Chapter 7: Attack
Halos hindi ako makahinga habang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Von.
Pareho kaming walang kibuan at tahimik sa biyahe. And for the nth times, I heard him sighed deeply. Napangiwi na lamang ako sa ginawa niya. This is not what I was expecting! Idagdag mo pa ang traffic ngayon, lalo tuloy naging awkward ang atmosphere naming dalawa.
Muling umusad ang sasakyan ni Von kaya naman ay bumaling na ako dito. I silently bit my lower lip. Blanko na ang isip ko ngayon at gusto ko na lamang pagmasdan ang mukha nito habang seryosong nagmamaneho! Mayamaya lang ay napaayos ako nang pagkakaupo noong bahagyang bumaling ito sa akin. Muli akong bumaling sa labas ng sasakyan at hindi na lang kumibo pa.
"How are you, Destiny?"
Napaawang ang labi ko noong narinig ko ang boses nito. Wala sa sarili akong bumaling dito at muling pinagmasdan ang seryosong mukha nito. Itinigil muli ni Von ang sasakyan at napakunot ang noo ko noong itinigil niya ito sa gilid ng daan.
"Can we talk before we reach your mansion?" he asked turned off the car's engine.
Natigilan ako. Talk? Ano naman ang pag-uusapan naming dalawa?
"B-baka hanapin na ako nila mommy," mahinang sambit ko at nag-iwas nang tingin sa kanya.
"I already talked to her, Destiny. I even told her that we're going to talk before taking you home," anito na siyang ikinabaling kong muli sa kanya. Seryoso pa rin ito at hindi inalis ang tingin sa akin.
I sighed.
This is Von Sirius. Kilala ko ang ugali nito. Tiyak kong hindi siya titigil hangga't hindi kami nakakapag-usap nang maayos.
"Don't worry too much, Destiny. Nasa likuran lang natin ang driver at bodyguard mo. Tiyak kong nagrereport naman sila sa mga magulang mo," dagdag pa nito kaya naman ay napatigin ako sa likuran ng kotse ni Von. Napatango na lang ako noong makita ang kotse namin. Bumaling muli ako kay Von at pinagtaasan ito ng isang kilay.
"So, anong pag-uusapan natin?"
"How are you? I've heard na nagkasakit ka. What happened?" Nag-aalalang tanong nito at marahang itinaas ang isang kamay. Mabilis kong inilayo ang mukha sa kanya bago niya ako tuluyang mahawakan ako. "Destiny..."
"Nagkatrangkaso lang ako," mahinang wika ko at nag-iwas nang tingin sa kanya. What? Hindi ko sasabihin sa kanyang nakita ko siya kaya naman ay bumaba ako sa sasakyan namin. Hindi ko sa sabihin sa kanya na muntik na akong madisgrasya dahil sa kagagahan ko sa kanya.
"Muntik ka nang masagasaan," mahinang wika nito na siyang ikinabiling kong muli sa kanya. "What happened, Destiny? Pinag-aalala mo ako."
"I'm fine now, Von. Nothing to worry," mabilis kong sagot dito.
I saw him took a deep breath before turning on again the car's engine. Hindi na nagsalitang muli si Von at pinaandar na muli ang sasakyan niya. Pasimple akong napabuntong-hininga at inayos ang pagkakalapag ng bag sa hita ko. Damn! This is too much for me! I can't even breath properly now!
Minuto lang ay tanaw ko na ang malaking gate ng mansion namin. Pansin ko rin ang pagbagal ng sasakyan ni Von. Wala sa sariling napabaling tuloy ako sa gawi niya.
"Destiny, are you mad at me?"
What? Mad at him? Of course not!
"No, Von," mabilis ko na namang sagot nito at napatingin sa harapan ng sasakyan. For the past year, lahat nang galit at disappointment ko sa kanya ay nawala. I've learnt my lesson before at hindi ko na uulitin iyon. It's just I was not ready to face him today!
Tumigil na ang sasakyan ni Von. Nasa tapat na kami ng gate namin. Tahimik kong kinalas ang seatbelt ko at hinawakan na ang bag kong nakapatong sa hita ko. I sighed before turning my head again to him.
"Thanks for taking me home, Von. It was nice seeing you again," mabilis na sambit ko dito at bumaba na sa sasakyan niya. Hindi na ako muling bumaling pa sa kanya. Mabilis akong pumasok sa mansion at dumeretso na sa kwarto ko.
Agad akong napaupo sa gilid ng kama ko at wala sa sariling napahawak sa dibdib ko.
It was more than a year simula noong huling pagkikita naming dalawa ni Von. We were okay that day. Iyong araw bago siya umalis ng walang pasabi sa akin. It was okay for me. It was okay not until the day I missed his annoying presence. Ayaw ko mang aminin sa sarili ko ngunit alam kong hinahanap ko rin ang presensiya nito.
Napailing na lamang ako. Now that he's back, I wonder kung anong mangyayari? Hindi ko na rin nakausap si Yvana. I wonder kung tuloy pa rin ang proposal na sinabi nito sa akin noong huling dalaw nila sa mansiyon.
Nagkibit-balikat na lamang ako at tumayo na mula sa pagkakaupo. Ngunit bago pa ako makahakbang, mabilis na napasinghap ako at muling napahawak sa dibdib ko. I mentally cursed when I felt the intense pain inside my chest! Napaawang ang mga labi ko dahil halos hindi ako makahinga nang maayos. Mabilis akong napapikit noong bahagyang nakaramdam ako nang pagkahilo. I took a deep breath and calm myself! Hindi maaring mangyari ito! Hindi ako puwedeng atakihin ngayon!
Mabilis kong kinuha ang gamot kong nasa bag at ininom ito! Ipinikit kong muli ang mga mata at napaawang na lamang ang mga labi noong maramdamang nagiging normal na naman ang paghinga ko. Normal na rin ang pagtibok ng puso ko!
I sighed again then called my personal nurse. Kailangan ko siya para matingnan niya ang lagay ko. Minsan lang akong atakihin kaya bigla akong kinabahan.
"Yes, Ma'am Destiny?" Mabilis na sinagot ni Jennilyn ang tawag ko.
"Jenn, nasa kwarto na ako. Please, check my..." Natigilan ako sa pagsasalita noong maramdaman kong muli ang sakit sa dibdib ko. Mabilis akong napahawak dito at muling napapikit. "Jenn..."
"Ma'am Destiny! Ayos lang po ba kayo? Paakyat na ako!"
Hindi na ako nakapagsalita pa! Nabitiwan ko ang cellphone ko at napahiga na lang sa kama. What the hell is happening to me?
"Ma'am Destiny!" It was Jenn. Thanks God she's here! "Ma'am! Anong nangyari? Masakit po ba ang dibdib mo? Ma'am!"
"I c-can't breath..."
"Jesus! Wait lang, Ma'am Destiny! Tatawag ako ng driver! Dadalhin ka na namin sa ospital!"
"N-no..."
"Pero, Ma'am..."
"What's happening here?"
Wait... That's his voice!
"Sir!"
"Anong nangyayari kay Destiny?"
Halos hindi ko na maimulat ang mga mata ko. Gusto ko siyang makita at pagsabihan na ayos lang ako pero, damn, hindi na ako makahinga nang maayos!
"She's having an attack, Sir! Kailangan na nating dalhin siya sa ospital!"
"An attack? Damn it, Destiny! You told me earlier that you're okay now!" his voice roared then carried my body.
Napaawang ang labi ko dahil hindi na ako makahinga nang maayos! Halos mabitawan ko na rin ang pagkakahawak ko sa dibdib ko ngayon ngunit mabilis akong natigilan noong maramdaman ang kamay ni Von sa kamay ko.
"Just hang in there, Destiny Amari," mahinang sambit niya na siyang ikinakalma ko. Napasinghap akong muli at napaluha na lamang noong makaramdam ng panibagong sakit sa dibdib ko.
God! This is not good.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top