dali ko itong binuksan at isang mensahe na galing kay Vivien ang nandito. Nanginginig ko itong binasa mas lalo lamang tumubo ang lungkot sa aking sistema. Bakit? Bakit hindi niya sinabi sa akin ito ng personalan?

Hello, Ma'am! This is your model, Vivien Piojo. It was really, really enchanting to meet you *insert Taylor's song*. I mean, bro, I haven't get into a same-sex-relationship before but, yeah, kahit wala pa tayong label kasi masyadong mabilis, parang ganoon pa rin naman. Salamat at dumating ka sa buhay ko noong mga panahon na sobrang down ko na. To the point na aatake ng palihim ang sakit ko pero tiniis ko pa ito. Ang bilis kong nahulog sa 'yo, ewan ko kung bakit e hindi naman kita type, haha!

Ma'am, sorry kung 'di ko sinabi sa 'yo itong sakit ko, ah? I just don't want you get worry since I know you're the best doctor I have ever known. Kaunting pakita ko lang sa mga sintomas na palagi kong nararamdaman, wala na, alam kong malalaman mo na. Pero buti nalang at maingat ako, ano? Hindi mo nalaman, haha. Noong nakaraang linggo sana ang operasyon ko pero dahil gusto ko pang makasama kayo at lalo na ikaw, mas pinili kong hindi sumunod sa payo ng doktor. Matigas po ang ulo ko, alam ko na 'yan. Pero mahal kita, e. Pa'no ba 'yan? hahah!

Kung hindi man magtagumpay ang operasyon ko ngayon, magpakatatag ka, ha? Ma'am... mahal na mahal kita. Hindi ko alam kung paano ko ito naramdaman e saglit na panahon lang naman tayong nagkasama. Sobrang bilis nga, pero wala na sila ro'n haha!

Ang huling hiling ko lang naman ay . . . ang makasama ka kahit saan o kahit ano pa mang oras ng panahon. I've always wished to be with you forever; even in another lifetime. I love you. Be strong, please.

Akala ko wala ng mas ikalalakas pa ng hagulgol ko nang mabasa ko na ito nang buo. Pero mali ako. Dahil mukhang buhay ko naman ang sumunod na kinuha ni Lord nang marinig ko ang saad ng kaibigan kong doktor na kalalabas lang mula sa OR.

"Doc. Ricablanca, you're here. Nurses from reception area said you're somewhat related to Miss Vivien Piojo? So, here's the result. I hope you're strong enough to handle the news," Isang malungkot na ngiti ang kaniyang binigay. Tuluyan nang bumitaw ang aking mga kamay pagkakapit ko sa aking damit dahil sa narinig mula sa kaniya.

"Her heart was weak. She didn't get to handle the operation. I'm sorry, Doc, but I have already did my best. I've failed to save her."

- eggarru -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top