Chapter 42: Plan

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Von. Nakayuko lang ako habang ramdam na ramdam ko ang matalim na titig nito sa akin.

Siguro nga ay tama si Xavi sa sinabi nito sa akin kanina. Takot ako! Takot akong marinig ang katotohan mula mismo kay Von. I love Von Sirius at kung may sasabihin itong ikakasakit ko, natitiyak kong hindi ko ito makakayanan.

And I would do everything to avoid that to happen!

"Love," rinig kong muling tawag ni Von kaya naman ay napapikit ako. Narinig ko ang pagkilos nito at segundo lang ay nasa tabi ko na naman ito. Napasinghap ako noong marahan nitong hinawakan ang magkabilang kamay ko. "Hindi mo pa rin ba sasabihin sa akin kung ano ang napag-usapan niyo ni Xavi?"

"Von..." Nangangapa kong sambit! Damn it! Anong gagawin ko?

"It's alright," anito na siyang ikinatigil ko. "Hindi kita pipiliting sabihin sa akin ang rason kung bakit narito ka, kung bakit galing ka sa unit ni Xavi Royce. I trust you, love. Remember that. "

"I just talked to him. Wala akong ginawang masama," halos walang tinig na sambit ko dito. Napapikit muli ako. My heart is beating so damn fast! Kinagat ko na lamang ang pang-ibabang labi at kinalma ang sarili.

Segundo lang ay naramdam ko ang kamay ni Von sa braso ko. He slowly pull me close to him. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang mahinang paghaplos ni Von sa balikat ko at ang paghalik nito sa ulo ko.

"I know, love. I know. You're here because you have your reasons. I understand that."

I hate this! This is selfish! This not me at all! I'm sorry, Von Sirius.

Gusto kong sabihin sa kanya ang totoong nangyayari pero gusto kong ako na lang muna ngayon ang kumilos para ayusin ito. Kakausapin ko si Harlyn at Zsamira. Aayusin ko kung anong problema nila sa akin!

Si Von na rin ang nagmaneho sa akin pabalik sa mansyon. Halos hindi kami nagkibuan sa loob ng sasakyan ko kaya naman noong makarating kami sa mansyon ay nakahinga na ako nang maayos. Damn it! I don't like this atmosphere between us! I hate it!

Halos sabay kaming bumaba ni Von sa sasakyan ko. Binalingan ko ito at hinintay siyang makalapit sa akin. Akala ko'y uuwi na rin ito pagkahatid niya sa akin, but, I was wrong. Hinawakan nito ang kamay ko at marahang hinila na ako papasok sa mansyon namin.

Sa sala pa lang ay namataan ko na ang kapatid ko. Tila hinihintay nito ang pag-uwi ko dito sa mansyon. Mabilis itong tumayo mula sa pagkakaupo noong makita ako at lumapit na sa akin.

"What happened?" Mahinang tanong niya sa akin at binalingan si Von sa tabi ko. "Nakausap mo?"

"Let's not talk about it, Adliana," sambit ko dito at marahang pinisil ang kamay ni Von na nakahawak sa akin. Binalingan ko ito at bahagyang nginitian. "Dito ka na magtanghalian, Von. Magpapaluto ako."

Marahang umiling si Von sa akin at mabilis na hinawakan ako sa bewang at inilapit ako sa kanya. Bahagya akong nagulat sa ginawa niya ngunit agad akong nakabawi sa gulat noong hinalikan niya ako sa noo ko.

"I'm sorry, love, pero kailangan kong bumalik agad sa unit ko. Naiwan ko ang ibang dokumento doon. Dederetso ako sa bahay namin para kausapin na rin si daddy."

Wala sa sarili akong napatango na lamang dito at binalingan ang kapatid ko. Tumango ito sa akin at mabilis na iniwan kami ni Von.

"Von, about what happened earlier..."

"It's okay. No need to tell me what happened," mabilis na sambit nito na siyang ikinatigil ko. "May tiwala ako sa'yo, Destiny. Alam kong hindi mo ipapahamak ang sarili mo."

"Von..."

"Just do me a favor, love," marahang sambit nito na siyang ikinakunot ng noo ko. "Kung kakausapin mo ang pinsan ko, tell me. Xavi Royce is a good man, yes, but I want to be there if you want to talk to him again."

Hinaplos nito ang mukha ko kaya naman ay napapikit ako. Von's touch is so soft! Masyadong hinihele ako ng mga kamay nito!

"Destiny Amari." Napamulat ako ng mga mata ko noong tawagin niya ako sa buong pangalan ko. "I love you and I will do everything to keep you."

Ngumiti ako at mabilis na niyakap si Von.

"I love you, too,Von," mahinang sambit ko at isinubsob ang mukha sa dibdib nito. "And I'm sorry for keeping this to you. I'm sorry."

"Come on, love. It's okay." aniya ay niyakap na rin ako. "Kung gusto mo na akong kausapin tungkol sa bagay na ito, just tell me. Makikinig ako sa'yo."

Tumango-tango ako dito at nanatiling nakayakap dito. Mayamaya lang ay nagpaalam na sa akin si Von. Kailangan na niyang umuwi. I offered him a ride, nandito naman si Kuya Nate, iyong driver namin, but he refused it. Siya na raw ang bahala sa sarili niya.

Noong makaalis si Von ay mabilis akong naglakad patungo sa silid ko. Nasa huling baitang pa lang ako ng hagdan namin noong mamataan ko ang kapatid ko. Nakahalukipkip ito at nakasandal malapit sa pintuan ng silid ko. Tinanguhan ko ito at binuksan ang pinto sa gilid nito.

Pagkapasok namin sa loob ng silid ko ay mabilis niya akong binato ng mga tanong.

"So, Harlyn was really lying," sambit nito habang nakatayo sa harapan ko. I was sitting at the edge of my bed now while she's standing proudly in front of me. "Anong sabi ni Von?"

"I didn't tell him."

"What?" Gulat na tanong nito at matamang tiningnan ako.

"But he saw me leaving Xavi's unit," napangiwi ako noong maalala ang nangyari kanina. Damn it!

"He what?" Tanong muli ni Adliana kaya naman ay napapikit na lamang ako. "Destiny Amari, that's Von! Your fiancee! Anong naging reaksyon niya?"

"Mad, I guess," halos walang tinig na sagot ko dito. "But, when I can't even say a single word in front of him, he suddenly told me that it's okay. No need for me to explain."

"Seriously? Anong nasa isip ngayon ni Von?"

"Hindi ko rin alam, Adliana. He just told me that he trust me and..."

"And?"

"He will do everything to keep me."

Kito kong natigilan saglit ang kapatid ko. Kunot-noo itong tumingala at noong balingan niya muli ako ay natigilan ako sa sinabi nito.

"Something's off," aniya at humakbang papalapit sa akin. "Ano nga ang sinabi ni Xavi? About Zsamira?"

"He told me that Zsamira knows everything."

"Everything? Like what?" Tanong nito na nagpagulo lalo sa isipan ko. "Correct me if I'm wrong but, you told me that Zsamira and Von broke up because she thought Von was cheating on you. So, mas malinaw ang motibo nito. Gusto niya kayong maghiwalay din ni Von. Pero, bakit nila idadamay si Xavi, iyong malapit na pinsan ni Von? They want them to fight over you? Bakit, may gusto ba itong si Xavi sa'yo, Amari?"

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko sa narinig mula kay Adliana. Agad akong umiling dito. No hell way!

"Imposible iyang sinasabi mo, Adliana. Xavi Royce would never do that!"

"Bakit? Sinabi ba niya sa'yo, Amari? Na wala siyang gusto sa'yo? Kasi wala akong ibang maisip na dahilan kung bakit idadamay ng dalawa ang nananahimik na pinsan ni Von! And besides, he gave you a gift!"

"Regalo lamang iyon!" Mariin kong sambit sa kapatid. "Huwag nating lagyan nang malisya iyon."

"Paano kung may malisya talaga, Amari? Anong gagawin mo?"

Hindi agad ako nakasagot sa tanong na binato ng kapatid ko. Mataman niya akong tiningnan habang hinihintay ang sagot ko.

I sighed.

"Wala na akong magagawa pa kung nagkataong ganoon nga ang nararamdaman ni Xavi sa akin. I already have Von Sirius and I love him," sambit ko at muling napabuntong hininga. "I need to talk to Zsamira Alvarado. I can't let her ruin me and my relationship with Von Sirius."

"So, anong plano?" mariing tanong ng kapatid ko.

"It's me against Zsamira, Adliana. Kakausapin ko siya."

"That's it?"

"Kakausapin ko ring muli si Von," mahinang sambit ko at nag-iwas nang tingin sa kapatid.

"I felt bad for not telling him what's bothering me right now. Hindi ito ang relasyong binuo naming dalawa. Keeping something from him is a selfish act from me. At hindi ako ito. Hinding-hindi."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top