Chapter 8: Survive

I was never a healthy person.

Simula noong ipinanganak ako, alam na nila mommy ang kondisyon ko. My body was fragile. Kaya nga ingat na ingat ang mga magulang ko sa akin. I really understand why they were so strict towards me, lalo na si daddy. Pero dahil nga gusto kong maging isang normal na teenager, pinapayagan ako ni daddy na gawin ang gusto ko tulad na lamang ang pagpipinta basta huwag kong aabusuhin ang katawan ko. He was strict but I knew that he only wanted me to be safe.

"Andrea? Nakita mo ba si Von?"

Napakunot ang noo ng pinsan ko noong tanungin ko ito. Tiningnan niya ako nang masama at mayamaya lang ay nginisihan ako.

"What's the real score between you and Von, Destiny?" she asked then drink her juice. Nasa may pool area kami ngayon. Ito ang huling araw namin ngayon dito sa resort ng mga Henderson. Bukas, babalik na kami sa Manila. Summer is over. We need to enroll and study again.

"Nothing," sagot ko dito at naupo sa tabi niya. "May sasabihin lang ako sa kanya."

"Oh, really? Akala ko ba ayaw mo siyang makausap? You hate liar, Destiny."

Napasimangot ako sa sinabi ng pinsan ko. Yes, I hate him for lying right in front of me. But I hate myself too for not giving him a chance to explain. That's so mean of me. Hindi ko gawain iyon at gulong-gulo na ako ngayon. This is all new to me. Lahat nang nararamdaman ko ngayon hindi pamilyar sa akin. I'm lost and I know that Von is the only person who can help me with this one.

"Nobody's perfect, Destiny. Kahit ikaw nga na mukhang perpekto sa paningin ko ay alam ko ring nagkakamali ka. Just give him a chance to speak for himself. Walang mawawala sa'yo kung pakikingnan mo siya."

Napatingin ako kay Andrea. Seryoso lang itong nakatingin sa mga naliligo sa pool. I saw her sighed before turning her gaze towards me.

"I trust you, Destiny. Alam kong alam mo ang dapat gawin mo. But please, don't do something that will harm you. You know how fragile you are."

Ngumiti ako dito at tinanguhan.

Paano ako susugal kung sa simula pa lang ay alam kong talo ako? Paano ako susugal sa ganitong laban kung sa simula pa lang ay alam kong hindi ko kayang lumaban?

"She's okay now, Mrs. Asuncion."

Naalimpungatan ako noong makarinig ako ng pamilyar na boses. It was Dr. Caren. Our family doctor. Hindi ko pa maimulat ang mga mata ko. Nanghihina pa ako ngayon.

"Mabuti at nadala niyo siya agad dito. If we're a minute late, baka napaano na si Destiny."

"We need to transfer her," it was mommy. "Tiyak kong hindi magugustuhan ni Destiny pag nalaman niyang nasa hospital na naman siya."

"We can't do that, Mrs. Asuncion. She's under observation now. We can't afford to have another attack."

Attack? Damn it! Now, I remembered what happened! Hinatid ako ni Von mula sa school at noong nasa bahay na ako ay inatake ako!

"Dr. Caren, ano ang puwede nating gawin para hindi na maulit ito?" Bigla akong kinabahan noong marinig ang boses ni daddy. "We can't lose our daughter. She's an Asuncion for Pete's sake!"l

"Dennis, calm down. Destiny is fine now. Nagpapahinga na lang ito," mahinahong wika ni mommy.

"We need to do something for her, Amanda! Para saan pa itong perang pinagpapaguran ko kung hindi man lang ako makahaanap ng solusyon para sa kanya?"

"Dennis..."

"She needs a surgery, Mr. Asuncion," ani Dr. Caren na siyang ikinatigil ng lahat. Maging ako ay tila hindi nakahinga sa sinabi nito.

"Surgery? But... but we don't have a donor yet, Dr. Caren."

"We have one, Mrs. Asuncion. I already run some tests. Hinihintay ko na lamang ang resulta kung match ito sa kay Destiny."

Oh my God! I have a donor?

"For now, let Destiny rest. Her body needs to be ready before the surgery."

Hindi ko na nasundan pa ang pag-uusap ng mga magulang ko at ni Dr. Caren. Nakatulog akong muli
at noong magising ako, mag-isa na lang ako sa kuwarto. Wala sa sarili akong napatingin sa orasang nasa dingding at napangiwi na lamang noong makitang alas diyes na ito ng gabi.

Ilang oras akong nakatulog?

I sighed. Marahan kong inangat ang kamay ko at napapikit na lamang ako noong makita ang nakakabit roon. This is why I hated here. Ayaw ko sa ginagawa nila sa katawan ko at ayaw ko rin ang amoy dito.

"Are you awake now, Destiny?"

Napamulat muli ako noong marinig ko ang boses ni Von. Nakatayo ito ngayon 'di kalayuan sa kinahihigaan ko. Medyo madilim ang kuwarto kaya hindi ko maaninag nang maayos ang itsura nito. Mayamaya lang ay naglakad ito papalapit sa akin. At noong nasa tabi ko na ito, natigilan ako noong makita ang itsura nito. Seryoso ito ngayon at tila kaunting kalabit na lang dito ay bibigay na ito. He looked so fragile right now.

"Von..."

"You scared me, Destiny," anito at naupo sa gilid ng kama ko. Marahan niyang inabot ang kamay ko at napaawang ang labi ko noong maramdaman ang lamig ng kamay nito. "I thought I'll lose you again."

"I'm sorry," mahinang wika ko dito. "Dapat ay umalis ka na agad noong hinatid mo ako. Dapat ay hindi mo na nakita iyong nangyari sa akin."

"No," anito at umiling sa akin. "Tama lang na hindi ako umalis agad. Tama lang na sinundan kita noong bumaba ka sa sasakyan ko."

"Von..."

"I've heard about your surgery. Can you do it?" tanong nito at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko.

Tumango ako dito at bahagyang ngumiti.

"I've been waiting for this, Von. Simula noong nalaman ko ang tungkol sa sakit ko, I never stop praying for this day. Iyong magkaroon ng isang donor."

"I didn't know that you were suffering, Destiny. I'm sorry," ani Von at yumuko. "I'm sorry."

"It was not your fault that I'm suffering, Von. Walang may gusto sa sakit ko na ito."

"Still, I'm sorry. Alam kong nagalit ka sa akin noon. Hindi ko alam, Destiny. I'm sorry." I heard him sniffed kaya naman ay natigilan ako. Is he crying? Von Sirius Henderson is crying?

But why? Bakit siya umiiyak? Dahil ba sa kondisyon ko ngayon?

"Von..."

"I'll help you with the surgery, Destiny. Gagawin ko ang lahat para matulungan ka. If this donor doesn't match with you, then, we'll find another donor. Hindi tayo titigil."

Ngumiti ako dito. Mayamaya lang ay umiling ako dito.

"Thank you so much, Von. Pero hindi mo na kailangang gawin iyan. Ginagawa na rin nila mommy at daddy ang lahat para sa akin, para makahanap ng donor pero look, inabot na ng ilang taon ang paghahanap nila."

"I'll ask my parents to help, too. Tiyak kong mas mapapabilis ang paghahanap ng donor kung marami kaming maghahanap."

"Von..."

"Right! My cousin is a doctor! He can help us to..."

"Von Sirius, stop!"

Kita kong natigilan si Von sa pagsasalita. Binalingan niya ako at napailing. Frustration eat him up. Kita ko rin ang mga luha nito sa mga mata kaya naman ay inabot ko ang mukha nito.

"It's okay, Von. Don't push it. I'll be fine."

"Destiny..."

"Don't worry about me. Matagal na akong nakikipaglaban sa sakit na ito. I'll survive this one. Hinding-hindi ako magpapatalo lalo na ngayon."

Mabilis akong natigilan noong hinawakan ni Von ang mukha ko. Hindi nito inalis ang mga mata sa akin at noong inilapit nito ang mukha niya sa akin ay napapikit na lamang ako.

I will survive from this no matter what. I can't let this man suffer because of me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top