Chapter 23: Careful

"Love, wait up."

Hindi ko pinansin ang tawag ni Von sa akin. Dere-deretso akong naglakad hanggang sa makalabas ako ng mansyon.

"Destiny..."

"Let's go," mariing sambit ko noong nasa gilid na ako ng sasakyan niya. "Umalis na tayo dito."

"Hindi mo pa sila nakakausap," anito na siyang ikinailing ko.

"Wala kaming dapat pag-usapan pa."

"Love, please..."

"Kung hindi mo ako ihahatid, fine! I can drive my car," walang emosyong sambit ko dito at tinalikuran ito. Mabilis naman akong natigilan noong hawakan ni Von ang braso ko at hinila ako papalapit sa kanya. Binalingan ko ito at natigilan noong magtagpo ang mga mata namin. Lahat ng emosyon ko kanina ay tila nalusaw dahil sa titig ni Von. Napayuko ako.

"Calm down, please," ani at niyakap ako. "Don't push yourself too much, love."

"Umalis na tayo. Please," mahinang sambit ko dito noong marinig ko ang boses ni mommy. Tiningnan kong muli si Von at noong tumango ito ay maingat niya akong binitawan at inalalayan papasok sa sasakyan niya.

Hindi agad pumasok si Von sa sasakyan niya. Pinagmasdan ko itong kinakausap si mommy at noong matapos na ay mabilis itong umikot sa may driver seat at sumakay na.

"Love," tawag ni Von sa akin noong nakalabas na kami nang tuluyan sa mansyon. "Tita Amanda asked me to take you home later. Anong oras matatapos ang last subject mo?"

"I don't know," walang emosyong sagot ko dito. "Maybe I'll stay late later. May mga hahabulin akong lesson."

"Sasamahan na kita," aniya at iniliko ang sasakyan nito. 

"May trabaho ka, Von. Ayaw kong makaabala ulit."

"Makaabala? Don't make me laugh, love. Kailan man ay hindi ka naging abala sa akin," wika ni Von at kinuha ang isang kamay ko. Napatingin ako dito. He intertwined our hands then smiled at me. "After your class, meet me in your library. Doon mo na gawin ang mga pending requirements mo."

Hindi ako nakasagot at tiningnan ko na lamang si Von habang nagmamaneho. I'm really thankful that he's here. If Von is not here with me right now, I don't even know if I can leave my room. Tiyak kong gugusto ko lang magkulong sa kuwarto ko at hayaan na lang lahat. This is all new to me at hindi ko alam kung paano ihahandle ang lahat ng ito!

Mayamaya lang ay nasa university na kami. Nagpaalam na ako kay Von at mabilis na bumaba sa sasakyan niya. Pinagmasdan kong pinaandar na nito ang sasakyan hanggang sa nawala na ito sa paningin ko.

Napabuntong-hininga na lamang ako at nagsimula nang maglakad papasok sa main gate ng university. Tahimik akong naglakad papunta sa unang subject ko ngayong araw at noong nasa tapat na ako sa classroom ay mabilis akong natigilan noong may narinig akong nag-uusap sa likuran ko.

"Ang cool talaga ni Xavi!"

Napakunot ang noo ko at mabilis silang binalingan. Tatlong babae ang namataan ko. Ngumiti ang isang at inilabas ang cellphone mula sa bag.

"I even have their schedule for their next gig! I can't wait!"

The girls giggled and continue talking about Xavi and the gig.

Xavi? Imposible naman na ang kakilala kong Xavi pinag-uusapan nila, hindi ba?

Nevermind.

"Destiny!"

Natigilan ako noong marinig ang pagtawag sa akin ni Efrelyn. Mabilis ko itong binalingan at kinawayan ako. Tipid akong ngumiti sa kanya at pumasok na sa classroom. Hindi ko na binigyan pansin pa ang narinig kanina. Mukhang hindi naman ang Xavi na kilala ko ang pinag-uusapan nila.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Efrelyn noong naupo na ako sa tabing upuan nito.

"Feeling better," pagsisinungaling ko sa kanya at napatingin sa binigay nitong notes na hinihiram ko sa kanya. "Thank you, Efrelyn."

"No worries. Ibalik mo na lang sa akin iyan pag tapos ka na," she said then smile at me.

Itinuon ko na lang sa klase ang buong atensiyon ko. Paminsan-minsan ay naaalala ko ang eksena sa mansyon ngunit mabilis akong umiiling para mawala ito sa isipan ko. I don't want to remember those things! Sumasakti ang ulo ko!

Mabilis na lumipas ang oras. Pagkatapos ng huling subject ko, nakatanggap ako ng tawag mula kay Von.

"Done already?" he asked me. Nakarinig ako ng busina sa kabilang linya kaya natitiyak kong nasa biyahe pa ito.

"Oo," sagot ko at lumabas na sa silid. "Papunta na ako ng library."

"Alright. Wait me there, love. Malapit na ako."

"Okay. Drive safely," ani ko at pinatay na ang tawag nito. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at noong marating ko ang library ay mabilis akong pumasok roon.

Napangiwi ako noong makitang maraming tao ngayon sa loob ng library. Napatingin ako sa mesang palaging pinupuwestuhan ko at napakagat na lamang ako ng labi noong makitang may nakaupo roon.

"Now, what, Amari?" mahinang tanong ko sa sarili at lumabas sa library. Malapit na ang examination week kaya naman tiyak kong hindi lang ako ang puspusang nag-aaral ngayon.

Napabuntong-hininga na lamang ako at kinuha ang cellphone sa bag. Naglakad muli ako at tinungo ang gate palabas ng university. Tinawagan ko na rin si Von para maabisuhan itong huwag na siyang pumunta sa library. I need to find another place where I can study the lessons I've missed.

Ilang hakbang na ang nagagawa ko at ilang ring na rin ang lumipas ngunit hindi pa rin sinasagot ni Von ang tawag ko sa kanya. Napakunot ang noo ko at mas binilisan ang paglalakad. Noong matanaw ko na ang gate ay binagalan ko ang paghakbang. Namataan ko na rin sa Von sa gilid ng gate at may kausap ito ngayon.

Tiningnan ko ang cellphone ko at noong makitang hindi pa rin sinasagot ni Von ang tawag ko, nilapitan ko na sila.

"Von."

Mabilis na bumaling sa akin si Von. Kita ko ang gulat nito at tiningnan ang cellphone kong hanggang ngayon ay nasa tenga ko pa.

"I'm sorry," anito at inilabas ang cellphone sa bulsa ng suot na pantalon. Napakunot ang noo nito at binalingan  muli ako. Tinalikuran nito ang kausap at naglakad papunta sa akin. "My phone was in silent mode. I'm sorry, love."

"It's okay," sagot ko at itinago na rin ang cellphone ko. "Maraming tao sa library kaya naman ay umalis na ako roon," imporma ko dito at tiningnan ang kausap nito kanina.

I know this woman. Ito iyong kasama ni Harlyn noong nasa Tagaytay kami. What's her name again?

"Uuwi na ba tayo?"

Napatingin ako kay Von noong magtanong ito. Mabilis akong umiling dito at napabuntong-hininga.

"I need to study but I don't want to go home, Von. Magkakasagutan lang kami ni daddy at tiyak kong hindi ako makakapag-aral kung mangyari na naman iyon."

Hindi nagsalita si Von at kinuha na lamang sa kamay ko ang hawak-hawak na libro. Tiningnan niya lang ako at napabaling sa likuran nito kung nasaan ang kotse nito.

"How about in my place, love?" tanong nito na siyang ikinatigil ko.

"Sa bahay niyo?" I asked him.

"No," mabilis na sagot nito at hinawakan na ang kamay ko. Nagsimula na kaming maglakad ni Von at noong makalapit na kami sa sasakyan nito ay pinagbuksan niya ako ng pinto.

Akmang sasakay na ako noong tinawag si Von ng babaeng kausap nito kanina. Halos sabay kaming napabaling dito.

"About the project in Zambales, kailangan nating bumalik doon para matapos na ito," wika nito na siyang ikinataas ng kilay ko.

Zambales? Project?

Napatingin ako kay Von at namataan ko itong matamang nakatingin sa akin. Naramdam ko ang pagpisil nito sa kamay kong hawak-hawak niya at binalingan ang babae.

"Mira, I told you already my decision about this project. Hindi na ako babalik sa Zambales. Dad already approved this one. One of our manager will continue my work there."

"But, Von!"

"We're leaving," anito at binalingan muli ako. "Let's go, love."

"Von Sirius!" sigaw ng babae na siyang ikinagulat ko. "Don't tell me you're dropping this project because of her? Come on! She's not a child anymore! Kaya na niya ang sarili niya!"

"Zsamira, stop," mariing sambit ni Von na siyang lalong ikinatigil ko.

Kusang umawang ang labi ko at napatingin muli sa mukhang galit na Zsamira.

Right. Now, I remember her. She's the Zsamira and Mira that Harlyn was talking about. Zsamira from Von's past and the Mira who answered my call when Von was still in Zambales.

"Let's go, love..."

"Mira, right?" biglang tanong ko na siyang ikinatigil nilang dalawa. Naramdaman ko ang muling pagpisil ni Von sa kamay ko ngumit hindi ko na ito binigyan pansin. "Stop following, Von. Leave him alone."

Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob para sabihin iyon sa kanya. I'm not into fights but this woman irritates me! Marami na akong problema ngayon sa pamilya ko at kung sasabay pa ito ay tiyak kong masisiraan na ako ng bait!

I need to do something here! Hindi na ako ang Destiny Amari noon! I can fight for what's mine now.

"Stop messing around. Hindi ko pa nakakalimutan ang pagsagot mo sa tawag ko noong nakaraang araw. Careful, Miss. Ikaw na rin ang nagsabing hindi na ako bata," sambit ko dito at binalingang muli sa Von. Kita ko ang gulat sa ekspresyon nito. Paniguradong hindi nito inaasahan ang mga sinabi ko.

 "Let's go, love. Your place, right?" 

"Yes," mahinang sagot nito at inalalayan na ako sa pagsakay.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top