Chapter 44: Truth

Mabilis akong nagtungo sa garden namin kung nasaan si Xavi Royce. It's almost six in the evening! Ano naman ngayon ang pakay nito sa akin?

Noong mamataan kong tahimik na nakamasid sa mga halaman namin si Xavi ay dahan-dahan ko itong nilapitan. Tumayo ako sa tabi nito at pinagmasdan na rin ang mga halaman nasa harapan namin.

"Do you know why I brought a white tulips on Shaye Fatima's grave?" mahinang tanong nito sa akin na siyang ikinailing ako. "She never liked that flower but I wanted to ask something from her," anito at bahagyang natawa. "I'm such a cruel husband. Patay na nga ang asawa ko, nagawa ko pang humingi nang pabor sa kanya."

Hindi ako nagsalita at hinayaan na lamang si Xavi sa pagsasalita. Looks like ito ang dahilan kung bakit ganito ang itsura nito ngayon. I can feel it. He's stress, frustrated. At kahit ilang taon nang wala si Shaye Fatima, still, hindi pa rin siya mabitawan ni Xavi.

"I wanted her forgiveness," he stated. "Hindi ko nagawa iyon noong nabubuhay pa siya."

"Xavi..." ani ko at tiningnan ito. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya. Ang kaya ko lang sigurong gawin ngayon ay samahan at pakinggan ito sa mga hinanakit niya.

"Sa tingin mo'y mapapatawad pa niya ako?" Tanong nito at binalingan ako. I froze. They way he's looking at me right now makes me weak. Tila nawawalan din ako nang lakas habang nakatingin sa mga mata nito. "Shaye was a good wife and all I did was to hurt her," dagdag pa nito at nag-iwas nang tingin sa akin. Itinuon ulit nito ang paningin sa mga halaman namin.

"Xavi, hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo ng asawa mo pero siguro naman ay napatawad ka na nito," marahang sambit ko na siyang ikinailing nito.

"If she already forgiven me, then, why I'm still hurting?" aniya at muling binalingan ako. "I'm still the unlucky prince of the story."

Napaawang ang labi ko sa narinig mula kay Xavi. He's the unlucky prince? Really?

"Xavi, I... I don't understand. P-paanong..." Hindi ko mabuo ang mga dapat sasabihin ko. I was taken aback by his words! Ang magulong sitwasyon ko ay mas lalong naging komplikado! What the hell is happening right now?

"Remember the story I was about to tell you earlier?" Tanong nito na siyang ikinatango ko. "You were the princess in the story, Destiny."

"And you were the prince?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito.

"The unlucky one."

"Xavi, hindi ko maintindihan. Can you please explain it to me? Naguguluhan na ako."

"I love you even before marrying my wife," sambit nito na siyang nagpatigil sa paghinga ko. "But, Von Sirius loves you, too, and I was bound to marry Shaye Fatima."

Wala sa sarili akong napaatras palayo kay Xavi. Naiiling ko itong tiningnan at marahang napalunok.

"You can't be serious, Xavi." Kinakabahang sambit ko dito. No way! Hindi totoo ang narinig ko mula sa kanya!

"I am serious. And I bet I loved you first before my cousin, Von." Naiiling na sambit nito at tumingala sa madilim na na kalangitan.

"No, Xavi. Hindi mo ako mahal!" mariing sambit ko dito na siyang ikinatigil nito. "You can't love me. Hindi mo maaring gawin iyon!"

"Sana nga hindi na lang ikaw ang minahal ko, Destiny," malamig na turan nito at binalingan muli ako. "But, I can't dictate my own feelings. Hindi ko kayang gawin iyon."

"That's bullshit!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. "Hanggang ngayon ba ay iyan pa rin ang nararamdaman mo?"

"Destiny..."

"Answer me, Xavi Royce!"

"Yes!" sigaw nito na siyang ikinapako ko sa kinatatayuan ko. "I love you even it is forbidden for me to love someone else! But, believe me! I tried, okay! I tried to forget you! I tried to pretend not to love you! I tried, Destiny! I fvcking tried!"

"Then try harder!" sigaw ko dito. "For Pete's sake, Xavi, fiancee ko ang pinsan mo. Ikakasal na kami kaya naman gawin mo ang lahat para mawala iyang nararamdaman mo sa akin!"

"Sa tingin mo ba ay hindi ko ginawa ang lahat?" Malamig na tanong nito sa akin. "Hindi ako magkakaganito kung hindi ko ginawa ang lahat para sa kapakanan mo at ng pinsan ko!"

Damn it! Hindi ito ang inaasahan kong maririnig mula kay Xavi Royce!

Napailing na lamang ako at muling umatras palayo sa kanya. Kita ko ang sakit sa mga mata nito habang patuloy ako sa pag-atras. Umiling muli ako dito at napahugot ng isang malalim na hininga. My heart is aching for Xavi Royce. He's a good person, yes, but I can't tolerate this madness. Kailangan niyang gumising sa katotohan! He's lost and I don't think I can help him to find himself again.

"Siguro nga ay hindi ka pa talaga napapatawad ni Shaye Fatima," mahinang sambit ko na siyang nagpatigil kay Xavi. "Forget about me, Xavi, and ask her forgiveness again."

"Destiny..."

"Umalis ka na," walang emosyong sambit ko dito at tinalikuran na si Xavi.

Muli kong narinig ang pagtawag nito sa pangalan ko ngunit hindi ko na ito muling binalingan pa. Dere-deretso akong pumasok sa mansyon at natigilan na lamang noong mamataan si mommy sa may gilid ng hagdan namin.

Matamang nakatingin ito sa akin at hinawakan ang kamay ko noong makalapit ako sa kanya.

"You can always talk to me, darling. Hindi ko alam kung anong napag-usapan niyo ni Xavi pero kung ibabase ko sa itsura mo ngayon, looks like it's not a simple argument," ani mommy at marahang hinila ako papalapit sa kanya. She hugged me and slightly tap my back. "Are they having you a hard time, Amari?"

Umiling ako dito at niyakap na rin si mommy.

Sa naging sagutan namin ni Xavi kanina. tila naubos ang lahat ng lakas ko. Thanks God my mother is here. Kahit papaano ay kumalma ako.

"Come on. Umakyat na tayo sa kuwarto mo, Amari. You need to rest. You're trembling," anito at humiwalay na sa yakapan naming dalawa. Muli muna akong napatingin sa daan patungo sa garden namin, kung saan ko iniwan si Xavi. Bumuntong hininga na lamang ako at nagsimula nang pumanhik patungo sa silid ko.

Pagkapasok pa lang sa silid ko ay agad akong nagtungo sa kama ko at naupo sa gilid nito. Pumasok rin si mommy ngunit agad din naman akong natigilan noong makitang nakatuon ang atensiyon ni mommy sa painting ko na nakasandal sa gilid ng kwarto ko. Napapikit ako at tumayong muli. Nilapitan ko ang painting at pinagmasdan ko itong mabuti.

"Mom, palagi bang magkasama si Von at Xavi noon?" Tanong ko dito. "I mean, sa mga events noon, napapansin mo ba silang dalawa na magkasama?"

"Of course, darling. Hindi mo ba sila nakikita noon?"

Mabilis akong umiling at binalingan si mommy.

"I'm not really sure, mom. Magkamukha ang dalawa at kung hindi mo kilala ang isa sa kanila, tiyak kong hindi mo malalaman kung sino si Von at kung sino si Xavi," wala sa sariling sambit ko na siyang nagpatigil sa akin.

Wait a minute. What the hell did I just say?

"I don't want to meddle with your issue with them but if it harms you, I won't just stay still, Amari."

"Do you know something, mom?"

"Of course, darling. I'm your mother and it's my duty to know the people around you. Even your dad thinks about this too."

Napakunot ang noo ko sa narinig.

"What do you mean by that, mom?"

"Remember when your dad keep on pushing you to marry, Von?" tanong nito na siyang ikinatango ko. "He did that to avoid this situation, Amari. To avoid you from the confusion, from the pain."

What?

"Mom, hindi ko po kayo maintindihan."

"Xavi Royce Evans married to a Chavez, a powerful family in business world. Your Tita Gretchen and I once talked about this. Xavi did mentioned to Von that he likes you before and wanted to ditched his own wedding," pagkukuwento nito at binilangan ang painting ko. "Nalaman ng mga Evans ang plano na iyon at mas pinabilis ng mga magulang nila ang kasal. And after the wedding, they migrated to states."

"This can't be happening," naiiling na sambit ko.

"When you were in your teenage years, we found out that you're fond of Von Sirius. At para maiwasan ang naging kaguluhan noon, we tried to arranged a marriage for the both of you. Mas maaga, mas pabor sa amin. But, unexpected things happened. Mas lumala ang kalagayan mo noon. We badly need a heart donor for you. And Von, we know that he's already fell in love with you, Amari."

Wala sa sarili akong napasandal sa pader at doon kumuha ng lakas para makatayo pa nang maayos. Napapikit ako at pilit na iniintindi ang mga salitang binitawan ng aking ina.

"But, Von Sirius," napahawak ako sa dibdib ko noong makaramdam ako ng kirot. "He was with Zsamira Alvarado that time, mommy. Paano kayo nakakasiguradong papayag kaming pareho sa kasal na plinano niyo?"

"Zsamira Alvarado?" tanong nito at kinunutan ako ng noo. "Oh, I remember her!" aniya na siyang ikinatigil ko na naman. "Siya iyong minsan nang dinala ng mga Henderson sa ospital."

What? Dinala sa ospital? May sakit din ba si Zsamira?

"That girl has a serious problem, Amari. You better stay away from her."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top