Chapter 24: Kiss
Tahimik akong naupo sa sofa noong makarating kami ni Von sa condo unit niya.
This is my first time here kaya naman ayt pinagmasdan ko ang kabuuan nito habang nasa silid pa si Von. A two bedroom unit. May sala at may kusina rin ito. Alam kong hindi ito masyadong nagagamit ni Von dahil palagi siyang hinahanap ni Tita Gretchen at ang ending, sa bahay pa rin nila siya natutulog.
"I'll prepare something to eat. Anong gusto mo?"
Natigilan ako sa pagmamasid noong lumabas si Von mula sa kuwarto nito. Nakapagbihis na ito nagyon. He's now wearing a white shirt and jeans. Hindi na ito mukhang business man!
Umiling ako dito at inilabas ang mga gamit sa bag.
"Just order a pizza," ani ko at nginitian ito. "And a chocolate milk shake, please."
Pinagtaasan ako ng kilay ni Von at naglakad palapit sa akin.
"Ayaw mo nang luto ko?" he said while looking at me intently.
Natawa ako dito at umiling muli. "Of course not! You told me earlier na may tatapusin ka ring mga emails, hindi ba? Just order some pizza at simulan mo na rin ang trabaho mo."
"Alright," ani Von at sinunod ang sinabi ko. Nagsimula na ako sa pag-aaral. Inilabas ko na rin ang notes na hiniram ko kay Efrelyn. I was busy reading some pointers on Efrelyn notes when Von returned. Naupo ito sa tabi ko at inilapag ang laptop sa mesa.
Natigilan ako at napatingin dito.
Nasa sahig kasi ako ngayon nakaupo. Hindi ako sanay sa ganito pero I felt comfortable in here. Mataman kong tiningnan si Von. Mayamaya lang ay napaangat ang gilid ng labi ko noong makitang nahihirapan ito sa posisyon niya. He's a huge man, okay. Mukhang hindi ito komportable sa puwesto namin ngayon dito.
"Von, use the sofa," ani ko at binalingan muli ang notes sa harapan ko. "Hindi ka makakapagtrabaho niyan nang maayos."
"I'm good here," aniya at binuksan na ang laptop nito. Nagkibit-balikat na lamang ako sa kanya at nagfocus sa ginagawa.
Tahimik kami ni Von at parehong abala sa ginagawa. Ni hindi ko ito kinakausap para naman ay matapos na ako agad. Mayamaya lang ay may nagdoorbell kaya naman ay tumayo si Von. Looks like our food is here. Bumalik si Von sa puwesto nito at inilapag rin sa mesa ang inorder kong pizza at chocolate milk shake. Nagpasalamat ako dito at nagpatuloy sa ginagawa.
"Let's eat first, love. Kanina ka pa nakatutok diyan," aniya at itinabi ang laptop na hawak niya. Inilagay nito sa sofa at hinila naman ang pagkain sa gitna ng mesa. Napatingin ako dito at nginitian.
"Five minutes," mabilis na wika ko at tinapos na ang ginagawa. Noong malagyan ko ng highlighter ang huling key word ay isinara ko na ang notebook ko. Itinabi ko na rin ito at hinarap na ang pagkain. "Oh, ba't hindi ka pa kumain?"
"I was waiting for you," sagot nito at ibinigay ang inumin ko. Tinanggap ko ito at kumuha na rin ng pizza.
"Love, about earlier..."
Napatigil ako sa pagkain at tiningnan ito.
"What about that?" tanong ko at nagpatuloy sa pagkain ng pizza.
"Mira's company is one of the major investor of our new resort," aniya na siyang ikinatango ko na lang. "Are you mad at me?"
"No," mabilis na sagot ko at inubos ang kinakain. Kumuha ako ng tissue at noong matapos ako ay hinarap ko na nang maayos si Von. "I'm not mad at you. I'm just pissed at her."
"Love..."
"But, I'm not mad at you. And besides, I trust you..."
Mabilis akong hinila ni Von papalapit sa kanya kaya naman ay natigilan ako sa pagsasalita. He encircled his arms around my waist and dive his face on my neck. I froze at his sudden move.
"Von..."
"Thank you," he whispered and hugged me tighter. "I was worried when I found out that she answered your call that day. I'm really sorry."
"Next time, huwag mong iiwan ang cellphone mo sa kanya," malamig na turan ko na siyang ikinatigil ni Von. "Still, I'm not mad at you."
"Love," anito tila naramdaman ang mahinang pagtawa ko. "You're playing me right now," he said then kissed my neck. I froze because of that. Biglang nanayo ang mga balahibo ko sa batok kaya naman ay napapikit ako. "Behave, love."
Hindi na ako nakagalaw pa. Nanatiling nakayakap si Von sa akin samantalang halos mangawit na ako sa posisyon namin.
"Von, our food..."
"Let me hug you for awhile, please."
"Nangangawit na ako," imporma ko dito. Nakaupo pa rin kasi kami ngayon sa sahig. Ang sakit na rin nang pang-upo ko. Basta na lang kasi ako hinila ni Von at naiwan ang unan doon sa puwesto ko.
"Alright," sambit ni Von at mabilis na kumilos. Akala ko at bibitawan na niya ako ngunit napasigaw na lamang ako noong mabilis na tumayo si Von habang yakap-yakap pa rin ako. In a swift move, pareho na kaming nasa sofa.
"Von!" sigaw ko sa pangalan nito noong mas isinubsob pa ang mukha nito sa leeg ko. Jesus! I'm sitting between his open legs! Damn it, Von Sirius!
"Stay still, love," anito at tumigil ako sa pagkalaw. "Five minutes," dagdag pa niya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Napatango na lamang ako sa kanya at hindi na umangal pa. Isinandal ko na lamng ang likuran sa dibdib nito. Pareho kaming hindi umimik ni Von at dinama na lamang ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. I can clearly hear our breathings. Maging ang tibok ng kanya-kanyang puso ay naririnig ko ngayon.
Mayamaya lamang ay kumilos si Von at inilayo ang mukha sa leeg ko. Ipinatong nito ang baba sa balikat ko at mas hinila pa ako papalapit sa katawan niya.
"Dad talked to me about our engagement again, love. Anong gagawin natin?" mahinang tanong nito na siyang ikinatigil ko.
"Is this proposal still about our company?" tanong ko at hinawakan ang kamay nitong nakayakap sa bewang ko. Pinaglaruan ko ang suot nitong relo at hinaplos ang balat nito."Kung ganoon pa rin ang nasa isipan nila, then, I'll still decline the offer."
Hindi kumibo si Von sa likuran. I sighed. Dahan-dahan akong kumilos at nilingon ito. Kita ko itong nakapikit habang yakap-yakap pa rin ako.
"Von," tawag ko dito. "I don't want to marry you for our business."
Nagmulat si Von at matamang tiningnan ako.
"Then, what about marrying me because you love me."
I froze.
"Von..."
"Forget it," mabilis na wika nito at nag-iwas nang tingin sa akin. Muli nitong isinubsob ang mukha sa leeg ko at hinigpitan muli ang pagkakayakap sa akin.
Mataman kong tiningnan si Von. Hindi na ito muling nagsalita kaya naman ay napabuntong-hininga na lamang ako.
"Von," marahang tawag ko dito at pilit na hinahawakan ang mukha nito. "Look at me, please."
Hindi pa rin kumibo si Von. Mayamaya lang ay naramdaman ko ulit ang labi nito sa leeg ko. Napapikit ako. I bit my lower lip and tried to reach his face.
"Please, tumingin ka sa akin."
"Forget what I've said, love. I know that your not ready for this."
"Kiss me," mariing sambit ko na siyang nagpaangat ng tingin ni Von sa akin. "Kiss me, love."
"Destiny..."
"Kiss me then I'll marry you."
Kita kong natigilan ito dahil sa sinabi ko. Mayamaya lang ay napapikit ito at mabilis na kinalas ang pagkakayakap sa akin.
"Fvck!" I heard Von cursed then captured my lips. Mas inilayo nito ang katawan ko sa kanya at inangat ako para maiharap sa kanya. I immediately encircled my hands around his neck while he's kissing me passionately.
"Marry me, please," he begged and deepen the kiss. I opened my mouth and welcome his kisses.
"Von," I call his name and answered his sweet kisses. "Yes, Von."
Naramdaman ko ang pagkatigil nito sa paghalik kaya naman ay napadaing ako dito!
"Just kiss me, Von Sirius. Damn it!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top