Chapter 30: Visit

"Amari? Can you hear me?"

Mahina akong napadaing noong marinig ang boses ni mommy. Bahagyang umawang ang labi ko at pilit na nagsalita.

"She's awake."

"Thanks, God!"

"Amari..." boses ni mommy ulit iyong naring ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

A familiar white ceiling welcomed my eyes. Napakunot ang noo ko at marahang binalingan si mommy na ngayon ay nasa tabi ko at hawak-hawak ang kamay ko.

"Are you feeling better now?" mahinang tanong nito at hinaplos ang pisngi ko. "May masakit pa ba sa'yo?"

Marahan akong umiling kay mommy at muling ipinikit ang mga mata. Pinakiramdaman ko nang mabuti ang katawan ko. Hindi na masakit ang dibdib ko. My heart is beating perfectly fine now. Hindi na rin ako nahihilo.

"We need to be careful. Hindi na dapat maulit ito." Napamulat ako noong marinig ang boses ni Dr. Caren.  Binalingan ko ito at matamang pinakinggan ang mga sinasabi nito. "Don't worry, walang mali sa naging operasyon ni Amari noon."

"So, bakit nangyari ito? Why she fainted?" It was daddy who asked our family doctor. Wala sa sarili ko itong binalingan. Seryoso ito ngayong nakatingin kay Dr. Caren. He's standing beside my bed with Adliana.

"Stress," sagot ni Dr. Caren na siyang ikinatigil ko. "She was triggered. Her body reacted with the pain she's feeling. Sanay ang puso nito sa sakit noong hindi pa siya naooperahan. Her body knows that pain very well."

Napaawang ang labi ko sa narinig. My body reacted with that pain? Paanong nangyari iyon?

"She needs to rest her body and I know Amari doesn't like to stay here. Kaya naman I suggest na sa bahay niyo na lang muna ito magpahinga. Total rest. And please, avoid her from any form of stress."

Hindi rin kami nagtagal pa sa ospital. Pagkatapos magbilin si Dr. Caren sa mga magulang ko, umuwi na rin kami. Ilang oras din akong nawalan nang malay kanina kaya naman halos magdidilim na kami nakabalik sa mansyon. Ni hindi na ako nakapasok sa university dahil sa nangayari sa akin.

"Mom," tawag ko kay mommy noong inaayos nito ang kumot ko sa katawan. "Alam po ba ni Von ang nangyari sa akin?"

Kanina ko pa ito gustong itanong kay mommy. Hindi ko siya nakita ngayong araw. Kung alam nito ang nangyari, malamang ay nanatili rin ito sa ospital kanina.

"Hindi namin pinaalam sa kanya ang nangyari, Amari."

Napakagat ako ng pang-ibabang labi at napatango na lamang. My parents really knows me well. Kung gising man ako kanina, iyon din ang gagawin ko. Ayaw kong mag-alala si Von sa akin. That was my fault. Hinayaan ko ang emosyon ko kaya naman ay nagkaganoon ako.

"Thank you, mom," sambit ko at nginitian ito. Mabilis na umiling si mommy at naupo sa gilid ng kama ko.

"Amari, darling, we're sorry," anito at hinaplos ang buhok ko. "Yes, our company is currently facing a problem but sooner, maayos na rin namin ito. Hindi na namin sinabi sa'yo dahil alam naming mag-aalala ka. Everything's doing fine with you now, Amari. Nagkaayos na kayo ng daddy mo at ngayon ay unti-unti mo nang natatanggap si Adliana. Ayaw naming mamuroblema ka na naman."

"Mom, we're family here. Dapat lang ay alam ko ang nangyayari sa pamilya ko," mahinang sambit ko dito.

"I know. I know, darling, and we're really sorry for keeping this to you. But please, trust your daddy. He can manage to deal this problem. He's the great Dennis Asuncion, remember?"

Wala sa sarili akong napangiti sa narinig.

Yes, my father is the great Dennis Asuncion. Kaya nitong maayos ang problemang kinakaharap niya ngayon.

"I trust daddy, mom," sambit ko dito at hinawakan ang kamay nito. "And you, too, mom."

"Thank you, Amari. Thank you."

Natapos ang araw na hindi ko nakakausap man lang si Von. Muli kong ipinikit ang mga mata at inilapag sa katabing mesa ang cellphone na hawak ko. Kanina, pagkaalis ni mommy sa kuwarto ko ay agad kong tinawagan si Von. But I can't reached him! Hindi nito sinasagot ang tawag ko. Is he asleep already? Ayaw ko namang tumawag sa landline nila sa mansyon at baka makaistorbo ako sa mga magulang nito.

I sighed.

"Hope he's fine," mahinang bulalas ko at pinilit na lamang ang sariling makatulog. Kailangan kong magpahinga na para naman ay mabawi ko na nang tuluyan ang lakas ko.

Kinabukasan, halos hindi pa ako payagan ni daddy na pumasok sa eskwelahan. Mabuti na lamang ay tinulungan ako ni mommy sa pagkukumbinse kay daddy at nagpresenta pa si Adliana na ihahatid niya ako para hindi na raw ako mag-abala pa sa pagmamaneho.

"Be careful, young lady. No extra activities for you! I'll call later the university administration about your condition!"

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Mabilis akong umiling dito at hindi sumang-ayon sa sinabi nito.

"No, dad! No need to do that! Wala akong gagawin na ikakapahamak ko!" ani ko at muling binalingan si mommy. Tumango lang ito sa akin at kinausap muli si daddy tungkol sa pagtawag sa adminstration ng university na pinapasukan ko.

"Fine! After school, deretso ka na dito!" He said with finality.

Napaawang ang labi ko sa sinabi nito. No way! Hindi na ako highschooler for Pete's sake!

"Dad, don't forget that I'm already engaged. Hindi ko magagawa iyon. I'm going to visit Von Sirius later after school!" sambit ko at inilingan ito. "I'll be fine, dad. Iiwas lang ako sa stress then I'm good to do my normal routines!"

Pagkatapos nang mahabang pag-uusap namin ay nagpaalam na kami ni Adliana. Ihahatid na niya ako at dederetso na ito sa opisina. Dad give her a position in the company. An accounting officer. Buti na lang ay sakto ito sa kursong tinapos niya.

"Dadalawin mo mamaya si Von?" tanong ni Adliana habang nagmamaneho ito. Binalingan ko siya at mabilis na tinanguhan.

"Yes," sagot ko at ibinalik sa daan ang paningin. "Hindi ko kasi ito nakausap kahapon. He doesn't even know what happened to me yesterday."

"Papa and Tita Amanda were too focused on you yesterday. Sa katunayan ay ako ang nagpaalala sa kanila tungkol kay Von, but they refused to call him. Why is that?" takang tanong nito at itinigil ang sasakyan noong nag-red light ang traffic light sa unahan namin.

"Mag-aalala lang ito kung nalaman niya ang nangyari sa akin," sagot ko at biglang naalala ang kuwento ni mommy tungkol kay Von noong natapos ang heart surgery ko. He was devastated that time. Halos hindi makapagtrabaho nang maayos dahil sa pag-aalala sa akin. Marahil ay iyon agad ang naisip nila mommy kaya naman ay hindi na nila ito ipinaalam kay Von.

"You really love him," komento ni Adliana at pinaandar ng muli ang sasakyan. "I can see it through you, Amari. You really love that man."

"Of course," nakangiting wika ko. "Hindi ko pa nga siya nakakausap noon nang harap-harapan, I already fell for him," natawa ako sa sinabi sa kapatid.

Yes, I was attracted to him even before meeting him in person. Henderson is a family friend and I know his existence bago pa kami nagkausap sa resort nila. Bago pa niya ako samahan sa pagdradrama ko sa tabing-dagat noon!

"And even having a weak heart, I still love him," mahinang dagdag ko.

"Amari..."

"I'm fine," mabilis kong itinigil ang pag-alala sa nakaraan at binalingan ang kapatid. Humugot ako nang isang malalim na hininga at kinontrol ang emosyon ko. "I'll handle my emotion well, Adliana. Don't worry."

"It's okay to remember, to feel, Amari. Just don't overdo it," paalala nito sa akin. "Mag-iingat ka mamaya sa pagbisita mo kay Von."

"Of course," nakangiting sambit ko dito at mabilis na nag-iwas nang tingin.

I mentally cursed when I felt a pain on my chest again! Ngunit mabilis lang ito at nawala kaagad. Hindi ito kagaya sa nangyari sa akin kahapon. Damn it! Too much emotion can really hurt me!

Humugot na lamang muli ako ng isang malalim na hininga at kinalma na ng tuluyan ang sarili.

A/N:

Second phase na tayo ng kuwento! Hahahaha More heart breaking scenes para kay Destiny Amari! Chos!

Happy reading, lovies! Ingat palagi! Saranghae!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top