Chapter 49: Cry
Kanina pa ako nakatayo dito sa labas ng unit ni Von Sirius.
Panay ang buntong-hininga ko habang inaayos ko ang nakapusod kong buhok. I can't my nerves now! Humugot akong muli ng isa pang malalim na hininga at napagdesisyunan nang pindutin ang doorbell ng unit nito.
Minuto lang ay bumukas ang pinto ng unit ni Von. Sumalubong sa akin ang mabangong amoy nito at noong mamataan niya akong nakatayo sa labas ng unit niya ay mabilis niya akong hinila papasok.
"Love, what are you doing here?" mahinang tanong nito at mabilis na niyakap ako. Gumanti ako sa yakap niya at muling inamoy ang pabangong nasa damit niya. Mukhang kakatapos lang nitong maligo. He looked so fresh at mukhang paalis na rin dahil nakita ko ang nakahandang gamit nito sa mesa ng sala niya.
"Paalis ka na ba?" tanong ko dito at humiwalay sa yakap niya.
Tumango si Von at hinaplos ang mukha ko.
"Tinatapos ko lahat ng pending ko sa opisina para naman wala na akong aalalahanin pagkatapos ng engagement party natin. Makakapagfocus na ako sa preparation ng kasal natin," he said then planted a kiss on my lips. Mabilis lang ito kaya naman ay nginitian ko si Von. Hinawakan ko ang kamay nitong nasa mukha ko at mataman itong tiningnan sa mga mata niya.
"Can you spare me some of your time, love?" mahinahong tanong ko dito.
Kita kong natigilan ito ngunit agad din namang tumango sa akin.
"Of course," anito at hinila na ako patungo sa sofa niya. Naupo kami roon at iniharap ako ni Von sa kanya. "What is it? Nahihirapan ka ba sa preparation? I can arrange that with the organizers para naman ay hindi ka na lumabas pa."
"No, it's okay. We enjoyed the tasks given to us," ani ko at bahagyang natigilan noong makaramdam ng kaunting hilo. Napapikit ako at humugot ng isang malalim na hininga. "I'm here to talk about Zsamira, Von."
"Love..."
"Please, just this once. Let's talk about her."
"Why her? May mas mahalaga pa tayong dapat pag-usapan, Destiny. Our wedding. Mas importante iyon."
"Bakit ba ayaw mong pag-usapan natin ang bagay na ito?" mahinahong tanong ko dito. Tila hindi komportable si Von sa gusto kong pag-usapan namin ngayon. But, we can't delay any further this topic! We need to talk about Zsamira! Our engagement party will happen in two days from now!
"Please, let's not talk about her."
"Why?" tanong kong muli dito na siyang ikinatigil niya. "Tell me a good reason why we should not talk about her?" Hamon ko dito. Come on, love. Let's talk about Zsamira now. Mababaliw na ako sa kakaisip sa plano mo.
Harlyn was right! Von will do everything for me. Gagawin niya ang lahat para hindi ako madamay sa gulo niya kay Zsamira! Kahit ang magsinungaling sa akin ay gagawin nito para maiwasan ko lang si Zsamira! But no! Sa ayaw man o sa gusto niya, madadamay at madadamay ako! I'm his fiancee! Ikakasal na kaming dalawa!
"Von," mahinang sambit ko sa pangalan nito at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. "Alam ko na ang lahat. No need to cover things up now. Gusto kitang tulungan sa kung anong mayroon kay Zsamira. Please, don't push me away, love."
Kita ko ang pag-awang ng labi ni Von sa sinabi ko. Mayamaya lang ay mabilis niya akong hinila at niyakap nang mahigpit.
"I'm sorry, love. I'm really sorry."
Malungkot akong ngumiti at gumanti sa yakap nito.
"Let's face Zsamira together, Von. We need to talk to her."
Mabilis na umiling si Von sa akin at humiwalay sa akin.
"Let me handle her, love. Ako lang ang kayang magpakalma sa kanya. Even her parents can't handle her emotions."
Hindi agad ako nakapagsalita at matamang tiningnan ito sa mga mata niya.
"What happened, Von? Bakit humantong sa ganito ang lahat?"
"It was my fault, I'm sorry. When we were together before, Zsamira became dependent on me. At noong hiniwalayan ko ito noon, she almost harm herself. I stayed with her for a while and help her with her problem. Naging kalmado rin ito, lalo na noong nagsimula na siya sa therapy niya," pagpapaliwanag nito at marahang hinaplos ito. "For a year, nilayuan kita muna para naman makapagfocus ito sa sessions niya and she succeeded. Hindi na nito naiisip na saktan ang sarili niya."
"Tapos bumalik na naman ang sakit niya ngayon?" Maingat na tanong ko dito na siyang ikinatango ni Von.
"Her parents want me to help her again," sambit pa nito na siyang ikinatigil ko. "She's getting worst."
"Did she really harm herself?" tanong kong muli dito. "Yesterday, after the schedules, nagpunta kami sa St. Luke's Hospital."
"Love..."
"Nempha saw you and she called us. Doon ko rin nalaman ang kalagayan niya. Did she really harm herself to get your attention, Von?"
Hindi sumagot si Von kaya naman ay niyakap ko na lamang ito. Von Sirius, he's really a close friend to Zsamira. At gaya nang sinabi ni Harlyn, he's having a hard time right now! Hindi nito hahayaan ang kaibigan na mapahamak dahil sa kanya. Oh, dear God! Bakit nangyayari ito sa amin ngayon?
"Can we stay like this for a while?" mahinang tanong ni Von sa akin at muling niyakap ako nang mahigpit. Hindi na ako nagsalita pa at dinama na lamang ang mahigpit na yakap nito sa akin.
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming magkayakap ni Von. Natigilan na lang kami noong tumunog ang cellphone nito na nasa ibabaw lang ng mesa. Humiwalay ako sa yakap nito at binalingan ang screen ng phone nito.
It was from an unknown caller.
Dahan-dahang dinampot ni Von cellphone nito at sinagot ang tawag. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya habang kausap nito ang tumawag sa kanya.
"What?" Kunot-noo nitong tanong at tiningnan ako. "Tell her, I'm coming. Calm her down, Stefan!" utos nito at pinatay na ang tawag sa kanya. Mabilis na hinawakan ni Von ang kamay ko at marahang pinisil ito. "It was Zsamira's brother. She's awake now and she's looking for me."
Tila pinipiga ang puso ko habang nakatingin kay Von. He looked so stress right now. Hindi nito alam kung pupuntahan ba nito ang kaibigan o hindi.
"Come on," sambit ko dito na siyang ikinatigil niya. "Puntahan natin siya."
"Love..."
"She needs you, Von, and I can't let you do this alone. And besides, I need you, too. I want to be with you this time. Sasamahan kita."
"Damn it!" bulalas ni Von at mabilis na hinalikan ako. Napangiti ako sa ginawa nito at gumanti na rin ng halik sa kanya. "I don't think I deserves you, love," he said between our kisses.
Napailing na lang ako dito at mas pinailalim ang halikan naming dalawa. Hindi na muling nagsalita pa si Von at mas inilapit ang katawan ko sa kanya. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang kamay nito sa dibdib ko kaya naman ay natigilan ako.
"Von, aalis pa tayo," mahinang sambit ko dito habang bumababa ang halik nito sa leeg ko.
"Let them wait," aniya at mabilis na inangat ako sa kinauupuan ko. Kumilos si Von at sa isang iglap ay buhat-buhat na niya ako at naglakad na ito papasok sa silid niya.
Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas simula noong nakausap ni Von ang kapatid ni Zsamira. Basta pagkatapos namin kanina sa kwarto nito ay nasundan pa iyon noong sabay kaming naligo sa banyo nito. And I swear, kung masama ang pakiramdam ko nitong nagdaang araw, mas lumalala ito ngayon! Damn it, Von Sirius! We're facing something serious right now but we still managed to make love and forget about everything around us!
"Nasa E.R. pa rin ba siya?" mahinang tanong ko kay Von noong makalabas kami sa sasakyan nito. Mabilis na hinuli nito ang kamay ko at sabay kaming naglakad papasok sa ospital.
"Wala na siya roon," sagot nito at umakyat kami sa pangalawang palapag ng ospital. Looks like alam na ni Von kung nasaan ang kwarto ni Zsamira. Tumahimik na lamang ako at kinalma ang sarili ko. Pasimple ko na ring inilalagay sa ilong ang daliri ko dahil ayaw ko talaga sa amoy ng lugar na ito!
Mayamaya lang ay natigil si Von sa paglalakad kaya naman ay napahinto na rin ako. Napatingin ako sa nakasarang pinto sa harapan namin at napabaling na lamang kay Von Sirius noong makarinig ako nang malakas na sigaw galing sa loob ng silid.
Bigla akong nanlamig noong binitawan ni Von ang kamay ko at mabilis na binuksan ang pinto.
Napako ako sa kinatatayuan ko lalo na noong makita ang itsura ng loob ng silid. Von hurriedly run towards the woman who's crying his name. I swallowed hard when I saw Von Sirius hugged her. He's trying to calm her but Zsamira cried harder. She's crying inside Von's arms. She's desperately crying while calling his name.
Tila tinutusok ang puso ko sa nakikita. There. My beloved Von Sirius, hugging and comforting someone else.
Isang hakbang paatras ang ginawa ko at akmang tatalikod na ako sa kanila noong bigla akong napako sa kinatatayuan ko. May dalawang kamay ang humawak sa balikat ko at pinirmi ako sa kinatatayuan.
"Don't run away again, Destiny Amari."
Umawang ang labi ko noong marinig ang pamilyar na boses nito. Hindi ko inalis ang paningin kay Von at Zsamira. Tiningnan ko sila hanggang sa hindi na kinayanan ng mga mata ko. My tears started falling and when I was about to move, to run away from all of this, I saw Von Sirius looked at my direction.
I saw how he withdraw his arms from Zsamira and when I was about to call his name, someone close the door.
Napapitlag ako sa gulat at noong akmang bubuksan ko itong muli, mabilis akong pinigilan ni Xavi.
"We're done here," aniya at hinarap ako sa kanya. Wala sa sarili akong napatingin dito at natigilan na lamang noong marahan nitong inalis ang mga luha ko sa mata. "Don't cry, Destiny Amari."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top