Chapter 13: Hug
Marahan kong inayos ang kumot na bumabalot sa katawan ni mommy.
Ilang oras din ang ginugol ko para pakalmahin ang aking ina. Panay ang iyak lang nito at hindi ko siya makausap nang maayos. Kaya naman noong kumalma na ito kanina, sinabihan ko na itong magpahinga. Buti na lang talaga ay sumang-ayon ito sa akin. Dahil kung hindi, tiyak kong bibigay na rin ako at iiyak kasabay nito.
I sighed then started walking towards my room.
Mabilis akong napaupo sa gilid ng kama ko at napabuntong-hininga na lamang. Maingat akong nahiga at mariing ipinikit ang mga mata. Mayamaya lang ay mabilis akong napabangon noong tumunog ako cellphone ko. I silently cursed when I saw Von's name on my screen. Damn! I forgot about him!
"Hello?"
"What happened, Destiny?" Ito agad ang bungad niya sa akin. Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya kaya naman ay napakagat na lamang ako ng labi ko. "I've been calling you for an hour now, love. Nakatulog ka ba?"
Umiling ako kahit alam kong hindi naman niya ako nakikita ngayon.
"I just talked to my mom. Naiwan ko ang cellphone ko sa kuwarto," mahinang sambit ko at nahigang muli. Suddenly, all my energy earlier left my body. And hearing Von's voice makes me want to cry now. I feel so weak.
"Is everything's okay? Anong sabi ni Tita Amanda?"
"I don't know, Von," halos walang lakas kong sagot dito. "Hindi ko ito makausap nang maayos."
"Are you okay? Gusto mo bang pumunta ako riyan?"
Mabilis akong napatingin sa orasan at noong makitang alas-nuebe na ng gabi ay mabilis akong umiling.
"Destiny?"
"I'm okay, Von. Napagod lang ako sa nangyari. I just want to rest," sambit ko dito at bumuntong-hininga. "Magpahinga na tayo. Bukas ko na ikuwento ang nangyari."
"Alright," sagot nito at bumuntong-hininga rin sa kabilang linya. "Goodnight, love. I love you."
Napangiti ako sa sinabi nito. Marahang kong pinahid ang mga luhang kumala sa mga mata ko at mabilis na kinagat ang mga labi.
"Goodnight, Von. I love you, too," mabilis na wika ko at pinatay na ang tawag nito.
Marahan akong tumayo sa higaan ko at nagtungo sa bintana ng silid ko. Hinawi ko ang kurtinang naroon at matamang tiningnan ang labas ng mansiyon.
Dalawang oras na ang lumipas simula noong umalis si daddy. Tinatawagan ko rin ito kanina pero mukhang nakapatay ang cellphone nito. I sighed. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Paano ako makakatulong sa problema ng mga magulang ko?
Maaga akong bumangon kinabukasan. Kahit walang pasok ay maaga akong nagising. Well, halos hindi naman talaga ako nakatulog kagabi kakaisip sa nangyari. Mabilis akong naligo at noong natapos na ako sa pag-aayos ng sarili ay tinungo ko ang silid ng mga magulang ko.
Napakunot ang noo ko noong makitang wala na sa silid si mommy. Marahan akong naglakad papasok dito at tinungo ang banyo. Tinawag ko si mommy ngunit wala ito roon.
"Where is she?" I asked myself when walking towards the door. Hindi naman siguro aalis si mommy sa mansiyon. Maaga pa at tiyak kong pagod din ito sa nangyari kagabi!
Mabilis akong bumaba mula sa pangalawang palapag ng mansiyon at hinanap si mommy. Kunot-noo akong naglalakat at natigilan noong marinig ang tawa ni mommy sa kusina. Natigilan ako sa paglalakad at sinilip sila sa kusina.
I smile when I saw my mother's smiling.
"Really, Von? That's good news, hijo!" anito at may inilapag sa mesa. What is that? Pancakes?
Nagluto siya? Oh my! She cooked again!
"Yes, tita. Once we close the deal, mukhang hindi na ako makakapagpart-time sa firm ng tito ko," ani Von at uminom sa tasang nasa harapan nito.
Napailing na lamang ako noong makitang kumuha si Von sa pancake na niluto ni mommy. Napangiwi ako at nagsimula ulit maglakad.
"Goodmorning," bati ko sa dalawa. Mabilis silang bumaling sa akin at ngumiti.
"Goodmorning, darling! Maaga pa, ah!" sambit ni mommy at inayos ang uupuan ko. Lumapit ako dito at hinalikan ito sa pisngi. "Maupo ka na, Amari. I'll prepare your drink."
"Thanks, mom," wika ko at naupo sa tabi ni Von. Bumaling ako dito at mabilis na hinalikan ito sa pisngi. "Goodmorning."
"Goodmorning, love," bati nito habang matamang nakatingin sa akin. "You don't looked good. Nakatulog ka ba?" mahinang tanong nito ay hinaplos ang pisngi ko. Marahan akong tumango dito at nginitian ito.
"Here's your hot chocolate, darling!" Mabilis akong napabaling kay mommy at tinanggap ang inihanda niyang hot chocolate. Naupo na rin ito at nagsimula nang kumain.
"You cooked again, mom?" I asked her as I started to drink. Binalingan ko ang pancakes na nasa mesa at napatango na lamang noong makitang mukhang normal naman ito.
"No, darling. Alam kong hindi ka makakakain kung ako ang maghahanda. Von cooked for us."
Napatingin ako kay Von dahil sa narinig. Mataman pa rin itong nakatingin sa akin. Ngumiti ako dito at nagpasalamat.
Matiwasay na natapos ang agahan naming tatlo. Mommy was laughing because of Von's unexpected sense of humor. Nakikinig lamang ako sa kanila at nakikitawa na rin minsan.
Mabilis akong napatingin kay Von noong hawakan nito ang bewang ko habang inilalagay ko ang mga tasang ginamit namin. Kanina lang ay nagpaalam na si mommy na babalik na siya sa kuwarto nila. Kaya naman ay ako na ang nagligpit ng mga ginamit namin.
"Are you okay?" marahang tanong nito at niyakap ako.
"Ayos lang ako," sagot ko at mabilis na naghugas ng kamay. Pinatuyo ko ang kamay ko at hinarap ito. "Thanks for coming here, Von. Thanks for cooking for us," I said then smiled at him.
Humigpit ang yakap ni Von at hindi inalis ang tingin sa akin.
"You know you can always talk to me, Destiny."
Mabilis akong napayuko at yumakap dito. Damn it!
"Love..."
"I'm sorry. Hindi ko lang talaga alam kung paano ihahandle ang ganitong sitwasyon," mahinang sambit ko sa kanya. Naramdaman ko ang labi nito sa ulo ko kaya naman ay mas napahigpit ang yakap ko dito.
"I'm here, Destiny. No need to deal this alone."
"I know. I'm sorry at pinag-alala pa kita."
Akmang magsasalita muli ako noong nakarinig ako ng busina mula sa labas ng mansiyon namin. Mabilis akong humiwalay kay Von at napatingin dito.
"Si daddy," ani ko at nagsimula nang maglakad palabas ng kusina. Ramdam ko ang pagsunod ni Von sa akin ngunit hindi ko na ito binalingan pa. Tumigil ako sa paglalakad noong ilang hakbang na lamang ang layo ko mula sa main door ng mansiyon.
Mayamaya lang ay bumukas na ang pinto at pumasok si daddy. Kita kong natigilan ito nang makita ako.
"Dad," ani ko at nilapitan ito. Mabilis ko itong hinalikan sa pisngi at binati. "Goodmorning po."
"Where's your mom?" tanong nito at hinubad ang coat na suot. Pinagmasdan ko lang ito at hindi nagsalita. "Von, maaga pa, ah. Anong ginagawa mo dito?"
"I cooked Destiny's breakfast, Tito," sagot ni Von na nasa likuran ko na pala.
"That's good. Mauna na ako. I need to work and answer some emails. Excuse me," ani daddy at mabilis na umakyat patungo sa silid nila.
"Hey," ani Von at hinawakan ang kamay ko. "Let them deal with their problem, love. Hayaan mo lang muna sila."
"I can't do that, Von," mahinang sambit ko at hinarap ito. "This is my family we're talking about. Hindi ako puwedeng manatili na lamang at walang gawin."
Von sighed then pull me closer to him. Mabilis niya akong niyakap at hinalikan sa noo ko. He didn't utter a word. Niyakap niya lang ako at alam kong ito ang kailangan ko ngayon mula sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top