Chapter 18: Hit

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala.

Napakurap na lamang ako noong tawagin ni mommy ang pangalan ko. Mabilis akong bumaling dito at napaayos nang pagkakaupo.

"What's wrong, Amari?" tanong niya sa akin habang umiinom ng tubig. Kanina, sabay na dumating ang mga magulang ko. Nagpahinga lang sila saglit at kumain na rin kami ng hapunan namin.

Hilaw akong ngumiti dito at umiling.

"Nothing, mom," sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain.

Hindi na nagtanong pang muli si mommy. I know she's watching me right now. Mariin kung kinagat ang pang-ibabang labi at pinilit ang sariling kumain nang maayos.

"By the way, Amari," sambit ni daddy na siyang ikinatigil ko. "Nakausap mo na ba si Von?"

Takang napatingin ako kay daddy.

"Si Von po? Hindi pa po, dad. I was calling him earlier pero mukhang abala ito doon sa resort nila," sagot ko at inubos ang tubig sa baso ko.

"Ilang araw pa siya sa Zambales?" tanong ulit ni daddy sa akin.

"Two weeks pa po," sagot ko ulit at isinandal ang likod sa backrest ng upuan. I'm done with my food now. "Why, dad? May kailangan po kayo Von?"

Kita kong tumango si daddy sa naging tanong ko. Napakunot ang noo ko at hindi inalis ang tingin sa kanya.

"Well, Miguel and I talked about your engagement with Von," kaswal na wika ni daddy na siyang ikinatigil ko. Engagement? Again? Hindi ba sila nagsasawa ni Tito Miguel sa usaping iyan?

"Dad, napag-usapan na po natin ang tungkol sa bagay na iyan, hindi ba?" magalang na wika ko at bumaling kay mommy. Tahimik lang itong nakamasid sa aming dalawa ni daddy. I sighed. Here we go again. "At isa pa dad, Von and I talked about this too. Magpapakasal kami sa tamang panahon. Not now, please. Nag-aaral pa po ako."

"Amari, you can still continue your studies and graduate even after marrying Von.  We can't delay this engagement again."

"Dad, please."

"Dennis, stop it already. Don't force your daughter," singit ni mommy sa sagutan namin ni daddy. "I'll talk to Miguel and Gretchen. Hindi natin puwedeng pilitin ang mga bata."

"This engagement was suppose to happened two years ago, Amanda. Dapat matuloy na ito ngayon!"

Napapikit ako dahil sa sinabi ni daddy. I sighed. Trying to control my emotions. Napailing na lamang ako at tumayo na sa kinauupuan.

"Dad, if we're doing this engagement for our business, then, I'll decline the proposal. Yes, I love Von, there's no doubt about that.  But dad, only him can ask my hand for marriage. Not our business."

"It's the same thing, Amari! Kayo pa rin naman ang magkakatuluyan," ramdam ko ang frustration ni daddy sa akin. Napailing muli ako dito at mariing ikinuyom ang mga kamay.

"No, dad. Magkaiba po iyon," mariing sambit ko. "Excuse me. Babalik na po ako sa kuwarto," mabilis na wika ko at tinalikuran na ang dalawa. Hindi ko na sila binalingan pa kahit panay ang tawag ni mommy sa pangalan ko. Dere-deretso akong naglakad at noong makapasok na ako sa silid ko, pabagsak kong isinara ang pinto.

This is so frustrating!

What the is hell happening? Paanong napunta roon ang usapan namin nila daddy kanina? Akala ko ba'y kami ni Von ang magdedesisyon sa bagay na iyon?

Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at kinuha ang cellphone sa bulsa. Tiningnan ko ang numero ni Von sa screen at nagdadalawang-isip pa kung tatawagan ko ba ito o hindi na lang muna.

"Please, answer my call this time, Von Sirius," mahinang wika ko at tinawagan na ito. I need to talk to him or else I'll go nuts here!

I was biting my lips when Von finally answered my call. Napaupo ako sa gilid ng kama ko at walang ingay na bumuntong hininga.

"Love," bungad nito sa akin. "I'm sorry about earlier. May kausap ako kanina noong tumawag ka," anito na siyang ikinatango ko na lamang.

"It's okay," sambit ko at napatingin sa gawing kanan ko. I froze. Damn! I almost forgot about that painting! Bakit ko ba ito ipinasok sa silid ko?

"Love? Are you okay?"

Napakurap ako noong marinig ang boses ni Von sa kabilang linya. Mabilis ko itong sinagot at napailing na lamang.

"Kailan pala ang balik mo?" tanong ko at nahiga sa kama. Ipinikit ko ang mga mata at pinakinggan nang mabuti ang boses ni Von.

"May dalawang linggo pa ako dito. First week of September. I'll be home before your birthday, love," sagot ni Von.

Napamulat ako at napaisip kung sasabihin ko ba sa kanya ang naging pag-uusap namin ni daddy o huwag na lamang. Pareho naman kasi ang opinyon namin ni Von sa engagement na prinopropose ng mga magulang namin. We already talked about this and I guess, we both still doesn't want to do it. Not right now.

Natapos ang pag-uusap namin ni Von na hindi ko man lang nasabi sa kanya ang mga bagay na kanina pa gumugulo sa akin. Kahit ang tungkol kay Andrea at sa kaibigan nitong si Aleph ay hindi ko man lang nabanggit.

I sighed.

It's not a  big deal, though. Hahayaan ko na lang siguro ito. Andrea can handle this. She's a strong woman. She can definitely overcome this pain again. Or not.

"Andrea! Stop it! Maaga pa!" sambit ko habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa kumot na nakabalot sa katawan ko.

"Come on, Destiny Amari! It's already nine in the morning!" wika nito at muling hinila ang kumot ko.

"Today's saturday, Andrea! I don't have a class, for Pete's sake! Gusto ko pang matulog!"

"Samahan mo na ako. Please," pangungulit nitong muli sa akin at naupo sa kama ko. "I just want to go somewhere, you know. Ayaw kong tumambay sa bahay. Baka masiraan na ako nang bait kung mananatili ako roon! I need to escape from all of this!"

Mabilis akong napamulat ng mga mata at inalis ang kumot sa mukha. Tiningnan ko ang pinsan ko at pinagmasdan ito nang mabuti. She looked so stress. And her eyes! Natutulog pa ba ang isang ito?

I sighed.

"Fine, sasamahan na kita," pagsuko ko at naupo na mula sa pagkakahiga. Kita ko ang ngisi ni Andrea kaya naman ay inirapan ko ito. Kilalang-kilala talaga ako ni Andrea. Alam nito ang kahinaan ko. She knows that I can't say no to her. Iiyak lang ito sa harapan ko at talagang sasamahan ko na ito sa kahit saang lugar na gustong puntahan niya. "Go, sa baba ka na maghintay sa akin. Mag-aayos na ako."

Ngumiting muli si Andrea sa akin. Tumayo na ito at mabilis na lumabas sa silid ko. Napailing na lamang ako at tumayo na. Mabilis akong kumilos. Noong matapos na ako ay agad akong lumabas sa silid ko at bumaba na. Naabutan ko namang abala si Andrea sa cellphone niya at hindi nito napansin ang paglapit ko sa kanya.

"Let's go," yaya ko dito noong nasa harapan na niya ako.

Kita kong mabilis na ibinaba ni Andrea ang cellphone at tipid na ngumiti sa akin. Tumayo na ito at mabilis na iniyakap ang braso sa braso ko.

"You'll drive?" tanong nito habang palabas na kami sa mansyon. Tumango ako dito at inilabas ang susi ng sasakyan.

"Wala si Kuya Nate ngayon. Day off," tipid na wika ko at sumakay na sa driver seat . Sumunod naman si Andrea at naupo na rin sa tabi ko.

"Dapat pala nagdala rin ako ng sasakyan. I can't trust you and your driving skills, you know."

Natawa ako sa sinabi nito at pinaandar na ang sasakyan. Well, wala siyang choice ngayon. Wala kaming driver at sa aming dalawa, ako lang ang marunong magmaneho. At isa pa, it's her fault! Siya ang may gustong umalis kami ngayon!

"Saan mo ba gustong pumunta?" tanong ko dito noong nakaalis na kami sa mansyon. Naramdaman ko ang paggalaw ni Andrea sa tabi ko. Mabilis ko itong tiningnan noong hindi ito sumagot sa akin. Namataan ko itong nakatingin sa labas ng sasakyan kaya naman ay napabuntong-hininga na lamang ako.

"Andrea," tawag ko dito at muling ibinaling sa daan ang paningin.

Mabilis akong napamura at tinapakan ang preno ng sasakyan. Napangiwi ako dahil sa biglaang pagtigil nito. Maging si Andrea ay napasigaw dahil sa ginawa ko.

"The hell! What happened, Destiny?" Agarang tanong ng pinsan ko at binalingan ako. Napaawang na lamang ang mga labi ko at mabilis na lumabas sa sasakyan. For Pete's sake! Hindi pa kami nakakalagpas sa main gate ng village namin!

Natigilan ako at napako sa kinatatayuan noong makita ko ang lalaking masamang nakatingin sa sasakyan ko.

"Destiny! Anong nangyari?" Rinig kong tanong muli ng pinsan ko at natigilan din noong nakita ang lalaki.

"You almost hit me, Miss," malamig na turan nito na siyang ikinakabog ng dibdib ko.

"I'm really sorry!" mabilis na sambit ko at nilapitan ito. "N-nasaktan ka ba?"

"Jesus, Destiny," wika ni Andrea at lumapit na rin sa akin. "We're really sorry, sir. Please, tell us kung nasaktan ka para..." natigilan si Andrea sa pagsasalita at mabilis na napahawak sa braso ko. "Von?" mahinang sambit nito.

"I'm fine," wikang muli ng lalaki at inayos ang suot na sombrero. Ngayon ay halos hindi ko na kita ang buong mukha nito. Napakurap ako. "Next time, eyes on the road, ladies.," dagdag pa nito at tinalikuran kami ni Andrea.

Napaawang ang mga labi ko.

"What the hell?" rinig kong bulong muli ni Andrea kaya naman ay napailing na lang ako.

Yeah. Like, what the hell?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top