Chapter 14: Cheat
"Smile."
Kusang napangiti ako noong iniharap ni Von sa akin ang camerang dala niya. Ilang click ang ginawa niya bago siya tumigil sa pagkuha sa akin ng litrato. At habang pinagmamasdan niya ang mga kuha niya sa akin, tahimik kong pinagmamasdan ang mga magandang tanawin sa harapan ko.
Nasa Tagaytay kami ngayon ni Von.
Dahil nga sa nangyayari sa pamilya ko ngayon, Von suggested to visit one of their resort here in Tagaytay. Para naman daw malibang ako at para pansamantalang makalimutan ko ang problema ko.
I sighed.
"Love..."
Napakurap ako noong marinig ang boses ni Von. Mabilis ko itong binalingan at tipid na nginitian. Damn it! Stop spacing out, Destiny Amari!
"I'm sorry," ani ko at muling napatingin sa kawalan. "I can't just forget about my problem."
"It's okay," mahinang sambit ni Von at mabilis na hinawakan ang kamay ko. "Gusto mo na bang umuwi?" Tanong nito at pinagsiklop ang mga kamay naming dalawa.
Umiling ako dito at binalingang muli.
"No, we'll stay here, love. Tama ka nga. Dapat ay hayaan ko muna sila mommy at daddy na ayusin ang problema nila. Kung nasa mansyon ako ngayon, tiyak kong hindi sila makakapag-usap nang maayos."
Marahang naglakad si Von at agad akong niyakap sa likuran. Isinandal ko ang likod ko sa dibdib niya at napapikit na lamang.
"Everything will be fine, love," anito at hinalikan ako sa ulo.
"I know."
Ipinasyal ako ni Von sa iba pa nilang property dito sa Tagaytay. Dalawang resort at isang kilalang restaurant ang pagmamay-ari ng pamilya nila. Napangiti na lamang ako habang sobrang passionate itong nagtuturo sa akin ng ilang bagay tungkol sa business nila.
"Once you graduate, masasanay ka rin sa ganitong environment," aniya at marahang hinila ako papalapit sa kanya.
"You think I can handle our company?" I asked him.
"Of course! You're smart, love. You can easily learn the business stuff."
"I just want to paint, you know," naiiling na sambit ko na siyang ikinangiti ni Von sa akin.
"Then you'll paint, love. Ako na ang bahala sa iba."
Kakatapos lang naming mag-dinner ni Von at ngayon ay pabalik na kami sa unang resort na pinuntahan namin kanina. Nakapagpareserved na rin kami ng room at naroon na rin ang gamit namin.
Tahimik ko lang pinagmamasdan si Von habang nagmamaneho ito.
Ano na lang kaya ang mangyayari sa akin kung hindi ko ito kasama ngayon? Tiyak kong magmumukmok lang ako sa bahay kung sakaling walang Von Sirius sa buhay ko. My life was dull before I met him. Kung hindi ko ito nakilala noon sa resort nila, tiyak kong iiiyak ko na lang itong problemang mayroon ako ngayon.
"Thank you," mahinang sambit ko habang nakatingin pa rin sa kanya. Bahagyang bumaling si Von sa akin at muling itinuon sa pagmamaneho ang atensiyon. Mayamaya lang ay kinuha nito ang kamay ko at inilapit sa labi niya. He kiss my hand then intertwined it with his.
Hindi na ako nagsalita pa para hindi maabala si Von sa pagmamaneho.
Noong marating namin iyong resort nila ay mabilis kaming pumasok sa room namin. Napabaling ako dito noong makakita ng dalawang kama sa loob ng silid na inirequest nito sa staff nila.
"I hope it's fine with you, love. I prefer to have you in the same room," aniya at bahagyang ngumiti sa akin.
"It's okay. Iyon din naman ang sasabihin ko kung sakaling dalawang room ang kinuha mo para sa atin. Sayang iyon at puwede niyo pang ibigay iyon sa ibang guest," sambit ko at naupo sa kamang malapit sa salamin.
"Maliligo lang ako. Nasa cabinet na rin iyong dala mong gamit. Check it para kung may kulang, magrerequest tayo," ani Von at pumasok na banyo.
Tumayo ako sa kinauupuan at tinungo ang cabinet na itutukoy ni Von. Napangiti na lamang ako noong makitang kompleto ang mga gagamitin ko. Muli ko itong isinara at bumalik sa kamang gagamitin ko.
I was busy spacing out when I heard my phone's ringing. Mabilis ko itong kinuha sa bag ko at sinagot agad noong makitang si mommy ang tumatawag sa akin.
"Mommy," bungad ko sa kanya.
"Where are you? Nasa resort na ba kayo ni Von?" tanong nito sa akin. Napatayo ako at hinawi ang kurtina sa may bintana.
"Yes, mom," sagot ko dito. Kanina bago kami umalis ni Von sa mansyon ay itinext ko ito at nagpaalam. I know she's busy dealing with father kaya naman ay hindi ko na ito tinawagan pa.
Katahimikan.
Tanging buntong-hininga na lamang ni mommy ang naririnig ko sa kabilang linya. Napapikit na lamang ako at mariing kinagat ang pang-ibabang labi.
"Hindi pa rin kayo nakapag-usap nang maayos, mom?" I asked her.
"I'm sorry, Amari," ani mommy na siyang nagpawala ng lakas ko. "But don't think too much about us, darling. This problem is between me and your dad. Huwag mo kami masiyadong problemahin. Just enjoy your stay there. Minsan lang kayo makapamasyal ni Von, right?"
"Mom..."
"Don't worry about us, Amari. Okay?" ulit nito kaya naman ay napatango na lamang ako. "Alright, magpahinga ka na. Just call me kung pabalik na kayo bukas. Magpapaluto ako ng pagkain natin nila Von."
"Yes, mom," mahinang sagot ko dito at napatingala na lamang.
"Goodnight, Amari. I love you, darling."
"Goodnight, mommy. I love you too."
Maingat kong inalis sa tenga ang cellphone. Napabuntong hininga na lamang ako at akmang babalik na ako sa kama para maupong muli noong bigla akong napako sa kinatatayuan ko. I felt Von's arms around my waist. He didn't utter a word and just hug me behind.
"You think..." I said, trying so hard to say what's on my mind. "My dad... is cheating on my mother," halos pabulong ko nang banggitin ang panghuling salitang binitawan ko.
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Von sa akin. Napayuko na lamang ako at hinawakan ang mga kamay nitong nasa bewang ko. Nanghihina na ako at tanging ang paghawak na lamang kay Von tanging kaya kong gawin ngayon.
"Stop it already, love," bulong ni Von sa akin. "Calm down, please. You're trembling."
Mabilis akong iniharap ni Von sa kanya kaya naman agad akong yumakap dito. Ang kanina ko pang pinipigilang luha ay nag-unahan nang lumabas sa mga mata ko. Damn this tears! Lalo akong nanghihina dahil dito!
"Destiny Amari..."
"I d-don't know what to do, Von. W-wala na rin akong ibang maisip na d-dahilan kung bakit sila nag-aaway ngayon," I cried harder inside his arms.
Hindi na nagkomento si Von sa mga salitang binitawan ko. Marahan niya lang hinahaplos ang likod ko at pinatahan na sa pag-iyak.
Ilang sandali lang ay tumahan na rin ako kakaiyak. Pinaupo ako ni Von sa gilid ng kama at mabilis na kumuha ng tubig. Noong makainom ako at maingat niya akong pinahiga para makapagpihinga na.
"Sleep, love. Babantayan kita," anito at hinaplos ang mukha ko. Ngumiti ako dito at ipinikit ang mga mata. Wala na rin akong sapat na lakas pa para magpasalamat dito. Naramdaman ko na lamang ang paghawak nito sa kamay ko hanggang sa makatulog ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top