Chapter 6: Back

Halos hindi ko maimulat ang mga mata ko. Hinang-hina na ako ngayon at gusto ko na lamang magpahinga sa kuwarto ko. Ang tahimik na paligid ay unti-unting umingay. Hindi na lang boses ni Kuya Nate ang naririnig ko. I can even heard my mom's voice.

"Oh my God! Amari!"

"Amari, wake up!"

"She's having a fever! Dennis, dalhin na natin siya sa ospital!"

Hospital? No, mommy!

"No..." nanghihina kong sambit. Pilit kong binuksan ang mga mata ko. Namataan ko ang mga nag-aalalang mukha ng mga magulang ko habang nakatingin sa akin. "N-no hospital, m-mom."

"But Amari! Nilalagnat ka!" she hissed then touched my forehead.

"S-sa kuwarto na lang po," ani ko at muling ipinikit ang mga mata.

"Nate, carry Amari to her room," rinig kong utos ni daddy kay Kuya Nate. Napanatag ako dahil sa naging desisyon ni daddy. Alam niyang ayaw ko sa lugar na iyon. He can always call our family doctor kung nais nilang ipatingin ang lagay ko.

Mayamaya lang ay naramdaman kong lumapat ang likod ko sa malambot na higaan ko. Agad akong inasikaso ng mga katulong namin habang naririnig ko ang boses ni mommy at daddy na kinakausap si Kuya Nate.

"What happened, Nate? Ano iyong itinawag mo kanina? Muntik nang masagasaan si Amari?" histerikal na tanong ni mommy dito.

"Opo, Ma'am Amanda. Pauwi na kami noong pinahinto ni Ma'am Destiny iyong sasakyan at lumabas siya."

I felt bad for Kuya Nate. Tiyak kong hindi siya titigilan nila mommy kakatanong sa nangyari.

"Natawagan na ba si Dr. Caren? She needs to be here immediately!" rinig kong wika ni daddy.

"On the way na po siya, Sir Dennis," ani ng isa sa mga umaasikaso sa akin.

"That's good."

Hindi ko na nasundan pa ang mga sunod na nangyari. Dahil sa sama nang pakiramdam ko ay nakatulog ako. Nagising na lamang ako noong makaramdam ako nang matinding panlalamig sa
katawan. I shivered. Damn! What's happening to me?

Kusang umawang ang mga labi ko dahil hindi ako makahinga nang maayos!

"M-mom..."

Mommy! Help me! Please!

"Destiny! Please, talk to me!"

Mabilis akong lumiko sa pasilyong nakita ko. Palabas na ako sa hotel noong makasalubong ko si Von Sirius. Ayaw ko siyang makausap ngayong araw! I don't even want to see him!

"Destiny!"

"Shut it, Von! Not today!"

"Please, talk to me!"

"I don't want to talk to you, Von! Hindi mo ba naiintindihan iyon?" inis na wika ko dito.

"Please, Destiny. I need an explanation from all of this! Anong ginawa ko? Why acted so cold towards me?"

Napaawang ang labi ko. Kita ko ang frustration sa mukha nito! I sighed. Parehong mainit ang ulo namin ngayon.  We can't talk with our current situation. We both need to cool down.

"Von Sirius," tawag ko sa pangalan niya at tiningnan ko ito sa mga mata niya. "Forget it. Wala na tayong pag-uusapan pa."

"Destiny..."

"Forget what happened. Iyon din ang gagawin ko. Kakalimutan ko ang nangyari para wala na tayong problema," ani ko at tinalikuran ko na itong muli.

"Amari."

Napamulat ako noong marinig ang boses ni mommy. Agad ko itong binalingan sa gawing kanan ko at namataang nakaupo ito sa gilid ng kama ko.

"M-mom..."

"Don't push yourself, darling. Magpahinga ka lang muna," anito at hinawi ang buhok. Marahang hinaplos ni mommy ang pisngi ko at nginitian ako. "Don't do that again, Amari. Pinag-alala mo kami ng daddy mo."

"I'm s-sorry po."

"It's okay, darling. Huwag mo na lang gawin iyon. You knew how fragile your body is, Amari. Pag mangyari ulit ito, for sure, dadalhin ka na namin ng daddy mo sa hospital."

Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Mayamaya lang ay lumabas na si mommy sa kuwarto ko. I sighed. Blanko kong tiningnan ang kisame sa kuwarto ko habang inaalala ang nangyari sa akin.

Nakita ko si Von kaya naman ay pinatigil ko ang sasakyan namin. At dahil sa kagustuhang makita at makausap ito, muntik na akong mapahamak. And worst, daddy will surely double my security now. Tiyak kong hindi nito nagustuhan ang ginawa ko!

Halos isang linggo akong nagpahinga sa bahay namin. Lahat ng lacking requirements ko, sa bahay ko na ginawa. Hindi ako pinayagan ni daddy na pumasok hangga't hindi ko kayang tumayo mag-isa. At gaya ng inaasahan ko, he double my security. Maliban kay Kuya Nate, may isa pang tauhan itong inassigned para sa akin. At kung puwede lang daw na may kasama ako habang nasa loob ng classroom, gagawin niya! He will definitely hired someone to assist me during my class hours!

Napailing na lamang ako noong naalala ko ang naging sagutan ng mga magulang ko tungkol dito. Kahit ako ay hindi sang-ayon dito! Anong akala nila sa akin? A five year old girl? For Pete's sake! Nasa tamang edad na ako!

"Destiny, finish your food. Malapit nang matapos ang break natin." Napabaling ako kay Andrea noong magsalita ito. Tinanguhan ko ito at nagpatuloy na sa pagkain.

Buti na lang talaga ay nasa iisang campus lang kami ng mga pinsan ko. At dahil nga sa nangyari sa akin, tuwing breaktime, sinasamahan ako ng dalawa. Looks like my father talked to them about it. Alam kong may kanya-kanyang ginagawa si Andrea at Nempha tuwing breaktime pero dahil nga sa nangyari, heto at sinasamahan na nila ako.

"Take your medicine after that, Destiny," wika naman ni Nempha na siyang ikinangiti ko. "Oh, come on! Stop smiling, you little brat!"

Natawa ako sa sinabi nito! Inubos ko na lang ang pagkain ko at ininom ang dalang gamot ko. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kaming tatlo sa kanya-kanyang klase. Maraming ibinilin ang dalawa sa akin, maging ang hintayin sila bago ako lumabas sa campus. Tinanguhan ko na lang ang mga ito at pumasok na sa classroom namin.

Pasimple kong tiningnan ang oras sa relo ko. Twenty more minutes. Matatapos na ang instructor namin sa mga pointers na binibigay nito. Next week will be our final examination. And after that, maghihintay na lang kami ng resulta at graduation day.

"Goodluck everyone. Dismissed," iyon ang huling sinabi ng instructor namin at lumabas na ng classroom. Napabuntong-hinga na lamang ako at iniligpit na ang mga gamit. Itinext ko na rin ang dalawang pinsan ko at sinabihang dito na lang ako sa loob ng classroom maghihintay sa kanila.

Tahimik kong pinagmamasdan ang mga kaklase habang lumalabas sa classroom namin. Ito ang huling subject namin kaya naman ay tiyak kong mag-sisiuwian na ang mga ito. I sighed again then looked at my phone. Walang reply ang mga pinsan ko.

"Hindi pa ba sila dismissed?" mahinang tanong ko sa sarili at napatingin sa kabuan ng silid. Ako na lang ang natira dito sa loob. Napangiwi ako at mabilis na inilagay sa balikat ang bag. Hindi ako matatakutin pero hindi ko kaya ang mag-isa dito!

Mabilis akong lumabas sa classroom namin ngunit agad din namang natigilan sa paglalakad noong may namataan akong pamilyar na tao. He was leaning against the wall while both hands are inside his maong pants pocket.

Wala sa sariling napaawang ang labi ko at natigilan lamang sa kakamasid sa kanya noong tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko itong kinuha at sinagot ang tawag noong makitang si Andrea iyon.

"Destiny! Hindi ka na namin susunduin ni Nempha! Si Von na raw ang bahala sa'yo! Take care! Bye!"

Hindi pa ako nakapagsasalita noong pinatay na nito ang tawag. Seriously?

"Let's go."

Nanlamig ako noong magsalita si Von sa harapan ko. Sa harapan ko! The hell! Paanong nasa harapan ko na ang lalaking ito? At paanong nandito ang lalaking ito? Hindi ba't nasa ibang bansa ito? Paanong...

"Let's go, Destiny," ulit nito at marahang hinawakan ang kamay ko at hinala na ako.

A/N:
Hello, lovies!

Medyo bibilisan ko ang timeline nito! Hindi ko gamay ang Senior High! hahaha Hindi ko kasi naabutan iyon!

Anyways! Updates are coming! Nag-eedit din kasi ako ng mga old stories kaya paniguradong magiging busy ang notification natin!

Have a nice day ahead! Stay safe and healthy! Hugs!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top