Chapter 37: Guilty

Tahimik akong nakaupo sa tabi ni Von habang nagmemeeting ang mga board members ng resort nila. Zsamira Alvarado joined the meeting simply because she's one of the investors and her company supplies the furniture here.

Mayamaya lang ay naramdaman ko ang kamay ni Von sa ilalim ng mesa. Napabaling ako dito at matamang tiningnan ito. Seryoso lang itong nakatingin sa nagsasalitang board member sa harapan namin. I smiled then intertwined our hands.

I'm really amazed how just a single touch from Von Sirius calm my nerves. Alam kong ramdam nito ang iratasyon ko kay Zsamira. Kanina noong nasa opisina kami ni Edison, mabilis na dinismissed nito ang babae at nagpaalam na kami kay Edison. Umalis kami sa resort para maglibot sa Bulacan at noong hapon na ay bumalik kami para sa meeting na ito.

"Miss Alvarado, please, give us a definite time for the deliveries. Iyong mga rooms na lang sa second floor ang walang kagamitan," ani Edison na siyang ikinabaling ko sa tahimik na Zsamira. Sinagot nito si Edison at bumaling sa gawi namin ni Von. Saktong nagtama ang paningin naming dalawa kaya naman ay mabilis ko itong pinagtaas ng isang kilay. Umirap naman ito sa akin kaya naman ay napangisi ako.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa relasyon noon ni Zsamira at Von. I never have the courage of asking him about his past. Noong nagising kasi ako pagkatapos ng heart surgery ko, nagfocus na ako sa kung anong nasa harapan ko na. And that was Von. Only him and I forget about his past. His past with Zsamira.

"Love."

Napatingin ako kay Von noong tawagin niya ako. Kita ko ang seryosong titig nito at naglakad papalapit sa akin.

Tapos na ang meeting nila at hindi namin inaasahang gagabihin ito. Marami pa pala talagang dapat gawin dito. Gusto ni Von na maayos na ang lahat bago ang opening nito. Pinag-usapan nila halos lahat-lahat na. From the room services to the staffs that are going to be assign on the pool area. Tinapos niya ang lahat para pag makabalik kami sa Manila, wala na siyang proproblemahin.

At dahil masyadong late na, napagdesisyunan namin ni Von na magpalipas na lamang ng gabi dito sa resort nila. Maayos na ang lahat ng kuwarto sa first floor ng building ng resort nila. At kung tama ang pagkakantanda ko kanina, ang pangalawang palapag na lamang ang hindi pa naayos nila.

"You're quite. May problema ba?" Maingat na tanong nito at naupo sa tabi ko. "Sumakit ba ulit ang ulo mo?"

Mabilis akong umiling dito at matamang tiningnan ito.

Ito na marahil ang tamang panahon para magtanong ako kay Von. Gusto ko na ring mabawasan ang mga alalahanin ko. And to save myself from too much stress, I need to finally end this. At sisimulan ko na itong issue tungkol  kay Zsamira.

"Ganito ba talaga si Zsamira?" Maingat na tanong ko dito na siyang ikinatigil ni Von. Kita ko ang pagkunot ng noo nito habang nakatingin sa akin. "Kung nasaan ka, nandoon naman siya."

"Matagal nang partner ng kompanya namin ang kompanya nila," sagot ni Von at marahang hinila ako papalapit sa kanya. Pinulupot nito ang kamay sa bewang ko at inilagay sa balikat ko ang baba nito. Isinandal ko naman ang likuran ko sa dibdib ni Von at hinawakan ang kamay nito sa may tiyan ko. "But, you're wrong, love. Hindi palaging napupunta si Zsmari sa site. Normally, she sent her staff to do the job."

"Then, why she's here?"

"Because of the meeting."

Right! May meeting sila!

"What exactly are you thinking, love?" mahinang tanong ni Von na siyang ikinakagat ko ng labi. "Are you not comfortable with her?"

"Honestly," mahinang sambit ko dito at humugot ng isang malalim na hininga. "Yes, Von. I don't like seeing her around. Alam kong mali iyon, but I can't stop myself. She's your friend and an ex-lover."

"Love..."

"You told me yesterday not to overthink things kaya naman ay gusto kong maliwanagan sa bagay na ito," ani ko at napapikit. "Alam mo bang nakita ko kayo noon? Sa resort niyo sa Zambales."

Ramdam kong natigilan si Von sa likuran ko kaya naman ay natawa ako dito. Mayamaya lang ay humigpit ang yakap nito sa akin kaya naman ay lalo akong natawa.

"Relax," natatawang sambit ko dito at mahinang tinampal ang kamay nito. "Gusto ko lang malaman ang nangyari sa inyo noon."

"We're done, love. Matagal na."

"I know," sambit ko, halos pabulong na lamang ito. "But she's here. At ayaw ko nang ganitong pakiramdam na nagagalit ako sa kanya dahil lang malapit ito sa'yo. I think that's bad for me, too."

"Wala kang dapat ipag-alala, Destiny. I'm yours. All yours, love."

Napangiti ako sa narinig.

"Pero, bakit nga kayo naghiwalay noon?" tanong kong muli at kinalas ang pagkakayakap nito sa akin. Hinarap ko ito at matamang tiningnan. "As far as I remember, you two were in loved."

"Kailangan pa ba nating pag-usapan ito?" tanong niya at nag-iwas nang tingin sa akin. Mabilis akong tumango at hinawakan ang magkabilang pinsgi nito. Muling nagtagpo ang paningin namin at nginitian ko ito.

"Just tell me, love."

Kita ko ang pag-iling nito at dahan-dahang inilapit ang mukha sa akin.

"Let's just forget about our past relationship, love. Hindi na natin kailangan pag-usapan pa iyon."

"But, I want to know," sambit ko at inilapat ang labi sa kanya. Mabilis ko ring hiniwalay ang labi ko at matamang tiningnan ito sa mga mata niya. "Please, tell me."

Siguro nga ay mali itong ginagawa ko ngayon. Sasaktan ko lang ang sarili ko pero kailangan kong gawin ito. To save myself from the future pain. Mas magiging komplikado ang lahat kung wala akong alam sa mga taong nakapaligid sa amin ni Von. Zsamira was a part of his past and for us to live happily in the near future, I need to accept her. And for me to accept her, I need to know what happened between her and Von, my fiance, my future husband.

"We broke up because she thought I cheated on her," seryosong sambit ni Von na siyang ikinagulat ko. Hindi ako nakapagsalita kaya naman ay mabilis akong niyakap ni Von. "She thought that I was cheating with you even before our little conversation in Zambales."

What? He was cheating with me? Kailan nangyari iyon?

"Anong ibig mong sabihin?" nanghihinang tanong ko kay Von. Bigla akong naguluhan sa sinabi nito. They broke up because of me? Because Zsamira thought I was seeing Von Sirius that time? Really? I don't even know that!

"Our relationship was never a beautiful one, love. Naging kami lang noon dahil gusto lang namin magkaroon ng experience. We were young. I doubt if I really loved her."

"Paano ako napasok sa problema niyong dalawa?"

"I saw you again after two years. It was a welcome party for me," aniya at humiwalay sa yakap niya sa akin. "I saw you and I fell instantly."

"What?" Kusang umawang ang labi mo sa mga naririnig kay Von Sirius. A welcome party? Kailan nangyari iyong party na tinutukoy nito? Oh my God!

"Dalawang taon lang kitang hindi nakita at noong dumating ka sa party na iyon, you looked so fine and beautiful. Hindi na ikaw iyong batang Destiny Amari na palagi kong nakikita sa mga party na dinadaluhan ko."

"Wait a minute," mabilis kong pigil dito at inilayo ang sarili sa kanya. "So, you're saying that you fell for me even before you approached me that night?"

I remember that night. Sa Zambales. I was crying that moment when Von Sirius approached and joined me on the seashore. Kilala ko siya noon pa man. At gaya niya, I liked him too even before that night!

This is unbelievable! Seriously? Pinaglalaruan ba kami ng tadhana?

Ngumiti si Von sa akin at mabilis na hinila muli ang katawan ko papalapit sa kanya. He slowly kissed me then bit my lower lip. Binitawan niya ang labi ko at marahang hinaplos ang magkabilang pisngi ko.

"You were too young before, love. I was five years older than you. And you were sixteen that time, love. What do you expect? Too young for me," he chuckled then kissed my lips again. "But doesn't stopped me. I never stopped thinking about you."

"At kayo ni Zsamira sa panahong iyon?" Really Von? Damn!

"Yes," mabilis na sagot nito at pinailalim pa ang halikan naming dalawa. "And that's why we broke up," he said in between of our kisses! Damn it, Von Sirius.

"Because of me," bulong ko habang gumaganti na rin ng halik sa kanya.

Sht! Naging dahilan ako ng hiwalayan ng hindi ko man lang alam!

Now, I get it why Zsamira was being a pain in my ass now! She hates me because she thought that I ruined her relationship with Von Sirius before! But, hell no! Hindi ko gagawin iyon! Iyong nakita ko nga lang sila noon sa Zambales na magkasama ay umiwas na ako at hindi nang muli pang nagpakita kay Von! Hinding-hindi ko gagawin ang manira  ng relasyon ng iba!

"I never loved her," bulong ni Von at binitawan ang labi ko. "I tried, yes, but you always got my attention away from her. It was only you even when I was with Zsamira."

"Von..."

"I was guilty for hurting her feelings but I will never regret falling in love with you, Destiny Amari," mariing sambit nito at hinalikan akong muli.


A/N:

Nakaka-ilang chapters na tayo dito! Hahaha Saktan na natin si Destiny Amari! Chaar!

Thanks for reading, lovies!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top