Kabanata Tres (3)
Napagdesisyunan kong maglinis ng condo, after kasi nang mga nangyare hindi ko na ito naasikaso. Kahit ang labahan ko'y tambak na rin. Napatingin ako sa gilid ng aking kama. Kinuha ko ang dalawang picture frame na naka-display, ang picture naming pamilya at picture namin ni Vinx. Tinabi ko nalang muna ito sa aking drawer para mabawasan ang pait na pilit ko parin' tinatago.
Lumabas na muna ako nang kwarto, nagulat ako nang makita si Death na feel at home na nakaupo sa sofa sa sala.
"Hello, Sabrina. Miss me?" casual nitong bati saakin.
Pinagmasdan ko ang mukha nito, ngunit katulad nang una naming pagkikita bibig lamang ang nakikita sa kanya ang bandang mata nya ay madilim at natatakpan ng kayang sumbrelo.
"Bakit bibig lamang ang kita sayo?" pagtatakang tanong ko at isinantabi ang kanyang tanong.
"Dahil mapanganib ang mga mata ko, ang sino mang makatinginan ng mga mata ko'y magiging abo." Ngiseng sagot nito saakin. Napatango nalamang ang naitugon ko.
"Nandito ako dahil hawak ko na ang unang sobre. Dito nakasulat ang unang proseso o unang dapat mong mapagtagumpayan. Malalaman mong nagtagumpay ka kapag kusang naging abo ang sobre. Goodluck Sabrina, babalik ako 'kapag ibibigay ko na ang pangalawang sobre." Alintana nito at biglang naglaho.
Itinabi ko muna ang sobre, at ipinagpatuloy ang paglilines. Sobrang kalat ng condo ko grrr.
Natapos ko na ang paglilines pati ang paglalaba, sobrang sakit ng katawan ko. Bigla kong naalala ang sobreng kailangan kong basahin, ano kaya ang nakapaloob dito?
Kinuha ko ang sobre sa kwarto ko at dali-daling binuksan at binasa.
"Makipagkita ka kay Vinx, at pakinggan ang kanyang panig. Hindi lahat ng iyong nakikita ay maaaring totoo."
-Death
Seryoso ba sya? Pero sige, tutal wala naman na akong pake sa kanya, dahil malapit na akong mawala. At kailangan ko rin itong matapos.
Kinuha ko ang cellphone ko, hinanap ang number ni Vinx at saka tinawagan. Nag-ring ng ilang segundo at sinagot rin.
"Hello, Sab?" sagot sa kabilang linya.
Kung hindi ito kagustuhan ni Death, malamang hindi na rin kami magkakausap o magkikita nito kahit kailan.
"Free ka ba bukas? Let's talk." casual kong tanong na kalamo hindi ako sinaktan.
"oh! yeah, sure." mabilis nitong sagot.
"Sa favorite nating coffee shop, 8 am." sabi ko rito.
"Noted Sab, see yah.. I mean you" kabado nitong sagot.
Pinatay ko na ang tawag, am I ready to see him? Bahala na nga, para kay Death.
I woke up at exactly 6 am, it's too early. Yah I know, bat' kasi 8 am pa ang naisipan kong oras.
Nagprepare na ako ng almusal ko at saka naligo at nag-ayos. Nagsuot lang ako ng maong short at long sleeve na kulay pastel pink, pinartner ko rin ang paborito kong converse na puti. Naglagay rin ako nang light make-up para magmukhang presentable.
Gusto ko magmukhang presentable sa kanya, ayoko makataan ng kahit bahid ng kapaitan. Tumingin ako sa salamin sa huling pagkakataon at saka pumunta sa meeting place namin.
7:50 am ako nakapunta sa coffee shop, umupo ako sa madalas naming spot. How can I forget this place? Eh dito kami unang nagka-kilala.
Paborito kong coffee shop 'tong lugar na 'to. Dito ako madalas gumawa ng assignments, payapa kasi at napaka-relaxing ng lugar. Tapos isa sya sa mga nagtatrabaho dito, dati. Naalala ko hinatid nya yung order ko, tapos napansin nya yung binabasa kong libro na paborito ko na paborito nya rin. Kaya tuwing umoo-order ako nagku-kwentuhan kami ng pasimple hanggang sa nagkapalagayan ng loob.
"Good morning, Sab. Sorry medyo traffic kasi." paghihingi nya ng paumanhin.
"It's fine." wala 'kong emosyong sagot.
"So Vinx, I will go straight to the point. What really happened that night, when I saw you and Lira in your condo? I will try to listen, sabihin mo lang yung totoong nangyare." pagpapaliwanag ko.
Habang pinagmamasdan ko ang kanyang mukha, hindi ko maiwasang masaktan dahil bumabalik ang mga ala-alang pinipilit kong kalimutan.
Hinawakan nya ang aking kamay at pinisel ito.
"Maraming salamat, Sab at binigyan mo 'ko ng pagkakataon magpaliwanag sa'yo." sabi nito at binigyan ako nang matamis na ngiti.
"So, Vinx ano ba talaga ang nangyare nunggabing 'yon?" ulit 'kong tanong sa kanya.
#
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top