Kabanata Uno (1)
Hinawakan ko ang aming family picture na naka-display sa gilid ng aking kama. Inaalala ang bawat oras na buo at masaya pa kami. And those memories make me sadder. Pero, bakit kailangan pang humantong ang lahat sa ganito?
"Sab, umiiyak ka nanaman? Kailan ka ba titigil sa pag-iyak mo?" malungkot na tanong ni Ysmael na aking kaibigan.
"What are you doing here?" malamig ko lang na tugon at yumuko.
Matagal na kaming magkaibigan ni Mael, matagal narin s'yang umiintindi sa'kin. Naramdaman ko syang tumabi sa'kin, sabay tinapik-tapik ang aking likuran.
"Everything will be fine, Sab. Nagdala ako nang makakain mo. Please take care of yourself." Mahinang sabi nya.
"Hindi ko kailangan ng kaibigan ngayon, ang kailangan ko alak kaya kung hindi mo naman ako bibigyan ng alak, umalis ka nalang pwede ba?" diin kong saad dito.
Bumuntong hininga muna ito at saka tumayo.
"Sab, hindi alak ang sagot at kahit kailan hindi ito magiging sagot. Babalik ako bukas, kainin mo 'yang dala kong pagkain para magkalaman naman iyang sikmura mo. Just call me pag may kailangan ka, Sab." Bilin nya saakin bago tuluyang lumisan.
Ysmael never failed as a friend to me, pero tulad nga nang sinabi ko hindi kaibigan ang kailangan ko. Tumayo ako at kinuha ang pagkain na dala nito. Sinalin ko ito at saka sinimulan kainin. Sobrang naa-appreciate ko si Ysmael kung natuturuan lang sana ang puso, sya nalang sana ang minahal ko at hindi si Vinx na niloko lang ako.
Tinakpan ko ang natira 'kong pagkain, sinuot ang aking jacket at dumiretso sa 7/11. Bumili ako nang ilang bote at dumiretso sa river side. Nilak-lak ko ang mga alak na aking binili at nagsisi-sigaw.
"Anak nyo naman ako Ma at Pa, bakit tinakwil nyo nalang ako nang ganito? Hindi ko naman kasalanan kung niligtas ako ni ate. Sana nga ako nalang yung nasagasaan at namatay tutal parang si ate lang naman yung nyo eh! Never nyo naman na-appreciate existence ko diba, Ma, Pa?" Sigaw ko sa kawalan at tungga ulit ng alak.
"Ikaw Vinx? Hayop ka! magsama kayo ni Lira mga makakati kayo. Wala akong ginawa kundi mahalin kayo tulad nang pagmamahal ko sa pamilya ko, tas gan'to igaganti nyo?" sigaw ko muli sabay tulo ng mga luhang hindi maubos-ubos.
"Gusto ko nang mamatay, gusto ko nang mawala. Ayoko nang maramdaman pa 'tong sakit na 'to. Please, gusto ko nang mamatay. Kunin nyo na ako, ayoko nang mabuhay pa." hagul-gol ko gilid ng riverside.
"Gusto mo na ba talagang mamatay Sabrina Frias?"
"Oo, gustong gusto ko nang matapos ang sakit na 'to." Wala sa sarili kong sagot.
Napalaki ang aking mata dahil napagtanto ko na mag-isa lang ako dito. Kaya sino ang nagtanong sa'kin?
Unti-unti kong nilingon ito, at isang lalaking naka-black coat na may suot rin' sumbrelo, ang aking Nakita. Hindi ko masyado maaninag ang kanyang mukha dahil rin sa dilim nang kapaligiran, tanging kanyang bibig lamang ang aking malinaw na natatanaw.
"Sino ka?" alinlangan 'kong tanong dito.
Ngumiti sya nang tipid at saka sumagot.
"Ako si kamatayan but you can call me Death, for short. At ako ang tutupad sa iyong kahilingan Sab." seryosong saad nito saakin.
Napatawa ako sa kanyang sinabi. Kamatayan? Death? Eh sabog pala 'to eh.
"You know what kuya, wala akong time makipagbiruan sayo. Seryoso ako sa sinasabi ko. Kaya pwede ba 'wag ako, iba nalang pagtripan mo." Seryoso kong tugon dito, at tinalikuran ko na sya.
"Mamatay nang hindi mo nararamdaman ang sakit? Maglaho nalang na parang bula?" tanong nito na bigla nalang sumulpot sa harapan ko.
What the heck? Nasa likuran ko lang sya kanina, paanong nasa harapan ko na sya ngayon?
"Minamaliit mo naman ata ako, Sabrina?" tanong nito saakin at ngumise.
"Oo na, naniniwala na ako kaya pala kilala mo rin ako." Pag a-assure ko sa Death na 'to.
"Pumayag ka na Sabrina, at sinisigurado ko sa'yong matatapos na ang paghihirap mo." pagkukumbinsi nito saakin.
Ilang beses ko nang hiniling ito, at dahil si kamatayan na mismo ang lumapit saakin, sino pa ako para tumanggi?
"Oo, pumapayag na ako. Gusto ko nang mawala na parang bula sa mundong ito." Pagsang-ayon ko kay kamatayan.
"At dahil sumang-ayon ka na, pirmahan mo na 'tong kasunduan natin. May mga proseso munang gagawen bago mo tuluyan makamit ang iyong kahilingan." At biglang may papel ng kasunduan s'yang hawak.
"Kahit anong proseso pa 'yan, basta matupad lang ang aking kahilingan." sagot ko at inabot ang kasunduan.
"Pinapaalala ko sayo Sabrina, pag iyan ay napirmahan mo na, wala ka nang magagawa dahil ang katapusan mo ay matutupad at matutupad na." paalala nito saakin na mas kina-creepy nya.
Pinirmahan ko agad ito at binalik sa kanya.
"Hindi ka mabibigo sa akin Sabrina,babalikan nalang kita pag sisimulan mo na ang unang proseso." Sabi nito attumawa na parang demonyo at sa ilang saglit bigla itong naglaho.
#
© MissAelyn
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top