Chapter 32: Complicated

Ilang oras na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Von Sirius.

Pinunasan ko na rin ito at pinalitan ng damit. He's really wasted! Ni hindi ito nagising kanina noong paluin ni Ynava sa dibdib nito!

"Alam kong nagulat ka kanina," mahinang sambit ni Yvana habang nasa kusina kaming dalawa. Napatingin ako dito at marahang tumango. "Xavi looks like Von. They can pass as twin brothers."

Napakagat ako ng labi sa narinig.

So, this is the answer I've been looking for. Von. Xavi. They're blood related! Kaya pala magkahawig ang dalawa!

"Pero kung kilala mo talaga ang isa sa kanila, alam mo kung sino si Von at kung sino si Xavi. Am I right, Destiny?"

Napangiti ako kay Yvana at muling tumangong muli.

"I saw you earlier. Wala kang ginawa noong makita nating may kahalikan si Xavi kanina. You know that it was not Von."

"I know him. Kahit nakatalikod ito, I know Von Sirius," mahinang sambit ko at ininom ang alak na nasa baso ko. "I was just shocked to know that Von and Xavi are related to each other."

"What do you mean?" Yvana asked me then poured some wine in my glass. "Do you happen to meet Xavi before?"

"She almost hit me with her flashy car."

Mabilis kaming natigilan ni Yvana sa pag-uusapa noong magsalita si Xavi. Binalingan ko ito at pinagtaasan ng isang kilay. Really?

"She what?" Tanong ni Yvana sa pinsan at binalingan ako. "So, nagkita na pala talaga kayo? Kailan lang? Kakarating mo lang galing states, Xavi!"

Natigilan ako sa sunod-sunod na tanong ni Yvana sa pinsan nito. Kung tama ang pagkakatanda ko, nakita ko itong si Xavi noong nasa cafe kami ni Andrea. That was the first time that I saw him. And after that, iyong muntik ko na siyang masagasaan, kasama ko si Andrea that time and the rest was history.

"Just a couple days ago," ani Xavi at pinagtaasan ako ng kilay. What is this? Hindi alam nila Yvana na matagal na itong nasa Pilipinas si Xavi? Matagal na ang unang pagkikita namin! I've been seeing him for a couple times now! Bigla-bigla na nga lang itong sumusulpot!

"I get it now," ani Yvana at itinunggang muli ang alak sa baso nito. "That was the reason why you weren't shocked when you saw Xavi's face."

"I was shocked," natatawang komento ko. "Someone's kissing inside my fiance's place, Yvana. I was definitely shocked."

Sabay na tumawa ang magpinsan sa sinabi ko. Napailing na lamang si Xavi habang nakangiting nakatingin sa akin.

Inubos ko ang natitirang alak sa baso ko at tumayo na.

"I better get going," wika ko at nagsimula nang maglakad patungo sa sala ng unit. Mabilis kong dinampot ang bag ko at binalingan ang magpinsan. "Once na magising si Von, please, tell him to call me."

"Ihatid na kita," mabilis na wika ni Xavi na siyang ikinailing ko.

"Thanks but no thanks, Xavi. I'll be fine."

"Ako na maghahatid sa'yo, Destiny. Wala kang dalang sasakyan, 'di ba? Uuwi na rin ako," ani Yvana at binalingan si Xavi. "At ikaw naman, behave, please. Huwag kang magdala ng babae dito. This is Von's place, for Pete's sake! May fiancee na ang tao. Respetuhin mo naman kahit ang lugar na ito."

"That was harsh, Yvana," naiiling na komento ni Xavi sa sinabi ng pinsan.

"Whatever, Xavi. Just be a good boy for once."

"I am," nakangiting sambit nito at binalingan ako. "Right, Destiny Amari?"

Natigilan ako. Napangiwi na lamang at nagkibit-balikat dito.

"Let's go, Destiny," yaya ni Yvana at nagsimula nang maglakad palabas ng unit ni Von.

Muling kong hinarap si Xavi at tinanguhang muli. Hindi na ako nagsalita pa at sumunod na rin kay Yvana.

Noong nasa elevator na kami ni Yvana, tahimik lang ito habang hinihintay ang pagdating namin sa ground floor. I bit my lower lip then sighed. Hindi na lang ako umimik hanggang sa makarating kami sa ground floor.

"Destiny," tawag sa akin ni Yvana noong nasa loob na kami ng sasakyan nito. Binalingan ko siya at tahimik na tiningnan ito. I can feel it! May gustong sabihin si Yvana sa akin! Kanina habang nasa elevator pa lang kami, ramdam kong may mali na. Something's bothering her.

"May problema ba, Yvana?" mahinang tanong ko dito.

Mabilis na bumaling sa akin si Yvana at umiling. Natigilan ako sa ginawa niya. Mayamaya lang ay bumuntong-hininga ito at nginitian ako.

"About Xavi," aniya at pinaandar na ang sasakyan nito. "Don't get too close to him," makahulugang sambit nito na siyang ikinakunot ng noo ko. "He looked like Von Sirius but he's way different from him."

"Yvana, what do you mean by that?" Nalilitong tanong ko dito.

"Just stay away from him. That's all."

Hanggang sa makauwi ako sa bahay ay iyong mga salitang binitawan ni Yvanna ang nasa isip ko. Mataman kong tiningnan ang suot na singsing at inalala ang mga nangyari kanina.

Kung tama ang pagkakaintindi ko, hindi alam nila Von at Yvana na matagal nang narito sa bansa si Xavi. And he's staying with Von dahil hindi pa fully furnished ang binili nitong condo unit na katabi lang ng unit ni Von! Pero, bakit naman nito tinatago sa mga pinsan niya ang katotohanang matagal na siya dito sa Pilipinas? Ilang beses ko na rin itong nakita noon! Nasa Zambales pa si Von noong mga panahong iyon!

Mabilis akong napaupo mula sa pagkakahiga noong may naalala.

"Noong birthday ko," mahinang sambit ko. "He was here."

So, itmeans, he was staying one of the mansions here in the village. Hindi naman kasi ito basta-bastang makakapasok dito kung wala itong kakilala dito sa village namin! And the day that I almost hit him! Nasa premises pa kami ng village that time!

Tumayo ako at mabilis na lumabas sa silid ko. Agad akong bumaba sa may hagdan at nagtungo sa garden namin. Mommy's here with Adliana. Dito ko kasi sila naabutan kanina noong nakauwi ako. Abala ang dalawa sa pag-uusap noong makalapit ako sa puwesto nila.

"Mom," tawag pansin ko dito at naupo sa bakanteng upuan sa harapan niya. Kita kong natigilan ito at umayos nang pagkakaupo niya. "I have a question."

"Go on. What is it, Amari?"

"May mga kamag-anak ba ang mga Henderson dito sa village natin?" I asked her without blinking an eye. I need to know! Hindi ako mapipirmi sa isang tabi kung hindi ko malalaman ang totoo.

"What do you mean, Amari?" Naguguluhang tanong ni mommy sa akin.

"Like a relative. Sa mga Henderson o 'di kaya sa pamilya ni Tita Gretchen. Mayroon po ba?"

Hindi agad nakasagot si mommy sa tanong ko. She slowly sipped her cup of tea before speaking.

"I'm not sure about that, darling. Ang alam ko, ang pamilya lang nila Von ang narito sa Pilipinas. Ang iba ay nasa states na. Hindi ba doon nagtapos si Von nang pag-aaral niya?"

Napatango ako. Napahawak ako sa tenga ko at kunot-noong napaisip. Kung wala silang ibang kamag-anak dito, then, saan nanatili itong si Xavi bago siya pumunta sa condo unit ni Von?

"I know someone."

Natigilan ako sa pag-iisip noong magsalita si Adliana. Mabilis ko itong binalingan at hinintay ang mga impormasyong makukuha ko sa kanya.

"I know someone who lives here but, she's not a Henderson. Her family is just a close friend with them."

"Close friend?" tanong ko sa kapatid. Right! Puwedeng magstay si Xavi sa kanila!

"Yes. Heard about Harlyn De Ruiz?" Maingat na tanong nito habang matamang nakatingin sa akin. I swallowed hard and waited for her to tell me more details about Harlyn. "Her family is one of the closest friend of the Henderson. At sa pagkakatanda ko, she's a close friend of Von."

"Paano mo nakilala si Harlyn?" Tanong ko sa kapatid at tumayo mula sa kinauupuan. What is this? Does she knew something here?

"Blockmates kami noong college," sagot nito at nagkibit-balikat sa akin. "Lately ko lang din nalaman na nasa iisang village lang kami. I saw her the other day."

Napatango na lamang ako dito at hindi na nagkomento pa. Harlyn De Ruiz. Oh, I really don't like that woman!

"Bakit, Amari? May problema ba?" tanong ni mommy na siyang mabilis kong ikinailing.

"No, mom," sagot ko habang hindi inaalis ang tingin kay Adliana. "Kilala mo rin ba si Xavi?"

Kita ko ang pagkunot ng noo nito sa naging tanong ko. She doesn't know him! Hindi nito kilala kung sino si Xavi! Oh, crap! Ano ba itong iniisip ko? Why I'm doing this anyway?

"Nevermind," mabilis na sambit ko at nagpaalam na sa dalawa.

Things are getting complicated now.

First, Xavi being blood related with the Henderson. And now, Harlyn is living with the same village with us. At kilala pa ito ng kapatid ko!

What now? Ano na ang gagawin ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top