Chapter 55: Baby

Mabilis akong bumaba sa taxi at sinabihan ang driver nito na hintayin ako.

"I'll be quick. Pakihintay lang po ako," mabilisan na sambit ko at pumasok na sa gate ng mansyon namin. Dere-deretso akong naglakad at noong makatapak ako sa sala ng mansyon ay may namataan akong isang maid namin. Taka itong napatingin sa akin at mabilis akong inilapitan noong makitang nahihirapan ako sa suot kong dress.

"Ma'am Destiny!" aniya at inalalayan ako sa pag-akyat sa hagdan. "Tapos na po ang party?"

"No," mabilis kong sambit dito. Binalingan ko ito at matamang tiningnan. "Pag tumawag sila mommy, tell her na wala ako dito."

"Po?"

"Please, gawin mo na lang kung anong sinabi ko," pakiusap ko dito at nagtungo na sa silid ko.

Mabilis kong hinubad ang suot kong dress at nagpalit ng mas komportable na damit. Itinali ko ang buhok ko at kinuha ang isang bag na nakatago lang sa kabinet ko. Nagsilid ako ng iilang mahalagang gamit at importanteng dokumento. Inilapag ko ang cellphone sa mesa at tiningnan ang wallet ko. All my cards are here. May cash rin ako dito at sa tingin ko ay sapat na ito ngayong gabi. I'll just withdraw later para naman ay may panggastos ako sa iba ko pang kakailanganin.

Akmang lalabas na ako sa silid ko noong marinig kong tumunog ang cellphone ko. Napabaling ako dito mabilis na natigilan noong makitang tumatawag si Von. Hindi ako kumibo hanggang sa tumigil ang pagtunog nito. Marahan akong napabuntong-hininga at mabilis na pinatay ang cellphone ko. Muli ko itong inilapag sa mesa at lumabas na nang tuluyan sa silid ko.

Pagkababa ko ay may dalawang maid na naghihintay sa akin. Kita ko ang pagkabalisa nila at nilapitan ako.

"Ma'am, tumawag po ang mommy niyo," anito na siyang ikinatigil ko.

"Sinabi mo bang wala ako dito?"

"O-opo."

"Good," mabilis na sambit ko at tinalikuran na sila. Narinig ko pang muli ang pagtawag nito sa akin ngunit hindi ko na sila binigyan pansin pa. Dere-deretso akong naglakad at muling sumakay sa naghihintay na taxi sa labas ng mansyon namin.

"Kuya, sa Pasay po tayo. Nearest hotel sa airport po," wika ko at marahang isinandal ang likuran sa backrest ng upuan.

Hindi ko alam kung tama itong gagawin ko. I know this is so sudden but I already decided and this is final. The fear I felt earlier when I saw Xavi was the beyond my expectation. Hindi ko aakalaing matatakot ako sa presensya ng isang tao. I feared him. At hindi ko alam kung anong klaseng takot ang mararamdaman kung si Von at Zsamira ang makita ko ngayon.

I had enough pain for the past days and I need to protect myself and my child. Kung mananatili ako sa lugar kung nasaan sila ay tiyak kong sasabog na naman ako. Ang takot na naramdaman ko kanina ay simula pa lang. Natitiyak kong mas malala pa ang epekto nito sa akin kung si Von ang makakaharap ko. My emotion can kill the both of us, me and my child!

Mariin kong ipinikit ang mga mata at pilit na inaalis sa alaala ang nangyari kanina.

Damn it! I can't believe Harlyn did that to me, to us! Masyado nitong pinapaburan si Zsamira to the point na hindi nito makita ang mali sa kaibigan nito. And Von, hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya! Hindi ko siya maintindihan!

If he can't leave Zsamira, then, ako ang aalis para sa kanila. This world is too small for the three of us. Magkakasakitan lang kami.

Von Sirius. I trusted him. Kahit masakit sa akin ang mga nangyayari, nagtiwala ako sa kanya. Nagtiwala ako na ako ang pipiliin niya. But I guess, I was wrong. Masyado kong minaliit ang pagkakaibigan nila. Von knew Zsamira even before my existence. Hindi pa yata ako pinapanganak ay magkaibigan na yata ang dalawa.

I smiled bitterly then silently wipe my tears.

Damn it! Hindi na ba titigil ang mga luhang ito? Hindi pa ba ito nauubos?

"Ma'am," rinig kong sambit ng taxi driver kaya naman ay napatingin ako dito. "Ayos lang po ba kayo?"

Napatango ako dito at hindi nagsalita pa. Tipid ko itong nginitian at muling inalis ang mga luha ko.

For the past days, ilang beses na iyang tinanong sa akin. They kept on asking me if I'm fine even after they saw me crying. Hindi ba nila nakikita ang kalagayan ko? Hindi na nila ramdam ang sakit na nararamdaman ko ngayon? Dahil sa totoo lang ay nag-uumapaw na ang sakit sa puso ko. I can't even breathe properly because of the pain!

"Kung hindi mo minahal si Von, wala ka sana sa sitwasyon ito. Dapat ay nagpasalamat ka na lang na nabuhay ka pa! Hindi mo na dapat minahal ang taong may nagmamay-ari na!"

Napailing ako noong maalala ang mga salitang binitawan ni Harlyn. She's too much! Hindi ko aakalaing sasabihin niya ang mga katagang iyon sa akin.

Yes, I was thankful na nabuhay pa ako. I was thankful because someone gave her heart to me. I was thankful because I survived! At noong malaman ko ang tunay na nararamdaman ni Von Sirius sa akin, I was happy and thankful for the second life given to me! Pero, kung ito lang din naman ang sasapitin ko, kung ito ang kapalit ng pagkakaroon ng pangalawang pagkakataong mabuhay, hindi bale na lamang.

I don't want to play tug of war to them! If they don't want my existence here, I better leave!

"No matter what happen, we'll survive from all of this," mahinang sambit ko at hinawakan ang tiyan ko.


Maingat akong kumilos sa noong makarinig ako nang mahinang ingay sa silid ko. Napakunot ang noo ko at iminulat ang mga mata. Kusang umawang ang labi ko noong makaramdam ako nang mahinang pagsipa sa tiyan ko. Napangiti na lamang ako at hinaplos ang malaking tiyan ko.

"Goodmorning, Amari." Napabaling ako sa gawing kanan ko noong marinig ang boses Veron. Namataan ko itong nakabihis na at may hawak-hawak na tasa sa kaliwang kamay nito. "Wake up, sleepy head. Today's your check-up."

Ngumiti ako dito at naupo mula sa pagkakahiga. Maingat akong nag-inat ng dalawang kamay.

"Goodmorning, Veron," bati ko dito at tumayo na sa kama. Naglakad ako papalapit sa kanya at napangiti na lamang noong hinawakan niya ako at maingat na hinalikan sa noo.

"I already prepared your breakfast. Get dressed. Sa labas na ako maghihintay sa'yo," anito at tinalikuran na ako.

Nagkibit-balikat na lamang ako at maingat na naglakad patungo sa banyo.

That's Veron Angelo Mejia. Ito ang tumulong sa akin noong umalis ako sa puder ng mga magulang ko. I met him a month after I arrived here in New York. He's a Filipino kaya naman ay nagkasundo kami agad. Isa siya sa mga doktor na tumulong sa akin noong unang check-up ko sa dinadala ko. I was so lost that time. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko at basta na lang akong pumunta sa ospital na malapit sa hotel na tinutuluyan ko. Good thing he saw and helped me. 

He's also a cardiologist kaya naman mas naging malapit ako dito. Nalaman nito ang medical history ko at ngayon ay tinutulungan niya ako para naman ay hindi ako mahirapan sa pagbubuntis ko. He even offered me his extra room here in his place para naman mabantayan niya ako nang maayos! He's such a blessing to me!

And, no, wala kaming relasyon ni Veron. We're just close friends and he's just a natural sweet person. I even considered him as my older brother. At noong banggitin ko iyon sa kanya ay walang naging problema sa kanya. He's the best!

Noong matapos ako sa pag-aayos ay maingat akong lumabas sa silid ko. Hinamas ko ang tiyan ko at napangiti noong makitang tahimik na nakaupo si Veron habang may binabasa na kung ano sa cellphone nito. Nilapitan ko ito at kumuha ng maiinom na tubig.

"Careful, Amari," aniya noong binuhat ko ang pitsel na may lamang tubig. Nagkibit-balikat lang ako dito at tinapos ang pagsalin ng tubig sa baso. "Today's your last appointment with your OB, right?" Tanong nito na siyang ikinalingon ko sa kanya.

Tumango ako dito at naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"This is the last one and after that, we'll just wait for the baby to come out," nakangiting sambit ko dito.

"Ayaw mo pa rin bang malaman ang gender nito?" tanong ni Veron na siyang ikinailing ko. Matagal nang gustong malaman ni Veron ang gender ng anak ko, but I refused to check the gender. Gusto kong malaman iyon kapag ipinanganak ko na siya.

"Hintayin na lang natin siya," wika ko dito at nagsimula nang kumain.

Noong matapos akong kumain ay nagpasya na kaming umalis ni Veron.

Hawak-hawak niya ako sa braso habang papunta kami sa elevator. Maingat ang bawat hakbang ko at noong nasa tapat na kami ng elevator ay binalingan ko si Veron. Tahimik ito ngayon kaya naman ay tinanong ko ito kung may problema ba siya. At gaya ng palaging isinasagot nito kung nagtatanong ako, palaging wala at ayos lang ako ang sinasabi nito sa akin.

Tinanguhan ko na lamang ito at hindi na nagsalita pa.

Tahimik kaming dalawa ni Veron hanggang sa makasakay na kami sa sasakyan niya. Hindi ko na lang pinuna ang pagiging seryoso nito at baka may pasiyente lang itong inaalala. He's close with his patients kaya naman kung malubha ang kalagayan nito ay talagang binibigay nito ang hundred percent best niya bilang isang doktor. Kaya naman ay hahayaan ko na lang muna ito.

Itinuon ko na lamang ang atensiyon ko sa labas ng sasakyan at hindi na kinulit pa si Veron.

I was silently tapping my fingers on my lap when suddenly Veron stopped his car. Napatingin ako sa harapan ng sasakyan niya at napakunot ang noo noong muntik nang mabangga ang hood ng sasakyan niya sa sasakyang nakatigil sa harapan namin. Bumusina si Veron ng dalawang beses at noong hindi umandar ito ay narinig kong nagmura si Veron.

Napabaling ako dito dahil sa gulat. What's up with him today?

Tahimik na bumaba si Veron sa sasakyan niya at lumapit sa sasakyan sa harapan namin. Mataman kong tiningnan ito at noong makitang natigilan ito sa kinatatayuan ay napataas ang isang kilay ko. Segundo lang ay mabilis itong tumakbo at may nilapitang kung ano sa harapan ng kotseng muntik na naming mabangga kanina.

What now? May aksidente ba sa unahan?

Akmang kakalasin ko na ang seatbelt ko para puntahan si Veron noong biglang natigilan ako. Napaawang ang labi ko at mabilis na napahawak sa tiyan ko. Mariin akong napapikit noong makaramdam ako nang matinding sakit dito.

Sht!

"What's wrong, baby?" mahinang tanong ko sa anak ko at pilit na ikinalma ang sarili.

This is not a normal pain! Ngayon lang ako nagkaramdam ng ganitong sakit sa tiyan! Oh my God! What's wrong with my baby?

"V-Veron..."

Mariin akong napakagat ng labi noong mas lalong sumasakit ang tiyan ko. Sht! I can take this pain anymore! What's wrong with me?

Akmang tatawagin kong muli si Veron noong makarinig ako ng sunod-sunod na busina ng sasakyan. Napamulat ako ng mga mata ko at bago pa man ako makakilos sa kinauupuan ko ay naramdam ko ang malakas na paggalaw ng sasakyan ni Veron. Napahawak ako sa car handle at napapikit na lamang noong maramdaman ang pagtilapon ng sasakyan.

Kusang umawang ang labi ko at mariing napapikit noong tumama ang ulo ko sa salamin. Sht!

"No," halos walang tinig kong sambit at hinawakan ang tiyan ko. "My baby...."


A/N:

Thank you so much for reading, lovies!

This is my first story na walang action at hindi fantasy, no powers at all. Hahaha Sana ay nagustuhan niyo! At sana hindi kayo nabitin. lol hahaha Sorry, sa simula pa lang kasi, ito na ang ending ng kwentong ito! Sa BOOK 2 na tayo magtuos muli! Hahahaha

WAKAS (maybe a teaser para sa book 2 hahaha) is next!!!

Again, thank you so much! Saranghae!



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top