Chapter 45: Wedding

Kanina pa ako nakatulala sa kawalan.

Hindi ako makatulog at ang tanging nasa isipan ko ngayon ay ang kaalamang mahal daw ako ni Xavi Royce at ang pagpapakasal ko kay Von Sirius.

I truly love, Von. I really do. Bago pa man kami nagkausap noon sa Zambales, mahal ko na ito. Bago pa man ako masaktan noon dahil sa kanila ni Zsamira, mahal ko na ito. Walang magbabago sa nararamdaman ko kahit ilang beses pang sabihin ni Xavi na mahal niya ako. Na minahal niya ako bago pa man mahulog ang loob ni Von sa akin. I will still choose Von over him. 

Napakurap ako ng mga mata ko noong biglang tumunog ang cellphone ko. Kunot noo akong kumilos at binalingan ko ang cellphone sa tabi ko. Mabilis ko itong kinuha at noong makita ang pangalan ni Von sa screen ay agad ko itong sinagot.

"Hi, love..." bati ko dito at marahang kinagat ang pang-ibabang labi. Damn it! Mali yatang sinagot ko ang tawag nito! Maghahating-gabi na!

"Hey, still up?" mahinang tanong nito sa akin. "It's almost midnight, love. Hindi ka pa rin natutulog?"

"Bakit, ikaw? Hindi ka pa rin natutulog?" Balik na tanong ko dito at ipinikit ang mga mata ko. Sa daming nangyari ngayong araw, ewan ko na lang kung makakatulog ako ngayon!

"I'm outside your mansion. Dumaan lang ako to check on you," aniya na siyang nagpamulat ng mga mata ko. "Looks like tama lang ang pagpunta ko dito."

Mabilis akong bumangon sa kama at naglakad patungo sa bintana ng silid ko. Hinawi ko ang kurtinang naroon at napaawang na lamang ang mga labi noong makita si Von Sirius, nasa labas ito nang sasakyan niya at nakasandal sa hood nito.

"What are you doing here, Von? Late na masyado!" tanong ko at mabilis na lumabas sa kwarto ko.

"I just want to see you," aniya na siyang nagpairap sa akin. Dahan-dahan akong bumaba sa may hagdan at noong mabuksan ko na ang malaking pinto namin ay tinakbo ko na ang daan patungo sa main gate ng mansyon.

"Von!" Tawag ko dito at mabilis na nilapitan ito.

"Hey, love," aniya at hinila ako papalapit sa kanya. He immediately grab my waist then hug me. Napangiti na lamang ako sa ginawa niya at niyakap na rin ito. "I missed you."

"Von, magkasama pa lang tayo kanina."

"Still," aniya at mas hinigpitan ang yakap sa akin. "I still missed you."

Hindi na ako nagsalita pa at dinama na lamang ang init ng katawan ni Von Sirius. Mayamaya lang ay natigilan ako at napakunot ang noo noong may naamoy ako sa kanya.

"Did you drink?" tanong ko dito at tiningala ito. Namataan ko ang pag-ngiwi nito kaya naman ay mabilis akong humiwalay sa kanya. "Von," mariing sambit ko sa pangalan nito noong hindi ito sumagot sa tanong ko.

"Just a shot of vodka."

"Really?" Pinagtaasan ko ito ng isang kilay at muling inamoy ito. "I don't think so."

"It's true!" Natatawang sambit ni Von at muling hinigit ako papalapit sa kanya. "I'm fine. No need to worry, love. I can still drive, you know."

"Pumasok muna tayo sa loob," wika ko at kumalas muli sa yakap nito. "I'll make something to make you sober."

"I'm not drunk, love." Naiiling na sambit nito at hinawakan ang kamay ko.

"Still, uminom ka!" ani ko at hinila na ito. Narinig kong muli ang pagtawa nito at nagpahila na lamang sa akin hanggang sa makapasok na kami sa mansyon.

Sa kusina kami dumeretso ni Von Sirius. Pinaupo ko lang ito habang hinahanda ko ang kape nito. Ang lakas talaga nang loob nitong uminom! Nakalimutan na yata niya ang nangyari noong huling uminom ito! Sa baba ng alcohol tolerance nito, kahit isang shot lang ng vodka ay tiyak na tatamaan ito! 

Noong matapos ako sa pagtimpla ay mabilis ko itong inilapag sa tapat niya. Tahimik lang nakatingin sa akin sa Von kaya naman ay muli ko itong pinagtaasan ng kilay.

"Drink," ani ko at itinuro ang kape. "Huwag mo nang uulitin ito, Von. Huwag ka nang magdrive kung nakainom ka."

"Yes, love. I'm sorry. Pinag-alala pa yata kita," aniya at ininom na ang kapeng inihanda ko para sa kanya. Tahimik kong pinagmasdan ang bawat galaw ni Von Sirius. Ipinilig ko ang ulo ko pa kanan at napakunot ang noo noong mapansin ko ang kakaibang emosyon sa mga mata nito. 

Noong matapos ito sa iniinom niya, mabilis nitong hinawakan ang kamay kong nasa mesa. Bahagya itong ngumiti at pinaglaruan ang singsing na nakasuot sa daliri ko.

"Bakit pala gising ka pa?" Natigilan ako sa naging tanong nito.

"I can't sleep," I honestly answered to him.

"Why? May problema ba?" Maingat na tanong ni Von at pinisil ang kamay kong hawak niya.

"May... may nalaman ako ngayong araw, Von," sambit ko na siyang ikinatigil ni Von Sirius. "Xavi Royce came here earlier after you left."

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Von sa akin. Mataman ko itong tiningnan at noong mapansin ko ang pag-aalala sa mukha nito ay nginitian ko ito. I don't want to keep secrets from him anymore. Nakapagdesisyon na ako kanina. Whatever happens, I will choose Von. I will do everything to protect this relationship.

"He told me about his wife," mahinang sambit ko at matamang sinalubong ang paningin nito. "He told me about his sins, Von. He told me about his true feelings."

"Destiny..." Maingat na sambit nito sa pangalan ko.

"I don't want to believe him," naiiling na sambit ko dito. "I don't want to know about his feelings but mommy confirmed it to me. She saw how devastated I was earlier and told me about what happened years ago."

Napatango na lamang si Von at napahugot nang malalim na hininga. Hindi ito nagsalita at ipinikit lamang ang mga mata nito. Mayamaya lang ay bahagyang lumuwag ang hawak nito sa akin kaya naman ay mabilis ko itong pinigilan.

"Let's get married soon, love," sambit ko na siyang ikinatigil ni Von. Nagmulat ito ng mga mata at binalingan ako. "Magpakasal na tayo."

"Love..."

"I want to be your wife, Von Sirius."

Mabilis na binitawan ni Von Sirius ang kamay ko at nilapitan ako. Agad nitong hinawakan ang magkabilang pisngi ko at matamang tiningnan ako sa mga mata ko.

"I know, we already talked about our engagement but are you sure about this? Your still studying, love. You told me that you want to finish your studies first," humugot muna ito ng isang malalim na hininga bago magpatuloy sa pagsasalita. "I can wait, love. No need to rush things."

"I can still continue my studies after our wedding, Von," nakangiting sambit ko at napailing na lamang noong maalala kong sinabi rin pala ito ni daddy sa akin noon. Ngayon ko lang napagtanto ang mga bagay na ito. My dad, my beloved father, kahit masiyadong istrikto ito sa akin, alam kong kapakanan ko lang ang nasa isip nito.

Ramdam ko ang panginginig ng kamay ni Von sa mukha ko kaya naman ay hinawakan ko ito. Muli akong ngumiti sa kanya at marahang inilapit ang labi sa labi nito. It was supposed to be a quick kiss but Von suddenly grabbed my nape and kiss me deeply. Napaawang na lamang ang labi ko sa ginawa niya at gumanti sa mga halik nito. Mayamaya lang ay tumigil kami sa paghahalikan. Pinagdikit namin ang mga noo habang kinakalma ang kanya-kanyang hininga.

"We'll discuss the date then, love," ani Von habang hinahaplos ang pisngi ko. "I'll talk to my parents. Mom can help us with the preparations."

Tumatango ako dito at hindi na napigilan pa ang mga luha ko. Mabilis akong tiningnan ni Von Sirius at marahang inalis ang mga luha ko.

"I love you," wika nito at hinalikan ang mga mata ko. "I love you so much."

Tumango ako dito at mabilis na yumakap sa kanya. Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko para mapigilan ang paghikbi ko.

I really love, Von Sirius. And I know that this decision is the best decision I ever have. I want to be Von's wife. I want to claim him as my husband.

And no one can stop us. Not even Xavi Royce or Zsamira Alvarado. They can't stop us.

"I love you, Von."

Kinabukasan, sinabi ko sa mga magulang ang plano namin ni Von. Tuwang-tuwa si mommy sa naging desisyon ko. While dad, nakangiti lang ito sa akin.

"May date na ba kayo ni Von?" Tanong ni Adliana na siyang ikinatigil ko. Mabilis akong tumango nito at sinagot ang tanong nito. "Two weeks from now."

"Two weeks?" Gulat na tanong ni mommy at napatingin kay daddy. "Are you sure about that, darling? I mean, ayos lang naman sa amin iyang pagpapakasalan niyo ni Von but can you handle the pressure? Two weeks of preparation will surely shock you, Amari."

"Wala naman akong gagawin ngayong semestral break, mom. Von and I cancelled our trip for this wedding. And besides, we don't want to prepare much. We only want to have a simple wedding ceremony."

"No!" ani mommy na siyang ikinagulat ko. "This is your wedding, Amari! We need to prepare for this! I'll call Gretchen now! Kami na maghahanap ng organizers at planners for this wedding," dagdag nito at binalingan ang kapatid ko. "Adliana, help your sister for her gown. Tawagan niyo na rin sila Andrea! Let them help you."

"Yes, mama," sagot ng kapatid ko at binalingan ako. "I'm so happy for you, Amari."

"Thank you," nakangiting tugon ko dito at tiningnan si mommy habang may kausap ito sa cellphone niya.

"An engagement party?" tanong ni mommy sa kausap nito at binalingan ako. "Right! I'm sorry at hindi ko naisip ang bagay na iyan! I'm just excited about the wedding!"

Natigilan ako. What? Are they planning to have an engagement party before our wedding? Oh, boy! Hindi namin naisip ni Von Sirius ang tungkol diyan! Dahil kung tutuusin, hindi na namin kailangan ni Von ang party na iyan. But, since we're both from corporate world, our families need this engagement party!

"Right, Gretchen. Ako na bahala sa engagement party. I can arrange the venue and the invitations, too. I'll talk to Amari about this one."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top