Chapter 22: Breakfast

I mentally cursed when I can't even move a single step.

Ang sama talaga nang pakiramdam ko ngayon! Damn it! Kailangang kong kumilos! I need to stop my mom! Paniguradong mag-aaway na naman sila ni daddy! I already have enough! I just wanted to be at peace while staying in my room!

Bawat hakbang ko ay napapangiwi ako. Pakiramdam ko'y nabugbog ang katawan ko! Idagdag mo pa ang kaunting kirot sa sintido ko! Crap! Tiniis ko ang sakit ng katawan at noong tuluyang nakalabas na ako sa kuwarto ko ay tinungo ko agad ang silid ng mga magulang ko.

"What have you done, Dennis?"

Natigilan ako noong marinig galit na boses ni mommy. Here we go again!

"Sinaktan mo ang anak ko?" pasigaw na tanong nito kay daddy.

"Amanda..."

"Bakit mo sinaktan si Destiny Amari? Dennis naman! You can't do that to her!"

Too late, mom. Too late.

"Hindi ko sinasadya."

"Ano? Kusang gumalaw ang kamay mo at nasaktan mo si Amari? That's bullshit, Dennis! Fvcking bullshit!"

Napasandal ako sa pader malapit sa pintuan nila mommy. Hindi nakasara ang pinto ng silid nila kaya naman ay rinig na rinig ko ang usapan nila. I felt so weak. Hindi ko na sila kayang pigilan pa.

"She thought I was cheating, Amanda!" ani daddy na siyang ikinatigil ko.

Bakit, dad? Hindi ba? May kasama ka, daddy! That was cheating!

"At ano? Imbes na ipaliwanag mo sa kanya ang sitwasyon, sinaktan mo siya!" sigaw muli ni mommy dito. "Dennis, Amari is your daughter! The legitimate one!"

Napaawang ang labi ko sa narinig. What the hell? Anong ibig sabihin ni mommy doon?

"Amanda, stop it."

"No, you stop this, Dennis! Noong sinabi mo sa akin ang tungkol kay Adliana ay halos wala kang narinig sa akin. I was mad, yes, pero alam kung wala itong kasalanan sa kasalanang nagawa mo sa akin. But this is too much for me, Dennis! Sinaktan mo ang anak ko!"

"I'm sorry, Amanda," mahinang wika na daddy. 

Nawalan na ako ng lakas. Napaupo ako at tahimik na pinahid ang mga luha.

What is this? Ano ang pinag-uusapan nila? Sino si Adliana? Damn!

"Huwag ka sa akin humingi ng tawad, Dennis. Kay Amari mo sabihin iyan."

Wala ako sa sariling tumayo at bumalik sa kuwarto ko. Hindi ko na kayang marinig pa ang pag-uusap ng magulang ko. Mas lalong kumirot ang sintido ko dahil sa mga narinig. Mabilis akong pumasok sa silid ko at inilock ang pinto nito. 

Nanghihinang napaupo muli ako.

"L-legitimate daughter," mahinang wika ko at napapikit. No. It can't be happening. Mali ang nasa isip ko ngayon! That woman... damn! This is not true!

"Von..." wala sa sariling banggit ko sa pangalan nito at pilit na kumilos. Tumayo ako at bumalik sa kama ko. Dinampot ko ang cellphone ko at binuksan ito. Segundo lang ang lumipas mula noong binuksan ko ang cellphone ko noong tumawag si Von sa akin.

Mapait akong napangiti at sinagot ang tawag nito.

"Hel..."

"Destiny!" mariing sambit ni Von sa pangalan ko. "Are you okay?"

"Where are you?" mahinang tanong ko dito at naupo sa gilid ng kama ko. "Hindi ka pa ba uuwi?"

"Love..."

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Napahikbi na ako. I need Von right now. I'm losing everything now. Kailangan ko siya para naman maisalba ko ang sarili ko. I can't do this alone.

"Umuwi ka na, please," halos walang tinig na pakiusap ko sa kanya.

"I'm on my way now, Destiny. Wait for me," anito at nakarinig ako ng busina ng sasakyan sa kabilang linya. He's driving! "Stop crying, love. Malapit na ako."

"A-ang sakit," mahinang sambit ko at inilagay ang isang kamay sa dibdib. "T-this is too much."

"Love, listen to me. Calm down, please. Malapit na ako."

"I c-can't calm d-down," halos wala ng tinig na sambit ko at nagpatuloy sa pag-iyak. Hindi na ako nakapagsalita pang muli. Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak at nabitawan ko ang cellphone ko. 

What the hell is happening? Sino ang babaeng kasama ni daddy kahapon? Damn it! My mind can't accept this! I will never accept this!

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako habang umiiyak. Nagising na lamang ako dahil sa haplos na nararamdam ko sa mukha ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at noong makita ko ang mukha ni Von ay mabilis akong kumilos at niyakap ito.

"You're here," mahinang sambit ko at humigpit ang yakap sa kanya.

"I'm sorry I'm late," ani Von at hinalikan ako sa ulo ko.  "I'm sorry."

Umiling ako dito at humiwalay sa kanya.

"Kanina ka pa?" tanong ko habang pinagmamasdan ko ito nang mabuti. He's really here!

"About an hour ago, love," anito at hinaplos ang pisngi kong may pasa. "I already asked your mom about this but she refused to answer me. Anong nangyari dito?"

"Accident," pagsisinungaling ko at niyakap muli ito. "I'm sorry. I was careless."

"Love..."

"Thank you for coming home. Thank you," sambit kong muli at mariing kinagat ang pang-ibabang labi. "I d-don't know what to do now, Von. Litong-lito na ako."

"Clear your mind for now. Kailangan mong magpahinga. Your eyes are swollen. Rest for now."

Tumango ako at hindi na nagsalita pa. Muli akong pinahiga nito Von at inayos ang pagkakalagay ng kumot sa katawan ko.

"Nagpaluto ako ng pagkain mo. Tita Amanda told me that you haven't eaten anything, Destiny. Lalo kang manghihina niyan."

Tipid akong ngumiti dito at ipinikit ang mga mata.

"I won't leave, love. Babantayan kita."

Naging magaan ang pakiramdam ko pagkatapos kong makapagpahinga. Von never leave my side. Siya ang nag-aasikaso sa akin hanggang sa abutin na ito ng gabi sa mansyon.

"You'll sleep here?" tanong ko dito noong matapos akong kumain. Tumango ito at inilapag sa try platong hawak-hawak.

"Nakapagpaalam na ako. I'll stay here until you feel better."

"Pero, saan ka matutulog?" Nakakunot na noo kung tanong dito?

Pinagmasdan ko itong itinuro ang sofa sa loob ng kuwarto ko. Napaawang ang labi ko dahil dito.

"Hindi ka kakasya riyan, Von!" ani ko at tiningnan ang sofa ko. Sa tangkad niya, tiyak kong nakabaluktot siya diyan!

"I can manage myself, love."

"Von..."

"Huwag mo na akong alalahanin pa. Magpahinga ka na para naman makapasok ka na bukas," anito at inayos ang unan sa likod ko. "You can't skip your classes anymore, love."

"I know," I sighed then looked at him again. "Magpahinga ka na rin. Ibigay mo na iyang mga plato sa maid."

"Yes, ma'am," nito at nginitian ako.

Kinabukasan, maaga akong nagising para makapaghanda sa pagpasok. I feel better now. Naimumulat ko na rin nang maayos ang mga mata. My swollen eyes are now gone.

Maingat at walang ingay akong kumilos para hindi ko magising si Von. Tahimik akong naglakad at nilapitan ito. Dahan-dahan akong naupo at tiningnan nang mabuti ang mukha nito. Tipid akong napangiti at napailing sa kanya. Talagang pinagkasya niya ang sarili sa maliit na sofa ko. I offered him some of our guest room but he declined. Hindi  niya raw ako mababantayan nang maayos kong nasa ibang silid ko. At noong sinabihan ko naman itong tumabi na lamang sa akin, mabilis naman itong tumanggi sa naging alok ko.

"Goodmorning." Natigilan ako noong magsalita ito. Mayamaya lang ay iminulat nito ang mga  mata. He smile at me then touched my face. "Feeling better now?"

Tumango lang ako dito at tumayo na.

"Maliligo na ako at maghahanda sa pagpasok. Ihahatid mo ba ako?" Tanong ko sa kanya na siyang mabilis na ikinaupo nito sa sofa.

"Yes, love, ako ang maghahatid ngayon sa'yo."

"Thank you," nakangiting tugon ko at pumasok na sa banyo.

Noong matapos ako ay mabilis akong lumabas sa kuwarto ko. Napakunot ang noo ko noong makitang wala roon si Von. Siguro ay nasa guest room ito at doon na naligo. Nagkibit-balikat na lamang ako at inayos na ang mga gamit ko. Isinilid ko sa bag ang cellphone ko at mabilis na lumabas sa kuwarto ko.

Tahimik akong bumaba at noong makarinig ako ng mga boses sa kusina ay dumeretso na ako roon.

Akmang magsasalita na ako upang batiin sila mommy ay mabilis akong napako sa kinatatayuan ko.

Mabilis na napabaling si Von sa akin na ngayon ay nakatayo lamang sa may gilid. Kita ko ang gulat nito at agad na nilapitan ako.

Halos manghina ako noong mabilis na hinawakan ako ni Von sa bewang ko. Napatingin ako sa mga taong nasa hapag. Mommy was shocked too. Kita ko ang pamumutla nito habang nakatingin sa akin.

"What is this?" halos walang tinig na tanong ko sa kanila. Napatingin ako kay daddy at sa babaeng nasa tabi nito. "A-anong mayroon? B-bakit nandito siya?"

"Amari, anak..." ani mommy at mabilis na tumayo sa kinauupuan niya. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang mga kamay. "Your dad invited her. Come on, ipakikilala kita."

"No, mom!" sigaw ko at binalingang muli si daddy at iyong babae. "Paalisin niyo siya," mariin sambit ko dito. Agad kong naramdaman ang pagpisil ni Von sa bewang ko. Looks like he's trying to stop me. But, no! I can't accept this! Ni hindi pa nga nila ipinaliwanag sa akin ang lahat tapos ngayon ay may ipakikilala sila sa akin?

"Destiny Amari," mariing sambit ni daddy sa pangalan ko. "Stop being a brat."

What?

"Dennis!"

"A w-what, dad?"

"Just sit here and eat your breakfast," he coldly said then drink his coffee.

Masama ko itong tiningnan. Unbelievable! He's cruel! How can he say those words to me? Ni paghingi nito nang tawad sa akin ay hindi niya magawa tapos ngayon sasabihan niya akong maupo at sumabay nang pagkain sa kanila! Oh my God! He's heartless!

"No," mariing sambit ko at umatras. Maging si Von ay napaatras dahil sa ginawa ko. Mommy hold my hand tighter. Napatingin ako dito. "Nawalan na ako nang ganang kumain, mom," wika ko dito at binawi ang kamay ko sa kanya.

Muli kong binalingan si daddy at walang emosyong tiningnan ito.

"Enjoy your breakfast," sambit ko at tinalikuran na sila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top