Chapter 33: Mine
Mataman kong tinitingnan ang nagkakamot sa batok na si Von Sirius.
I crossed my arms on my chest and raised an eyebrow on him.
"I'm really sorry, love," anito at pilit na nginitian ako. "Xavi came and we..."
"You were wasted when I saw you yesterday. Pinag-alala mo ako, Von Sirius," malamig na sambit ko dito at inilingan. Isinandal ko ang likuran sa backrest ng upuan ko at napatingin sa likuran ni Von noong makitang naglalakad papalapit sa amin si Adliana.
"Amari," tawag sa akin ng kapatid ko at binalingan si Von. Binati niya ito at inilapag ang dalang pagkain sa mesa. "Here's your breakfast."
"Oh, bakit ikaw nagdala nito?" takang tanong ko sa kanya at inusog ang ininom ko.
"May inaasikaso ang maid na inutusan mo," aniya at tinanguhan ako. "Babalik na ako sa loob."
"Thank you," mahinang sambit ko at pinagmasdan na lang ang pag-alis ni Adliana sa garden. Muli kong binalingan si Von at natigilan ako noong makitang matamang nakatingin ito sa akin. Pinagtaasan ko ito ng kilay kaya naman ay nginitian niya ako.
"You're doing fine, love. I can see that you already accepted her as your sister," aniya na siyang ikinatigil ko.
Kumunot muli ang noo ko at mabilis na inirapan ito.
"Don't change the topic, Von Sirius!" mariing sambit ko na ikinawala nang ngiti ni Von. Mabilis itong tumayo sa kinauupuan at nilapitan ako. Natigilan ito noong biglang lumuhod ito sa harapan ko at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Forgive me, please," mahinang sambit niya habang may bahid ng ngiti ang mga labi nito. "Hindi ko na uulitin. Hindi na ako makikipagsabayan nang inuman sa pinsan ko."
"Makipagsabayan? Von, isang baso lang ng beer, talo ka na. Makipagsabayan pa?" Hindi makapaniwalang turan ko dito. Muling ngumiti si Von at mabilis na hinalikan ang mga kamay kong hawak nito.
"I won't do it again. Hindi ko na gagawin iyon para hindi ka na mag-alala pa."
"Dapat lang!" I nagged again. "Kung nakita mo lang itsura mo noong araw na iyon, maaawa ka rin sa sarili mo!"
Natawa si Von kaya naman ay natigil ako sa pagsasalita. Masama ko itong tiningnan habang namumula na ang mukha nito kakatawa.
"What's funny, Von Sirius?" Inis na tanong ko sa kanya at mabilis na binawi ang kamay sa kanya. Agad din namang tumigil si Von sa pagtawa at hinawakan muli ang kamay ko. Ngumiti ito sa akin at marahang pinisil ang mga kamay ko.
"I'm just amused and happy right now, love," anito na ikinataas kong muli ng isang kilay ko. "The beautiful Destiny Amari is mad at me. Her face is turning red and I'm loving it. Mas lalo kang gumaganda sa paningin ko, love."
Napaawang ang labi ko sa narinig mula kay Von. Mabilis kong binawi sa kanya ang kanang kamay ko at hinampas ito sa braso.
"Stop messing around, Von Sirius!" bulalas ko at mabilis na tumayo sa kinauupuan. Bigla akong nahiya sa sinabi nito! Damn it, Von Sirius!
Narinig kong muli ang pagtawa ni Von kaya naman ay inirapan kong muli ito. Akmang hahakbang na ako palayo sa kanya noong mabilis nitong hinawakan muli ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya.
I froze because of Von sudden move. Sa isang iglap, yakap-yakap na ako nito.
"I'm really sorry, love. Huwag ka nang magalit sa akin," bulong nito at hinalikan ang ulo ko. "Hindi na mauulit."
"I'm not mad, love," mahinang wika ko at gumanti na rin nang yakap sa kanya. "Nag-alala lang ako sa'yo."
"I'm really sorry."
"Stop saying sorry," ani ko at tumingala para makita ang mukha nito. "Alam ko namang mangyayari ulit ito. Your cousin is here. Mukhang close pa naman kayong dalawa. Magkamukha nga kayo."
Kita kong natigilan si Von sa sinabi ko. Naramdaman ko ang pagluwag nang yakap niya sa akin kaya naman ay napakunot ang noo ko dito. Segundo lang ay muling humigpit ang yakap ni Von sa akin. Tila'y ayaw na nitong bitawan ako.
"Von," tawag ko dito at gumanti na rin sa mahigpit na yakap nito. "Kumain na tayo."
Naramdam ko ang mahinang pagtawa nito at kumalas na sa yakap. Mabilis niya akong hinalikan na siyang ikinangiti ko na lamang.
"I really love you, Destiny Amari," aniya habang hawak-hawak ang magkabilang pisngi ko. "Pakasal na tayo?"
This time, ako naman ang natawa dahil sa narinig mula sa kanya. I tiptoe then kiss him quickly.
"Yes, Von, magpapakasal tayo," wika ko at ipinakita ang suot na singsing. Mabilis na hinawakan ni Von ang kamay ko at hinalikan ang daliri kung nasaan suot ko ang singsing na bigay nito.
Noong matapos kaming kumain nang agahan namin, nagpaalam na kami kay mommy na aalis na. May klase pa ako ngayon at si Von naman ay dederetso na sa opisina nila.
At habang nasa biyahe kami, hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong tungkol sa pinsan nitong si Xavi.
"Kakarating lang nito galing states," aniya na siyang ikinatango ko na lamang. "He's my cousin from my mother side. He's not a Henderson."
"Bakit magkamukha kayo?" takang tanong ko dito.
"Magkamukha? Talaga ba?"
"Well, not really," biglang bawi ko noong makita ang pagkunot ng noo ni Von. "Mas matanda ka, hindi ba?"
"Same age sila ni Yvana," sagot nito at itinigil ang sasakyan noong nag-red light ang traffic light sa harapan namin. "I'm a year older than him."
"Close kayo?" Tanong kong muli sa kanya. Bumaling si Von sa akin at matamang tinignan ako.
"Yes," sagot nito at humarap muli sa kalsada. "I considered him as my brother."
"I see."
Muling pinaandar ni Von ang sasakyan at hindi na muling nagsalita pa. I bit my lower lip and I stare at him intently.
"I love you," wala sa sariling sambit ko dito at na siyang ikinangiti ni Von habang nagmamaneho. Mabilis itong bumaling sa akin at muling itinuon ang mga mata sa kalsada.
"I know that, love. And I love you more."
Ngumiti na lang din ako at umayos na sa pagkakaupo ko. Itinuon ko na rin ang paningin sa daang tinatahak namin.
Mayamaya lang ay nasa tapat na kami ng main gate ng university ko. Hindi muna ako bumaba sa kotse ni Von. Maingat kong inalis ang seatbeat sa katawan ko at binalingan ito. Bago pa man ako makapagsalita para magpaalam dito ay mabilis nitong hinawakan ang batok ko. I froze. Slowly, he crashed his lips into mine. Napapikit ako at mabilis na napahawak sa balikat nito.
"Von," ungol ko sa pangalan nito at mahinang tinulak ito palayo sa akin. "N-nasa tapat tayo ng university, Von," mahinang wika ko dito.
"It's okay, love. Walang makakakita sa ginagawa natin," nakangiting sambit nito at muling hinuli ang mga labi ko. Damn it! I almost forget that his car is heavily tinted!
Kusang umawang ang labi ko noong marahang hinaplos ni Von ang batok ko. His tongue immediately dive inside my mouth and sucked my tongue! Fvck! What the hell, Von Sirius?
Muli akong napaungol at mabilis na napamulat noong maramdaman ang isang kamay nito sa gilid ng bewang ko. Unti-unting bumagal ang halik ni Von sa akin at nagmulat na rin ng mga mata. Slowly, he released me from his kisses. Nakaawang pa rin ang mga labi ko at naghahabol nang hininga.
Marahang inalis ni Von ang buhok ko sa mukha at hinalikan ako sa pisngi.
"You're mine, Destiny Amari. Sa akin ka lang," mahinang sambit nito na siyang ikinatango ko.
Of course, Von Sirius. Sayong-sayo lang ako.
"You better get going, love," bulong nito habang pinupuno ng halik ang pisngi ko. "Baka paandarin ko itong sasakyan ko at iuwi na kita."
"Silly," mabilis kong bulalas at humiwalay sa kanya. Nginitian ko ito at tiningnan ang sarili sa salamin ng sasakyan nito. Noong maayos ko nang muli ang itsura ko, mabilis na akong nagpaalam kay Von. Hindi na ako humalik dito at baka kung saan pa mapunta ang simpleng halik ko sa kanya.
Noong nakababa na ako, pasimple kong kinaway ang kamay ko habang papalayo na ang sasakyan nito. Napabuntong-hininga na lamang ako noong nawala na sa paningin ko ang sasakyan ni Von. At akmang maglalakad na ako papasok sa main gate ng university namin nang mabilis akong natigilan at binalingan ang bulto ng tao 'di kalayuan sa kinatatayuan ko.
I froze when I saw who it is.
Xavi Royce Evans. My fiance's beloved cousin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top