Chapter 48: Suffer
"Stop it, Harlyn!"
"What? Tama naman ang sinabi ko, 'di ba?"
"I said, stop it! Huwag mo nang idamay pa si Destiny dito!"
"Puro ka na lang, Destiny! Nakalimutan mo na ang problemang iniwan mo sa Manila! Von, hinahanap ka ni Zsamira!"
"Matagal ko nang tinapos ang relasyon naming dalawa, Harlyn. Shut it already!"
"Von! Please, kaibigan din natin si Zsamira! She needs you!"
"Hindi niya ikamamatay pag wala ako, Harlyn!"
"What if she will? Anong gagawin mo?"
Napabalikwas ako nang bangon noong magising ako mula sa pagkakaidlip. Mabilis kong sinapo ang ulo ko at inalala ang panaginip ko.
No, that wasn't a dream. Ito iyong pag-uusapan ni Von at Harlyn noong nasa Zambales kami. Noong gabing iyon, nalaman ko ang relasyon nito kay Zsamira at kinabukasan ay nakita ko ang dalawang magkasama. I leave Zambales and the rest was history.
So, ito ang ibig sabihin ni Harlyn noon. What if Zsamira dies because of my relationship with Von Sirius before? Oo nga't wala pang kasiguraduhan ng relasyon namin noon, we were just enjoying each other's company. And Von Sirius being with Zsamira that day, iyon marahil ang naging desisyon niya. Mas pinili nito ang kaibigan niya kaysa sa relasyon naming walang kasiguraduhan.
Mabilis akong napailing para mawala sa isipan ko ang mga iniisip. Ilang oras pa lang ang tulog ko mula noong nakauwi kami ni Andrea galing sa St. Luke's Hospital at ngayon ay gising na naman ako! Damn it! I need to sleep more to have strength to face them tomorrow! Kailangan ko na ring kausapin si Von Sirius! Hindi maaring ganito na lamang kaming dalawa! We can't run away from this situation! We need to talk about his dear friend, Zsamira. Kung totoo ngang sinasaktan nito ang sarili, kailangan naming kausapin ito!
She can't keep on doing that! For what reason? She's afraid of losing Von Sirius? For Pete's sake! Matagal na silang walang relasyon! She needs to wake up from reality!
Kinabukasan ay halos hindi ako makabangon sa higaan ko. Panay ang mura ko dahil sa sakit ng ulo ko at noong pinilit kong kumilos ay biglang sumama ang sikmura ko. Napahawak ako sa bibig ko at pilit na umalis sa kama. Halos mangapa ako para lang makarating lang sa banyo. At noong tuluyang nakapasok na ako ay mabilis akong sumuka roon.
Damn it!
Magkakasakit pa yata ako!
Ilang minuto akong nanatili sa banyo at noong gumaan ang pakiramdam ko ay mabilis akong tumayo at nagtungo sa lababo. Naghimalos ako at mabilis na tiningnan ang repleksiyon sa salamin.
"You need to do something today, Destiny Amari. You don't have to run away again this time," mahinang sambit ko sa sarili at nag-ayos na ng sarili.
Kahit nahihirapan akong kumilos, nagawa ko pa ring maligo at mag-ayos ng sarili. Noong matapos ako ay lumabas na ako sa silid ko. Sa may hagdan pa lang ay rinig ko na ang boses ni Andrea. Kunot-noo akong naglakad hanggang sa makita ko sila ni Adliana na nag-uusap sa may sala namin.
"Masyadong maaga pa, Andrea," ani ko dito na siyang ikinatigil ng dalawa. Mabilis nila akong binalingan kaya naman ay nginitian ko sila. "Goodmorning."
"Goodmorning, Amari," bati ni Adliana at nilapitan ako. "Andrea told me about what happened yesterday. Are you okay? Nakausap mo na ba si Von?"
Umiling ako dito at naupo sa tabi ni Andrea. Masyado akong napagod sa nangyari kahapon kaya naman ay hindi ko na nagawang tawagan pa si Von Sirius. Nakatulog ako at hindi na nag-abala pang gamitin ang cellphone ko. Though nakita ko kanina sa cellphone ko ang iilang missed calls nito sa akin.
"You better talk to him first, Amari. Your engagement party will happen two days from now. Dapat ay wala kayong problemang dalawa sa araw na iyon."
"I know that, Adliana," wika ko at bumutong hininga na lamang. "Iyon ang plano ko ngayong araw," dagdag ko pa at binalingan si Andrea. "We're done with our schedules, right?"
"Yes, Destiny," ani Andrea at may inabot sa akin. Kunot-noo ko itong tinanggap at natigilan noong mapagtanto kung ano iyon.
"Saan mo ito nakuha, Andrea?" Tanong ko dito habang binasa ang mga dokumento na hawak ko.
"I asked someone to do me a favor and he emailed it to me last night," kaswal na sambit ni Andrea habang seryoso ako sa mga binabasa ko.
Damn it! This is Zsamira Alvarado's medical history!
"Anxiety and depression," basa ko at wala sa sariling napatingin sa kapatid ko at pinsan. "She harmed herself years ago, too."
"Oh my God!" bulalas ni Adliana at kinuha sa akin ang mga papel.
Napatulala ako sa kawalan habang panay ang palitan ni Adliana at Andrea ng mga opinyon sa nalaman namin tungkol Zsamira. Paano humantong sa ganito si Zsamira? She's a strong woman! Kahit ayaw ko sa kanya ay alam kong matapang ito. Hindi ito basta-bastang magpapatalo sa depresyon!
"We need to talk to Von Sirius! Looks like siya lang ang kayang pakalmahin itong si Zsamira Alvarado." Napabaling ako sa kapatid ko noong banggitin nito ang pangalan ni Von. Namataan ko itong ibinalik kay Andrea ang mga papel at tiningnan ako. "Hindi kita hahayaang makausap ang babaeng ito, Amari. She can harm you, too."
"Makinig ka sa kapatid mo, Destiny. She's right. Si Von ang dapat kausapin mo dito at hindi si Zsamira," dagdag pa ni Andrea na siyang lalong ikinatahimik ko.
Anxiety and depression are both difficult to handle. Naaawa ako kay Zsamira. She's suffering from it! Oh my God!
"You better stop what you are thinking, Destiny." Napakurap ako ng mga mata ko sa sinabi ni Andrea. Napabaling ako dito at natigilan noong mamataan ang seryosong tingin nito sa akin. "I know that look of yours, Destiny Amari. Hindi mo kakausapin si Zsamira."
"But, she's suffering," mahinang bulalas ko.
"Same goes to you!" anito na siyang ikinayuko ko.
"But I need to do something. That woman is suffering because of this wedding!"
"Oh my God, Destiny Amari! Can you hear yourself? It's not because of your wedding! That girl is selfish! She only wants Von for herself that's why she's acting up!" ani Andrea na siyang ikinatigil ko.
"Please, don't say that, Andrea. Hindi natin alam ang pinagdaraanan niya."
"What now? You'll give up this wedding for her?" inis na tanong ni Andrea at tumayo mula sa kinauupuan niya.
"Of course not, Andrea. Hindi ko gagawin iyon. Kaya nga gusto ko itong makausap muna. Kung dahil sa kasal namin ni Von kaya siya nagkakaganito, then, kailangan kong ipaintindi sa kanya ang lahat. We can't just let her harm herself because of us. That's too much."
"But, she already did."
Natigilan kaming tatlo at halos sabay-sabay na bumaling sa pinto noong may magsalita.
"Harlyn," ani Adliana at mabilis na nilapitan ang kaibigan nito. "What are you doing here?"
Kita kong umiling si Harlyn kay Adliana at binalingan ako. Dahan-dahan itong naglakad hanggang sa tuluyang makalapit ito sa akin.
"Xavi told me that you were at the hospital yesterday, Destiny," anito at binalingan si Andrea at matamang tiningnan ang hawak nitong mga papel. "So, you know already?"
"About what? About that woman's condition? Of course! Hindi namin hahayaang kawawain niyo si Destiny!" galit na turan ni Andrea na siyang ikinabaling ko sa gawi niya. "My cousin is suffering because of this! Pumunta pa siya sa ospital kahit alam niya bibigay ang katawan niya! For once, patahimikin at hayaan niyo naman siyang maging masaya!"
"Andrea..." pigil ko dito at mariing inilingan ito. Umirap lang si Andrea sa akin kaya naman ay napabuntong-hininga na lamang ako. She's mad, okay, pero dapat ay hindi namin ganituhin si Harlyn. She's here for a reason and we need to hear it. Binalingan kong muli si Harlyn at seryosong tiningnan ito. "Anong pinunta mo dito, Harlyn?"
"I'm here to say sorry about what happened last time I came here. It was a mistake. I'm sorry," anito na siyang ikinatango ko dito.
"I know that you're not here just to apologize. Come on, tell me. Makikinig ako at sana sa pagkakataong ito ay totoo na ang mga sasabihin mo sa akin."
Hindi agad nakapagsalita si Harlyn. She's just looked at me. Binalingan ko ang kapatid ko at si Andrea. Tinanguhan ko ang dalawa at mukhang nakuha naman nila ang gusto kong mangyari.
"Be careful with your words, Harlyn. I can be your worst enemy if something happens to her," wika ng kapatid ko at niyaya na si Andrea. Masamang binalingan ni Andrea si Harlyn at sumunod na kay Adliana patungo sa garden ng mansyon.
"Now, we're alone. You can tell me everything, Harlyn," mariing sambit ko dito at pinaupo ito sa bakanteng upuan sa harapan ko.
Noong naupo na si Harlyn ay nagsimula na itong magsalita. I keep my mouth shut and listened to her.
"Zsamira suffered from anxiety and depression years ago. Ang akala namin ay gumaling na ito dahil nacleared na nito lahat ng treatment at therapy niya. She was doing well not until we found out about your engagement with Von Sirius."
Napakagat ako ng pang-ibabang labi at hindi inalis ang mga mata kay Harlyn.
"She still want Von for herself."
"Why?" tanong ko dito. "Hindi na siya mahal ni Von."
"She was never loved by him," malungkot na sambit nito na siyang ikinatigil ko. "Von Sirius only see her as a sister. And Von, being the nice guy he is, he took care of Mira and tried to fall in love with her." Muling napabuntong-hininga si Harlyn at matamang tiningnan ako. "Zsamira is like a responsibility to Von Sirius. He can't leave her behind just like that."
"Hindi na sila bata para diyan," wala sa sariling komento nito.
"You're right but Zsamira's current situation is different from before, Destiny. She really harmed herself to get Von's attention. This time, she's not holding back anymore, Destiny. Gagawin niya ang lahat para mabawi si Von."
Napaawang ang labi ko sa narinig. No way! She can't do that! Hindi isang bagay si Von na babawiin niya paggusto niya!
"Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa kanila," mahinang sambit ni Harlyn na siyang ikinapikit ko na lamang.
Tila biglang gumuho ang mundo ko sa mga nangyayari sa paligid ko. All I wanted was to be with Von. Be happy and live peacefully. Pero sa sitwasyong mayroon ako ngayon, hindi ko na rin alam ang gagawin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top