Chapter 36: Patience

"Von," mahinang tawag ko dito noong nasa labas na kami ng gate namin. Hindi nito binitawan ang kamay ko at matamang tiningnan ako sa mga mata ko.

"Yes, love? May problema ba?" tanong nito at hinila ako papalapit sa kanya. Nakasandal ito ngayon sa may kotse niya at inalis ang pagkakaharang ng buhok ko sa mukha. "Masama ba ulit ang pakiramdam mo?"

"No, love," ani ko at nginitian ito.

Gusto kong sabihin sa kanya ang tungkol kay Xavi, ang tungkol sa pagsundo nito at ang pagdala niya sa akin sa puntod ng asawa nito, ngunit ayaw kong magkaroon kami ng problema ni Von. Masyadong marami na akong iniisip ngayon at kung magkaproblema kaming dalawa, tiyak kong hindi na naman kakayanin ng katawan ko.

I don't want to collapse again.

"Pumasok ka na sa loob at magpahinga na. I'll pick you up tomorrow," anito at mabilis na hinalikan ako sa labi. "Don't overthink, love. I can see that something's bothering you."

"Von..."

"You know that you can always talk to me, right?"

"Of course, love," mahinang sambit ko at mabilis na niyakap ito.

Mayamaya lang ay umalis na rin si Von Sirius. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago bumalik sa loob ng mansyon. Dere-deretso akong pumahik sa pangalawang palapag at pumasok na sa silid ko.

Marahan akong naupo sa gilid ng kama ko at pabagsak na inihiga ang katawan sa kama. I stare blankly at the ceiling when I suddenly remembered what happened earlier.

May asawa na si Xavi Royce. But sad to say, she's dead. She died a day before my surgery. Nakakalungkot lang isipin na habang lumalaban ako noon sa sakit ko, siya naman ang pagkamatay si Shaye Fatima.

I suddenly felt bad for Xavi. Hindi ko inaakala na may ganoong nakaraan pala ito. That was a painful one. Asawa niya ito. At kung namatay ito dahil sa aksidente, tiyak kong nasaktan talaga ito sa nangyari.

"Because, I remember her when I'm looking at you."

Biglang kumirot ang sintido ko noong maalala ang mga sinabi nito kanina sa akin. What? Do I look like Shaye Fatima? That's insane! Bakit naman sasabihin iyon ni Xavi sa akin? For Pete's sake! I'm his future cousin-in-law!

Napahilot na lamang ako sa sintido ko at mariing ipinikit ang mga mata. Itutulog ko na lang siguro ito. I need to rest now! Maaga ang alis namin bukas ni Von. We'll visit one of their resort in Bulacan. Mabuti na lang talaga ay nagyaya ito para naman ay malibang ako. Sa dami nang gumugulo sa isip ko, ni hindi ko na alam kung anong unang aasikasuhin ko.

Mukhang tama nga si Von. I really should stop overthink things around me!

Kinabukasan, nagising ako na medyo masakit ang ulo. Mabilis akong nag-ayos ng sarili at uminom na rin ng gamot para sa sakit ng ulo ko. Pagkababa ko sa may sala namin ay natigilan ako noong makitang naroon na si Von Sirius! Napatingin tuloy ako sa suot kong relo at napangiti na lamang noong makitang sobrang aga nito ngayon! May thirty minutes pa bago ang napag-usapan naming oras!

"Goodmorning, love," bati nito sa akin noong mamataan ako. Tumayo ito at sinalubog ako nang mabilis na halik sa labi. "How's your sleep?"

"It was good," mahinang sambit ko dito at bahagyang napangiwi noong maramdamang muli ang sakit ng ulo ko. Mukhang napansin ito ni Von kaya naman ay mataman niya akong tinitigan.

"What's wrong?"

"Medyo masakit lang ang ulo," I honestly answered to him. "But, don't worry. Uminom na ako ng gamot! Mawawala na rin ito mayamaya."

"You sure about that? If you're not feeling well, ipagpabukas na lang natin ito," ani Von at marahang hinilot ang sintido ko. "Magpahinga ka na lang muna. Ako na lang ang pupunta sa Bulacan. I can't risk your health, love."

"But, I want to be with you. Isama mo na lang ako," pilit ko dito habang nakapikit. I'm feeling much better because of his hands on my temple. Maingat ang paghihilot nito kaya naman ay bahagyang nawala ang pagkirot nito.

"Alright, isasama kita. But, please, kung may masakit sa'yo, sabihan mo agad ako," mahinahong sambit nito sa akin. Mayamaya lang ay napamulat ako ng mga mata noong maramdaman ang labi ni Von sa akin. Bahagya nitong iginalaw ang mga labi na mabilis kong ikinailing. Lumayo ako dito at pasimpleng tumingin sa paligid.

"Not here, love. Baka may makakita sa atin," mahinang sambit ko dito at nginitian ito. "Let's go," yaya ko dito at naglahad ng kamay sa kanya. Mabilis namang tinanggap nito ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad palabas ng mansyon.

"Let's just call Tita Amanda later. Hindi na tayo nakapagpaalam," ani Von habang inaayos ang seatbelt ko sa katawan.

"It's okay. Alam naman ni mommy ang oras ng alis natin," sambit ko sa kanya at nagpasalamat noong natapos ito sa pag-aayos ng seatbelt ko.

Nagsimula nang magmaneho si Von. Mag-aalasais pa lang ng umaga kaya naman ay bahagyang napahikab ako. I'm not really a morning person pero kung may mga ganitong lakad, pinipilit ko talagang magising at kumilos nang maaga. I really hope na hindi ako makatulog habang nagmamaneho si Von Sirius!

"By the way, love, kailan ang start ng semestral break niyo?" tanong ni Von habang nasa kalsada ang paningin nito. Bumaling ako sa kanya at kunot-noong nag-isip.

"I'm not really sure. Third week of October."

"Do you want to have an out of town vacation during that time? Beach?"

"Zambales?" kunot-noo kong tanong sa kanya.

"Of course, not. Huwag tayo sa resort na pagmamay-ari namin," natatawang sambit nito sa akin. "Let's say, Kalibo."

"That's far," komento ko dito. "And that's October. Hindi summer, love."

"So, what's your plan during that time?" tanong nito at bumaling sa akin noong itinigil nito ang sasakyan dahil sa red light. "How about an overseas trip?"

Natawa ako sa narinig.

"Kalibo nga, nalayuan na ako. Out of the country pa kaya?" Natatawa ko pa ring komento sa sehustiyon niya. Pinaandar nang muli ni Von ang sasakyan kaya naman ay nawala sa akin ang atensiyon nito. "But, I really don't mind, love. Kahit saan basta kasama kita."

Kita ko ang pangiti ni Von kaya naman ay napangiti na rin ako. He was smiling from ear to ear right now!

"You're turning into pink, Von Sirius!" Natatawa kong sambit at bahagyang tinampal ang pisngi nito. "Calm down, love. Huwag kang kiligin diyan."

Umiling lang sa akin si Von at mabilis na hinuli ang kamay ko sa pisngi niya. Hinalikan niya ito at mabilis na tingnan ako. Kumindat pa ito kaya naman ay mas lalo akong natawa dito.

Mahigit isa't-kalahating oras ang naging biyahe namin ni Von. Noong marating namin ang bagong resort nila ay mabilis akong lumabas sa sasakyan nito. Hindi pa tapos ang paggawa nito pero as per Von, mahigit isang linggo na lamang ay bubuksan na nila ito.

"It's a waterpark. This is different from our other resorts, lalo na ang mga nasa Zambales," anito habang tinitingnan namin ang malalaking pool ng waterpark nila. "It's beautiful, right?"

"Yes!" sagot ko dito at itinuro ang malaking slide na sa tingin ko ay tapos na ito. "And I bet that big thing will be fun!"

"Babalik tayo dito once matapos na ang construction nito," ani Von at hinawakan ako sa kamay. "Let's go. Kakausapin ko lang ang general manager ng resort. After that, we can visit more attractions here in Bulacan."

Mabilis akong tumango dito at nagsimula na kaming maglakad patungo sa main building ng resort nila. Binati kami ng iilang empleyadong nakaduty na ngayon. Tahimik kaming naglakad ni Von at noong marating namin ang opisina nito ay mabilis niya kaming binati.

"Mr. Henderson," bati ng 'di katandaang lalaki kay Von. Ngumiti ito sa akin at binati rin ako. "I'm Edison, Ma'am. It was nice finally meeting you," aniya na siyang ikinangiti ko na lamang. "Napaaga po yata kayo?" tanong nito at binalingan na si Von. May dinampot itong folder sa mesa niya at inabot ito kay Von.

Tahimik lang akong nagmamasid sa dalawa. Von is serious right now. Tila ibang tao ito pag negosyo ang pinag-uusapan. He's really into this!

"Sa ngayon po ay ang huling delivery na lang po ng mga furnitures ang hinihintay namin. Itatanong ko mamaya kay Miss Alvarado ang  tungkol dito. She'll be here for the meeting."

Tumango si Von dito at inilapag ang binabasang mga dokumento. "Tell her to make it fast. Ayaw ko nang magkaroon ulit nang delay kagaya noong nangyari sa Zambales," mariing sambit ni Von na siyang ikinangiwi ko. Is he mad? Ang sama ng tono nito!

"Sino ba kasi ang may kasalanan kung bakit nadelay ang project sa Zambales?"

Natigilan ako noong may pumasok sa opisina ni Edison. Napakuyom ang mga kamao ko at walang emosyong tiningnan ang bagong dating.

She's here. Again.

"Miss Alvarado!" ani Edison at nilapitan ito. "What are you doing here? Mamaya pa po ang meeting natin kasama ang iilang miyembro ng board."

"I've heard the boss is here," anito at binalingan ako. Napataas ako ng kilay dito. "And the fiancee," mariing bigkas nito na siyang ikinangisi ko.

"Do you have a problem with that?"

Don't try my patience, Zsamira Alvarado. I'm no saint. I can be a bitch sometimes. Kaya kong makipagsabayan sa'yo kung gugustuhin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top