Chapter 54: Sacrifice

Tahimik akong nagmamasid sa paligid ko.

Ilang minuto na rin ang lumipas simula noong lumabas kami sa hotel room ko kanina. Andrea never leave my side. Maging si Adliana ay halata ang pag-aalala nito noong makita niya ako kanina.

Mayamaya lang ay nilapitan ako ni Yvana. Naupo ito sa tabi ko at marahang inabot ang kamay ko.

"He's not answering his phone," aniya at bumuntong-hininga. She's talking about his brother, Von Sirius. Tipid akong ngumiti dito at tiningnan din ang cellphone ko. Kanina, nakausap ko pa si Von. Ngunit noong dumating kami dito sa hotel namin ay hindi na namin ito mahagilap.

I know Von will show up tonight. Matagal naming hinintay ito. Naging maingat kami sa mga naging desisyon namin noon at ngayong narito na ito, tiyak kong hindi sasayangin ni Von ang pagkakataong ito. He loves me and he will never disappoint me. He won't leave me. Darating siya. Darating siya at papakasalan ako.

Mayamaya lang ay lumapit sa amin ang event organizer namin. Tinanong nito kung nakarating na si Von dahil magsisimula na ang party.

"Let's just start," mahinang sambit ko na siyang ikinagulat nila. "He will come. Magsimula na lang tayo para naman ay hindi mainip ang mga bisita."

"But, Destiny, this is your party. Dapat nandito na siya!" Bulalas ni Yvana at mabilis na tinawagang muli ang kapatid nito. "Masasapak ko talaga itong Von Sirius na ito!"

Tipid akong ngumiti dito at binalingan ang organizer namin.

"Let's start the program without him."

"Yes, ma'am," mabilis na tugon nito at tinalikuran na kami. Maingat akong uminom ng tubig sa basong nasa harapan ko. I need to calm down but my abnormal heart beat doesn't want to. Pasimple akong napahawak sa dibdib ko at napangiwi noong maramdaman ang lakas ng kabog ng puso ko.

"Hey, are you okay?" tanong ni Adliana na siyang ikinatigil ko. Binalingan ko ito at napatango na lamang noong nakatingin silang tatlo sa akin. Ibinaba ni Yvana nag cellphone nito at matamang tiningnan ako, samantalang pinunasan naman ni Andrea ang pawis sa noo ko.

"You're sweating cold, Destiny," puna ni Andrea at bumaling sa pwesto kung nasaan ang mga magulang namin. "Kung hindi na maganda ang pakiramdam mo, magpaalam tayo kay Tita Amanda. Bumalik tayo sa hotel room mo habang wala pa si Von."

"Nandito na tayo, Andrea, at magsisimula na rin ang program. I can't just abandon my own engagement party," sambit ko at tumingin sa harapan ko kung saan nakaset-up ang stage para sa amin ni Von. Napabuntong-hininga na lamang si Andrea sa tabi ko at kinausap si Yvana. Muli nitong tinanong kung nasaan na si Von ngunit gaya nang sinabi nito kanina, Von's not aswering her calls.

I secretly place my right hand on my flat stomach. I closed my eyes and prayed for Von's appearance.

Mayamaya lang ay biglang namatay ang ilaw sa buong venue. Tanging ang liwanag na lamang sa may stage ang natira kaya naman ay doon napunta ang atensiyon ng lahat. Napakunot ang noo ko dahil hindi ito parte ng program. Walang nabanggit sa akin tungkol dito. At kung tama ang pagkakatanda sa program na inihanda ng organizer, the program will start after the prayer, of course, then, my parents will come to the stage to congratulate us and leave some messages!

What's happening?

Mabilis akong napatingin sa screen malapit sa stage noong may nagplay na video roon. Bigla akong nanlamig sa kinauupuan noong makita ang isang pamilyar na cafe shop sa video.  Medyo malayo ang pagkakakuha nito pero hindi nagtagal ay nagzoom-in ang camera nito at nakita ako sa video. Napaawang ang labi ko noong makita ang pamilyar na senaryo. I was just sitting there while waiting for someone. At mayamaya lang ay may lumapit sa akin at naupo sa bakanteng upuan sa tapat ko.

Xavi Royce!

Damn it!

"What the hell?" Rinig kong bulalas ni Adliana sa tabi ko. Naramdaman ko ang pagtayo nito sa kinauupuan niya at mabilis na naglakad patungo sa operator na naka-assign sa screen. "Shut that thing down!" sigaw pa ng kapatid ko.

But, I guess, she's too late. Huli na para patayin ang kung anong video clips na nakikita ko ngayon. Halos hindi ako nakahinga noong patuloy na nagflaflash sa screen ang mga litratong kuha sa amin ni Xavi. Napapikit na lamang ako at kinagat ang pang-ibabang labi.

"Come on, Destiny. Let's get out of here," mabilis na yaya ni Andrea sa akin at hinawakan ako sa kamay. Napatingin ako dito at walang lakas na tumayo. Binalingan ko si Yvana at nakita ko itong tumango lang sa akin. Hindi na ako nagsalita pa at nagsimula nang maglakad patungo sa exit ng venue.

Hawak-hawak ni Andrea ang kamay ko hanggang sa tuluyan kaming makalabas sa grand hall ng hotel namin. Napahugot ako nang malalim na hininga at mariing ipinikit ang mga mata noong tumigil na kami ni Andrea sa paglalakad. Nakalayo na kami sa venue at ngayon ay palabas na ng hotel. Muli akong nagmulat ng mga mata ko at noong akmang hahakbang na naman ako, mabilis akong napako sa kinatatayuan ko.

Mataman kong tiningnan ang babaeng nakatayo hindi kalayuan sa amin. Kita ko ang pag-iling nito at tinalikuran kami.

"Harlyn!" sigaw ko sa pangalan nito at tumakbo papalapit dito. "Wait up! Harlyn!"

Kita kong tumigil si Harlyn sa paglalakad at muling humarap sa akin. Mariin ko itong tiningnan noong tuluyang nakalapit na ako sa kanya. I don't want to think ill about her pero wala akong ibang maisip na dahilan kung bakit narito ito ngayon. I can't remember inviting her! Sila mommy kasi ang namili sa guests na dadalo sa engagement party na ito and I can't remember seeing her name on the list!

"It was you," I said with breaking my eye contact with her.

"What do you mean?" she asked back. Walang emosyon ang mukha nito ngayon. Tila hindi ito ang Harlyn na nakilala ko. "What do you mean it was me? May nagawa ba ako?"

"You were the one who took the pictures," I concluded.

"What? Destiny, are you sure about that?" mahinang tanong ni Andrea sa tabi ko. Hindi ko ito binalingan at itinuon lang kay Harlyn ang buong atensiyon.

"What pictures?" Harlyn asked again.

"Stop with your act, Harlyn. Alam kong ikaw iyon. Ngayon ay alam ko na kung bakit nasa university ka noong mga panahong nakita kita. You were following me."

"For real?" Andrea asked again. Akmang susugurin na nito si Harlyn noong mabilis ko itong pinigilan. Hinawakan ko ang braso ito at mabilis na binalingan. Mataman kong tiningnan ang pinsan ko at inilingan ito. I need to hear her reasons. Kahit alam ko ang magiging sagot nito, I still want to hear it from her.

"Why, Harlyn? You hate me that much, huh?" Maingat na sambit ko dito.

"We need to sacrifice one para maging maayos na ang lahat," sambit nito na siyang ikinatigil ko. "Can't you see, Destiny? Everything's a mess right now. Kailangan isa sa inyo ang mawala."

"And you pick me," matamang sambit ko dito. "That's cruel, Harlyn. What's your problem? Dahil sa pagkakatanda ko, wala akong ginawang masama sa'yo. So, why messing with me?"

"You're messing with my friends."

"I'm not messing with anyone here, Harlyn. I just wanted to be with Von. Masama na ba iyon? Kasalanan na ba ang gustuhin kong makasama ang taong mahal ko?" Walang emosyong tanong ko dito.

I'm so done with them! Pagod na pagod ako sa kanila! Sa kanya, kay Zsamira, kay Xavi at lalo na kay Von! Bakit ba nila ginagawa ito sa akin?

"Kung hindi mo minahal si Von, wala ka sana sa sitwasyon na ito. Dapat ay nagpasalamat ka na lang na nabuhay ka pa! Hindi mo na dapat minahal ang taong may nagmamay-ari na!" sigaw nito na siyang ikinaawang ng labi ko.

"You bitch!" Mabilis na kumawala sa hawak ko si Andrea at sinugod si Harlyn.

Napako ako sa kinatatayuan. Tiningnan ko lang si Andrea na mabilis na hinila ang buhok ni Harlyn. Tila unti-unting nabingi ako sa nangyayari sa paligid. I can't hear a thing now. Napailing ako at muling binalingan si Andrea. Someone's stopping her now. At noong mamataan kong si Xavi ang pumagitan sa dalawa, mabilis akong umatras.

"Bawiin mo ang sinabi mo!" sigaw ni Andrea habang dinuduro si Harlyn. Xavi's holding her now. Inilalayo siya nito kay Harlyn na ngayon ay inaalalayan ng isang staff ng hotel namin. "Hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdaanan ni Destiny habang wala pa itong donor! You can't just say that to her, you bitch!" galit na galit na wika ng pinsan ko. "Bitawan mo ako, Xavi! Punyeta, kakalbuhin ko ang babaeng iyan!"

"Damn it! Lalong hindi kita bibitawan!" rinig kong sambit ni Xavi kaya naman ay humakbang muli ako palayo sa kanila.

Hearing Xavi's voice makes me uncomfortable now. Gusto kong lumayo mula sa kanya, sa kanila. Pakiramdam ko'y panganib lang ang sasapitin ko kung nasa tabi ko sila! Muli akong humakbang paatras at noong magtama ang paningin naming ni Xavi at mabilis akong tumalikod at tumakbo.

"Destiny!"

"Oh my God! Destiny Amari!"

Hindi ko na pinansin ang pagtawag ni Andrea sa akin. Dere-deretso akong lumabas sa hotel at noong may nakita akong taxi na nakaparada sa tapat ng hotel ay mabilis akong sumakay dito.

"Kuya, just drive," sambit ko na siyang sinunod naman nito.

Mariin kong ipinikit ang mata at isinandal ang likod sa backrest ng upuan. Mayamaya lang ay wala sa sarili akong napahawak sa dibdib ko. My heart is beating so damn fast. And it hurts. Ang sakit ng pagtibok nito.

"Sacrifice," mahinang sambit ko. "Bullshit."

Von didn't come to see me. What? Don't tell me nakita niya na rin ang mga litrato namin ni Xavi. Kaya ba ito hindi sumipot sa party? He's mad because of that? Unbelievable! Pakiramdam ko ay nasayang lahat ng tiwalang ibinigay ko sa kanya. I trusted him but I guess he never trusted me the way I believe in every words he said to me. Ni hindi nito nagawang magpakita sa akin ngayon para linawin ang lahat. Ni hindi niya ako naharap man lang.

And Zsamira, I bet she's happy now. 

Bumuntong-hininga ako at marahang hinaplos ang tiyan ko.

Kung hindi niya kayang iwan si Zsamira, puwes, kaya kong umalis para sa kapakanan ng anak ko. I can't stand their presence anymore! Hindi ko na kakayanin ang stress at tiyak kong mas lalala ang sitwasyon dahil sa nangyari ngayon.

I'm doomed. Definitely doomed! But I need to save myself. I need to save my child! I can't let them hurt me more. I have enough of their bullshits! At hindi ako papayag na madamay ang anak ko! Not when my heart is still beating. Not when I'm still alive.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top