Chapter 27: Gift

Maaga akong nagising kinabukasan.

Matapos kong pasadahan nang tingin ang kabuuan sa salamin ay mabilis kong dinampot ang bag at lumabas na sa silid.

Tahimik ako naglakad patungo sa kusina namin. Ilang hakbang ang layo ko roon ay naririnig ko na ang boses ni daddy. He was talking about our business. Napakunot ang noo ko at binati ang mga ito.

"Goodmorning," bati ko sa kanila at naupo na sa pwesto ko. Nakangiting bumati sa akin si mommy samantalang tinanguhan lang ako ni daddy. Binalingan ko si Adliana at noong makita ang pagtango nito sa akin ay ginantihan ko na lang din ito nang tango at hindi na nagsalita pa.

"How's your sleep, Amari?" It was mommy.

"It was fine, mom," sagot ko at uminom ng juice. Binalingan ko si Adliana at matamang tiningnan. She's older than me, right? So, I should call her Ate? Or not. Hindi pa yata ito ang tamang panahon para tawagin ko siya sa ganoong paraan.

"Adliana, right?" I asked her. Kita kong natigilan ito noong banggitin ko ang pangalan nito. Marahan itong tumango na siyang nagpatawa kay daddy.

"Calm down, Adliana. I told you already. Amari is the kindest among the Asuncion," natatawang wika ni daddy dito.

"Your papa is right, Adliana.," dagdag naman ni mommy.

Papa? So, she's calling my dad papa? That's nice.

"Mom, dad, stop it. I'm not the kindest person here," wika ko at nagkibit-balikat sa dalawa. Muling natawa si daddy at nagpatuloy sa pagkain.

I was busy with my food when dad called me. Napatingin ako dito at natigilan sa naging tanong nito.

"Your birthday will be in two days, Amari. Any plans?"

My birthday! Oh my! I almost forget about that!

"Just family dinner, dad," sagot ko na siyang ikinatango ni daddy. Hindi na ako bata ngayon. A simple dinner will be fine with me.

"Let's invite Von and his family, then," dagdag pa ni daddy na siyang ikinatigil ko ulit. "We'll be family soon, too."

I froze.

"What do you mean by that, Dennis?" takang tanong ni mommy sabay baling sa akin. Looks like hindi pa sinasabi ni daddy ang tungkol sa proposal ni Von sa akin.

"You tell your mom, Amari," ngumisi si daddy sa akin.

"Amari?" It was mommy.

I sighed.

Alam kong sinabi ko kay Von na gusto ko munang ilihim ito but dad already knew about his proposal. Siya ang unang nakapansin sa suot kong singsing. Well, this ring on my finger is too beautiful para walang makapansin! And mom, for sure she'll freak out! Alam niyang pareho kaming hindi pa handa ni Von para sa bagay na ito! Pero nandito na ito! We both love each other! And knowing Von Sirius, he'll definitely have his ways to convince me about this marriage.

"Von proposed to me, mom," ani ko at ipinakita ang singsing sa kamay. Kita ko ang gulat nito at mabilis na hinawakan ang kamay ko. Halos maiyak ito at mabilis na tumayo sa kinauupuan.

"Oh my God!" sambit nito at niyakap ako. "And you said yes, Amari? Finally!"

"Yes, mom," nakangiting tugon ko dito at binalingan ang kapatid. Humiwalay si mommy sa akin at muling tiningnan ang singsing na suot. "Gusto ko sanang ilihim lang muna ito sa inyo."

"Amari! You can't keep this to me!" my mom hissed.

"I know, mom. I'm sorry. Gusto ko muna kasing maayos ang problema ng pamilya natin bago sabihin ang tungkol dito."

Kita kong natigilan ito kaya naman ay nginitian ko ito.

"I'm starting to accept everything. Slowly," sambit ko at hindi inalis kay Adliana ang paningin. "Please, give me more time."

Mabilis na tumango si Adliana sa akin, "Of course, Amari. Of course," aniya at pinahid ang mga luha sa mata. "Thank you."

Nginitian ko na lang muli si Adliana. Yes, naging hindi maganda ang unang pagkikita naming dalawa pero hindi pa huli ang lahat para sa aming dalawa. She's my sister and I can't do anything about that. Wala nang magbabago pa. All I need to do right now is to learn how to accept her as part of my family.

"So, it's settled. We'll invite the Hendersons and some Asuncions. Is it okay with you, Amari?" tanong ni daddy na siyang ikinatango ko na lamang.

Mabilis na lumipas ang araw. Ni hindi ko namalayan na mamayang gabi na ang family dinner na inihanda ng mga magulang ko bilang pagdiriwang ng kaarawan ko.

Napangiti ako noong tumunog ang cellphone ko at nakita ang pangalan ni Von. Agad kong sinagot ang tawag at napangiti na lamang noong marinig ang boses nito.

"Happy birthday, love," aniya.

"Thank you. Kagigising mo lang ba?" tanong ko sa kanya at tiningnan ang orasan sa kwarto ko. It's almost nine in the morning. Tiyak kong inaantok pa ito ngayon. Halos hating-gabi na rin kasi kami nakauwi galing sa Tagaytay kagabi.

"Yes," anito at narinig ko ang pagkilos nito sa kabilang linya.

"Matulog ka lang muna," sambit ko at lumabas na sa silid ko.

"I wan't to talk to you," anito sa babang boses. Natawa ako.

"Von, halos magkasama na tayo buong magdamag. Hindi ka ba nagsasawa sa boses ko?"

"Of course not, love," he said then heard him chuckled. "Never."

Napangiti ako sa narinig. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan at noong makarating ako sa kusina ay natigilan ako noong makita ko si mommy at Adliana na nag-uusap habang naghahanda ng mga lulutuin namin.

"Magpahinga ka na lang muna, love. I'll be busy today. Tutulong kami sa paghahanda ng mga pagkain mamaya."

"You'll cook?" tanong ni Von na siyang ikinangisi ko.

"Yes," mabilis na sagot ko at nagpaalam na dito. Noong natapos na ang tawag ni Von, mabilis kong binati sila mommy. Halos sabay na bumaling ang dalawa at nilapitan ako.

"Goodmorning, darling," bati ni mommy at hinalikan ako sa pisngi. "Happy birthday!"

"Thanks, mom."

"Happy birthday, Amari," bati ni Adliana sa akin. Ngumiti ako dito at nagpasalamat.

"So, anong unang gagawin natin?" tanong ko sa kanila at binalingan ang mesa naming puno ng mga ingredients para sa mga lulutuin namin ngayon. "Masyadong marami yata ito. Can we finish this?" sambit ko at binalingan si mommy.

"Adliana can cook too, Amari. Moral support lang ako sa inyong dalawa," natatawang sambit ni mommy at nilapitan ang iilang maid naming tutulong sa paghahanda ng pagkain. Binalingan ko ang kapatid ko at namataan ko itong nakatingin sa akin.

I smiled at her.

"Let's start?" tanong ko na siyang mabilis na ikinatango nito. Muli ko siyang nginitian at nagsimula na kaming ayusin ang mga gagamitin namin.

Naging abala kaming lahat sa kusina. Ni hindi ko napansin ang oras. Natigil na lamang ako sa mga ginagawa noong marinig ang boses ni daddy. 

"Happy birthday, Amari," bati nito at hinalikan ako sa pisngi. "Hindi pa rin kayo tapos?" he asked then looked at the finished food on the table.

"Almost done, papa," sagot ni Adliana at binalingan ako. "Magpahinga ka na, Amari. Ako na ang bahala sa iba pang hindi pa natin nagagawa."

Napatingin ako dito at sa mga pagkain. Napatango ako at inalis ang apron sa katawan ako.

"Thanks, Adliana. Magpapahinga na ako at maghahanda na rin. Von already texted me. After an hour nandito na sila," wika ko at binalingang muli si daddy. "Aakyat na ako, daddy. Tatawagan ko na rin sila Andrea and Nempha."

"Alright, Amari. Ipapaayos ko na rin ang garden."

"Thanks, dad," pasasalamat ko dito at umalis na sa kusina. Mabilis akong nagtungo sa silid ko at inihanda ang susuotin. Napatingin ako sa wrist watch ko. May isang oras ako para maghanda. I think that's good enough to prepare and to make me look presentable tonight.

Maingat akong kumilos at ginugol ang oras sa pag-aayos. Halos katatapos ko lang magsuklay ay natigilan ako noong may kumatok sa pinto ng silid ko.

"Ma'am Destiny?"

Napakunot ang noo ko. It was one of our maids. Nandito na ba sila Von? Wala pang isang oras, ah!

"Come in!" sigaw ko at naglagay ng lipstick sa labi. Bumaling ako sa may pintuan noong bumukas ang pinto at pumasok iyong maid namin.

"Ma'am Destiny, may naghahanap po sa inyo sa may gate," sambit nito na siyang ikinataas ng kilay ko.

"Sino raw?" I asked her.

"Xavi ang pangalan po, Ma'am Destiny," sagot nito na siyang nagpatigil sa akin. "Kaibigan niyo raw po siya at may ibibigay siya sa'yo, ma'am. Pinapapasok namin pero ayaw naman po. Hihintayin ka na lang daw po niya sa labas."

"Alright," ani ko at tumayo na. "Ako na ang bahala sa kanya," nginitian ko ito at lumabas na. 

Mabilis ang bawat hakbang ko hanggang sa marating ko ang gate name. Damn it! Anong ginagawa niya dito? Baka maabutan pa ito nila Von!

"Xavi!" tawag ko dito noong makita ko itong nakatayo sa gilid ng gate namin. Napakunot ang noo ko noong mamataang nakasumbrero ito at halos hindi kita ang mukha. Natigilan ako. That's it! Kaya pala walang nabanggit ang maid namin tungkol sa pagkakahawig nito kay Von! Halos hindi ko rin makita nang maayos ang mukha nito!

"What are you doing here?" I asked him. Pasimple kong tiningnan ang paligid. Pakiramdam ko'y mayamaya lang ay darating na sila Von. Maging ang mga kamag-anak ko! Kahit naman wala akong ginagawang mali ay hindi pa rin tamang makipagkaibigan sa isang taong halos kamukha ni Von Sirius!

"I heard it's your birthday," anito at may inabot sa akin na isang box. "My gift," dagdag pa niya na ikinatigil ko.

"Thank you," mahinang sambit ko at tinanggap ang binigay niya. "Hindi ka na sana nag-abala pa, Xavi."

Nagkibit-balikat lang ito sa akin at mabilis na tinalikuran ako.

"Enjoy the night, Destiny Amari," sambit nito. "Aalis na ako," paalam niya at mabilis na naglakad palayo sa akin.

Wala sa sarili akong napatingin sa hawak kong regalo mula kay Xavi. I bit my lower lip as I felt something on my chest. Muli kong tiningnan ang daang tinahak ni Xavi ngunit hindi ko na ito makita pa.

"Thank you, Xavi," mahinang bulong ko at bumalik na sa loob ng mansyon.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top