Chapter 20: Pain

Kanina pa ako nakasunod sa sasakyan ni daddy.

It's a good thing na hanggang ngayon ay hindi pa niya napapansin ang sasakyan ko pero kung iisipin ko ang ginagawa nito sa loob ng sasakyan niya, damn, stop, Destiny Amari! This is not good for me! My mind is torturing me right now!

Muling tumunog ang cellphone ko. Napabuntong-hininga na lamang ako at hindi ito binigyan nang pansin. Ilang beses nang tumatawag si Von si akin at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito sinasagot. Hinayaan ko na lamang ito. At noong natapos ang pagring ng cellphone ko, mabilis ko itong dinampot at pinatay. Bahala na! I don't need any distraction now! I need to focus on my father!

Sa isang sikat na restaurant tumigil ang sasakyan ni daddy. Binagalan ko ang pagpapatakbo nang sasakyan ko at itinabi ko ito 'di kalayuan sa building ng restaurant. Tahimik ko silang pinagmasdan hanggang sa tuluyang nakalabas na sila ng kasama niya.

Mariin kong ikinuyom ang mga kamay. Sana talaga mali ang nasa isipan ko. Sana lang ay mali ang hinala ko sa mga nangyayari.

Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago tuluyang bumaba sa sasakyan. Dala-dala ang bag, tahimik akong naglakad papasok sa restaurant.

"Good afternoon, ma'am," bati ng staff sa akin pagkapasok ko sa restaurant. "May reservation po ba?"

"None," mabilis na sagot ko at inilibot ang paningin sa kabuuan ng restaurant. Napakunot ang noo ko noong makita si daddy at ang kasama nito. Hindi pa sila nagsisimulang kumain kaya naman ay naglakad na ako papalapit sa kanina.

"Ma'am..."

"It's okay. I'm here with my father," wika ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

Noong tuluyang nakalapit na ako sa kanila, unang nakapansin sa akin ang kasamang babae ni daddy. Ito kasi ang nakaharap sa gawi ko samantalang nakatalikod naman si daddy sa akin.

Pinagtaasan ko ng kilay ang babae at naupo sa bakanteng upuan sa tabi ng aking ama. Good thing and they reserved four seats. Siguro ay may hinihintay pa sila. Sana nga.

"Dad," ani ko at inilapag ang dalang bag sa mesa.

Kita ko ang gulat sa mukha ni daddy kaya naman ay hindi ko inalis ang paningin ko sa kanya.

"Amari! What are you doing here? Hindi ba't may klase ka pa?" tanong nito at binitawan ang menu book na hawak-hawak.

"I skipped my last period, dad. How about you? Hindi ba dapat ay nasa opisina ka pa sa mga oras na ito? Don't tell me you skipped from your office, too?" Walang emosyong tanong ko dito.

"Amari," may pagbabantang wika nito at binalingan ang kasama nito. "Excuse us. Kakausapin ko lang si Amari," paalam nito sa kasama at mabilis na hinila ako papalabas ng restaurant.

"Dad! Nasasaktan ako!" asik ko at binawi ang brasong hawak-hawak niya. Masama ko itong tiningnan at binalingan ang restaurant kung saan namin iniwan ang kasama nito. "What is this, dad? Are you..."

"Stop it, Amari. Umuwi ka na lang muna. Sa bahay na tayo mag-usap," anito na siyang ikinalaglag ng panga ko. Really? Pinapauwi na niya ako? This is bullshit!

"No, dad. Tell me, sino ang kasama mo?" mariing tanong ko dito.

"Destiny Amari..."

"Tell me, dad!"

"Don't raise your voice on me, young lady!"

Natigilan ako sa sinabi ni daddy. Sa tono pa lang nito ay alam kong galit na ito sa akin ngayon. But, no! Hindi na ako bata para matakot sa ganyang bagay!

"Sa bahay na tayo mag-usap. Umuwi ka na."

"You're cheating, daddy," mariing sambit ko na siyang ikinapikit ni daddy ng mga mata. "Why, dad?"

"No one's cheating here, Amari," ani daddy at mataman akong tiningnan. "Go home. I'll talk to you later."

"No," mahinang wika ko dito. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ipinapaliwanag sa akin ang lahat. Sino iyang kasama mo? Babae mo, dad? Ipinagpalit mo na si mommy sa kanya? Sa amin? Tell me, dad!"

Kusang umawang ang mga labi ko noong maramdaman ko ang sampal ni daddy sa pisngi ko. Napahawak ako sa kanang pisngi ko at halos maiyak na tiningnan si daddy. Kita ko ang gulat din sa mukha ni daddy. Napaatras ako dito noong akmang hahawakan niya ako sa kamay ko.

"Amari... I'm sorry. Hindi ko..."

"You slapped me," mahinang wika ko habang hawak-hawak pa rin ang kanang pisngi ko. "So, you're really cheating, huh."

"No, Amari! It's not like that!"

"No, you choose to hurt me, dad. You already confirmed it to me by your action," mapakla akong natawa at umatras muli palayo sa kanya. "I... I can't believe this. You hit because of her, daddy."

"Destiny Amari, I'm sorry. Please, listen to me."

"I'm leaving," mabilis na paalam ko dito at tinalikuran na ito. Hindi ko na pinansin si daddy kahit panay ang tawag nito sa akin. Agad akong sumakay sa sasakyan ko at pinaandar ito.

Mariin akong napahawak sa manibela noong maramdaman ko ang hapdi sa kanang pisngi ko. Napahugot na lamang ako nang malalim na hininga at nagfocus na lamang sa pagmamaneho.

Itinabi at itinigil ko ang sasakyan noong hindi ko na nakayanan pa ang emosyon ko. Napayuko ako at ibinuhos na ang mga luhang kanina pa nais kumala sa mga mata.

"Why?" mahinang tanong ko sa sarili habang dinadama ang sakit sa dibdib ko. "Why everything's mess up?"

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Akala ko ba maayos ang issue sa mga magulang ko? Bakit may ganito pang nangyayari? Bakit? Damn!

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakayuko habang umiiyak. Napaayos na lang ako nang pagkakaupo noong makarinig ako ng busina sa tabi ng sasakyan ko.

Napalunok ako at pinahid ang mga luha. Napangiwi ako dahil sa hapdi ng mga mata ko. Isinandal ko lang muna ang likuran ko sa backrest ng upuan at mariing ipinikit ang mga mata. I can't drive like this. Baka madisgrasya pa ako pagpinilit ko ang pagmamaneho.

Noong kumalma na ako ay dahan-dahan akong kumilos at binuhay muli ang sasakyan. Maingat akong nagmaneho hanggang sa makarating ako sa isang pamilyar na lugar. Ilang kilometro na lang ang layo nito mula sa village namin. Muli kong ipinarada ang sasakyan at bumaba.

Tahimik akong naglakad patungo sa mini-park na naroon.

Ayaw ko pang umuwi sa bahay. Baka nakauwi na si daddy. I don't want to talk to him.

Maingat akong naupo sa pinakamalapit na bench na nakita ko. I sighed then hugged myself when I felt the cold weather. Wala sa sarili akong napatingin sa relo ko at napangiwi na lamang noong makita alas-nuebe na pala ng gabi.

"Malamang ay hinahanap na ako ni mommy," mahinang sambit ko at tumingala sa lahat. Halos wala akong makitang bituin ngayon. I sighed again. "Mukhang uulan pa yata."

"Then, you better get going."

Napabaling ako sa nagsalita sa tabi ko.

Mabilis akong napaayos nang pagkakaupo at pinagmasdan itong mabuti.

No. This is not Von Sirius! This is the man that look exactly like him! Anong ginagawa niya dito?

"Who are you?" Tanong ko habang hindi inaalis ang paningin sa kanya. Nakatingala ito ngayon sa langit at noong bumaling ito sa akin ay napaawang ang labi ko.

My heart. My heart is beating painfully. Again.

"Who are you?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top