Confused

Lumaki akong spoiled sa parents; nakukuha ko lahat ng gusto ko at kumakain ako ng mahigit apat na beses sa isang araw. Sa isang private school din ako nag-aaral at parang lahat ng natutunan ko roon ay walang-wala sa lahat ng natutunan ko na. Mas advance ang isip ko sa ibang bata kaya kahit 19 years old pa lang ako noon, natapos ko na ang kursong medikal sa kolehiyo at dalawang taon lang ang iginugol ko para sa medical school.

Tunog hindi makatotohanan man pero ito ang katotohanan.

Nagkaroon ako ng lisensya sa pagiging doktor pero hindi ako pumasok bilang isang regular na manggagamot dahil alam kong wala na akong oras para makapag-bonding sa aking Mommy at Daddy. Nag-aral ulit ako at sa edad na 25, nagkaroon ako ng diploma sa pag-aaral ng arts at creative writing. I became an artist and a writer. Isang taon matapos kong makamit lahat ng pangarap ko sa buhay, nasawi sa isang trahedya ang aking mga magulang. Licensed Doctor ako pero hindi ko sila nailigtas mula sa paghihingalo. Dalawang taon ko ring sinisi ang sarili ko noon at nabuhay mag-isa. Walang dumamay sa akin dahil wala naman akong kakilalang relatives ko.

And now, tatlong taon na akong pinagsasabay ang mga passion at trabaho kong makatutulong sa mga tao sa mahal kong bansa, kung saan ako lumaki; ang Pilipinas. Pinagsasabay ko ang pagiging Doktor, Manunulat, at Mangguguhit o Pintor. Palaging nasa iba't ibang lugar ako kung kaya't wala akong permanenteng address. Ang mga pinta at libro ko ay nakatutulong sa mga taong nawawalan na ng pag-asa sa buhay. Wala akong ibang hangad maliban sa makatulong.

Pagdating ko sa hotel, nakatulog kaagad ako. Nagising na lamang ako nang makaramdam ng lamig. Nanginginig ang buong kalamnan ko kaya kinuha ko ang comforter. Sa kakakapa ko sa higaan para hanapin ang hinahanap, nahulog ako na siyang nakapagpagising ng tuluyan sa 'king diwa. Kinusot ko pa ang mga mata kong maanghang at humikab bago tumayo't nag-inat.

Papungas-pungas akong bumalik sa higaan habang inaayos ang aking roba at pinipigilan ang sariling manginig ng sobra sa lamig. Ngunit, napatigil ako. I touched my robe again and I can feel its silky texture. As far as I can remember, the robe I was wearing earlier was a cotton. Inilibot ko pa ang aking paningin sa buong kuwarto at doon na ako nagtaka. Ibang iba ang kuwartong ito sa tinutuluyan ko kaninang hotel!

"Oh, my gosh. Where am I? Did someone kidnapped me?" tanging naibulong ko sa sarili.

Ang higaan ay isang canopy bed at kulay ginto ito na may bahid ding pula. Isa't kalahating metro mula sa higaan ay isang malaking tukador. Ginto rin ito at malaki ang salamin sa ibabaw. Maraming nakahanay na mga pampaganda na mukhang nagmumula pa sa sinaunang panahon dahil sa makalumang dating nito. The elegant curves in the edges of the mirror caught my attention. Napakaganda nitong tingnan at parang nagre-reflect din ang pagka-elegante ng nakatira dito sa porma ng salamin.

Malaki ang kuwarto. Mukhang prinsesa sa sinaunang panahon ang nakatira dito. Ang mga kurtinang nakasabit sa malalaking bintana ay halatang mabibigat din at katulad ng ibang gamit sa loob ng kuwartong ito, kulay ginto rin iyon.

"Taray. Ang yaman ng nakatira dito. Gold talaga lahat, ah."

Naglakad-lakad pa ako sa buong kuwarto at hindi na inisip kung bakit ako napunta sa kalagayang ito. Napunta ako sa harap ng tukador, parang may humihila sa aking umupo roon at tignan ang sarili—na ginawa ko naman. Doon, nakita ko ang isang babaeng hawig na hawig ko. Ginto ang robang suot at masyadong seryoso ang mukha ng babae. I touched my own cheeks and the reflection did it, too. Nanlaki ang aking mga mata at iyon din ang ginawa ng babae sa salamin. So, ang ibig sabihin, ako at ang nasa salamin ay iisa?

Shunga ka talaga, Vanessa. Malamang, that's a mirror, e.

Pero sa tingin ko'y mali ako, sapagkat nakatikom lang ang aking bibig pero ang babae sa salamin ay bubukas na't parang may sasabihin. Narinig ko nga. Narinig ko nga ang kaniyang sinabi. Nagdulot ito ng kakaibang takot at lito sa aking sistema dahil unang-una, hindi dapat ako naririto. Pangalawa, bakit ako nandito? Pangatlo, hindi ko alam kung nasa'n ako. Natulog lang naman ako kanina, a!

"Ako ay ikaw. Nakaraa'y hindi dapat limutin. Tandaan ang pinagmulan. Ikaw ay ako. Magaling kang magtago, pero nahanap pa rin kita. Iwan ang kasalukuyan at puntahan ang dating . . . buhay. Tayo ay iisa. Umuwi ka na, Veuishein."

Sino si Veuishein?

- eggarru -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top