Chapter 28: Trust
Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang tawanan ng pamilya ko at ng magulang ni Von.
It's been an hour since they arrived to celebrate my birthday. At simula noong dumating sila, hindi na natapos ang usapan nila tungkol sa engagement namin ni Von. Dad was then one who announced it earlier. Halos lahat ay nagulat, pati na rin si Andrea at Nempha. Yvana is not here with us pero agad din namang tumawag sa akin noong nalaman niya ang tungkol sa engagement nami ng kapatid niya.
Wala sa sarili akong napangiting muli at kinuha ang basong nasa harapan ko. Inubos ko ang wine na laman nito at marahang binalingan si Von noong maramdam kong hinawakan nito ang bewang ko.
"You're drinking too much, love," bulong nito at hinalikan ako sa gilid ng ulo ko. Napailing ako at nginitian ito. Bahagya kong isinandal ang katawan sa kanya at pasimple ko itong inamoy kaya naman noong wala akong maamoy na bakas ng alak ay napakunot ang noo ko.
"Hindi ka uminom?" tanong ko at pinagtaasan ito ng kilay.
"You know that I have a low tolerance of alcohol," aniya at kinuha ang baso sa kamay ko. Inilapag niya ito sa mesa at mas hinila ako nito papalapit sa kanya. "At isa pa, ako magmamaneho mamaya. Walang kasamang driver sila mommy."
Tumango ako dito at muling binalingan ang mga magulang namin.
"Ang saya nila," komento ko noong makitang tumatawa si daddy habang kausap si Tito Miguel.
"Of course, they're happy, love. Finally, our family will be one."
Binalingan kong muli si Von at pinagtaasan ng isang kilay.
"Tell me, love, hindi ka naman kinausap nila para yayain na akong magpakasal, 'di ba?"
Kita ko ang pagngisi ni Von at mas inilapit pa ako sa kanya. Nakaupo kami ngayon at halos ikulong na niya ako sa braso niya!
"Kahit hindi nila ako kausapin tungkol dito, papakasalan pa rin kita."
"Paano kung hindi ako pumayag noong niyaya mo ako?" tanong ko at hinawakan ang pisngi nito.
"I'll wait for you," sagot niya at kinuha ang kamay kong nasa pisngi nito. Slowly, he kissed my hand. Napangiti ako dito. "If you were not ready that day, then, I'll wait for you. If you want to finish your studies first, then, I'll wait. No one can stop me, love. Maghihintay ako. Sa akin ka pa rin ikakasal kahit gaano katagal ang paghihintay ko."
Lalong lumawak ang ngiti ko at mabilis na niyakap si Von Sirius.
"I love you," mahinang sambit ko dito.
"I love you, too, Destiny Amari."
Napapikit ako at dinama na lamang ang yakap ni Von sa akin. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang pagluwag ng yakap ni Von kaya naman ay napatingin ako dito. Kita ko ang ngisi nito habang may tinitingnan sa likuran ko. Marahan akong napaayos nang pagkakaupo at napangiti na rin noong makita ang dalawang malapit kong pinsan.
"Andrea! Nempha!"
"Oh, please! Get a room!" ani Nempha at inirapan kaming dalawa ni Von. Napaawang ang labi ko sa narinig samantalang mahinang tumawa lang si Von at hinigit na naman ako papalapit sa kanya.
"Nempha!" suway ko dito at inilingan.
"Can we borrow her for a minute, Von?" It was Andrea.
Napakunot ang noo ko at binalingan si Von. Kita kong tumango ito sa pinsan ko at mabilis na hinalikan ako sa labi. Narinig ko naman ang mabilis na pag-angal ni Nempha kaya naman ay natawa ako.
"Sa table lang ako nila mommy," ani Von at mabilis na tumayo. Nagpaalam rin ito sa mga pinsan ko at nagsimula nang maglakad palayo sa amin.
Si Andrea ang naupo sa upuang tinayuan ni Von samantalang nasa harapan namin si Nempha. Nginitian ko ang dalawa ngunit ang ngiti ko ay naging ngiwi noong makita ang seryosong titig ni Nempha sa akin.
"Nempha, stop it," natatawang suway ni Andrea dito. "Tinatakot mo si Destiny!"
"What is this, Destiny?" seryosong tanong ni Nempha na siyang ikinatigil ko. Napatingin ako kay Andrea at namataan ko lang itong nagkibit-balikat sa akin. Muli kong binalingan si Nempha at tinanong kung anong ibig sabihin sa tanong nito.
"Come on! Magpapakasal ka kay Von! What? Did Tito Dennis pressured you again?" anito na siyang ikinalaki ng mga mata ko. Mabilis akong napabaling sa mga magulang ko. At noong makitang abala pa rin ito sa pag-uusap, mabilis kong binalingan muli si Nempha at inilingan.
"Of course, not," mariing sambit ko sa mababang boses. Damn it! Baka marinig kami ng mga magulang namin! Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at mabilis na niyaya ang dalawa papasok ng mansyon.
Noong nasa sala na kami ay binalingan ko ang dalawa. Mataman kong tiningnan si Nempha at muling inilingan.
"Look, Nempha, walang kinalaman sila daddy sa naging desisyon ko. Von proposed to me and accepted it."
"Destiny, nag-aaral ka pa. Hindi ba makapaghintay si Von?"
Napapikit ako sa narinig sa pinsan. What the hell? Anong problema ni Nempha? I thought she's okay with Von being with me?
"Nempha, stop," rinig kong pigil ni Andrea sa pinsan namin. "Calm down, okay."
"No, Andrea! Alam ko nang mangyayari ito! Tito Dennis really wanted to do this! Come on! We don't need the help of Henderson! Kayang maayos nila daddy ang problema sa kompanya! Hindi dapat si Destiny ang gawin niyang solusyon!"
Napamulat ako at muling binalingan si Nempha. Gulat ko itong tiningnan. Wala akong naintindihan sa mga sinabi nito. Problema? Sa kompanya namin? What the hell?
"Nemphe, please," tila naiinis na pigil ni Andrea dito. "Stop it already. Bumalik na tayo sa garden."
"Anong problema ng kompanya?" tanong ko sa kanila noong nakabawi na ako sa gulat kanina.
Damn it! Wala akong alam sa mga pinagsasabi nila!
"Destiny," ani Andrea at nilapitan ako. Hinawakan nito ang kamay ko kaya naman ay napatingin ako sa kanya. "Hindi mo alam?" she asked.
"Ano ang hindi ko alam, Andrea?" tanong ko dito na siyang ikinatigil niya. Mayamaya lang ay binitawan nito ang kamay ko at naupo sa sofa na malapit sa amin.
"Hindi ako magpapakasal kay Von dahil sa kompanya ng pamilya natin kaya hindi ako alam kung ano ang pinagsasabi ninyo!" mariing sambit ko at binalingan kong muli si Nempha. Tila nawala ang galit nito kanina. Naging tahimik ito bigla at nakatingin na lamang ito sa akin. "Nempha! Tell me!"
"Amari?"
Halos sabay-sabay kaming napatingin sa may pintuan noong may nagsalita.
I swallowed hard when I saw Adliana there.
Muli akong napatingin sa mga pinsan ko, lalo na kay Nempha na inirapan ang kapatid ko. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at binalingan si Adliana.
"May problema ba?" maingat na tanong ni Adliana na siyang mabilis kong ikinailing. "I heard you shouted something, Amari."
"No," agarang sambit ko dito at napatingin sa mga pinsan ko. "It was nothing, Adliana. May itinanong lang ako sa kanila."
Hindi muna kumibo si Adliana. Mayamaya lang ay tipid itong ngumiti at tinanguhan ako.
"Alright," anito at bumaling sa likuran nito. "Papa's looking for you."
"Sige. Tell him na babalik na rin kami."
Mabilis na umalis si Adliana at bumalik sa garden namin. Hinarap kong muli si Nempha at seryosong tiningnan.
"Let's talk this problem you were claiming earlier later. Dito na kayo matulog," sambit ko na agad na hindi sinang-ayunan ni Andrea.
"I can't, Destiny. Aalis kami bukas nila mommy," wika ni Andrea at binalingan si Nempha. "Nempha, you better fix this. Sinabi ko na sa'yong hindi gagawin ni Destiny ang paratang mo sa kanya. I told you to trust her!"
"Andrea," pigil ko dito noong magtaas ito ng boses kay Nempha. Baka may makarinig na naman sa amin! Damn it! "Alright. Ipagpaliban na lang muna natin ito. I'll talk to my parents about this issue."
"Destiny..."
"Please, keep this in your mind," seryosong sambit ko sa dalawa. "I accepted Von's proposal because I love him. I accepted him because I know, no matter what happened, he's the only man I'm going to marry. And I will marry him not because of our business, Nempha. I'll marry him because he's Von Sirius, the man I love."
"Destiny, I'm just..."
"Nempha," hindi ko na pinatapos pa si Nempha sa dapat nitong sasabihin. "Please, trust me."
Kita kong natigilan ito sa sinabi ko. I took a deep breathe before talking again.
"Let's go. Bumalik na tayo sa garden," yaya ko sa dalawa at nauna nang maglakad pabalik sa garden ng mansyon namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top