Chapter 40: Necklace

Tinanggap ko ang baso ng tubig na ibinigay ni Adliana sa akin. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at ininom ito.

"Are you calm now, darling?" tanong ni mommy at hinaplos ang pisngi ko. Tumango ako dito at muling napatingin sa tahimik na si Harlyn.

She was just looking at me. Kung ikukumpara ko ito sa itsura niya kanina, Harlyn looks pale now. Nawala ang galit na itsura nito at tila natauhan sa mga salitang nabitawan niya kanina sa akin. Tila nagising ito mula sa isang bangungot.

"Amari, bakit mo biglang natanong ang tungkol sa heart donor mo?" maingat na tanong ni mommy sa akin kaya naman ay napatingin ako sa kanya. "May problema ba? Is someone bothering you about this?"

"No, mom," sagot ko dito at bumuntong-hiningang muli. "I just met the husband of my heart donor," dagdag ko pa at binalingang muli si Harlyn. Tahimik lang itong nakamasid sa akin habang nakaupo sa tabi ni Adliana.

"That's impossible, darling," ani mommy na siyang ikinatigil ko. "Walang asawa ang heart donor mo."

"What?" naguguluhang tanong ko dito. "Pero, may asawa po ito, mommy." Pagpupumilit ko dito.

"No, darling. We've checked the records before your surgery. I'm positive na walang asawa ang heart donor mo. She was a single woman. I was also given a chance to talked to her parents before the surgery."

Wala sa sarili akong napabaling kay Harlyn at nakita ko ang gulat sa mukha nito. This can't be right? Imposible namang nagkamali lang ito, o si Xavi Royce!

"Sino ang asawang tinutukoy mo, Amari? Kinausap ka? Sino ito?" tanong muli ni mommy sa akin. Natigilan ako at hindi na malaman ang dapat na isasagot sa kanya. "Destiny Amari."

"I don't know, mom," sambit ko dito at napapikit na lamang. "Can you leave us for a moment, mom? Kakausapin ko lang si Harlyn."

Kita kong natigilan ito at binalingan si Adliana at Harlyn. Mayamaya lang ay hinaplos nito ang buhok ko at marahan akong nginitian.

"Alright, Amari. Just don't force yourself, darling. Remember what Dr. Caren told us," paalala nito at tumayo na sa kinauupuan nito. Nagpaalam na si mommy sa amin at pumanyik na sa pangalawang palapag ng mansyon.

Katahimikan. Walang umimik sa aming tatlo. Tanging ang mga mabibigat na hininga lamang namin ang namamayani sa tahimik na sala.

Mayamaya lang ay tumayo si Harlyn at naglakad palabas ng mansyon namin. Nagkatinganan kami ng kapatid ko at tumayo na rin kaming dalawa. Sinundan namin si Harlyn hanggang sa makalabas na kami sa gate namin.

"Anong binabalak mong gawin, Harlyn?" tanong ko dito na siyang ikinatigil niya.

"Kakausapin ko si Xavi," aniya at hinarap ako. "Itatanong ko sa kanya kung totoo lahat ang mga nalalaman ko!" mariing sambit nito sa akin.

"Nalalaman mo? Bakit? Saan mo nakuha ang mga impormasyong sinabi mo kanina sa akin?"

Kanina, noong sinabi ni mommy na walang asawa ang heart donor ko, nagduda na ako sa mga binitawang salita ni Harlyn sa akin. Hindi maaaring magkamali si mommy. Lahat ng donors na nahanap namin noon ay talagang mabusising inimbestigahan nila. Kaya naman noong sinambit nito na walang asawa ang may-ari ng puso ko ngayon, alam ko ng may mali sa mga sinabi ni Harlyn.

"Stop messing with me, Harlyn. Kanino mo nakuha ang mga impormasyong iyon? Walang nabanggit si Xavi sa akin tungkol sa puso ng asawa niya!" sigaw ko dito. Mabilis naman akong nilapitan ni Adliana at kinalma ako.

"Amari, please, baka mapasama ang lagay mo."

"No, Adliana! I can't let this go! Nananahimik ako tapos bigla niyang sasabihin iyon sa akin? That's bullshit!" mariing sambit ko at masamang tiningnan si Harlyn. Kita ko ang pag-atras nito at mabilis na tinalikuran kami ng kapatid ko.

"Harlyn!" halos sabay naming tawag ni Adliana dito.

Napabuntong-hininga na lamang ako at mariing ipinikit ang mga mata. Naramdaman ko ang kamay ni Adliana sa likod ko kaya naman ay napabaling ako dito.

"Is she really your friend?" tanong ko dito at nailing na lamang. "Bakit niya sasabihin iyon sa akin? Mommy can't be wrong with her informations about my heart donor."

"Aalamin natin ang totoo, Amari. For now, magpahinga ka na lang muna."

"No," sambit ko at mabilis na binalingan ang sasakyan ko sa loob ng mansyon namin. "Kakausapin ko si Xavi."

"Amari, no! Hindi natin alam ang tunay na pakay ng lalaking iyon!" mabilis na wika ni Adliana. "We can't risk your safety here!"

"I'll be fine. Xavi Royce is a good man. Iyon din ang sinabi sa akin ni Von. No need to worry about me. I'll just ask about his wife."

"Amari..."

"Pag hinanap ako ni mommy, tell her na may emergency meeting ako sa mga kaklase ko," ani ko at mabilis na tumakbo papasok sa mansyon. Dinampot ko ang bag ko sa sofa at tinungo ang nakaparadang sasakyan ko.

Akmang papaandarin ko na ito noong kinatok ni Adliana ang salamin ng sasakyan. Binaba ko ang salamin at takang tiningnan ito.

"Be careful," aniya at may inabot sa akin. Nanlaki ang mata ko noong makita ang isang pamilyar na box. Mabilis ko itong kinuha sa kanya at tiningnan ito nang mabuti. "Naglinis ang maid sa kuwarto mo kahapon. They saw this inside the trashcan."

"Paano napunta ito roon?" wala sa sariling tanong ko at napakunot ang noo noong makita ang pangalang naroon.

"Shaye," basa ko sa nakasulat na pangalan sa gilid ng box at mabilis na napatingin sa kapatid ko. Damn! Ngayon ko lang nakita ito! Noong ibinigay ito ni Xavi sa akin ay hindi ko na binigyan pansin pa ang detalye ng kahon.

"Galing kay Xavi ang regalong iyan, hindi ba?"

Tumango ako dito at pinunit ang gift wrapper na nakabalot sa maliit na kahon. Agad na umawang ang pang-ibabang labi ko at natigilan noong makita ang isang silver na kwintas at may hugis puso na pendat.

"Go and ask him, Amari. Ibalik mo na rin iyan," rinig kong sambit ni Adliana at umayos na sa pagkakatayo nito. "Mag-iingat ka sa pagmamaneho."

Hindi na ako nakapagsalita pa at isinara na lamang ang salamin ng sasakyan ko. Binuhay ko na ang makina nang sasakyan at pinaandar na ito.

Mahigpit ang hawak ko sa manibela habang tinatahak ang daan patungo sa building kung nasaan ang condo unit ni Von at Xavi. Magkatabi lang ang unit ng dalawa kaya naman ay hindi ako mahihirapang hanapin ito.

Mas binilisan ko ang pagmamaneho kaya naman ay nakarating ako sa building ng wala sa oras. Agad akong pumasok sa building at mabilis na naglakad patungo sa elevator. Noong makapasok ako dito ay agad kong pinindot ang elevator button ng palapag kung nasaan ang unit ng dalawa.

Tahimik akong nakatayo sa gilid ng elevator. Natigilan lamang ako sa pag-iisip nang maaari kong itanong kay Xavi noong biglang bumukas ang pinto ng elevator. Napaangat ako ng tingin at natigilan noong makita kung sino ang papasok sa elevator. May hawak-hawak itong maliit plastic bag at natigilan din siya noong magtagpo ang paningin naming dalawa.

"Destiny," bati niya sa akin at pumasok na rin sa loob ng elevator. "Dinadalaw mo si Von?" tanong niya sa akin at pinindot ang close button ng elevator. "Ang alam ko ay wala siya ngayon. Still working even during weekend."

"I'm not here for him," malamig kong sambit at matamang tiningnan ito. Kita kong natigilan si Xavi at mabilis na nilingon ako.

Inangat ko ang hawak-hawak na kuwintas at inilahad ito sa kanya.

"I'm here to return this to you. Namali ka yata nang napagbigyan."

"Destiny..."

"And Xavi," humugot muna ako nang malalim na hininga bago magsalitang muli. "... can we talk about your wife? About Shaye Fatima?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top