Simula
"Welcome back, Destiny!"
Napangiti ako noong makita ang pinsan ko habang kumakaway sa akin. Mabilis akong naglakad patungo sa kanya habang hila-hila ang maletang dala. Tinanggal ko ang suot na salamin at mabilis na niyakap ito.
"Andrea!" I exclaimed. "I missed you!"
"Hala! Ang clingy naman!" ani Andrea at hinigpitan ang yaka sa akin. "I missed you too, my beautiful cousin!"
Natawa ako at humiwalay na sa kanya. Pinagmasdan ko ito nang mabuti at inilingan.
It's been what? Six years? Ang tagal ko ng hindi nakikita itong si Andrea and I must admit, she really changed a lot!
"Destiny..."
"Andrea, stop calling that name," natatawa kong sita sa pinsan. "Wala nang tumatawag sa akin sa pangalan na iyan! It's Amari."
"Your name is Destiny Amari, dear! At mas magandang pakinggan ang pangalang Destiny!" anito at kinuha na sa kamay ko ang hawak-hawak na maleta. "Come on, Destiny! They're waiting! Excited na ako!"
Hindi na ako nakaangal pa. Napailing na lamang ako at sumunod kay Andrea.
Tahimik akong naglalakad sa tabi ng pinsan ko. Panay naman ang hugot ko nang malalim na hininga habang inaayos ang pagkakalagay ng bag sa balikat. Mayamaya lang ay narating na namin ang sasakyan ni Andrea. Mabilis kaming dinaluhan ng driver nito at kinuha ang maleta ko.
"Destiny, nga pala, dadaan pala muna tayo sa mall. May pinapabili si Tita Yve. If you're tired, you can stay inside the car. Ako na ang lalabas," wika ni Andrea. Napatango ako dito at ngumiti.
"I'll go with you, Andrea. Baka mainip lang ako sa loob ng sasakyan."
Mabilis ang naging biyhae namin. Minuto lang ay nasa loob na kami ng mall malapit sa airport. Agad na tinungo namin ni Andrea ang botique na tinutukoy ni Tita Yve at mabilis na kinausap ang isang staff na naroon.
"Para saan iyang mga dress na iyan, Andrea?" tanong ko dito noong mapansing limang dress ang inilabas ng staff at ipinakita sa amin. Looks like Tita Yve already paid for the dresses at narito lang kami ni Andrea para ipick-up ito.
"Oh. ito ba? Well, pupunta tayo sa Zambales sa susunod na araw, Destiny! Isa dito ay para sa'yo!" Nakangiting sagot nito at kinuha na ang paper bags na naglalaman ng mga damit.
"Zambales? Anong mayroon doon?" takang tanong ko dito. Wala sa plano ko ang umalis ng bahay ngayong linggo. Gusto kong magpahinga at makasama si daddy. Susunod din naman sila
mommy galing New York. Three days from now, sila naman ang susunduin ko sa airport.
"Cousin, hindi ka ba nagbabasa sa group chat natin? It's Nempha's beach wedding!" anito at inilapit ang mukha sa akin. "Don't tell me nakalimutan mo? My God, Destiny! Mapapagalitan ka na naman ni Nempha sa ginagawa mo!"
Natawa ako dito! Yes! Nakalimutan ko ang tungkol
dito! I don't even remember a thing about it! Kung hindi lang ito nabanggit ni Andrea sa akin ngayon, malamang ay magmumukmok lang ako sa bahay hanggang sa makauwi sila mommy dito!
Mabilis ang naging biyahe namin pauwi sa bahay namin. Sa labas pa lang kita ko na ang iilang sasakyang nakaparada doon. Looks like the whole Asuncion Clan is here!
"Nandito ba silang lahat?" Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang unti-unting bumagal ang sasakyan namin.
"Iyong mga kamag-anak lang natin na narito sa Metro Manila. Ang iba ay sa kasal na lang daw ni Nempha sila maniningil sa'yo," anito sabay ngisi sa akin. Napangiwi ako. "Come on! Kanina pa yata sila naghihintay!"
Bumaba na kami ng sasakyan at mabilis na pumasok sa bahay namin.
Mga nakangiting kamag-anak ang bumungad sa akin. Mabilis silang lumapit sa akin at niyakap ako.
"Destiny!"
"Welcome home, Ate Destiny!"
Hindi ko napigilan ang maluha ko dahil sa mga yakap nila. For six years in the states, tanging si mommy lang ang nakakasalamuha ko. Hindi ko sila pinayagang bisitahin ako doon. I was busy healing my wounds and I forgot about my own family here in the Philippines.
"Amari, anak."
Natigilan ako noong marinig ang boses ni daddy. Agad ko itong binalingan at halos manghina ako noong makita itong prenteng nakaupo sa wheelchair niya.
"Dad," mahinang sambit ko at dahan-dahang naglakad palapit sa kanya. "Oh God! Daddy!" I cried inside his chest. Para akong batang yumakap at umiyak sa bisig ng aking ama.
Six years, Amari. Six years and now I'm paying the years I've lost because of my own mistakes. Ito ang nawala sa akin dahil sa pagkawala ko sa sarili. Daddy was a strong and healthy man before I left the country but look at him now. He's sick and he needs a daughter to take care of him!
"Stop crying, Amari," rinig kong sambit ni daddy habang hinahaplos ang buhok. "You're finally home, darling. Thank you."
Home.
Yes! This is the home I've been longing for. At ito rin ang pamilyang iniwan ko noon para maayos ko ang buhay na nasira ko.
"Hindi ka na aalis ulit. Hindi ba, Amari?" Marahang tanong ni daddy na siyang ikinatango ko.
"Yes, daddy. I won't leave again."
Six years was enough to rebuilt myself. Six years was enough to gain courage and self confidence again. Six years was enough to heal my wounds and face my own fears. Six years was enough to forgive and forget.
"Destiny Amari! You looked beautiful!" Napangiti ako noong salubungin ako ni Nempha noong pumasok ako sa kwarto niya. Today is her beach wedding day! Nasa Zambales na ngayon ang buong angkan ng Asuncion para sa pagdiriwang na ito! Well, maliban kay mommy na sa makalawa pa ang dating galing New York.
"Nempha, congratulations!" sambit ko at niyakap ang pinsan.
"My God, Destiny! Lalo kang gumanda! Looks like magkakagulo na naman ang mga lalaki dahil sa'yo!" Natatawang komento ni Nempha na siya sinuway agad ni Andrea.
"Stop it, Nemphs! Huwag mong isumpa ang ganda ng pinsan natin! Ayaw kong maranasan na naman ang nangyari noon!"
"What?" Tawa nang tawa pa rin si Nempha. "Destiny Amari becomes a goddess herself! Six years in states really blooms her well!"
"Thank you, Nempha," pasasalamat ko sa papuri niya. "But, I'm still me. Medyo lumaki lang ito," natatawa ko na ring komento at hinawakan ang gilid ng dibdib ko.
Sabay na tumawa nang malakas ang dalawang pinsan ko. Mabilis akong niyakap muli ni Nempha at natigilan noong may ibinulong ito sa akin.
"I hope your wounds are already healed, Destiny. I don't want a scene on my wedding day," anito at humiwalay na akin. Taka ko itong tiningnan ngunit ngumiti lang ito sa akin. Magtatanong na sana ako sa kanya ngunit hinila na ako ni Andrea palabas ng silid. Kailangan na raw naming maghanda at magsisimula na ang kasal.
Hindi na ako nakapagsalita pa at sumama na lamang kay Andrea.
"Andrea," tawag pansin ko sa pinsan ko. Dere-deretso lang ang lakad namin hanggang sa marating naming dalawa ang dalampasigan kong saan gaganapin ang kasal ni Nempha. "Sino nga ang groom ni Nempha?"
I felt so stupid right now. Hindi ko matandaan kung sino ang papakasalan ng pinsan ko. Hindi ko alam kung sinabi ba nila ito sa akin noon. I just can't remember who the hell is the guy she's marrying!
"Really, Destiny? Ano bang pinaggagagawa mo sa New York at naging makakalimutan ka yata?" puna nito na naupo na kami sa upuan namin. Binalingan ko si Andrea at napangiwi noong makitang inirapan niya ako. "There," aniya at may itinuro sa gawing kanan namin, opposite sa kinauupuan naming dalawa.
Natigilan ako noong makakita ng mga pamilyar na mga mukha. It's a group of men. Limang lalaki ang naroon at isa na roon marahil ang groom ni Nempha.
"She's marrying Aleph," ani Andrea na siyang ikinalamig ng buong katawan ko. "And those men, oh, come on, Destiny. Alam kong kilala mo silang lahat."
"Paanong..."
Hindi ko natapos ang dapat sasabihin ko noong bumaling sa gawi namin ang isa sa mga lalaking naroon.
Tila biglang sinaksak ang dibdib ko dahil sa biglang sakit na naramdaman ko. It was like I'm being stab again for the nth times. Fuck! What the hell is happening?
Napaayos ako nang pagkakaupo at tiningnan na lamang ang altar sa harapan namin. Napabuntong-hininga na lamang ako at kinalma ang sarili.
Damn it!
In just a single glance, lahat ng ginawa ko noong nakaraang anim na taon ay tila nawalan nang saysay. And in just a heartbeat, all the pain from my past haunt me again.
"You'll be fine, right, Destiny Amari?" Natigilan ako noong magsalitang muli ni Andrea. "You're stronger now. You can win this time."
Napangiti ako sa narinig sa pinsan. I hope so, Andrea. I hope so.
Dahil alam ko sa sarili ko, hindi na ako muling magpapatalo. I will fight for myself and will fight without holding back now.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top