Chapter 4: Proposal
Kanina pa ako panay lingon sa paligid.
Muli kong tiningnan ang suot na relo at napasimangot na lamang noong makita halos isang oras na pala ako dito sa dalampasigan. I sighed. Marahan akong naupo sa buhangin at tiningnan ang asul na dagat.
"Kanina ka pa?"
Napaayos ako nang pagkakaupo noong may nagsalita sa tabi ko. Hindi ko ito nilingom at nanatili na lamang ang mga mata sa magandang tanawin sa harapan ko.
"I'm sorry, Destiny. I know I'm late but I can't escape from my mom," paliwanag nito na siyang ikinairap ko.
"No need to explain."
"Destiny..."
"Stop, Von," marahang sambit ko at tumayo na. "Sanay na akong madisappoint. Hindi na ito bago sa akin," dagdag ko pa at nagsimula nang maglakad.
"Hey, Destiny. Please," anito at pinigilan ako sa paglalakad. Hinawakan niya ako sa braso kaya naman ay napatingin ako sa kamay nito. "I'm sorry. Please, huwag kang magalit sa akin."
"I'm not mad, Von," mahinang sambit ko dito at nag-iwas nang tingin dito.
"Hey," mahinang tawag nito sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at iniharap sa kanya. "Forgive me."
Hindi ako nagsalita at ipinikit na lamang ang mga mata.
Maingat akong bumaba mula sa kwarto ko noong makarinig ako ng ilang ingay. Looks like may bisita sila mommy ngayon.
"Destiny!"
Napakunot ang noo ko noong marinig ang isang pamilyar na boses. Noong makalapit na ako nang tuluyan sa kanila ay agad akong napangiti noong makita kung sino ang narito sa bahay namin ngayon.
"Yvana," bati ko dito at nakipagbeso-beso sa kanya.
"You looked great, Destiny!" anito at pinagmasdan ang kabuuan ko. "And I'm sorry at hindi ako naka-attend sa eighteenth birthday mo! I was busy with my papers! Alam mo naman, kailangan iyon para makaakyat sa stage!" dagdag pa nito sa akin.
Marahan akong ngumiti at umiling dito at binalingan ang iba pang kasama ni Yvana ngayon. Bahagya akong nailang noong makitang kasama nito ang mga magulang niya!
"Goodafternoon po," bati ko sa kanila.
"Goodafternoon, Destiny," ani mommy ni Yvana.
God! Anong ginagawa ng mga Henderson dito sa mansyon?
"By the way, how's Von? It's been what? Mag-iisang taon na siya roon, ah!" it was mommy. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dito ngayon. Buti na lamang ay narito si Yvana. Hinila niya ako para maupo sa bakanteng upuan.
"He's doing great! Pagkatapos ng graduation niya, he'll train first with my brother's firm then uuwi na siya dito sa Pilipinas," Tita Gretchen aswered.
One year. Isang taon na pala ang nakaraan noong huling kita ko kay Von Sirius! That was fast! Ni hindi ko namalayan ang panahon!
"How about you, Destiny?" Natigilan ako noong nagtanong si Tita Gretchen sa akin. "How's your studies? I've heard that you ace all your examinations!" Magiliw na wika nito na siyang ikinangiti ko.
"Ace? No, Gretchen. She needs to achieve more than that," ani Daddy na siyang ikinayuko ko. Here we go again. "She will be next president of our company kaya naman dapat ay mas higitan pa niya ang kung anong ginagawa niya ngayon."
"Dennis," singit ni mommy sa usapan nila. Hindi ako nakaimik. Nanatili akong nakayuko at hindi binalingan ang mga taong narito ngayon. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang kamay ni Yvana na humawak sa braso ko. Binalingan ko ito at nakitang nakangiti ito sa akin.
"I've heard from Andrea that you start working again with your artworks! Let me see it!" anito at tumayo na. "Excuse us po. Titingnan ko lang po iyong mga paintings ni Destiny," paalam niya sa mga magulang namin at hinila na ako.
Umakyat kami sa pangalawang palapag ng bahay namin at dumeretso sa kuwarto kung saan nakadisplay ang mga paintings ko. Agad na nilapitan ni Yvana ang mga natapos ko ng painting at manghang nagtanong ng kung ano tungkol dito.
Mayamaya lang ang natigil si Yvana sa isang painting na halos hindi ko matapos. Bumaling ito sa akin at nagtaas ng isang kilay.
"This is beautiful, Destiny. Ba't hindi mo pa tinatapos?" She asked while looking at the painting's details. Tiningnan ko rin ito. It was a simple art. A girl on the seashore. Looking intently at the sunset. Patiently waiting for someone.
Someone.
I sighed.
"Nawalan ako nang inspiration sa painting na iyan," iyon lamang ang sinambit ko at tinalikuran na ito.
"Sayang naman kung hindi mo ito tatapusin, Destiny! Simple yet full of emotions!"
Natigilan ako sa sinabi nito at napailing na lamang.
"Anyways, alam mo ba ang rason kung bakit kami narito?" tanong ni Yvana na siyang ikinabaling kong muli sa kanya. Marahan akong umiling sa kanya. I don't have an idea. Nagulat nga ako kanina sa presensya nila.
"Business?" panghuhula ko sa pakay ng pamilya nila.
"You can say that," anito at naupo doon sa isang upuan malapit sa hindi ko pa tapos na painting. "And I don't like it. It was pure business."
Napataas ang isang kilay ko dito. Hindi ko makuha ang nais nitong iparating sa akin. Nanatili akong nakatingin sa kanya at hinintay ang mga salitang sasabihin pa niya. But Yvana just smile at me. Tumayo na ito at lumapit sa akin.
"I really liked you, Destiny. You're a great person. Smart, beautiful and rich," wika pa nito sabay ngisi sa akin. "Pero ang bagay na ito ay dapat hindi dinidikta ng mga magulang natin. I know that you will do everything for your parents but please, if they tell you about my parents proposal, please declined it if you're not comfortable with it."
"What do you mean by that, Yvana?" Naguguluhang tanong ko dito. Bawat salitang binitawan nito ay hindi ko makuha. Looks like my brain is not functioning well today!
"Let's just say na mas mahal kita kaysa sa kapatid ko!" wika nito at nagsimula nang maglakad patungo sa pintuan ng silid. "He'll be back sooner. At kung hindi pa rin nagbabago ang tingin mo sa kanya, better declined whatever proposal they will give you."
Hindi ko na nagawa pang magpaalam sa mga magulang ni Yvana. Nanatili lang ako sa silid kung nasaan ang mga paintings ko hanggang sa makauwi na ang mga Henderson. I sighed. Tumayo ako sa harapan ng hindi ko pa tapos na painting.
Lahat nang sinabi ni Yvana sa akin ay tandang-tanda ko pa.
Proposal? Business? Don't tell me they'll merge our family business with the Henderson?
At ang kapalit? Ano ang magiging kapalit nito?
I sighed again. Hindi naman siguro maiisipan nila mommy na ipakasalan ako sa isa sa mga Henderson?
I froze with the idea. Mabilis akong umiling para mawala sa isip ko ang ideyang iyon! No way! My parents wont betrayed me like that! Hindi nila iyon gagawin sa akin!
"Amari?"
Natigilan ako at mabilis na napatingin sa pintuan noong marinig ang boses ni mommy. Ngumiti ako dito at marahang naglakad patungo sa kanya.
"You okay, darling?" tanong nito at hinaplos ang pisngi ko. "You're cold," puna pa nito.
"Ayos lang po ako, mommy," sambit ko at muling nginitian ito. Mabilis akong niyakap ni mommy at marahang hinaplos ang buhok ko.
"I'm sorry about earlier, Amari. Pagpasensiyahan mo na ang daddy mo. He just wanted the best for you, darling."
"I know, mom. Naiintindihan ko po."
That's a lie.
Hindi ko maiintindihan kailanman si daddy! Kahit anong gawin ko, kulang na kulang pa sa kanya! I'm giving my all sa lahat ng bagay na ginagawa ko pero kulang pa rin sa paningin ng aking ama.
I'm not enough. Never was.
A/N:
Medyo boring talaga ako magsulat sa ganitong genre kaya puro nasa drafts ko lang ang mga ganito ko hahaha Nauubusan ako ng words compare sa action at fantasy hahaha Give me a chance, lovies! hahaha tapos na itong story sa utak ko at lapag-lapag na lang ng senaryo ang kailangang gawin ko Hahaha
Anyways, sabay-sabay po tayong magreread ng Princess of Zhepria! Road to 2M na po siya! huhuhu Maraming salamat po! Hugs!
Stay safe and healthy!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top