Chapter 47: Talk
"No, Destiny! Don't push it! You don't look fine! Baka ano pang mangyari sa'yo sa loob!" ani Andrea at mariing umiling sa akin.
"But, I need to see Von Sirius!"
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Nempha kanina? Von Sirius is fine, Destiny!" mariing sambit muli nito sa akin at hinawakan na ako sa kamay. Hinila na ako ni Andrea pabalik sa sasakyan namin. "Uuwi na tayo at doon natin hihintayin ang fiancee mo!"
"Andrea, please," paki-usap ko dito at binawi ang kamay sa kanya. "I'll be quick. Titingnan ko lang kung nasa loob pa siya!"
"Can you hear yourself, Destiny Amari? Pagkatapak mo pa lang sa entrance ng building ay tiyak kong mahihilo ka na naman. You have a low tolerance of that hospital smell!"
"Mabilis lang ako," sambit ko dito at tinakbo na ang distansya papunta sa main entrance ng St. Luke's Hospital. Rinig ko ang pagtawag ni Andrea sa pangalan ko ngunit hindi ko na ito pinansin pa. Dere-deretso na akong naglakad at pinagsawalang-bahala ang kalagayan ko ngayon.
Pagkapasok ko pa lang sa may pinto nito ay agad akong napahawak sa ilong ko. Napailing ako at mabilis na naglakad patungo sa E.R. kung nasaan si Von. Mabilis ang mga hakbang ko at noong nasa pasilyo na ako malapit sa E.R. ay natigilan ako noong mapansing naroon si Harlyn. Agad akong nagtago mula sa kanya at napasandal sa may pader. I sighed and remained silent.
Dahil tahimik ang lugar ay rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Is she alright?" Tanong ni Harlyn sa mga taong naroon sa labas ng E.R..
"She's fine now. Thanks God that Von was there to stop her again," ani ng isang hindi pamilyar na boses sa akin. "She needs to rest para naman gumaling agad ang naging sugat nito."
"Tita, I thought she was done with her therapy? Bakit may ganito na naman?" It was Harlyn again. Therapy? Sino ang tinutukoy nito?
"She completed the therapy years ago, Harlyn. I don't know what triggered her this time."
"That Henderson is going to marry someone," rinig kong sambit ng isa pang hindi pamilyar na boses. It'a man's voice! "And I'm a hundred percent that was the reason why Zsamira did this to herself again."
What? Zsamira? Oh my God! Anong ginawa nito? Did she harm herself?
Akmang aatras na ako para umalis sa lugar na ito noong biglang nakaramdam na naman ako nang pagkahilo! Damn it! Ilang minuto lang ako dito at talagang bumibigay na agad ang sikmura ko sa amoy ng lugar na ito! Mariin akong napapikit at kinalma ang sarili ko. Mayamaya lang ay mabilis akong napamulat noong maramdam ko ang paghawak sa balikat ko. Agad kong binalingan ang may-ari ng kamay at noong mamataan ko kung sino ito ay kusang umawang ang labi ko dito.
"Are you okay?" Tanong nito at hindi inalis sa akin ang mga mata nito. "You're pale. May masakit ba sa'yo?"
"Xavi..."
"What are you doing here? Come on, let's go somewhere else. You need some fresh air," aniya at hinila na ako palayo sa emergency room. Wala akong sapat na lakas para bawiin ang braso ko sa pagkakahawak ni Xavi. Basta na lamang ako nagpahila at hinayaan si Xavi na dalhin ako palayo sa lugar na ito.
Maingat akong naupo noong makarating kami sa pinaka-garden ng ospital. Binalingan ko ang paligid at marahang humugot ng malalim na hininga. Mayamaya lang ay natigilan ako noong umalis sa Xavi sa tabi ko at pumasok ulit sa building ng ospital.
I sighed.
Ano naman kaya ang ginagawa ng lalaking ito dito? Don't tell me kasama ito ni Von noong dalhin nila si Zsamira dito?
Muli akong napapikit at inalala ang mga narinig. So, Zsamira Alvarado was the unconscious woman na nakita ni Nempha na dinali nila Von kanina. What happened to her? Self harm? That's too much! Ano naman ang rason niya?
"That Henderson is going to marry someone."
Napadilat ako at walang emosyong tumingin sa kawalan. Henderson. They mean Von Sirius Henderson. Pero, bakit naman gagawin iyon ni Zsamira? Wala na silang relasyon ni Von para gawin niya ang bagay na ito! Matagal na silang tapos!
Napayuko ako at marahang napahawak sa ulo ko noong kumirot muli ito. I bit my lower lip as I calm myself! Damn it!
"Destiny." Napatingin ako kay Xavi noong bumalik ito at may inilahad sa akin. It was a bottled water. "Drink this."
"Thank you," mahinang sambit ko at tinanggap ang tubig na inabot nito.
"What are you doing here, Destiny?" Xavi asked. Napatingin ako dito at tinapos ang pag-inom ng tubig. Napabaling ako sa daang tinahak namin kanina at inalala ang narinig ko kanina.
"Nempha called earlier. Nakita niya raw si Von Sirius dito," sambit ko at binalingan ito. "Kasama mo ba ito kanina?"
Mabilis na umiling si Xavi sa akin habang hindi inaalis ang paningin nito sa akin.
"I'm just here to visit a friend, Destiny."
"I see," mahinang sambit ko at muling napabuntong-hininga. "Alam mo bang nasa E.R. ngayon si Zsamira?"
"Zsamira? Kaya ba nandoon ka kanina?"
Tumango ako dito at nag-iwas ako nang tingin sa kanya.
"I've heard that she did something to herself."
"Destiny..."
"Do you know about this, Xavi? I've heard Harlyn mentioned something about her therapy. Anong mayroon sa kay Zsamira?"
"So, Von didn't tell you anything about Mira," ani Xavi at naupo sa tabi ko. "Such a coward," dagdag pa nito na siyang ikinakunot ng noo ko. "Lalong magiging komplikado ang lahat kung mananatili itong maglilihim sa'yo, Destiny."
"What do you mean by that, Xavi? Anong nililihim sa akin ni Von? Tell me, please."
"Wala ako sa posisyon para sabihin sa'yo ang tungkol sa bagay na ito, Destiny. Von is trying his best not to hurt you. Just trust him."
"But I'm confused and hurting right now," matamang sambit ko na siyang ikinatigil ni Xavi. "Can you please save me from the pain, Xavi? Tell me everything. Please. I need to know."
Damn this! I sounds so fvcking desperate right now! And asking something like this from Xavi Royce makes me sick! I'm such a cruel person right now!
"Destiny, I can't."
"Then, I'm going to ask Zsamira," mariing sambit ko dito.
"Si Von ang kausapin mo!" anito na siyang ikinatigil ko. "You're hurting right now, Destiny, ano pa kinatatakot mo? Takot ka sa mga sasabihin niya? Come on, Destiny Amari. You're better than this! Dapat si Von ang kausapin mo at hindi si Zsamira! Siya lang ang makapagbibigay sa'yo ng mga sagot sa katanungan mo!"
"Destiny!"
Pareho kaming natigilan ni Xavi noong marinig ang boses ni Andrea. Binalingan ko ito at namataang naglalakad papalapit sa akin.
"You stubborn woman! Anong nangyari sa'yo? Naikot ko na ang buong St. Luke's kaka... Sht! Ikaw na naman?" Bulalas ni Andrea noong makitang nasa tabi ko si Xavi. "What are you doing here? Are you stalking my cousin again?"
"Andrea..."
"Are you okay, Destiny? May ginawa ba itong lalaki sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Andrea sa akin at pinagmasdan ako nang mabuti.
"Ayos lang ako, Andrea."
"Calm down, Andrea. Wala akong ginawang masama sa pinsan mo. I just saw her near the emergency roon," walang emosyong sambit ni Xavi at tumayo na. Napabaling ako dito at namataan ko ang seryosong tingin nito sa akin. "Since your nosy cousin is here, I'm leaving."
"Nosy? Ako? Excuse me?" asik ni Andrea at tiningnan nang masama si Xavi.
Hindi na lang pinansin ni Xavi Royce si Andrea at muling nagsalita.
"Don't come close to Zsamira. I told you already, she knew everything about us. She can use it against you," anito at tinalikuran na kami ni Andrea. Hindi ako nakakibo sa kinauupuan ko at nakatingin lamang sa likod nito. At noong mawala na ito sa paningin ko ay binalingan ko si Andrea. Namataan ko itong masama pa ring nakatingin sa daang tinahak ni Xavi kaya naman ay tumayo na ako at nilapitan ito.
"I need to talk to Zsamira."
"What? Sinong Zsamira naman itong tinutukoy mo? At hindi mo ba narinig ang sinabi nang lalaking iyon? Don't come close to her! Aba't tila nagbabanta ito, Destiny!"
"Si Zsamira ang dinala nila Von dito," sambit ko na siyang ikinataas ng kilay ni Andrea.
"Destiny, nasa emergency room ito ngayon. Paano mo siya makakausap kung ganoon?"
"I need to do something. I can't let her ruin my wedding."
"What? Tell me, Destiny, who's this Zsamira?" Mariing tanong ng pinsan ko. Tiningnan ko ito nang mabuti bago sagutin ang tanong niya.
"Zsamira Alvarado. Von Sirius's ex-girlfriend."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top