Chapter 3: Leave
"Goodafternoon po, Tita Amanda."
Hindi ko alam kung pang-ilang irap na ang nagawa ko ngayong hapon. Nakasimangot kong tiningnan si Von at si mommy habang nag-uusap.
"Buti at napapayag mo itong si Amari na ikaw maghatid dito, Von," natatawang wika ni mommy at binalingan ako. "Go to your room and change, darling. May inihanda akong meryenda para sa inyo ni Von."
Meryenda? Hindi pa ba uuwi iyang lalaking iyan?
"Yes, mom," sambit ko na lamang at sinunod ang nais ng ina.
Pagkapasok ko sa kuwarto ko ay agad ako naghanap ng damit na masusuot. Napatitig ako sa closet ko at napangiwi na lamang noong mapagtanto kung ano ang ginagawa ko ngayon.
Really, Destiny?
Napailing na lamang ako at kinuha ang isa sa pambahay ko. It was a maong short and a tshirt. Itinali ko na rin ang mahabang buhok ko at naglagay ng maliit na hairclip. Muli akong napangiwi noong makita ang repleksiyon sa salamin.
Bahala na nga!
Mabilis akong lumabas ng silid ko at bumaba na. Sa kusina ako dumeretso at noong mamataan kong naghahanda na si mommy ng mga plato ay mabilis akong lumapit dito at tinulungan ito sa paghahanda.
"Thank you, darling," ani mommy at iniabot sa akin ang mga baso. "Ilapag mo na lang ito sa mesa at maupo ka na rin."
Tumango ako dito at lumapit na sa mesa. Pagkalapag ko ng mga baso ay wala sa sarili akong napatingin kay Von. Natigilan ako noong magtama ang mga paningin namin at mabilis na nag-iwas ng tingin noong lumapit si mommy sa mesa at inilapag ang inihanda nitong pagkain.
Napatingin ako sa inihain nito.
A pie? Don't tell me she baked? Oh, no!
Mabilis akong napatingin kay Von na nakangiting nakikipag-usap kay mommy. Ngayon pa lang ay naaawa na ako sa kanya. Tiyak kong hindi na siya uulit kumain dito pag matikman niya ang gawa ni mommy!
Naupo na ako at nagsalin ng juice sa baso ko. Pinagmasdan ko ang bawat galaw ni Von. Palihim akong ngumiti noong naglagay na ito ng pagkain sa plato niya. Looks like today is your last day, Von Sirius!
Napakagat ako ng labi ko noong kumagat na ng pie si Von. Kita ko ang pag-iba ng ekspresyon nito lalo na noong nguyain niya at lunukin ang pagkain. Pasimple akong nagsalin ulit ng juice sa isa pang baso at inabot ito sa kanya. Ngumiti ako dito lalo na noong kinuha niya ang baso at uminom roon.
"How is it, Von?" Magiliw na tanong ni mommy sa kanya na siyang ikinangisi ko. Gusto kong matawa lalo na noong naubos pa nito ang juice sa baso niya. Poor Von Sirius.
"It was good, tita," sagot nito noong matapos siya sa pag-inom. Muli akong napangisi at napailing na lamang. My mother looks like an expert in cooking but she's not. Kaya nga bata pa lamang ako ay natuto na akong maghanda ng pagkain ko para naman hindi na maglutong muli si mommy. Buti na lang talaga ay may kasambahay kami dito sa mansiyon dahil kung hindi. palagi kaming nasa hospital ni daddy dahil sa food poisoning!
"Amari, kumain ka na rin," ani mommy na siyang mabilis na ikinailing ko.
"Kumain na ako kanina, mom, bago lumabas ng campus. Sasamahan ko na lang po si Von dito habang inuubos ang inihanda niyo para sa kanya," wika ko at binalingan si Von. Tahimik na ito ngayon at matamang nakatingin sa akin. Nagkibit-balikat ako dito at muling uminom ng juice.
Halos sabay kaming napatigin kay mommy noong tumunog ang cellphone nito. Someone's calling her.
"Excuse me, kids. Sasagutin ko lang ito. Von, sabihan mo lang si Amari if you want more. May mga pagkain pa kami," ani mommy at mabilis na lumabas sa kusina.
Napangiti na lamang ako at tumayo mula sa kinauupuan. Tahimik kong kinuha ang pie na niluto ni mommy at dinala ito sa lababo namin.
"Anong gagawin mo diyan?" tanong ni Von kaya naman ay lumingon ako dito. "I'm not done eating."
"You'll die early if you finish this food," sambit ko at inilapag ang plato. "You want more? I can prepare something else."
"You know how to cook?" tanong nito sa akin kaya naman ay napangisi akong muli.
"No."
"Destiny Amari!"
Natawa ako noong tawagin niya ako sa buong pangalan ako. Hinarap ko ito at naglakad pabalik sa mesa.
"I know how to cook pero hindi ko gagawin iyon ngayon. You better go home now, Von. May gagawin pa ako kaya naman, umuwi ka na."
Hindi kumibo si Von. Nakatingin lang ito sa akin. Mayamaya pa'y ngumiti ito at tumayo na rin sa kinauupuan niya.
"You'll cook for me next time, then," anito habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
Wait... What?
"No," matabang na sagot ko dito.
"Hindi ako aalis kung ganoon. Your mother told me to ask you if I need something. I want you to cook for me, Destiny Amari."
Napatanga ako sa sinabi nito! Damn it! You little jerk, Von Sirius!
"Fine," mariing sambit ko dito. "Now, leave. May gagawin pa ako."
Kita ko ang ngiting tagumpay sa mukha ni Von kaya naman ay napailing na lamang ako.
Nagsimula na kaming maglakad palabas ng mansiyon. Nakapagpaalam na rin si Von kay mommy na ngayon ay abala pa rin sa kausap niya sa telepono. Tahimik naman akong nakasunod sa kanya hanggang sa gate namin.
"Aalis na ako," anito at hinarap ako. Mabilis akong natigilan lalo na noong magtama ang mga paningin namin. "Thanks for today, Destiny Amari. I'll wait for the day you'll cook something for me."
"Whatever, Von," ani ko at inirapan ulit ito. Ngumisi lang itong muli sa akin at sumakay na sa sasakyan niya. Isang busina ang ginawa niya bago pinaandar ang sasakyan nito.
I sighed.
Looks like kailangan kong maghanap ng magandang recipe para sa lalaking iyon.
Nagsimula na akong maglakad papasok sa mansiyon namin. Napangiti ako kay mommy noong makita ko ito sa may pintuan. Wala na itong kausap ngayon at nakatuon na sa akin ang atensiyon.
"Nakaalis na ba si Von?" tanong nito sa akin.
"Yes, mommy. Kakaalis lang po."
"That's bad. Hindi ko man lang nasabihan ang batang iyon na mag-ingat sa biyahe niya. Mamayang madaling-araw na yata ang flight niya."
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni mommy. Flight?
Mukhang napansin ni mommy ang itsura ko kaya naman ay napasinghap ito.
"Hindi ba nabanggit ni Von, Amari? He's leaving tomorrow for his studies. Sa states niya na tatapusin ang huling taon niya sa college."
What?
Napaawang ang mga labi ko at mabilis na tumakbo pabalik sa gate namin. Lumabas ako hanggang sa kalsada at tahimik na pinagmasdan ang daang tinahak niya kanina.
Von Sirius Henderson! You're really a jerk!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top