Chapter 43: Story

Ang plano kong kausapin si Harlyn at Zsamira ay hindi natuloy. Hindi namin mahagilap ni Adliana ang dalawa! Kahit sa bahay nila sa village ay wala si Harlyn!

I sighed.

Itinago ko ang cellphone ko at tumawid na lamang sa kabilang parte ng kalsada. Maingat akong pumasok sa cafe na palaging pinupuntahan ko pag naghihintay ako kay Von. Mabilis akong umorder ng inumin at pumwesto sa upuang palaging inuukupa ko.

Katatapos ko lang ipasa ang huling requirement ko ngayong semester at bukas, simula na ng bakasyon namin.

Tumingin ako sa labas ng cafe at tahimik na pinagmasdan ang mga dumadaang sasakyan. Mayamaya lang ay natigilan ako sa pagmamasid noong may naupo sa bakanteng upuan sa harapan ko. Napakunot ang noo ko at binalingan ito.

"Xavi!" I exclaimed when I saw Xavi Royve face. "What are you doing here?" Tanong ko dito at pinagmasdan ito nang mabuti.

Ilang linggo ko rin itong hind nakita. Pagkatapos kasi noong pag-uusap namin sa unit nito ay hindi na ulit ako nagawi roon. Naging abala rin ako sa examinations ko kaya naman ay ni anino nito ay hindi ko nakita!

Hindi sumagot si Xavi sa tanong ko. Inangat lang nito ang hawak na ininom at tahimik na inilapag ito sa mesa.

"Waiting for my cousin?" malamig na tanong nito na siyang ikinatango ko.

"What happened to you?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Xavi looked different now. "Nagkasakit ka ba?" I asked him again when I saw a light dark circles on his eyes.

"Puyat lang," natatawang sagot niya at umiling.

"You looked like..."

"Sht?" tumawa ulit ito sa akin.

"Really, what happened to you, Xavi?"

Nawala ang tawa ni Xavi at mabilis na napaayos nang pagkakaupo noong makitang seryoso na ako ngayon. Nag-aalala ako sa kanya! Biglang bumagsak kasi ang katawan nito! Wala rin namang nabanggit si Von tungkol sa kalagayan ng pinsan niya kaya naman ay wala akong ideya sa nangyari sa lalaking ito!

"Just thinking about my decisions in life," aniya na siyang nagpatigil sa akin. "Nakausap mo na ba si Von tungkol sa ginawa ni Harlyn at Zsamira sa'yo?"

Mabilis akong umiling dito at hindi na nagsalita pa. Sinalubong ko na lang ang mga titig nito sa akin.

"Do you wanna hear a story?" Biglang tanong nito na siyang ikinakunot ng noo ko. "A story about a princess and an unlucky prince."

"What kind of fairy tale is this, Xavi?" Sabay ko sa trip nito. Xavi looked so lost. Kung titingnan kasi nang mabuti ito, makikita mo ang sakit sa mga mata nito.

"A tragic one," aniya at malungkot na ngumiti sa akin.

"Okay, let me hear that story." Umayos ako nang pagkakaupo at isinandal ang likod sa backrest ng upuan. Ngunit bago pa man magsimula si Xavi sa kuwento nito ay biglang tumunog ang cellphone ko. Napangiwi ako dito at mabilis na kinuha ang cellphone ko. Nanlaki ang mga mata ko noong makita ang pangalan ni Von dito. He's calling!

"Excuse me," ani ko kay Xavi at sinagot ang tawag nito. "Love," sambit ko at tumingin sa labas ng cafe.

"Nasa cafe ka na?" tanong niya at may narinig akong busina sa kabilang linya. "I'll be late, love. Fifteen minutes. May aksidente kasi dito. Naipit ako sa traffic."

"It's okay, love. And yes, nasa cafe na ako. Dito na lang ako maghihintay sa'yo."

"Okay! See you in a bit," aniya at nagpaalam na sa akin.

Ibinaba ko na ang cellphone ko at muling binalingan si Xavi ngunit napakunot na lamang ang noo ko noong makitang wala na ito sa puwesto niya. Napatingin ako sa kabuuan ng cafe at napabuntong-hininga na lamang noong ni anino nito ay hindi ko nakita.

I sighed.

"Saan naman kaya nagpunta ang lalaking iyon?" mahinang tanong ko sa sarili at noong akmang iinom na ako sa binili kong inumin, natigilan ako noong may nakita akong nakasulat sa tissue na nasa mesa. Dinampot ko ito at kunot noong binasa ang nakasulat dito.

The princess was you, Destiny Amari.

Napaawang ang labi ko sa nabasa. The princess was me? Really? Paanong nasali ako sa kuwento nito?

Napailing na lamang ako at tahimik na hinintay si Von Sirius. At gaya nang sinabi nito kanina, fifteen minutes lang ay nasa harapan ko na ito.

Maingat kong tinanggap ang nakalahad nitong kamay at naglakad na kaming dalawa palabas ng cafe.

"Von," tawag ko dito noong nasa sasakyan na kaming dalawa. I wanted to ask him about his friends, Harlyn and Zsamira. Ngayong wala na akong pasok, mas mabibigyang pansin ko ang problema ko sa kanilang dalawa. At para magawa ko ang binabalak ko, I need to know where the hell are they! Hindi kasi talaga namin sila mahagilap!

"Hmm?" ani Von habang inililiko ang sasakyan nito. We're trying to use alternative route now. Ayaw naming matagalan sa daan dahil sa traffic. "May itatanong ka?"

"Alam mo ba kung nasaan ngayon si Harlyn?" I calmly asked him. Nakatingin lang ako kay Von ngayon. Kita ko ang pagkunot ng noo nito habang nasa daan ang mga mata niya. "I need to ask her something. Adliana can't contact her kaya naman ikaw na ang tinanong ko."

"I'm not sure about this, love, pero ang huling balita ko kay Harlyn ay nagbakasyon ito," sagot nito at mabilis na binalingan ako. "Hindi na rin kasi kami nagkakausap ngayon."

"How about Zsamira?"

Kita ko ang pagbago nang ekspresyon nito noong banggitin ko ang pangalan ng babae.

"Why asking about her?" malamig na tanong ni Von sa akin. Napangiwi ako. Now, what? Anong puwedeng idahilan ko dito? This is Zsamira Alavarado we are talking about! Think, Destiny Amari!

"She's close friend of Harlyn, right?" alangang sambit ko dito. Itinabi at itinigil ni Von ang sasakyan kaya naman ay napaayos ako nang pagkakaupo. Malapit na kami sa village namin kaya naman ay taka kong tiningnan si Von. Why are we stopping? Dahil ba sa pagtanong ko tungkol kay Zsamira?

"Your exams are done and now you're back to this. Really, love?" wika nito na siyang ikinakagat ko ng pang-ibabang labi. "You don't have to talk to them, Destiny."

"But, I need to talk to them," sambit ko na siyang lalong ikinakunot ng noo ni Von Sirius.

"For what reason?"

Reason! Damn it! This is not the right time to tell him my reasons!

"I just want to clarify something..."

"Stop this, Destiny. Xavi already confessed to me. Sinabi nito ang dahilan kung bakit ka nagpunta noon sa unit niya," anito na siyang ikinatigil ko. "You asked him about Shaye and yes, his wife died a day before your surgery. But, she's not your heart donor. She will never be. I know that woman pretty well. She's stubborn at kahit maging compatible pa kayong dalawa noon, alam kong hindi papayag iyon."

This time, ako naman ang napakunot ng noo habang nakikinig sa mga salitang binibitawan ni Von.

"Shaye died because of an accident, yes, pero alam ko ring namatay ito na may sama nang loob sa pinsan ko."

What? Paano napunta kami sa usapang ito? Ano bang sinabi ni Xavi kay Von at naging ganito ang takbo nang usapan namin ngayon? And, what about Shaye Fatima's death? May sama ng loob ito kay Xavi? Why?

Hindi na ako nakapagsalita pa hanggang sa makarating kami sa mansyon. At hanggang sa makauwi na si Von Sirius ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga salitang binitawan nito.

I sighed.

Shaye Fatima. Sino ka ba talaga? Anong mayroon sa inyo ni Xavi at pati ako ay tila nadadamay sa naging relasyon niyo?

"Do you wanna hear a story?"

"A story about a princess and an unlucky prince."

"A tragic one."

Napaawang ang labi ko at tinitingnang mabuti ang painting na ginawa ko noon. Iyong painting na kamukha ni Xavi Royce. Iyong painting kung saan si Von ang nasa isip ko ngunit ibang tao ang naipinta ko.

"The princess was you, Destiny Amari."

Napatampal ako sa noo at ginulo ang buhok ko. Wala sa sarili akong napaupo sa sahig at iniyuko ang ulo ko sa may tuhod ko.

Mayamaya lang ay natigilan ako noong bumukas ang pintuan ng silid ko. Napatingin ako dito at namataan si mommy doon.

"Amari," anito at pumasok na sa silid ko. "Someone's looking for you, darling."

"Sino raw po?"

"It's Xavi, Amari."

Fvck! Ano na naman ang ginagawa niya dito?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top