Kabanata Dos (2)
Nagising ako dahil sa sinag nang araw na tumama sa aking mukha. Napasapo ako sa'king ulo dahil sa sobrang sakit nito. Hang over is real, shet!
"Ay pusang ina!" sigaw ko sa gulat ng makita ko si Ysmael na naghihiwa sa lamesa.
"Mabuti naman at gising kana, maligo ka na muna at ipagluluto kita nang paborito mong nilagang baboy." Simpleng tugon lang nito saakin at pinagpatuloy lamang ang paghihiwa.
Napangiti ako sa kanyang sinabi, nilapitan ko ito at niyakap sa likod.
"Salamat Ysmael, hindi ko alam anong gagawen ko kung wala ka." Bulong ko habang nakayap parin dito.
"Alam mo ang lakas ng loob mong yakapin ako, eh ang baho-baho mo pa amoy alak ka kaya Sab." Reklamo nito at kinalas ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Arte mo talaga, hmmp! Sarapan mo pagluluto ah, para madami akong makain." Pagpapaalala ko sa kanya, kinuha ko ang aking tuwalya na nakasampay at dumiretso sa bathroom.
Habang nagsasabon, bigla 'kong naalala ang nangyare kagabe. Totoo bang nakita ko talaga si kamatayan at tutuparin nya ang aking kahilingan? O, dala lang ang lahat na 'yon nang kalasingan? Pero parang totoo eh.
"Totoong nangyari ang kasunduan Sabrina." Bulong sa'king tenga, na nagpataas ng aking balahibo.
Kung ganoon, totoo pala talaga ang kasunduan. Ibig sabihin malapit nang matupad ang aking kahilingan. Hindi ko maiwasang mapangiti sa idea na 'yon.
I know it's sound weird, maraming tao ang takot mamatay. Pero heto ako, nakipagkasundo kay kamatayan.
Paglabas ko galing bathroom ay naamoy ko agad ang niluluto ni Mael, nakita ko rin itong naghahain.
"Ang bango naman nyan, nakakagutom." Pambobola ko kay Ysmael kaya napatingin sya sa aking direksyon.
Napagdesisyunan kong sulitin nalamang ang natitirang mga oras ko kasama si Ysmael, ngunit wala na 'kong balak sabihin ang kasunduan namin ni Death.
Dumiretso na ako sa lamesa at umupo, alam 'kong nagtataka sya sa iaakto ko.
"Bakit ganyan ka naman makatingin sa akin? Gandang ganda ka nanaman sa'kin." Pagbibiro ko rito.
"You look different kasi, kahapon mukha ka nang magpapakamatay but now, you look happy and normal?" pagtatakang bulalas nito.
"So masama na maging normal? Just kidding, but actually I have decided na bumalik nalang sa dating ako. Hindi ka ba masaya para saakin?" pagsisinungaling ko rito.
"Syempre masaya ako na mukhang okay ka na ulit, nagtaka lang ako bakit ganun kabilis. But, nevermind masaya na akong nakikitang nakangiti ka na ulit." Tugon nito at hinawakan ang kanang kamay ko.
"Patikim na nga nang luto mo, namiss ko na 'to eh." Pag iiba ko sa usapan.
Kumain kami ni Ysmael nang masaya atnagku-kwentuhan sa mga bagay-bagay. Ayoko nang dagdagan pa perwisyo na dinulot ko sa kanya. Isa 'tong bagay na mami-miss ko pag nawala na ako.
#
©MissAelyn
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top